Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Pare: Walang Iwanan

Dahil New Year ngayon ay binalikan ko ang ilan sa mga paborito kong akda. Muli kong binasa ang kwentong ito kaya napa-emote ako. Isa ito sa favorite ko kasi nagbuhos ako ng emosyon dito - napaluha ako habang binabasa o sinusulat ko to. Sana magustuhan n'yo. Happy Happy New Year! 






"Many people will walk in and out of you life, but only true friends will leave footprints in your heart."

"WALANG IWANAN," ito ang kadalasang binibigkas ng mga magkakaibigan. Isang sumpaan na maaaring tumatak sa isipan ng bawat isa.

 Sina Ryan at Joseph ay matalik na magkaibigan. Nakatira sila sa isang bayan ng Iloilo - ang bayan ng Pototan, isang bayan na naging saksi sa lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Si Ryan ay mas matanda lamang ng isang buwan kay Joseph. Maputi at makinis ang balat nito na bumagay sa makisig nitong pangangatawan. At dahil sa taglay nitong ka-gwapuhan ay maraming babae ang nagkakagusto rito.

Si Joseph naman ay kabaligtaran ni Ryan. Kayumanggi ang kulay nito na bumagay naman sa malago nitong buhok. May kapayatan si Joseph na siyang nagpabawas sa taglay nitong kagwapuhan.

"Pare, pataba ka naman!" banat ni Ryan sa kaibigan habang naglalakad sila sa kalsada. Inakbayan niya ito saka bahagyang binuhat - sa laki ng katawan niya ay magagawa niyang pasanin ito.

"Kahit payatot ako mas pogi pa rin ako sayo," agad na sagot ni Joseph habang umiiwas sa mga kamay ng kaibigan.

Napatigil sila sa kanilang paglalakad nang makasalubong nila ang isang magandang babae. Naka-bestida ito na bumagay sa magandang hubog ng katawan nito. Ang mahaba nitong buhok ay malayang isinasayaw ng hangin.

"Wow! ‘tol tingnan mo ang ganda," wika ni Ryan. Natahimik lamang si Joseph, sa tagal ng kanilang samahan ay alam niyang babaero ang kaibigan.

"Pare, nakakita ka na naman ng lolokohin mo," pabirong sabi ni Joseph sa kaibigan. Ang totoo ay nakakaramdam siya nang pagkabog sa kanyang dibdib. Hindi niya kayang ipaliwanag subalit batid niyang humahanga siya sa kagandahan ng babae. Lihim niya itong pinagmasdan habang naglalakad papunta sa isang cafeteria.

"Uy, mukhang natameme ka diyan? Siguro in love na ‘tong kaibigan ko?" panunukso ni Ryan sa kaibigan. Ang totoo alam ni Ryan na pihikan sa babae si Joseph. Nakailang nobya na siya samantalang ang kaibigan ay wala pa.

Sinundan nila ang babae sa loob ng cafeteria. At habang umiinom ito ng kape ay pinagmamasdan ito ni Joseph. Batid niya sa kanyang sarili na sa muling pagkakataon ay tumibok ang kanyang puso.

"Wow! Pare may tama ka? Sa wakas tumibok na naman ang puso mo," malakas na wika ni Ryan.
Hinila ni Ryan ang kaibigan na lumapit sa babae. At isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa kanila.

"Ako si Marian, alam mo napansin ko panay ang tingin mo sa akin kanina? May problema ba?"

"Wala naman, Ako pala si Ryan at ito ang kaibigan ko si Joseph," masayang pagpapakilala ni Ryan sa babae.

Kinamayan ni Joseph ang babae pero ang mga mata nito ay nakatingin kay Ryan. Napansin ito ni Joseph subalit nagbulagbulagan na lamang ito. Sanay na siya na hindi napapansin. Sanay na siya na ang mga babaeng natitipuhan niya ay nagkakagusto kay Ryan.

Isang masayang kwentuhan ang naganap sa pagitan nina Ryan at Marian samantalang nakikinig lamang si Joseph sa pag-uusap ng dalawa. Gustuhin man niyang magsalita ay tila nagbara na ang kanyang lalamunan. Lihim na nasasaktan. Lihim na nagpaparaya.

