Bata pa lamang ako mahilig na akong manood ng mga tagalog movies. Madalas si yaya ang kasama ko -- naalala ko pa ang mga pelikula nina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner ang pinapanood namin.
Laki sa yaya kasi ako noong bata pa lamang ako. Tuwing sabado, schedule namin para manood ng mga pelikula. Syempre kung ano gusto ni yaya un ang pinapanood namin.
Hanggang sa lumaki ako. Nakahiligan ko na ang manood ng mga pinoy movies. Kahit lumang pelikula nina FPJ, Dolphy, Vilma Santos o Nora Aunor eh pinapanood ko sa Cable.
Kaya nga napanood ko na rin ang Himala, Darna ni Ate Vi, at Panday movies ni FPJ etc... etc... etc...
o sa madaling salita mas na-aapreciate ko ang pinoy movies kaysa sa mga english movies. Ung Titanic nga after 10 years ko pa napanood.
At isang english movies lang ung masasabi kong favorite ko -- ung KINGKONG
Hangganda kasi! Naka-relate ako kasi feeling ko ako si Kingkong hehehe! Saka nakaka-iyak ang ending.
Ilang beses ko nga inulit ang movie na yan!
At dahil mahilig akong manood ng mga pinoy movies eh hindi ko pinapalampas ang MMFF. Kadalasan four movies ang pinapanood ko. At ung iba sa pirated ko na pinapanood hehehe!
At dahil walang sinihan dito eh ung mga movie trailler na lang ang di ko pinalampas. Narito ang mga pelikulang kalahok sa nalalapit na MMFF 2012.
Kung nasa Pinas ako --- ito ang mga movie na uunahin kong panoorin.
Sisteraka (Star Cinema and Viva Films)
Starring Vice Ganda, AiAi delas Alas and Kris Aquino
Ito ang first choice kong panoorin. Para sa akin isang malaking pelikula ito kasi pinagsama ang tatlong bigating artista. Napanood ko na rin ang lahat ng pelikula ni Ai Ai, Kris, at ni Petrang Kabayo. Isa pa alam kong magaling ang direktor ng pelikula.
Gusto kong maging masaya sa Pasko kaya gusto ko ang temang Comedy. Un bang malalaglag ang panga ko sa kakatawa.
Sa trailler, litaw ang galing ni Tanging Ina. Natawa ako lalo pa ung eksena na ginaya niya si Amalayer. Hindi rin nagpatalo si Vice kasi natawa din ako sa mga eksena niya. Idol ko si Kris sa mga Horror Movies niya pero naaliw din ako sa kanya sa pelikulang ito. Base sa trailler na napanood ko. Mukhang Box Office ito!
Nahuhulaan ko na!
One More Try (Star Cinema)
Starring Dingdong Dantes, Zanjoe Marrudo, Angel Locsin and Angelica Panganiban
Napa-wow ako nang mapanood ko ang trailler. Bilang isang writer (o mahilig magsulat) na-appreciate ko ang theme o ung takbo ng story. Una kong hinangaan ung nagsulat ng story. Para sa akin maganda ang takbo ng kwento.
Tumatak sa isip ko ung sinabi ni Angel --- "Kahit isang gabi lang pahiram ng asawa mo."
Una, maganda ang mga lines na ginamit lalo na ang takbo ng kwento.
Pangalawa, magaling ang mga artista.
Pangatlo, maganda ang pagkakagawa sa trailler hehehe! o ung cinematography yata ang tawag dun.
Kung mahilig ka sa love story sure akong magugustuhan mo ang pelikulang ito. Isa pa tatak Star Cinema ito!
The Strangers (Quantum Films)
Starring Enrique Gil, Enchong Dee, JM de Guzman and Julia Montes
Mahilig ako sa horror stories kaya sure akong di ko ito palalampasin kung nasa Pinas lamang ako. Aaminin ko, base sa trailler mas nagustuhan ko ito kaysa sa Shake rattle and Roll. Isa pa, mas gusto ko ung isang kwento lang.
