Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep 9


Episode 9 – Magic Lotion 

TAHIMIK sa loob ng kuwarto ang TRES Marias. Bawat isa ay tila nakikiramdam sa bawat isa. Si Noorell, nagbabasa ng playboy habang kumakain ng pop corn. Si Sandra, kumakain ng hotdog habang pinagmamasdan ang future boyfriend, at si Sonia naman ay abala sa pagbibilang condom at napkin.

Napatayo si Sonia nang mag-ring ang cellphone niya. Lumabas siya ng kuwarto para salubungin ang bisita – si Ms. Nayat na ipinakilala sa kanya ni Binibining Pompom.


Pagkababa niya ng hagdan naabutan niya ito na tila pinuputakte ng mga kalalakihan. “Amiga!” malanding bati nito sa kanya. Nagulat pa siya nang tanggapin nito ang pera mula sa isang boarder. “Thanks! Bili ka ulit next time ha,” sabi nito sa lalaking kahawig ni Diether Ocampo.

“Ano ‘yan? Alam mo may business akong i-rerecommend sa’yo,” sabi niya sa special guest na siyang ikinatuwa nito.

“Wow! Negosyante ka na rin! Bakit di tayo mag-combine power? Gayahin mo ang business ko, gagayahin ko din ang business mo.”

“Ano ba ang tinitinda mo?”

“Magic lotion,” tugon nito sa kanya habang iniaabot sa isang lalaki ang hawak nitong lotion. “100 pesos lang yan!” sabi nito sa binatang ka look a like ni Dingdong Dantes.

“Lotion?”

“Yes! Pampasigla! Isang pahid tiyak may improvement. Remember! Isang pahid lang per week para di mamaga,” sagot nito habang nagbibigay ng sukli sa mga kalalakihan.

“Wow! I like it! Sure ako mabenta ‘yan dito,” aniya habang hinihila ang kaibigan paakyat ng hagdan.

BUMABA naman si Noorell para tumungo sa labas ng boarding house para magpahangin muna. Naiinis siya sa pagmumukha ni Sandra dahil panay ang halik nito sa picture ni Edyzr. Akma na siyang tatawid ng kalsada nang matanaw niya si Edyzr na papunta sa kinaroroonan niya.

Bumilis ang padyak ng puso niya. Tila nag-slow motion pa ang pagdating ng binata. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya.

“Hi! Saan ang punta?” bati nito sa kanya.

“Bakit sasama ka ba?”

“Kung payag ka bakit hindi?” sagot nito sabay hawak sa umbok ng pantalon. Napalunok ang ating bida. Tumalikod siya para ikubli ang matamis niyang ngiti.

“Ikaw ha! Baka magalit si Sandra? Diba nililigawan mo siya?”

“Bakit magsusumbong ka ba?”

“Diba may safety lock ‘yan?” Napakamot sa ulo ang binata. “Baka di mo mailabas?”

Lumapit ito sa kanya hanggang sa malanghap niya ang pabango nito. “Malaya ang ibon ngayon! Anytime, pwedeng lumipad,” sagot nito na siyang ikinatuwa niya.

Hinila niya ang binata papunta sa likod ng boarding house. Sa loob ng lumang bodega sila pumasok. Binuksan pa niya ang bombilya para magkaroon ng liwanag. Hinalikan siya nito na siyang nagpakilig sa kanya.

Gigil na gigil ang binata!

MULA sa labas ng bodega ay umuusok ang tenga ni Lola Cattling. Saksi siya sa krimen na ginawa ni Noorell. Lumapit siya sa extension wire na kinakabitan ng bombilya ng bodega. Binunot niya ito dahilan para magdilim ang loob ng bodega.

NAPASIGAW si Noorell nang biglang namatay ang ilaw. Bigla siyang napalabas ng bodega dahil sa mga insektong dumadapo sa kanyang katawan. Isa pa labis ang takot niya sa madilim na paligid. “Wait lang! Kukuha lang ako ng flashlight,” mahinang sabi niya sa lalaki na kumakapa sa dilim.

NAGUGULUHAN man ay minabuti ni Edyzr na mamalagi sa loob ng bodega. Natatakot din siyang lumabas dahil baka makita siya ni Sandra. Mayamaya, may lumapit sa kanya na tila uhaw na uhaw na humihimas sa matigas niyang abs.

“Sabi ko na nga ba di ka magtatagal. Babalik ka din agad,” aniya kay Noorell habang yumayakap sa kanya.

AFTER 5 MINS

Nagulat si Edzyr nang biglang umalis ang babae. “Amoy lupa pala ang babaeng ‘yun,” sambit niya sa sarili. Hindi niya akalain na pasas lang ang makakapa niya sa kagandahan ni Noorell.