"Pare, okay ka lang ba diyan?" tanong ni Ryan sa kaibigan. Napansin kasi nito ang katahimikan ni Joseph.
Mabilis lumipas ang mga minuto hanggang sa nagpaalam na si Marian. Mababakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan. Mayamaya pa, nagpaalam na ito sa kanila. May biglaang tawag ito mula sa isang kaibigan.

"Pare, parang mahal ko na siya?" seryosong sabi ni Ryan.
Walang kibo si Joseph habang naglalakad na silang pauwi. Gusto niyang sapakin ang kaibigan pero hindi niya magawa.

“Mahal mo siya?” tanong ni Joseph.

“Oo, pare, siya na yata ang babaeng seseryosohin ko na.”

“Talaga? Huwag mo siyang sasaktan. Nararamdaman ko kasi na mahal ka rin niya. Liligawan mo na ba siya?”

“Oo pare! Ibinigay niya sa akin ang number niya. Makikipagkita ako sa kanya bukas.”
Lumipas ang mga araw ay nagtagumpay si Ryan na makuha ang puso ni Marian. Lubos ang kaligayahan nito samantalang ang kaibigang si Joseph ay lihim na nasasaktan.

"Hindi ka ba natutuwa na sinagot na ako ni Marian, natutuwa ka ba?" seryosong tanong ni Ryan sa kaibigan habang nagpapahinga sila sa tabing-ilog. Tumayo si Joseph at nagkibit balikat lamang ito.

"Mahal mo ba siya?" tanong ni Joseph. Lumapit si Ryan sa kaibigan at inakbayan niya ito.

"Pare, alam mo ba na mahal na mahal ako ni Marian, pakiramdam ko siya na ang babaeng seseryosohin ko." Napatingin si Joseph sa kaibigan. Ayaw niyang paniwalan na nag sesereyoso na ito sa pag-ibig.

"Pare, kung talagang mahal mo si Marian ay masaya na ako. Nararamdaman ko na mahal ka rin niya." tanging nasambit ni Joseph sa kaibigan.

"Huwag sana sasama loob mo. Alam naman nating dalawa na ako ang gusto ni Marian." sa sinabi ni Ryan ay natahimik uli si Joseph. “Pare, alam ko sa umpisa pa lang may pagtingin ka na kay Marian. Salamat dahil nagpaparaya ka para sa akin.”

“Ryan, huwag mo nang isipin ‘yun. Ang mahalaga nagmamahalan kayo. At masaya siyang kapiling mo.”

"Sana ‘wag mong isipin na binabalewala ko ang pinag samahan natin. Mahal ako ni Marian at mahal ko rin siya."

"Pare, okay lang ‘yun, alam mo sanay na ako. Diba, walang iwanan kahit ano pang mangyari?"
Lumipas ang mga araw ay naging masaya ang relasyon nina Ryan at Marian. Saksi si Joseph sa kasayahan ng kaibigan. Nakita niya kung paano mahalin ni Marian ang kaibigan. Aaminin niya sa kanyang sarili na may kirot sa kanyang dibdib subalit minabuti na lamang niya na manahimik na lamang.

"Joseph, alam mo sabi ni Ryan napaka bait mo raw at tapat ka kung magmahal." Nagulat si Joseph sa sinabi ni Marian habang nagkasalubong sila sa daan.

"Ha? Ah eh, oo naman," tanging naisagot ni Joseph.

"Alam mo natutuwa ako sayo kasi mabait ka. Pinag-uusapan ka nga namin lagi."

"Ha? Pinag-uusapan ninyo ako ni Ryan? Loko talaga ‘yun!" patawang sabi ni Joseph.

"Puro nga ikaw ang kuwento niya, sabi pa nga niya sa akin mas mabait ka kaysa sa kanya." Napangiti na lamang si Joseph sa narinig. Ang totoo hindi siya makapaniwala na masasabi yun ng kaibigan.

“Marian, mahalin mo ang kaibigan ko ha. Huwag lolokohin ha.”

“Loko ka talaga! Oo naman, mahal ko si Ryan. Hindi ko siya iiwan.” Ang matamis nitong ngiti ang siyang kumurot sa puso ni Joseph.
Ilang buwan ang lumipas ay nanatili ang relasyon nina Ryan at Marian, at ang dating magandang samahan ay nauwi sa magulong relasyon. Natuklasan ni Marian na hindi pa lubusang nagbabago si Ryan. Natuklasan niyang may ibang babae ito bukod sa kanya.

