Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep 6


Episode 6 – Chilli Flavor, masarap ba?

KUMALAT na ang virus sa loob ng TRE’s Boarding House, kung saan kumakati ang mga itlog ng mga boys. Lingid pa rin sa kanilang knowledge ang kababalaghang ginagawa ni Sandra – ang pagpahid ng siling labuyo sa mga brief nito.
Biglang napasigaw si Mister Xehan nang matuklasang naubos ang isang basket ng siling labuyo. Magluluto pa naman sana siya ng sisig na ipapakain niya kay Lola Cattling. “Ang bilis naman!” aniya habang dinudukot ang itlog. “Ouch! Ang kati ng itlog!”



Tumungo siya sa kuwarto ng dalawang matanda subalit naka-lock ang pinto. Idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto para marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Sige malapit na,” sabi ng matandang lalaki.
“Anong malapit na? Di pa nga tumatayo. Teka! Hahawakan ko na,” sagot naman ni Lola Cattling. “Hihihihi! Tumatayo na!”
“Sige na lumuhod ka na!” utos ng lalaki sa babae.
Tumaas ang blood pressure niya kaya agad niyang itinulak ang pinto. Halos ma-shock ang dalawang matanda sa opening entrance na ginawa niya. Nakaluhod si Lola Cattling habang hawak hawak ang kandila.
“Ano ka ba? Nagdadasal kami!” Bigla siyang napahiya sa kanyang sarili nang matuklasang nagdadasal lamang ang dalawa sa harap ng altar. Pinapatayo nito ang kandila –
“Akala ko kung ano na ang ginagawa n’yo,” aniya saka lumabas ng silid.
BAKAS sa mukha ni Sonia ang pagka-inip habang hinihintay ang kaibigan. Nasa labas siyang boarding house habang nakasuot ng mahabang palda. Ayon sa kaibigan, may other income itong ibibigay sa kanya.
Bigla siyang napasigaw nang may sumampal sa matambok niyang puwetan. “Loka! I’m here na!” malanding wika ni Chie Chiong, ang matalik na kaibigan na kamukha ni Jacky Chan.
“Mare!” sigaw niya sabay beso beso sa matalik niyang kaibigan. “Tagal nating di nagkita! Balita ko nagpadagdag ka ng boobs,” dugtong niya na siyang ikinagulat nito.
“Bruha! Paano mo nalaman? Hmmm! Mare, silent ka lang. Nakakahiya sa mga boys dito.” Pinapasok niya ito. At katulad nang inaasahan niya humaba na naman ang mga leeg ng mga boys. “Hi! Guys!” bati nito sa grupo ng mga boys na tila asong naglalaway.
“Naku! Huwag mo na silang pansinin.” Hinawakan niya sa kamay ang kaibigan saka sabay silang umakyat ng hagdan.
“Ang cute ng isang guy! Kamukha ni John Lloyd Cruz,” malanding sambit nito habang umaakyat ng hagdan. Bigla na lang siyang natawa nang maalala ang injured bird ng binata.
 Pagkapasok sa loob ng kuwarto agad niya itong pinaupo sa kama. “Ang ganda naman ng place mo,” wika nito habang pinagmamasdan ang loob ng kuwarto niya. “Nasaan ang mga kasama mo?”
“Hay! Baka naghahanap ng bagong biktima,” tugon niya habang inaayos ang unan. “Uy, ano ba ung extra income na sinasabi mo?” Tumayo ito saka umikot pa ng tatlong beses. Pagkaharap sa kanya, iniliyad pa nito ang dibdib sa kanyang mukha.
“Ay! Ayaw kong magpadagdag, mare!”
“Bruha! Hindi ito ang tinutukoy ko.” Kinuha nito ang bag saka inilabas ang mga fliers. “Magaling ka naman sa sales diba?”
“Hmm! Alam ko na ‘yan! Parang networking  o direct selling ba ‘yan?” Napangiti ito bilang pangsang-ayon sa kanya. “Ahhh! Herbal medicine?”
“Hinde!”
“Mobile Business?”
“No!”
“Eh, ano?”
“Condom Business Mare!” Nabulunan siya dahilan para malunok niya ang chewing gum. Nasaklot pa niya ang kanyang dibdib. “Ito ang maganda! Mas maraming condom na maibenta mas malaki ang kikitain mo.”
“Talaga?”
“Oo! Ito pa! Nakatulong ka na sa pag-control ng population, kumita ka pa!” pagmamalaki nito sa kanya.
“Hindi ba mahirap magbenta?”
“Naku! Hindi ka mahihirapan kasi marami tayong flavors. May lemon, strawberry, apple, grapes, at ito ang latest.” Mula sa bulsa dinukot nito ang isang condom. “Ang pinaka latest, chilli flavor!” Napa-ubo siya sa sinabi nito.
“Chilli?” Bigla niyang naalala ang kababalaghang ginawa ni Sandra sa mga brief ng mga boys. “Baka naman mangati ang mga angry birds ‘yan?”
“No!” Humarap ito sa salamin saka umikot na tila modelo ng isang napkin. “Chilli! Ibig sabihin mas mainit. Umaapoy ang pakiramdam nila kapag suot suot nila ang condom. At sa babae, mararamdaman niya ang satisfaction!”
“Ganun?” Lumaki ang mata ng ating bida nang buksan ng kaibigan ang isang condom. Halos mapalunok siya sa nakita. “Ang laki naman ‘yan?”
“Syempre may XXL tayo! Mare, huwag kang mag-alala dahil may free seminar tayo. Nagdedemo din ako kung paano ang tamang pagsusuot ng condom.”
Napanganga siya sa narinig. Imagine may free demonstration!
NAKARATING kay Lola Cattling ang Condom Business. Labis niyang ikinatuwa nang malamang sa gym gaganapin ang seminar. Masakit man ang baywang ay minabuti niyang mauna sa venue. Subalit, labis ang kanyang pagka-shock nang matuklasang puno na ang loob ng gym.
“Mga kaibigan! Sino po ang gustong sumubok sa tamang pagsusuot ng condom,” malakas na sigaw ni Chie Chiong habang pinapahubad ang isang modelo ng condom.
“Teka! Teka! A-ako na! Ako na ang magpapasuot sa kanya,” malakas na sigaw ni Lola Cattling habang lumalapit sa modelo ng condom. Napanganga siya nang biglang naghubad ito sa kanyang harapan. “D-diyos ko! Ang puso ko! Ang puso ko!” sambit niya habang hinahabol ang paghinga.
LABIS naman ang pagkabahala ni Mister Xehan habang isinusugod sa ospital ang maharot na matanda. Pagdating sa emergency room, nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang kanang kamay niya.
“Apo ko, ang T-Back ko nakalimutan ko!” Napangiti naman si Lolo Ico sa natuklasan. Gumapang ang kamay nito saka kinurot ang singit ng matanda.
Homaygulay! Wala palang panty itong si Lola! Huwag sanang pumasok ang mga surot na kanina pa namumugad sa kamang kinahihigaan. At itong si lolo, ano kaya ang pumapasok sa nakakalbong ulo?
Abangan pa ang susunod na kaganapan!