LUBOS naman ang galak sa puso ni Lola Cattling. Hindi niya mapigilan ang magdasal sa lahat ng Santo. “Iba talaga ang nagagawa kapag madilim ang paligid. Hihihi!”

LUMAKI ang mga mata ni Noorell nang matuklasang iniwan na siya ni Edyzr. Hawak hawak pa niya ang flash light. Sa labis na inis ibinalibag niya ang hawak na flash light saka pumasok sa loob ng bahay.
Halos mabiyak ang puso niya nang matuklasang nasa loob ng kuwarto si Edyzr at kasama nito si Sandra.

LUMAKI ang mga mata ni Sandra nang makita ang half naked na katawan ng lalaki. Nagbara na yata ang lalamunan niya habang tinititigan niya ito.

“Are you ready na?” Napangiti siya sa tanong nito. Mayamaya pa, lumapit ito sa kanya saka hinagkan siya sa labi.

Nalanghap niya ang kakaibang amoy ng hininga nito. Bakit amoy lupa? sabi ng utak niya pero di kayang bigkasin ng bibig niya.

SA loob ng kuwarto naka-smile na nakahiga si Lola Cattling habang iniisip ang first kiss nila ni Edyzr. “Hihihi! Akala niya ako si Noorell! Hihihi! Kawawang Sandra, naunahan ko pa!”

Wagapak! Yucky naman! Ito palang si Macho Papa eh naka halikan na ni Lola Cattling. At itong si Edyzr naman ay nakikipaghalikan ngayon kay Sandra.

Kawawang Sandra dahil sa nangyari para na siyang nakipaghalikan kay Lola Cattling.

Na get’s n’yo?

Abangan pa ang susunod na kabanata.


14 comments:

  1. Baka maging book na rin etong post na eto one day , kasi ikasiyam na kabanata na:)
    You are very talented !
    By the way, how old is your mother? Magkaedad ba kami?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po! baka hindi maging book to hehehe.... iba kasi ung gusto kong isa book... sana matupad po...

      Touch naman ako.... pero sa akin... kayo po kasi dami nyong nagagawa.... galing nyo pa gumawa ng mga home made cards ^_^

      May edad na mother ko.. late na kasi ako ipinanganak... nasa 61 na siya... senior citizen na po....

      Sana nga makilala nyo ang isat isa... ^_^

      Delete
  2. Hi again my faithful na tagabasa ng post ko kahit na it was written many months ago. Yes, para talaga akong cinderela na nakahanap ng prince:) God's gift to me after living with my ex who mistreated and cheated me, a person whom I though would help me to survive in this cruel world.But, he was a mistake. I was totally a mess when I came to norway, trying to support my children, being away from them. BUt, like I said: things changes for someone who finds GOd.Now I am a blessed woman:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakabilib nga po... kasi nalampasan nyo na mga pagsubok... at ngayon blessed woman na po kayo...at happy na sa prince charming nyo... mother ko nga po... byuda na... na miss ko na siya...

      Delete
    2. Well 61 lang pala mother mo. Mother ko 74 na. Pero member ng senior group sa lugsr nila at may mga different activites din:)
      I am sure mother mo ay marami din kuwento na very touching. She is lucky though having you.

      Delete
  3. nice one. akala ko tungkol to sa kalandian lang. haha

    ReplyDelete
  4. Hahaha diyos ko naloka ako sa harot at komedya nitong akda mo sir magbaback read pa ako sa mga naunang episodes, exciting!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe thanks Gracie... happy ako na nagustuhan mo.... sana mabasa mo ibang episodes....

      kaw din... sulat lang nang sulat ^_^

      Delete
  5. ahaha, ang kulet ni Lola Cattling, may asim pa :D

    ReplyDelete
  6. hahaha, panalo talaga si lola Cattling! Pahabain mo pa buhay nya Sir! Wag muna sya aatakihin sa puso haha

    ReplyDelete
  7. haha hap na lola yan late bloomer ata haha tindi kawawa naman si guy haha peo di nya ramdam ang pagkakaiba haha pag "L" ka ng naman haha

    ReplyDelete
  8. Si Lola cattling ang bida ko dito sa kwento mo. haha. Daming kalokohan. Nakahalik pa ng machong papa.lol Haba na pala neto pwede nang gawing libro. :)

    ReplyDelete
  9. daig pa nito ang fifty shades sa hmmm rate churva nya. hahaha pang lola kasi ang level, yung fifty shades pang mommy porn lang yun

    ReplyDelete