Sa sakit na naramdaman ni Marian ay si Joseph ang kanyang karamay. Ang lalaki ang sandalan niya sa lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Kung nasasaktan ka handa ‘kong makinig sa mga kuwento mo, kahit pa sabihin mong mahal mo pa rin siya handa akong makinig."

Napatingin si Marian kay Joseph. Tama ang binata kahit nasasaktan siya sa ginagawa ni Ryan ay mahal pa rin niya ang katipan.

Patuloy pa rin ang magulong relasyon ng mag-katipan. Si Joseph ang siyang nagpapagaan ng loob ng dalaga sa tuwing nasasaktan ito sa ginagawa ng kaibigan. Ang totoo nakakaramdam na ng galit sa dibdib si Joseph para sa kaibigan. Hindi niya akalain na higit siyang nasasaktan sa sakit na nararamdaman ni Marian.

Lumipas ang mga araw ay hindi na nagpakita si Ryan kay Marian. Naramdaman niya ang labis na pagdurusa ni Marian.

"Alam mo ba kung nasaan si Ryan?" seryosong tanong ni Marian kay Joseph.

"Ang totoo ‘di ko rin alam, kahit sa akin ay hindi nagpapakita," malungkot na tugon ni Joseph sa dalaga.
Hinanap ni Joseph ang kaibigan. Sa bahay nina Ryan ay katulong na lang ang naiwan. Nasa mahabang bakasyon daw ang pamilya ni Ryan. Lihim na sumama ang loob ni Joseph dahil sa unang pagkakataon ay hindi nagpaalam sa kanya ang kaibigan kahit man lang sa text. Akala ko walang iwanan, naibulong ni Joseph sa sarili.

Habang hindi nagpapakita si Ryan ay naging malapit sa bawat isa sina Joseph at Marian. Pinalasap ng binata ang kaligayahang hindi nalasap ng dalaga sa piling ni Ryan. Naramdaman ni Marian na unti-unting nahuhulog ang loob niya sa binata. Nawala sa isip niya si Ryan, ang lalaking minahal niya na bigla na lang naglaho.

"Mahal mo pa ba ang kaibigan ko?" seryosong sabi ni Joseph kay Marian habang namamasyal sila sa tabing ilog. Napatingin si Marian kay Joseph.

"Noon pa man ay nahulog na loob ko sayo. Sa tuwing magkasama kami ni Ryan lagi ka naming napag-uusapan. Sinasabi niya kung gaano ka kabait, mabuting kaibigan at tapat magmahal." Huminga ng malalim ang dalaga saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Mahal ko siya, pero sa hindi ko maipaliwanag unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sayo."

Nagtama ang kanilang mga paningin at unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Pakiramdam ng bawat isa ay tumigil ang ikot ng mundo. Lingid sa kanila, ay may isang aninong nagmamasid sa kanilang pagmamahalan.

Lumipas ang limang buwan ay hindi pa rin nagpapakita si Ryan. Nakakaramdam na ng pangamba si Joseph para sa kaibigan. Nalaman na kaya nito ang pag-iibigan nila ni Marian?

Masaya si Joseph habang naghahanda sa lakad nila ni Marian. Pupunta sila sa tabing ilog para doon kumain ng hapunan. Binitbit niya ang isang basket na puno ng pagkain, prutas at tinapay. Nagulat siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Natigilan siya nang makitang kay Ryan galing ang mensahe. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib. Dahan dahan niyang binasa ang mensahe.

"Pare, tgal nting d ngkita
cyensya ka na kc may
pnunthan kami nina mama
puntahan mo naman ako d2 sa
bahay nina tita
hintayin kita pare mayang gabi."

Hindi maipaliwanag ni Joseph kung ano ang nararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa pagbabalik ng kaibigan. Hindi niya alam kung kaya pa niyang humarap dito. Hindi niya alam kung kaya niyang magpaliwanag sa nangyari sa kanila ni Marian. Ikaw ang nang iwan Ryan, bulong ni Joseph sa sarili.
Muling tumunog ang cellphone ni Joseph at tulad nang inaasahan niya mensahe mula sa kaibigan.

Pare, pnta ka ha....

Naisipan ni Joseph na puntahan ang kaibigan. Gusto niyang kumustahin ito at tanungin kung bakit bigla na lang itong ‘di nagparamdam.