10 comments:

  1. hahah ang kulet may demo pa sa pag suot ng condom hap na yan

    ReplyDelete
  2. HAHA CHILI AMPUTEK! kung magtitinda ng mga condom, bakit kelangan magdemo kung pano isuot? meaning pag nagtinda sila ipapakita ng mga nagtitinda sa binebentahan nila? hihihihi! ang pilyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe para mataas ang sales... kailangang mag demo... dapat dun sa may abs hahaha

      Thanks sa pagbasa ^_^

      Delete
  3. Pak! Isang sampal sa matambok na pwetan. Lol. Ang harot talaga nila lola't lolo. bago yang chilli flavor na yan ah. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan ang latest tol... astig na flavor hehehe

      Delete
  4. Нurrah! Αftег аll I gοt a ωebpаgе from where Ӏ can rеally
    οbtain helpful ԁata сoncernіng mу studу and knοwleԁge.
    Here is my web blog :: how to stop snoring

    ReplyDelete
  5. Fantаѕtiс bеat ! I ωould like to
    apрrentiсe whilе yοu amenԁ уour ωеb ѕite, how could
    i subscribe for a blog ѕite? Thе account helped me a
    аcceptable dеal. Ӏ haԁ bеen a lіttle bit acquainted of
    this yоur broadcаst offered bright clear сoncept
    my web page :: payday

    ReplyDelete
  6. Everythіng is νery oрen with a precise dеѕcгiptiοn of
    the challenges. It was гeally informative.
    Your sitе іs veгy helpful. Τhаnk you for ѕharing!



    Мy wеbρage ... same day payday loans

    ReplyDelete
  7. Its liκe уou reaԁ my mіnd!
    Υоu appear to know a lot about thiѕ, like you
    wгote the book in it oг ѕomething.
    I think that you can do with ѕome pics to drive the mеssage homе a bіt, but οther than
    that, thіs is fantastic blοg. A fantastіc read.
    I will certaіnly be back.

    my ωeb site quick cash loans
    Also see my page - quick cash loans

    ReplyDelete