Okay din ang mga special effects na nakita ko sa trailler.
The Womb (Center Stage Productions and Solar Entertainment)
Starring Nora Aunor, Bembol Rocco and Lovi Poe
Ang pagbabalik ng Super Star. Panonoorin ko kasi gusto kong makita ung galing ni Nora Aunor saka gusto kong malaman kong bakit ito nabigyan ng mga pangaral.
Gusto kong malaman kung gaano kaganda ang story. Sure na ako kung sino mananalo ng Best Actress Award ---
Shake, Rattle and Roll 14 (Regal Entertainment Inc.)
Starring Vhong Navarro, Dennis Trillo, Paulo Avelino, Herbert Bautista, Lovi Poe and Janice de Belen.
Favorite ko ang Shake Rattle and Roll noon lalo na nung panahon pa nila Manilyn Reynes at Aiza .... kaya lang habang tumatagal parang nakukulangan na ako. Minsan nabibitin ako sa mga kwento o ung takot factor.
Maganda ung trailler pero parang nakulangan ako. Pero wag natin i-judge kasi trailler pa lang ito. Hindi pa naman ako totally binigo ng Shake Rattle and Roll. (sa tatlong kwento, may isa o dalawa akong nagugustuhan.)
Pero sure ako panonoorin ko ito kung nasa Pinas ako. Aabangan ko din ito sa mga online movies hehehe! para mapanood ko dito sa KSA.
Si Agimat; Si Enteng Kabisote at Ako (OctoArts Films, M-Zet Productions, Imus Productions, APT Ent., GMA Films)
Starring Vic Sotto, Bong Revilla and Judy Ann Santos
Favorite ng mga bata. Malaking pelikula kasi pinagsama din ang tatlong malalaking artista. Panonorin ko kasi idol ko din naman sina Jose and Wally. Cute din si Ryzza. Isa pa, may napatunayan na rin sila bosing at agimat.
Alam kong magugustuhan ito ng mga bata pero ang totoo, base sa trailler parang di ganun nakuha ang interest ko.
Alam ko naman na maganda pero para di ko ganun nagustuhan -- personal opinion ko lang naman iyon.
Mas gusto ko pa si Judy Ann sa Kasal Kasal Movie niya!
Mas gusto ko pa si Agimat kung seryoso o walang komedya.
Ang totoo, sure din ako na box office ito! Matutuwa mga bata sa mga special effect at pagkaka-comedy.
El Presidente (Cinema Concept International Inc.)
Starring E.R. Ejercito and Cristine Reyes and more…
Ang galing ni Pareng Cezar! Naalala ko tuloy ang MuroAmi at Jose Rizal. Nagandahan din ako sa Trailler at sure ako na isa itong magandang pelikula.
Mukhang pinaghirapan ang bawat eksena at ginastusan. Un bang may kaledad! Un nga lang sure ako na hindi ito ang una kong panonoorin.
Siguro dahil mas gusto ko ang mga unang nabanggit ko. Isa pa pala, sure ako na dito manggaling ang best actor award.
Sana tama ang hula ko!
Sossy Problems (GMA Films)
Starring Roderick Paulate, Mikael Daez, Aljur Abrenica, Robert Arevalo, Solenn Heussaff, Maxene Magalona, Isabelle Daza and Bianca King
Gusto ko ang Comedy pero ito na ang last choice ko. Mukhang maganda naman kaya lang mas nagustuhan ko ang ibang entries.
un lang un! hehehe!
Kayo, ano ba ang mas nagutuhan nyo? Ano ang masasabi nyo sa mga entries?
Videos From Youtube
Para sa akin, magiging mabenta dyan yung Sisterakas.. alam naman natin na nandun ang tatlong mga nag box office ang pelikula. Andyan pati si Vice Ganda na bentang benta ang patawa sa ating lahat.
ReplyDeleteKung award naman, sa Thy Womb or El Presidente. Pero mas panunuorin ko ang El Presidente.
