Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep11


Chapter 11 – Ang Lihin ng Safety Lock

TATLONG linggo na ang nakakaraan nang masira ang masayang samahan ng TRES Marias; nawala na ang dating closeness, hindi na sila sabay manood ng porn movies, at higit sa lahat hindi na sila sabay kumain ng lollipop.

Tumayo si Sandra saka isang matalim na sulyap ang ipinukol niya sa karibal. Gumanti naman si Noorell na siyang ikinainis niya. “Kala mo kagandahan,” aniya habang bumababa ng hagdan. “Di naman pantay ang boobs,” dugtong niya na may kasamang halakhak.


Kanina pa niya hinihintay si Edyzr, ang lalaking nagpabago sa buhay niya. Naniniwala siya na hindi na siya lolokohin ng binata kaya sinagot na niya ang panliligaw nito. Kaya naman inggit na inggit ang dalawang karibal.  Akma na siyang papasok ng gym nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan – si Noorell. Sinundan pala siya ng bruha!

“Alam ko na masama ang loob mo sa amin.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “Sandra, naisip ko lalaki lang si Edyzr kaya huwag nating itapon ang pinagsamahan natin nang dahil sa kanya.”

“Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi ikaw ang minahal niya? Saka diba, may balak ka lang saktan o lokohin ang mga lalaki mo? Subukan mo lang na saktan ang mahal ko at ako mismo kakalbo sa’yo,” banta niya kay Noorell.

“Oo mahal ko siya! Pero kung ikaw talaga ang mahal niya matatanggap ko.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Sandra, niloloko lang tayo ni Edyzr.”

“Mahal niya ako! Naiinggit ka lang kaya mo ‘yan nasasabi.”

“Kung mahal ka niya, nasaan siya? Di mo ba napapansin na wala rito si Sonia?” segunda nito sa kanya.
Nagulat siya nang biglang sumulpot  si Lola Cattling na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila.“Nakita ko si Sonia malamang pupunta yun sa bahay ni macho papa,” sambit ng matanda habang hawak hawak ang pustiso. “Ang alam ko magkikita sila,” dugtong pa nito habang ipinapasok ang pustiso sa bunganga nito.

Tumaas ang dugo niya kaya hinila niya si Noorell. “Alam ko alam mo kung nasaan ang bahay ni Edyzr? Narinig ko na sinabi mo kay Sonia,” sabi niya kay Noorell. Minsan kasi narinig niya na pinagmalaki nito na nakuha niya ang address ng lalaki. “Samahan mo ako sa kanya,” utos niya rito.

NAPANGITI naman si Noorell. Nakuha niya kasi nang palihim ang calling cards ng binata kaya alam na niya kung saan ito nakatira.  Bigla siyang natigilan saka nag-isip kung pagbibigyan niya ang kaibigan sa kahilingan nito.

“Samahan mo ako kung ayaw mong kaladkarin kita,” banta nito sa kanya.
“Meganun?” sagot niya habang nagpapara ng taxi. Hindi naman niya mapigilan ang sarili na mag-alala kay Sonia. Baka malanta ang pecthay nito sa anumang gagawin ni Sandra oras na malamang kasama nito si Macho Papa.

Isa pa, gusto niyang makita ang bahay ng lalaki. Ayon kasi sa tsismis, mayaman ang binata dahil sa mga kinikita nito bilang modelo ng condom. Makalipas ng isang oras, sa isang subdivision sila nakarating. Pagkabayad sa driver ay hinanap niya agad ang house number kung saan nakatira ang binata.

Halos lumipad ang kanilang mga paa habang tumatakbo palapit sa bahay. Para silang natatae habang tumatakbo – atat na atat na makita ang kagwapuhan ng lalaki.

Pagkarating sa bahay. Sunud-sunod na katok sa pinto naman ang pinakawalan ni Sandra. Sa lakas ng katok nito ay tila naghahamon ng away.  “Tao po! Tao po! Edyzr, dito na me!” sigaw ni Sandra. Bumukas ang pinto na siyang ikina-shock nila. Isang babae ang lumabas na siyang nagpataas sa mga kilay nila.Labas ang cleavage ng magandang babae.