Muling tumunog ang cellphone ni Joseph. Inaasahan niyang mensahe uli sa kaibigan ang natanggap pero nagkamali siya dahil mensahe ni Marian ang dumating.

C u on tbing-ilog
B der now

Napangiti si Joseph sa mensahe ni Marian, pero sa isang saglit naisip niya si Ryan. Sino ang pupuntahan niya? Ang kaibigang matagal na nawala at ngayon ay nakikipag kita sa kanya o ang katipan na naghihintay sa tabing ilog?

Napailing si Joseph sa naisip. Mayamaya pa, inihakbang niya ang kanyang mga paa patungo sa kanyang paroroonan.

"Nagbalik na si Ryan," malungkot na sabi ni Joseph sa dalaga. Natahimik si Marian sa narinig. Pakiramdam niya ay bumara ang lalamunan at bumalik ang sakit sa kanyang dibdib.

"Siguro kinalimutan na niya ako, puntahan mo siya Joseph. Puntahan mo ang kaibigan mo." Niyakap ni Marian si Joseph. “Puntahan mo siya, huwag mong hayaang masira ang samahan nyo ng dahil lamang sa akin. Magpaliwanag ka… alam kong mauunawaan ka rin niya.”

Bumibilis ang mga hakbang ni Joseph habang patungo sa bahay ng tita ni Ryan. Nag text na siya sa kaibigan pero hindi pa ito sumasagot sa mensahe niya.

tok! tok! tok!

Nasa harapan na siya ng pintuan ng bahay ng tita ni Ryan. Nakarinig siya ng mga hakbang palapit sa pintuan hanggang sa iniluwa ng pinto ang isang matabang babae.

"Magandang gabi po! Nandiyan po ba si Ryan?" magalang na bati niya sa tita ni Ryan.

"Ikaw pala, sabi sa akin ni Ryan pumasok ka na lang daw sa kanyang kuwarto ‘pag dumating ka," malungkot nitong wika.

Sa pagpasok ni Joseph sa kuwarto ng kaibigan ay nabigla siya sa nasaksihan. Si Ryan ay nakahiga sa kama, payat at maraming pasa sa katawan.

"P-pare, anong nangyari sayo?" Lumapit siya sa kaibigan at umupo sa tabi nito. "Ryan, lumaban ka!" maiyak iyak na sabi niya sa kaibigan.

Lumapit ang tita ni Ryan at hinawakan siya sa balikat.

"Kanina ka pa niya hinihintay, kanina ka pa niyang gustong makita, ako ang nag text sayo dahil wala na siyang lakas." Hindi mapigilan ng tita ni Ryan ang mapaluha sa lungkot na nararamdaman. "Kanina nakakapagsalita pa siya, gusto ka niyang makausap, kaso ‘di ka agad dumating, may kanser si Ryan at hinihintay na lang niya ang tamang oras ng kanyang pagpanaw."

Nagulat si Joseph sa kanyang narinig at ayaw niya itong paniwalaan. Bakit inilihim ng kaibigan ang nangyari sa kanya?

"Pare, ‘di ba walang iwanan, patawarin mo ako nagkasala ako sayo." Hinawakan ni Joseph ang kanang kamay ng kaibigan. "Pare, sana naririnig mo pa ako, kung alam ko lang kung ano ang nangyayari sayo pipigilan ko ang nararamdaman ko para kay __" Napahinto siya sa sasabihin nang mapansin niyang tumulo ang luha ng kaibigan. Pinilit nitong ngumiti na tila sinasabi na okay lang ang lahat.

Wala nang nagawa pa si Joseph naramdaman niyang unti-unting bumibitaw ang kamay ng kaibigan. Unti-unting pumipikit ang mga mata nito. Diyos ko, kayo na po ang bahala sa kaibigan ko, ang hiling niya sa langit habang yakap ang wala ng buhay na kaibigan.

Naramdaman ni Joseph na may humawak sa kanyang balikat. Napalingon siya dito at nakita niya ang ina ni Ryan. Isang kapirasong papel ang iniabot nito sa kanya.

"Sabi ng anak ko ibigay ko sayo ang sulat na ito sa oras na bawiin na siya ng ating panginoon," maiyak-iyak na sabi nito sa kanya. Dahan dahan niyang binuklat ang liham ni Ryan para sa kanya.

