Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Mateo - Part 2

NAPABANGON ako sa aking kama nang biglang mag-ring ang alarm clock. I grabbed the towel to cover my nude body. 
                “O, saan ka pupunta?” tanong ni Sebastian nang magising siya.
                “May aayusin akong report para i-submit kay Mr. Tuazon,” sagot ko sabay hablot sa makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan. “Kaya pala tinatamad kang bumangon eh kasi gising pa ‘yan.”
                “H-halika!” Bumangon siya saka hinila ako pabalik sa kama hanggang sa madaganan ko siya.

                “Ikaw ang hilig hilig mo! ‘Di ba nakaka-tatlo na tayo kagabi?” sambit ko habang pinipisil ang matangos niyang ilong.
                “Bakit aayaw ka ba?” Bigla niya akong itinulak pakanan hanggang sa pumaibabaw siya sa akin. His body is now in between of my legs. Naghahanda para sa isang matinding labanan.
                Subalit bigla siyang natigilan. Tila naninibago siya sa kanyang gagawin. Bumangon ako saka pinahiga ko siya sa kama. “Hey! Are you okay?” patawang tanong ko sa kanya nang mapansin kong tila kinakabahan siya.
                “Ha? I’m okay may naisip lang ako,” kaswal na sagot niya sa akin.
                “Sige na nga! O, paano maliligo na ako. Marami pa akong gagawin.”
                “Ano ba ang gagawin mo? Saan ka pupunta?”
                “Ano ka ba? ‘Di ba sabi ko may aayusin lang akong report.”
                “Sige, bilisan mo ha,” tugon niya sa akin. Hinalikan ko siya saka kinumutan. “Salamat ha! Sana ‘di ka magbago,” dugtong  niya.
                “Asus! Naglalambing ka na naman!” Humiga ako sa tabi niya saka yumakap sa matipuno niyang dibdib. “Hindi ako magbabago kasi nga mahal kita.” Ngumiti ako saka kinurot ang ilong niya. Siguro nasaktan siya kaya gumanti siya – kinagat niya ang kanang tenga ako.
               
                Isang taon lamang ang tanda ko kay Sebastian. Magmula nang maging kami marami na akong nalaman tungkol sa kanya; sa family, sa career, at maging sa lovelife. Naranasan na rin pala niya ang makipagtalik sa isang babae. Ang sabi ko nga, bakit pa niya sinasabi sa akin ang lahat? Ang sagot naman niya, para ipaalala ko raw sa kanya.

                “O, bakit ka natahimik ‘dyan?” tanong niya sa akin na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.
                “I’m sorry! May naalala lang ako. Oops! Mag-shopping naman tayo mamaya.”
                “Shopping?”
                “Yup! Para makabili na tayo ng pasalubong. Next week na ang flight natin pabalik ng Pinas.” Natigilan siya na siyang ikinabahala ko. “O, nag-iisip ka na naman ng malalim. “ I kissed him na siyang ikinatuwa niya. “Bakit ka napapangiti sa tuwing hinahalikan kita?”
                “Kasi sa’yo ko lang naranasan ang mahalikan nang may halong pagmamahal,” tugon niya sa akin.

                Napangiti ako. Masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong nararamdaman niya ang pagmamahal na ipinapakita mo. Hindi katulad ng iba na medyo manhid.
               
                NASA loob na ako ng bathroom pero nanatili pa rin akong nakatayo sa tapat ng shower. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nakilala ko si Sebastian. Sa sandaling panahon na nakilala ko siya pakiramdam ko malaki ang nagbago – he change my life.
                Hindi na ako madaling matukso sa iba. Napipigilan ko na ang sarili kong huwag bumigay sa mga lumalandi sa akin.
                Katulad ng isang bisexual na koreano na madalas magpakita ng kanyang ari sa loob ng mes’s toilet. Nakakapagtimpi ako sa tuwing pumapasok sa isip ko si Sebastian. Umiiwas ako sa mga maling gawain upang mapatatag ang isang nabuong relasyon.
                Nasaklot ko ang aking pagkalalaki. Kasalukuyang nababalutan ng bula ng sabon ang buo kong katawan. Automatikong naglaro ang aking kanang kamay. Akma nang lalamunin ng init ang buo kong katawan nang makarinig ako nang malakas na sigaw: boses ni Sebastian.
                Kasunod niyon ang mabilisang paglipad ng aking mga paa hanggang sa madatnan ko si Sebatian. Nakakalat ang lahat ng gamit niya sa kama. Akma niyang ibabalibag ang maleta nang sanggain ko iyon.
                “A-ano bang problema mo?” pasinghal ko sa kanya subalit tila nilamon lamang ng hangin ang aking tinig - hindi niya ako pinansin.    
                Mayamaya, tumalikod siya saka humarap sa salamin. “Buwisit na buhay ito. Hirap na hirap na akoooo!” malakas niyang sigaw saka napaupo sa kama. Nasaklot niya ang kanyang ulo. Bahagyang natigilan saka napatingin sa malayo.
                Lumapit ako sa kanya. I gently touched his hair na nagulo sa ginawa niyang pagsabunot. “Ano bang nangyayari sa’yo?”
                “Hindi ko makita. Hindi ko mahanap. Hindi ko alam kung nasaan na,” tugon niya sa akin.
                Tumabi ako sa kanya saka hinawakan ang magkabilang kamay niya. “Kung may problema sabihin mo sa akin,” sabi ko sa kanya habang hinuhuli ko ang paningin niya.
                “Hindi pa ito ang tamang panahon,” kaswal na tugon niya sa akin.