Sa "Si Agimat; Si Enteng Kabisote at Ako" parang paulit ulit na lang, wala bang bago?
Shake Rattle and Roll, fan ako mula pa noon bata pa ako :D
yup tama ka diyan pre... nagsama sama mga box office queen hehehe....
Deletesana mapanood ko ito online ....
thanks
Natawa ko sa sisterakas. :) Hindi ko mahilig manuod ng mga pinoy movies sa sinehan, maliban pag comedy. Yung mga drama, hindi. Para sakin e predictable. Siguro kung may papanoorin ako sa MMFF, yan yun^^ Si Kris Aquino nag comedy na din sya dati, sa Pido Dida, at nakakatawa din naman kaya namiss ko sya magcomedy.
ReplyDeleteAt ang gogondo ng mga gorls sa sosyprobs. HAHAH! :)
*trailer
di ko yata naabutan ang pido dida hahaha lol.... bata pa ako nun hehehe
Deleteyup magaling din sa Kriz sa comedy... nakakatawa din...
lols. nakakarelate ako kse mahilig din ako sa pinoy movies. lagi kung kasama ung katulong namin manood ng cinema1. lols. ung pelikula ni ai ai papanoorin ko tlaga yan. walang pinapalampas ako nyan every year pag may tang ina na movie sya. lols. damo gid nga salamat sa trailer pre.
ReplyDeletesayang nga ung lumaki ako wala na akong yaya... sana kasama ko pa rin kapag nanunod hehehe...
Deleteokay yan kasi kasama mo katulong nyo hehehe
Parang ang ganda nga nun Sisterakas! Nakakatawa yun tatlo.. Naaliw din ako dun sa pick-up line nun batang lalaki! Napanuod ko na rin yun One More Try Trailer, ang gagaling nga nina Angelica at Angel, galing nila umacting! Naguluhan lang ako dun sa dapat magkaroon ulet ng anak sina Angel at Dingdong para kukunan ng bone marrow para sa batang maysakit, ganun ba sa totoong buhay? Ayoko ng horror, hehe.. Si Mama baka gusto mapanuod si Nora, sobrang idol nya yun e! Natawa nga ako kasi may scrapbook siya ni Nora dati, haha..
ReplyDeleteMay yaya ka dati?? Sosyal! Lol.
Ay may dugong Noranian ka pala Marj Joanne. lol. Manood ka narin baka marealize mo na Noranian ka talaga. dyuk!
DeleteHahaha.. hindi, ayoko kay Nora.. Vilma-nian ako, dyuk din!
DeleteNatawa naman ako diyan hahaha uo nga Jo... watch ka baka marealize mo na noranian ka pala hehehe...
Deleteuo may yaya ako noon hehehe laki sa yaya lang hahaha....
Deleteyup ganun yata,,, need magkaanak ulit....
^__^ keep smilling ^^
sisterakas.. siguro mag no. 1.. award na talaga yung trailler palag eh.. saka yung one more try.. kakaibang story kasi.
ReplyDelete''pahiram naman ng asawa mo kahit isang gabi lang''- tama ba?? o diba winner din.. .
panalo ang dialogue no? hehehe.... parang ganyan ang sinabi hehehe
Deleteganda ng story... sana hindi lang sa trailler..
Noranian, Vilmanian, Sharonian <--- Saan ka dyan ser? dyuk. hehe
ReplyDeleteSyak! Isa eto sa mamimiss ko ngayong taon. Gusto ko yung sisterakas at Sossy Problems. Lakas makagoodvibes. Pati na rin yung One more try. Ganda ng mga trailer ah :)
Si Nora aunor ang aasahan best actress dyan!
claudinian ako hahaha! Lol!
Deleteganda nga ng sisterakas... panalo!
uo sure na un.... pero malay mo si vice ganda manalo hehehe
fan ako ng shake rattle and roll pero nitong huli hindi ko gusto yung mga story di katulad dati.. 4 talaga pinapanood mo?hehe..ako hanggang 2 lang..
