Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: Harot ep7

Episode 7 – Bandera ng Japan

NAKAKALOKA ang naganap sa nakaraang episode; itong si Sonia naging dealer ng condom, at si Lola Cattling naman ay isinugod sa ospital nang walang panty. Balikan natin ang tagpo sa seminar.
NATIGILAN si Sonia habang pinagmamasdan ang modelo ng condom. Napatingin siya sa abs nito na tila inukit na batu-bato. Agad siyang nagulat nang hilahin siya ng kaibigan- ang kamukha ni Jacky Chan.



“The seminar must go on! Don’t worry isinugod na sa ospital ang matanda.” Napanganga siya nang matuklasang nasa harapan siya ng modelo ng condom. “Go! Girls! Kaya mo ‘yan!” pagsuporta sa kanya ni Chie Chiong.
“Go! Sonia! Go Sonia!” sigaw ng mga boys habang pinapalakpakan siya. Kinuha niya ang condom saka binuksan iyon. Halos mangatog ang tuhod niya habang isinusuot ang condom sa maskuladong lalaki.
“Dahan dahan lang ang hawak baka manuklaw,” wika ng binata sa kanya. Napalunok siya. First time in her life na nakahawak siya ng nota.
Hindi lang niya nakikita! Nahahawakan pa niya!
Tumayo siya hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin. Bumilis ang tibok ng kanyang puso niya.
 Can this be love?
Tila tinambol ang puso niya habang nakatitig sa maamong mukha ng lalaki. Eye to eye ang drama nilang dalawa. Bigla siyang natigilan nang magsigawan ang mga boys sa loob ng gym. At halos mapasigaw siya nang matuklasang hawak hawak pa rin niya ang nota ng binata.
OMG! Kakaloka!
Bigla siyang tumalikod saka mabilis na tumakbo paakyat ng second floor. Nakalimutan niya na isa pala siyang babaeng Pilipina. Napahiga siya saka kama saka tumili nang tumili. Ang gwapo niya! aniya sa sarili habang niyayakap ang unan.
Samantala, nakalabas na ng ospital si Lola Cattling. Dumaan pa sila ng SM City para bumili ng T-back. Hindi naman maalis ang inis sa mukha ni Mister Xehan. Paano ba naman, siya ang nagbayad sa 1000 PHP na T-back ng matandang hukluban.
“Grabe! Ginto ang price ng panty!” parinig niya sa matanda. Tumawa lamang ito habang nakayakap kay Lolo Ico. Ilang saglit pa, napatalon ito sa sobrang tuwa nang may nakasalubong silang isang babae – naka mini skirt ito na bumagay sa magandang hubog ng katawan nito.
“Perfect,” sambit ni Lolo Ico habang himas himas ang bukol ng pantalon nito. Nakatitig ito sa cleavage ng magandang binibini.
“Lola Cattling, ang ganda ganda n’yo pa rin!” wika nito sabay halik sa inaamag na mukha ng matanda. “Xehan, ang taba taba mo na!” dugtong nito sabay beso beso rito.
“Ang ganda mo pa rin Jenn Quiobe,” sambit ni Lolo Ico habang nakatingin sa boobs nito. Napansin ito ng asawa kaya isang batok ang natanggap nito. Ang problema, sa lakas ng pagkakabatok nito ay tumilapon ang ngipin nito sa cleavage ng dalaga.
Shoot sa loob ng blouse!
Bigla namang napasigaw ang dalaga nang tumilapon ang pustiso ng matanda sa cleavage niya. Akma itong kukunin ng dalaga nang pinigilan ito ni Lolo Ico. “Ako na kukuha sa loob ng bra mo,” wika nito habang naglalaway.
Wapak na Wapak!
TAGUMPAY ang condom business ni Sonia. Sa tulong ng kaibigan na si Chie Chiong ay lumawak ang kanyang knowledge – sa history ng condom.
Bigla siyang napangiti nang maalala ang kagwapuhan ng modelo. “Ang gwapo niya,” aniya habang niyayakap ang unan. Mayamaya, inilagay niya ang unan sa pagitan ng kanyang mga hita. “Kung siya lang ang mag-haharvest ng petchay ko,” aniya saka napapikit siya na tila kinikilig. “Ibibigay ko,” dugtong niya habang nangangarap ng gising.
Napatayo siya nang may kumatok sa pinto. Agad niya itong binuksan sa pag-aakalang dumating na sina Noorell at Sandra na tila nawala sa eksena. Umasim ang mukha niya nang makitang si Mateo ang kumakatok sa pinto.
“Sonia, pabili naman ng condom.” Umupo pa ito saka ngumiti sa kanya. “Ung extra large ha.” Lumaki ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang isang condom saka iniabot sa binata. “Ha? Bakit small? Sige na nga,” wika nito sabay abot ng bayad.