“Sino ka?” sabay na tanong nila ni Sandra.
“Ako Madam Jane! Ako legal wife!” mataray na sagot nito sa kanila. Halos manlambot ang kanilang mga tuhod sa natuklasan.
“A-asawa ka?” Humakbang sila pa-atras saka mabilis na tumakbo. Nakita kasi nilang nanlilisik ang mga mata ng babae. Mayamaya, narinig nila ang malakas nitong sigaw.
“Hoy! Makukuha n’yo toytoy niya pero hindi ang puso niyaaaaaaaa!” sigaw nito na siyang nagpasindak  sa dalawang bida.
Ang ending, balik ang closeness nilang dalawa.  Hindi nila matanggap na naloko na naman sila ng isang lalaki. “O, hindeeeee!” daing ni Noorell habang nagsusuot ng sapatos.

HAPON na nang maka-uwi si Edyzr. Nanood sila ni Sonia ng movie pero di siya naka-score – suot niya kasi ang brief na may safety lock. Agad naman siyang sinalubong ng kanyang misis. Pinahubad siya nito – pati pantalon.

“O, bubuksan ko na para makawala na ang ibon. “ Nakahinga siya nang maluwag nang makawala sa kulungan ang lonely birds. “Mahirap na, maraming petchay ang nagkalat ngayon. Baka manuka ang ibon,” sabi ng asawa sa kanya.
“Ikaw talaga, syempre ikaw lang ang sweety ko!” malambing niyang sabi na siyang nagpakilig rito.
“Teka! May dalawang babae rito na naghahanap sa’yo kaya lang biglang umalis,” sabi nito na siyang nagpakaba sa dibdib niya. Bigla siyang kinabahan nang makitang unti-unting nagbabago ang anyo ng asawa. Mula sa pagiging anghel ngayon ay tila bruhang sinaniban pa ng isang demonyo.

Bigla siyang napasigaw nang may humila sa kanyang lonely birds. Sinakluban tuloy ng takot ang puso niya nang makitang may hawak na kadena ang asawa. Muli nitong ipinasuot sa kanyang brief na de susi saka hinila siya papunta sa likod ng bahay – doon ikinadena kasama ang alaga nilang aso na si Bantay. Ang problema, kung si bantay sa leeg nakatali, siya naman sa toytoy nakatali.

“O, hindeee! My Sweety,” sambit niya habang nagmamaka-awa sa asawa. Nakatitig lamang ito sa kanya na tila kumukulo ang dugo.

HINDI naman mapalagay si Mister Xehan habang nagbabate ng itlog – magluluto siya ng itlog para ipakain kay Lolo Ico na kanina pa nag-eemote dahil binasted ni Jenn.

Napapansin niya na nagkakaroon nang milagro sa loob ng boarding house; una, tahimik na ang mga Marias. Pangalawa, bumait na ang mga boys na tila anghel sa kabaitan. Pangatlo, laging nag-aaway ang dalawang matanda.
Himala!
“Apo ko! Halika, tulungan mo ako inaaway ako ng lola mo,” mahinang sigaw ng matandang lalaki. Agad siyang pumasok sa loob ng kuwarto – hila hila ni Lola Cattling ang patotoy ng matandang lalaki.
“S-subukan mo pang humarot kay Jenn at hihilain ko ito hanggang sa maputol,” malakas na sabi ng matandang babae. Nilapitan niya ito saka inawat. “Huwag mo akong hawakan,” singhal sa kanya ng matanda.

Mabuti na lamang naawat niya ang matandang babae. Napaupo ito sa kama hanggang sa mapahiga. “Nahihirapan akong huminga,” reklamo nito habang kinakapa ang dibdib. “Apo ko, ang T-back ko. Ayaw kong mamatay na walang panty,” sambit nito habang ipinipikit ang mga mata. Mayamaya, biglang tumirik ang mga mata nito na siyang nagpasindak sa kanya.