ReplyDeletekaya this year ang papanoorin ko eh yung sisterakas at one more try.. though parang walang chemistry ang magkakapartner sa one more try..panonoorin ko kasi maganda at interesting yung story..
yup tama ka... habang tumatagal parang di na ganun kaganda.... di tulad nung time nila manilyn at aiza hehehe
Deleteyup.. at sino kaya ang ka date? hehehe
sisteraka palagay ko epic yan trailer pa lang natatwa na ko haha
ReplyDeleteone more try - maganda yung plot nyan at magaling ang star cinema sa ganayna
the strangers- ewan ko bakit madame horror pag mmff
Thy womb- want ko yan galing ni nora umarte eeh
shake rattle and roll- kala ko ba last na yun nakaraan haha ewan ko mas gusto ko dati
si agimat si enteng at si ako- madame manunuod nito dhil kay ryza hahah
El presidente- angas neto haha bihira na gumagawa neto eeh
sossy prob- ehh mukang ok naman magaganda sila kaso parang sex in the city lang ata yan
astig nga pre hehehe sana mapanood ko lahat sa online hehehe la kasi sinehan dito...
Deleteayon... mayroon na akong idea ng mga panonoorin ko this Dec... thank you so much sa mga suggestions mo..
ReplyDeleteparang bet ko nga yung sisterakas...
:)
sana mapanood mo hehehe.... sino kaya ang ka date hehehe....
Deletemaganda talaga ung sisterakas...
Sisterakas din ang bet ko jan hahaha :D sa trailer pa lang tawang tawa na ako! grabe ung team nila Vice Ganda, Ai Ai at Kris :)
ReplyDeleteSecond choice ko ang Shake Rattle and Roll 14. Gusto ko din ng mga horror movies :)
uo nga trailler pa lang panalo na....
Deletena miss ko na nga sinehan hehehe
Sisteraka ang bet ko, syempre maganda ag genre ng komedi. Mas masayang salubungin ang Pasko ng masaya ang pinapanood para nasasagap at naiinternalyz mo ang good baybs :)
ReplyDeleteyup tama... dagdag sa good baybs... thanks pre ^^
DeleteApir!
Deleteay grabeh! hehehe. nanuod kami ng mga office-mates ko sa mga mvie Trailer na nilagay mo. gusto ko panoorin lahat liban don sa movie nila enteng. nakakasawa na kasi yung jokes nila
ReplyDeletePhioxee pala to. naka log in kasi tong Niwniw na friend ko dito sa gmail. kainis. na post na pala comment ko.
DeleteHello Phioxee kala ko kung sino si niwniw hehehe...
Deleteganda nga ng mga movies... sana mapanood ko lahat kahit sa online lang....
Naa-alala ko na tuwing pasko nitong mga nakaraang 10 taon, halos lahat ng entries pinapanood namin ng mga barkada ko. Meron pa ngang promo eh. Mahilig ako sa comedy kaya kung may chance na makapanood, ang Sisterakas ang papanuurin ko. Stress-reliever ko ang comedy eh hehehe
ReplyDeleteyup tama nakaka tanggal ng stress pag comedy... kaya un din like kong panoorin....
DeleteActually, sori sa mga kababayan, pero since na napunta ako dito, Naapektuhan na yata ako ng lamig st katahimikan at di ko nanonod ng philippine movies kasi ayaw ko mga strory yong may inaapi, or sigawan sa mga films which is normal sa pelikulang pinoy. Or like ng sinasabi na uso na nga ang mga kabit or other woman or pangangaliwa sa pelikula.
ReplyDeleteBut , Im proud to be a filipino. Tatak pinoy, masipag at matulungin at magalang.