“Kakaloka! Kung di ko lang nakita maniniwala ako na extra large. Excuse me! Small lang kaya,” aniya sa sarili habang iniisip ang unang araw na nabosohan niya ang binata. Bigla siyang napatili nang bumukas ang pinto.
“Amiga! Musta na ang reyna ng mga condom,” biro sa kanya ni Noorell na kadarating lamang. “O, balita ko nakakarami ka na ng benta,” dugtong nito.
“Yes! Naku! Sayang wala ka kagabi dahil ang guwapo ng model ng condom. Take note! Ako pa ang nagsuot ng condom.”
HINDI napigilan ni Noorell ang mapahagikgik sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya inaasahan na magagawa nito ang humawak ng nota sa harap ng maraming tao. “Malaki ba?” tanong niya sa dalaga na siyang nagpakilig dito.
“Dalawang dangkal!” malanding sambit nito na siyang nagpataas ng sugar niya sa katawan.
Bigla siyang na-curious kung sino ang model ng Condom. Lumabas siya saka nagpahangin sa terrace. Paglingon niya nakita niya si Lolo Icon a may kausap na isang babaeng maganda. “Jenn?” tanong niya sa sarili habang kinikilala ito.
Lumapit siya hanggang sa nakilala siya ng kaibigan. “Amiga! May bilbil ka na!” bati nito sa kanya. “Tagal nating di nagkita,” dugtong nito sabay beso beso sa kanya.
“Loka! Hindi ‘yan bilbil! Ito sexy pa rin ako. Ba’t ngayon ka lang nakabisita dito. Miss ka na ng dalawang matanda.” Bigla siyang nagulat nang tumayo si Lolo Ico saka isang matalim na titig ang ipinukol nito sa kanya.
“Ano ka ba? Moment naming dalawa ito?” Napataas ang kilay niya. Bigla niyang naalala ang lihim na pag-ibig ni Lolo Ico sa dating boardmate. At lingid iyon kay Lola Cattling na walang ka-alam alam na humaharot ang asawa niya sa magandang binibini.
“Kakaloka! Sige Jenn, labas muna ako!”
Lumabas siya saka nagpara ng jeep. Gusto niyang pumunta ng SM para bumili ng napkin. Pagka-upo niya sa jeep ay halos malaglag ang panty niya nang mahagip ng paningin niya ang isang lalaki – naka sando ito kaya labas ang masel nito sa katawan.
Natuwa siya nang bumaba ang ilang pasahero. Umusog ito ng upo hanggang sa tumapat ito sa kinauupuan niya. Napatingin ito sa kanya kaya ibinuka niya ang kanyang mga hita. Ngumiti pa siya na tila nang-aakit.
“Miss busy ka ba?”
“Ha? Ako? Hindi naman,” sagot niya sa lalaki. Bumilis ang tibok ng puso niya. At lalo pa siyang kinilig nang tumabi ito sa kanya.
“Miss, may offer sana ako sa’yo. Condom Business.” Napanganga siya sa sinabi nito. “Kung di mo naitatanong model ako ng condom,” dugtong nito na siyang nagpalaglag sa panga niya.
“Sure! May free demonstration ba?” Napangiti na lamang ang lalaki sa sinabi niya. Mayamaya pa, niyaya siya nitong magkape sa bangketa. Bumaba sila ng jeep saka naglakad para maghanap ng mabibilhan.
Halos mapakunot ang noo niya nang mapansing maraming aso ang sumusunod sa kanila. Inaamoy pa siya na tila natatakam. Bigla siyang natigilan.
Patay! Nakalimutan niyang bumili ng napkin!
Bigla siyang napasigaw nang tumahol ang isang asong ulol na nasa likuran lamang niya. Kinilabutan siya nang mapansing nakatingin ito sa puwetan niya na tila may flag ng Japan. Umatras siya nang mapansing lumalapit ito sa kanya na tila handang sumakmal sa kanya.
Takbo! Noorell! Takbo!
Tumakbo ang ating bida para iligtas ang bandera ng Japan!
Lesson: Huwag magsusuot ng white mini skirt kung ayaw mong magkaroon  ng bandera ng Japan. Bumili ng napkin kung kinakailangan!

10 comments:

  1. Oh pass muna ako dito ha. Di akma basahin ni lola to kasi baka ano ma feel ni lola, eh wala si lolo dito. Hi hi

    ReplyDelete
  2. Sexy comedy nga... Story ba to ni lola Cattling? Haha... Kailangan ko balikan previous eps!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uo kwento din ni Lola Cattling yan hehehe thanks sa pagbasa....

      Delete
  3. ahaha patok pala business ng condom eeh haha lakas loob nung model ha dame ko twa lage sa matatanda

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe basta condom always patok hehehe thanks ^___^

      Delete
  4. Bandera ng japan talaga? Nagform ng circle? lol. Nakakaloka ang imahinasyon mo ser. At may international star na.

    ReplyDelete
  5. Exciting 'to, kaso hindi ko nasimulan. Back reading :)

    ReplyDelete