Ikaw ba ay healthy? Alam n'yo ba na may mga sakit na kilala sa bansag na - the silent killer? Ung feeling na akala mo healthy ka pero hindi pala. Isa na riyan ang sakit na HIGH BLOOD.
Alam n'yo ba na karamihan sa mga taong nabibiktima ng ganitong karamdaman ay hindi nila alam. Ayon nga kay pareng google, a people who have high blood pressure typically don't know it until their blood pressure is measured.
Pero minsan naman makakaranas ka ng pananakit ng ulo. Un feeling na mabigat ang batok mo. Minsan naman ay makakaramdam ka ng pagkahingal o yung feeling na para kang hinihika. At yung iba naman ay nagugulat dahil lumalabo ang kanilang mga paningin.
Sabi nga nila, kapag mataba ka o mahilig kang manigarilyo at kumain ng mga masesebo eh malaki ang posibilidad na maging high blood ka.
Pero isa pa ang ikinagulat ko - hindi lang mataba ang nakaka-high blood kundi pati na rin ang kinapos sa timbang.
Paano nga ba makaiwas sa High Blood?
- Kung mataba ka eh 'di magbawas ka ng timbang. Minsan nga kasabihan na ito - na kung mataba ka magkaka-high blood ka pero naniniwala ako na hindi lahat ng mataba ay may high blood. Depende kasi 'yan kung paano mo inaalagaan ang sarili mo. At kung may high blood ka talaga, siguro kailangan mo na ring magbawas ng timbang. Iwasan mo na rin ang mga pagkaing may fats - para huwag lumipat sa'yo ang mga taba. Seriously, sabi nga ni pareng google, makakatulong ang pagpayat para bumaba ang blood pressure mo.
- Kung adik ka sa alak at sigarilyo dapat bawasan mo na. Oks lang naman ang uminom habang humihitit ka ng sigarilyo pero dapat minsan lang. Tandaan, kung madalas hindi lang high blood ang makukuha mo baka magkaroon ka pa ng ibang karamdaman tulad ng TB o cancer sa lungs. Kaya kung ako sa'yo hinay hinay lang sa paninigarilyo baka bumaho ang hininga mo - layuan ka ng HABIBI mo.
- Mahilig ka bang umupo? Sa trabaho naka-upo ka na pati sa bahay naka-upo ka pa rin. Aba, magbago ka na! Ang ibig kong sabihin, galaw galaw muna para ikaw ay pagpawisan. In short, magbigay ng oras para makapag-exercise ka. Lakad lakad sa park habang naka-holding hands kay HABIBI at kung single ka eh 'di maglakad kang mag-isa. At kung ayaw mong maglakad, mag-jogging ka na lang - ingat lang baka habulin ka ni bantay.
- Dahil hindi ako doctor, dapat kahit minsan lang magpacheck-up ka naman. Tandaan, mahalagang malaman kung ano ang status ng kalusugan natin. Minsan akala natin healhty tayo pero ang totoo unti-unti na tayong pinapatay ng isang karamdaman.
At syempre, mas makakatulong kung kakain tayo ng mga healthy foods like fruits and vegestable. Mas makakatulong din kung mahilig kang uminom ng fresh milk. Sabi nga nila, ang taong laki sa gatas ay laging healthy.
O. laki ka ba sa gatas?
"Para makaiwas sa HIGH BLOOD disiplina sa sarili ang kailangan. Iwasan ang mga bagay o pagkain na nakaka high blood. Iwasan mo 'din ang mga PASAWAY para 'wag tumaas ang dugo mo."
Ako nahahigh blood lng ako pag matigas ulo ni jikoy haha , ung gatas nmn natatae ako pg uminom ako kya vegetbles and fruits go ako dun ...
ReplyDeleteSalmat sa tips so far sa family walng history namay high blood
sarap pa naman ng milk.... okay yan bawi lang sa fruits and vegestable....
DeleteButi pa kayo walang history ng highblood....
Luckily wala pa akong high blood. Kasi its a very common case sa among family both sides of my family have this and hopefully it wouldn't manifest sakin. Stay healthy nalang tayo for the new year :)
ReplyDeleteokay yan... hirap din pag may highblood....
Deletedapat healthy lagi tayo.... ^^
Naku Kuya Jon, many thanks dito sa iyong healthy tips.
ReplyDeleteMasasabi ko naman na isa akong healthy eater... I know, I eat junk foods and fast foods... pero I'm trying to balance it out with eating veggies and fruits. Di rin ako pihikan pagdating sa gulay at prutas. Kapag umiinom ako ng soda or packed juices, tutumbasan ko naman ng pag-inom ng maraming tubig yan. I'm also proud to say na I'm a non-smoker and non-drinker dude!
Healthy New Year Kuya Jon!
wow.... galing ah... kaya super healthy ka....
DeleteHappy Happy New Year!
Sige gawin natin 'yan!
ReplyDeleteHehe, madali lang sabihin pero totoong mahirap gawin. :)
Happy new year sir!
hehehe .... ganyan talaga... minsan madaling sabihin pero ang hirap gawin....
DeleteHappy New Year ^_^
Huwaw. A great advice to start the year right.
ReplyDeleteSapol na sapol ako dun ha. I think I really should go back to gym kaso nawala na kasi mga gym buddies ko.. hayyyy
back to gym na.... okay din mag gym... lalo na pag may time hehehe.... Thanks... Happy New Year!
Deletegreat to know this information parekoy lalo na ngayong nataba ako ng husto
ReplyDeletethanks for sharing
okay yan..pag tumaba ka pa... sabayan mo ng gym... matutupad ang wish mo na magkaroon ng abs hehehe...
Deleteako gusto kong tumaba ulit....
Hala. Yari ako. Hindi ako mataba pero lagi akong naka-upo sa harap ng computer buong maghapon. Kailangan ng maglakag-lakad. Siya nga po pala, I nominated you fro the Liebster Award. http://owlive2011.blogspot.gr/ Check niyo na lang po. Salamat.
ReplyDeletesabi ng company doctor sa akin: "decrease body weight by diet and exercise". Obese1 daw ako.
ReplyDeleteEh ang sarap kumain...
Ako po ay 5months preggy tumataas ang dugo ko nung una puro kirot lng ng ulo at batok nung prenatal ko ng130/90 bp ko mataas dw un.kea pla msakit nnmn btok ko.tas my ferousulfate pko inum kasama ng vitamins.ung gmot ko s dugo tnigil ko na mna.sa kanin once a day nl g me nkain kaso worry me bka mkasama nmn skin sobrang diet..e lying in lng nmn ko ngpapa check up.tas dko lam anu mga gulay ang dpat kainin my ngssabi n ung saluyot nkka high blood dw tloy tingin ko pti okra gnun n dn..anu anu po bng mga gulay ang bawal sa high blood??
ReplyDelete