Pare,

Matagal ko nang alam na may pagtingin ka kay Marian. Alam kong ako ang gusto ni Marian. Naramdaman ko yun noong una pa lamang kaming nagkakilala. Natatandaan mo ba? Noong nakipagkamay siya s’yo subalit sa akin siya nakatingin? Alam kong nasaktan ka nun at itinago ang sakit ng dibdib.

Naisip ko hindi ka agad mapapansin ni Marian kaya gumawa ako ng paraan para makilala niya ang ugali mo. Lagi kong sinasabi na mabait ka, okay kang kaibigan at higit sa lahat tapat ka kung magmahal.

Masaya ako nang makita kong gumagaan ang loob sayo ni Marian. Masaya ako nang makitang masaya ka, sa wakas napansin ka na rin niya!

Sinadya kong saktan ang damdamin ng babaeng nagpabago sa aking buhay. Sinadya kong bigyan siya ng dahilan para ako'y kalimutan. Alam ko naman na sa iyong kandungan babagsak ang pinakamamahal ko.
Masaya ako nang mabalitaan kong nahulog na ang loob niya sayo. Minahal ka niya at kinalimutan ang isang tulad ko.

Pinilit kong lumayo para maging okay ang relasyon ninyo. Nagtagumpay ako! Minahal ka niya at lalo mo siyang minahal.

Natatandaan mo pa ba noong nasa high school pa lamang tayo. Lagi kang nagpaparaya at kinalilimutan mo ang nararamdaman mo sa isang babae basta lumigaya lamang ako. Ngayon, ako naman ang magpaparaya. Mahalin mo si Marian tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Marahil kapag binasa mo na ang sulat kong ito ay wala na ako. Paalam pare, patawarin mo ako kung hindi ako tumupad sa usapan natin -  walang iwanan!

Pare, kailanman ay hindi ko kinalimutan ang pagkakaibigan natin. Naisip ko kung ako'y nabubuhay pa ay marami pa akong babaeng makikilala pero ikaw ay nag-iisa lang at mahirap makahanap ng isang kaibigan na tulad mo."

"Many people will walk in and out of you life, but only true friends will leave footprints in your heart."

Nagmamahal ang iyong Pare,
Ryan

Hindi mapigilan ni Joseph ang tuluyang mapaiyak. Sana kung napaaga siya ng dating ay nakausap pa niya ang kaibigan. Napatingin siya sa altar, at doon niya ibinulong ang panalangin niya para sa kaibigan.

"Pare, maraming salamat! Kung nasaan ka man ngayon, sana marinig mo ang pasasalamat ko sa’yo. Maraming salamat pare! Maraming salamat sa isang samahang hindi ko malilimutan. Alam ko kasama mo ang panginoon sa iyong paglisan. Godbless you  pare!" tanging nasambit ni Joseph sa sarili habang nakapikit na nananalangin sa poong may kapal.


WAKAS
Likhang isip ni JonDmur
Isinulat Noong 2010



38 comments:

  1. Sobra ka...

    This is my first time to cry reading a blog... Hindi ko man napahdaanan ang kagaya ng sa kanila Ryan at Joseph, relate na relate ako....

    Thank ou for posting this again. Sobrang simple pero diretso sa puso....

    My most favorite post so far...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy New Year ^^ thanks... touch naman ako sa comment mo hehehe...

      Smile smile... ^_^

      Delete
    2. i shared this story with my bestfriends and he wants to read this too... sobriang bentang benta kasi sakin eh...

      Delete
    3. bestfriend lang walang 's'.... oc-oc lang...

      Delete
    4. hehehe thanks... sana magustuhan niya... buti ka pa may bespren...

      ako wala kung lalaki... bespren ko noon babae kasi....

      Delete
  2. wow short istoyri hihihi Prospero Años Y Felicidad Jon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe Musta ang New Year ^^ sana laging Happy ^^

      Delete
  3. Sus, pinaiyak mo na naman ako, pero it was a nice story although ang lungkot.
    Leaving you this qoute:
    The power of imagination makes us infinite. By John Muir
    Halos kapangalan mo pa ang gumawa ng quote. Reminds me of you:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Tita Joy ^^ Happy Happy New Year ^_^ sana laging Happy ^_^

      Delete
  4. Gusto kong umiyak T.T Naalala ko yung friend kong may cancer. Sana ay magkita pa kami. Magkikita pa kami.