But happy watching jondmur. Maybe paguwi ko , i will go to the cinema and watch pinoy movies. Pero, it must be comedian, dahil gusto ko rin tumawa:)
hello po ^^ sige po try nyo po watch ng movies pag uwi nyoo.. sana nasa pinas na rin ako para malibre nyo ako hehehe
DeleteHugs ^^
El Presidente at Sisterakas ang gusto kong panuorin. Uso na talaga ang kabit sa mga pinoy love stories ngayon. Haha. Sa horror movies naman, sana maglevel up ang mga ginagawa nila, tanggalan na nila ng comic scenes.
ReplyDeletemukhang sisterakas nga ang magiging number one... un din pansin ko dami nang kabit story maging sa mga teleserye hehehe
DeleteSa El presidente lang ako interesado. Hindi pala kasama mo andress bonifacio ni Alfred ba yun?
ReplyDeleteWho ever wrote this blog has no taste at all! Well it just proves dahil Laki sa mga yaya , walang class at breeding! No culture! Sayang ka!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
Deletethanks for your kind greeting
ReplyDeleteThe Girl with the Muji Hat
What really got me interested is Sisterakas, Thy Womb, and El Presidente.
ReplyDeleteButi na lang at medyo umangat na ang film industry natin. Umangat ha, hindi umabante. I remember in the 90's, puro mga bomba movies na may mga title na may kinalaman sa prutas, gulay at kabayo, at mga nasa ilalim ng category ng 'DRAMA', when they're really softcore porn.
Ayoko naman tigbakin ang sariling product ng industry natin pero, we could do more and there are a lot of potential stories out there and bright minds AND REAL ACTORS AND ACTRESSES. Ang problema eh we keep on promoting movies with 30 minutes of story and 100 minutes of advertisement, over-rated half-breeds with no real talent, at mga glutamax and botox filled (presumably) artists. Ok naman ang mga comedy movies natin, pero we can't excel just there. Patok na patok ang mga wobbly cameras at ang mga indie movies natin sa labas ng bansa. Not because of the quality, but because of the unique and interesting story. But what if the screenplays are adapted for real quality filming at hindi yung mga pelikula ng mga philandering wives at husbands? Di ba, eh di ang ganda!
Sorry, kung napaka negative ko, but I think we should maximize our potentials and the potentials of the industry.
Gusto ko yang sisteraka! Yan ang papanoorin ko! Gusto ko sumakit ang tyan sa kakatawa. hehe!
ReplyDeleteMahilig ako sa horror... baka ang panoorin ko ay Strangers... but not Shake Rattle and Roll, ewan ko ba, parang mas maganda pa rin yong mga naunang SRR
ReplyDeletemabuhay ang pelikulang pilipino....
ReplyDeletetama ka Arvin! mabuhay ang pelikulang Pilipino!
ReplyDeleteat mabuhay ang may akda ng blog na eto dahil sya'y isang tunay na magaling na blogista. In fact kaka-panalo lang nya ng award -
SBA 2012 BlogSikat Ikalawang Karangalan-Kwentong Pambata
Keep up the GOOD work bro!
EL Presidente ako sa tingin ko.
ReplyDeleteCongratulations sa pagkapanalo mo bilang blogsikat! Ahehe sensya na at lihis kaagad ang intro ko, anyway antagal kong makapagcomment dito pabalik balik lang ako pero naguiguilty ako kasi wala akong bet panoorin isa sa kanila, bukod sa kulang sa oras ay mahirap maghanap ng online movies na bagong bago tulad nito. Pero minsan nanonood din naman ako ng pelikulang Pinoy, lumaki din kasi akong nanonood ng sine pagsabado with my parents, o kaya sa bahay lang paggabi sama sama kaming nanonood ng pelikula sa tv at vhs.
ReplyDeleteThanks to all lalo na sa mga nag comments ^^ at sa nag congrats sa Toti ^___^ hugs to all!
ReplyDeletegrabe benta kaagad yung AMALAYER!! HAHAHA...XD LOL!! basta ako kapag meron ng downloadable version papanoorin ko lahat ito. HOHOHO...
Delete