“Lolaaaaaa!” sigaw niya nang mapansing di na humihinga ang matanda. Napangiti naman si Lolo Icon na tila ikinatuwa ang nangyari.

“Yes! Byudo na ako!” sambit nito habang nagsusuot ng boxer shorts. Tumayo ito saka kinuha ang kabaong na nakalagay sa ilalim ng kama.

Matagal na ang kabaong na nabili pa nila sa UK – gusto kasi nila na kapag namatay sila ay naka-ready na ang kabaong nila. Take note! Buy one take one!

Halos magkagulo ang mga boarders nang mabalitaang namatay na si Lola Cattling. Lahat halos umiyak sa nasaksihan – walang panty ang matanda nang mamatay ito.

Palabas na sila ng boarding house para dalhin ang bangkay sa funeral homes nang bigla silang nagulat. Bumukas ang pinto ng kabaong –S
“B-buhay pa ako! Buhay pa ako!” sigaw ng matandang babae na siyang ikina-shock ng lahat.

Wapak! Ano na ba ang nangyayari sa kuwentong ito? Abangan pa ang mga susunod na kabanata!

Tandaan! Siguraduhing patay na ang isang tao bago ilagay sa loob ng kabaong! Kung ayaw mong magloko si mister – dapat may safety lock ang brief niya.





12 comments:

  1. Dropping by to say hello and listen to " One day in your life" :)
    By the way, the quotes na nagpapalit palitan sa itaas, how did you do it? Very nice.
    So I leave the sex story to the young ones:)
    Keep smiling:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello po ^^ ung sa taas slideshow lang po siya... sa widget... sa photobucket yata hehehe

      Godbless po ^^

      Delete
  2. Natawa ako sa umpisa. :) Sabay sabay nanood ng porn movies. Pawholesome muna ko ha. Di ko binasa e :) (sabihin na nating hindi ko kasi naumpisahan) ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe bawal daw sa wholesome hehehe takip mata muna hehehe

      Delete
  3. Kawawang toytoy, kung hindi hihilahin eh itatali. Lol. Akala ko taong bundok yung asawa ni Edyzr kasi kung magsalita eh "Ako Madam Jane" :D

    Ang moral lesson nito ay maglaan ng ekstrang ataol sa mga biglaang pagkamatay. Tiyakin na patay na nga bago maembalsamo :D San nakakabili ng brif na may lock?

    ReplyDelete
    Replies
    1. uo kawawa talaga hehehe! kaya bago ilagay sa kabaong i sure muna na patay na hehehe thanks sa pagbasa....

      baka sa ukay ukay may mabilhan hahaha

      Delete
  4. hindi bagay sa akin tong sexy comedy kasi nagiging purong bastos lahat sa utak ko. ang ending may sex scene na sa utak ko kahit pasweet lang sa totoong pagkakasulat. hahahaha.

    ReplyDelete
  5. haha bottom line is ok na ung mag babarkada
    haha
    anyways dame ko tawa sa brief na my safety lock at
    ikinadena pa
    haha

    kaya ko patay na nga si lola humihiurit pa pala
    at mya buy one take one pa lknag kabaong haha

    ReplyDelete
  6. aliw na aliw ako sa series na to pero pinaka aliw ako sa pangalan ni Lola Cattling - parang maliit na cattle!

    buti naman buhay pa sya! hehe :)

    ReplyDelete
  7. waaaa nakakatakot mailagay sa kabaong ng buhay pa!

    ReplyDelete
  8. LOL ang harot harot talaga ng isip mo ser. Dami mong naiisip. lol May dramahan, legal wife, landian at kung ano ano pa. Dare ko yang kabaong na yan. lol dyuk lang. At Buhay parin ang bidang si Lola Catling.

    Naalala ko tuloy yung line na

    "Hindi ako malandi, nagmamahal ako." lol

    ReplyDelete
  9. ikaw na ang ma harot ang isip! hahahahaha!

    ReplyDelete