                NAKAHINGA ako nang maluwag nang makalapat ang mga paa ko sa NAIA matapos ang humigit kumulang na tatlong oras na paglalakbay. Sa wakas nakabalik na kami ni Sebastian sa Pilipinas. Maaga naming natapos ang isang business deal sa Singapore kaya naisipan na naming umuwi.
                May balak pa sana akong mamasyal kaso nagyaya na si Sebastian. Kaya ang ending – umuwi na lamang kami.
                “O, saan na tayo pupunta?” tanong niya sa akin.
                “Kung gusto mo doon ka muna sa apartment ko mag-stay?” sagot ko sa kanya. “O, kung gusto mo ihatid na kita sa inyo.”
                “Kahit ‘di na ako umuwi basta kasama kita.”
                “Ikaw talaga! Sabagay, nasa province naman ang mother mo ‘diba.” Ipinara ko ang isang taxi saka sumakay na kami. Habang nasa loob nang sasakyan ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.
                Parang bata si Sebastian habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Kung pagmamasdan mo siya ay maihahalintulad mo sa isang bata na ngayon lamang nakarating sa syudad ng Maynila.

                Tanghaling tapat na nang makarating kami ng apartment. Halos mapahiga na ako sa sofa sa labis na pagod. Nakaramdam din ako ng pananakit ng ulo pero kinaya ko ang katawan ko. “Nagugutom ka ba?” tanong sa akin ni Sebastian.
                Hinila ko siya paupo sa sofa hanggang sa makatabi ko siya. “Gusto mo dito ka na lang tumira?”
                “Okay lang ba sa’yo?”
                “Hindi naman kita yayayain kung ayaw ko. Sebastian, ito na ang tamang pagkakataon para magsama tayo sa iisang bubong. Gusto kitang silbihan, alagaan at makasama habang buhay.”
                “O baka naman gusto mo lang akong makasama dahil sa sex?” pabiro ko siyang sinampal sa sinabi niya.
                “Loko ka talaga! Bakit ayaw mo ba?” Tumayo ako and I grabbed his right hand. Napatayo siya hanggang sa gahibla na lamang ang pagitan ng aming dibdib.
                Hinila ko siya hanggang sa makarating kami ng kichen. Tinanggal ko ang pagkakabutones ng polo shirt niya. I took hold his zipper and pulled it down. I placed my hands gently to his manhood and his cock quickly responded.

                Dito umiikot ang relationship namin ni Sebastian. Kung walang sex parang kulang ang araw namin. Pakiramdam ko nga hinahanap na ng katawan ko ang pagtatalik naming dalawa. Ito ang stress reliever ko sa tuwing sumasakit ang ulo ko sa tindi ng pagod. At ang katas niya ang nagsisilbing binamina ko. Sex is good in our health! Ilang beses ko nang napatunayan ‘yan!

                Lumipas pa ang mga araw. Lalong lumalim ang pagmamahalan namin. Kahit give and take kami sa lahat ng bagay. Mas madalas na ako ang nagbibigay dahil naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao hindi ka na maghahangad ng anumang kapalit.
                Halos lahat nai-kwento ko na sa kanya. Gusto ko kasing maging open book ang buhay ko sa kanya. May ilang bagay din akong nalaman sa kanya subalit limitado lamang ang mga isinalaysay niya sa akin.
                “Naaalala mo pa ba ito?” wika ko habang ipinapakita ko sa kanya ang key chain na ibinigay niya sa akin.
                “Ang ganda naman! Saan galing ‘yan?” Natigilan ako sa tanong niya. Gusto kong maniwala na nagbibiro lamang siya.
                “Hindi mo ba naaalala ang unang araw na nagkakilala tayo?” Umupo ako sa kama saka niyakap ko siya. “Ito ang unang regalong natanggap ko sa isang tao na ‘di ko inaakala na mamahalin ko ng tapat.”
                Bahagya siyang natigilan. Napangiti siya nang mabasa niya ang nakasulat sa key chain. “Sa akin pala galing ‘to!”
                Isang pilit na ngiti na lamang ang isinagot ko sa kanya. Mayamaya, tumayo siya saka binuksan ang cabinet niya. Mula rito inilabas niya ang isang photo album.
                Laking gulat ko nang matuklasan kong mga picture namin ang halos nakalagay sa album. “Ikaw ang gumawa niyan?” tukoy ko sa mga edited photos naming dalawa. Kinuha ko iyon at masusing pinagmasdan. “Salamat ha! ‘Di ko akalain na gagawa ka pa ng photo album para ipunin ang mga pictures natin.”
                “Oo naman! Sa tulong nito muling babalik ang mga masasayang araw natin.” Naluha ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may isang lalaking magpapakita ng ganitong pagpapahalaga. “Mateo, I would like to take this opportunity na pasalamatan ka.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kung dumating na ang panahon na kinatatakutan ko sana huwag kang magbago.”
                “Emote? Halika nga rito.” Hinila ko siya hanggang sa maglapat ang aming mga dibdib. “Nagbago ako mula nang makilala kita. Sebastian, mahal kita dahil pinapaligaya mo ako.”
                “Paano kung hindi na kita mapaligaya? Paano kung hindi na kita mapaligaya sa kama?”

                Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Paano nga ba kung walang sex ang isang relationship?

                “Hindi lang naman sex ang dahilan kung bakit mo napapaligaya ang taong mahal mo.” jondmur


Mateo
Sa Panulat ni Jondmur


2 comments:

  1. anu ba yan never dapat maging priority ang sex sa relasyon kasi kung ganun dadating yung point na magkakasawaan talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka diyan... hirap talaga kapag sex ang dahilan ng lahat.... ^^

      Delete