    Magandang kwento eto ng tunay na pagkakaibigan. Salamat sa post nato ser Jon :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Musta ang New Year ^^ sana tuloy tuloy ang Blessings ^^ sana makagawa pa ako ng ganyang kwento ^^

      Delete
  5. madamdamin at napakagandang kwento. hindi sayang ang oras sa pagbabasa.. akala ko talagang hindi lang nagbago ang ugali ni Ryan, siya na pala ang nagpaparaya nung mga oras na 'yon.


    salamats sa magandang story sir jon ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy New Year ^^ musta diyan.... thanks sa pagbasa ^_^

      at sana makapagsulat pa ako ng ganito ^^

      Happy New Year ^^

      Bat naman may sir pa hehehe ^^

      Delete
  6. nanlamig ako tumayo mga balahibo ko sarap mo lang sapakin! dyuks!! kasi naman bakit may ganyan pa, parang bumigat lalo ang puso ko. emo na nga ako lately, halah! ito pa. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe napa emote ba hehehe musta ang new Year diyan...


      sana laging naka smile ^_^

      Delete
  7. ayun. speechless. ako si joseph. kabaitan lamang ang maipagmamalaki at pareho pa kaming rebound guy. pero sa kwentong ito, hindi si ryan ang maswerte kay joseph, kundi si joseph sa pagkakaroon ng selfless na kaibigan. may mga nabasa na rin akong mga kwento na pareho ang tema pero ito ang tumagos sa puso ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy New Year ^^

      thanks sa pagbasa... mukhang napa emote kita hehehe


      smile na diyan hehehe

      Delete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Sakalin kaya kita JonDmuR at pinagdrama mo ako sa isang madaling araw bago ang bagong taon? Buti na lang ang ganda ng pagkakasulat at naaliw ako kahit may bikig sa lalamunan ko :( More more more!

    Happy New Year bro! I wish you the best in 2013!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe ito ang tissue hehehe Happy Happy New Year.... smile lagi ^_^

      Delete
  11. :( nakakalungkot ang story na to. pero alam mo yung feeling na may magkaibigan hanggang wakas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Khantotantra ^^ Happy Happy New Year sayo ^^

      Delete
  12. nakaka iyak naman...sumabay pa ang one dya ion your life na kanta sa blog mo! huhuhu..true friend talaga si Ryan! Pang MMK ang story na to JonDmur..


    Anyways, Happy New Year syo JonDmur! God bless! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Zai Zai ^^ Happy Happy New Year ^^ hehehe naubos na ang tissue hehehe

      Sana maging makulay love life mo sa 2013 ^^

      Delete
  13. naiyak ako pramiz sobrang lungkot kasi ng pinagdaan ko sa pagkawala ng best friend ko kaya nakakarelaet ako sobre

    the best to hahays kakalungkot

    anyways, thank you for making my 2012 even more wonderful!
    I enjoyed your blog this year looking forward for more this coming year
    Happy New Year

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks pre ^^ Happy Happy New Year ^^ kakasad naman nangyari sa bestprend mo....

      Happy New Year ^^ wag malungkot magkakaroon ka pa ng maraming Best prend ^^

      Delete
  14. Ikaw naman, bagong taon na bagong taon e pinaiyak mo ko.. Hanga ako kay Joseph sa pagiging tunay na kaibigan, kala ko magiging kontrabida si Ryan sa story, angel in disguise pala siya.. Happy New Year! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. akala ko ako ang angel hehehe ^^ Happy Happy New Year Jo... sana mag maging happy ang lovelife mo ^__^

      Keep smilling ^^

      Delete
    2. Naks! Lovelife talaga ang wish mo saken para sa New Year ah! We'll see, sana dumating na siya, hihi..

      Delete
    3. uo lovelife sana maging mas makulay sa 2013 hehehe

      makakahanap din yan hehehe

      Delete
  15. OA ha... napahagulgol ako bago pa man din mag start ang 1st break ko!Sir this is really is a good read. Damang dama ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Baronesa ^^ happy ako na nagustuhan mo to....

      smile na... wag na iyak hehehe ^_^

      Thanks ^^

      Delete
  16. Grabeh!!!! napaiyak naman ako dito..

    ReplyDelete