Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

After break-up, mag move-on ka na!

     
Madaling sabihin pero kay hirap gawin. Paano nga ba makakapag-move on kung labis kang nagmahal? Kailangan mo pa ng enough time para maka-recover ka sa nararamdaman mo.  Mahirap man pero kailangan mong gawin para sa ikatatahimik ng kalooban mo.

      Pakawalan mo na siya!

      Hindi masama ang mag-emote ang masama lang eh, ‘yung mag-emote ka habang pinapatay ang mga langaw na dumadapo sa hapag-kainan ninyo. Aba! Huwag pabayaan ang sarili na makulong sa bakas ng kahapon. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lamang sa nabigo ka sa maling tao.

      Huwag kang pupunta sa bahay nila kung ayaw mong masaktan sa maaabutan mo. Baka naroon ang ipinalit sa’yo eh, lalo ka lang masaktan. Magmumukha ka pang kawawa sa mga mata ng karibal mo.

      Tigilan mo na rin ang kaka-text sa kanya, masasaktan ka lang sa mga rejection na matatanggap mo. Text ka nang text samantalang siya ay erase nang erase sa mga messages mo. Iwasan mo rin ang pagdalaw sa facebook account niya dahil baka masaktan ka lang kung makita mo ang picture nilang dalawa. Mas masakit kung matuklasan mong burado na sa facebook ang picture ninyong dalawa.

      Ouch!

      Huwag na huwag kang pupunta sa mga lugar na madalas ninyong puntahan. Masasaktan ka lang kung maaalala mo ang mga happy moments ninyong dalawa na alam mong hindi na mauulit pa. Katulad ng paborito ninyong fishbolan o sa karinderya na madalas n'yong utangan. Aba! Lalo ka lang masasaktan kung maaabutan mo siyang kumakain kasama ang ipinalit niya sa'yo. At higit sa lahat mas masasaktan ka kung matuklasan mong nagbabayad na siya.

      Mag move-on ka na! Alam kong mahirap pero kaya mo ‘yan. Aba! Kung ang first love mo nga eh, nabura na sa alaala mo siya pa kaya na baka sa facebook lang naging kayo.

      Pakawalan mo na siya. Huwag ka nang umasa na babalikan ka niya dahil masasaktan ka lang. Sabi nga, may dahilan ang lahat. Nasaktan ka dahil tinuturuan ka lang na maging matatag sa mga susunod na relasyon na papasukin mo.

      Eh, ano ba talaga ang magandang gawin para maka move-on agad?

Ito ang tanong ng lola mo.  Ang sagot ko naman, huwag na huwag kang magmamahal ng bago para lamang makalimot. Huwag mong gawing panakip butas ang isang tao para lamang maka move-on ka. Isa lang naman ang magandang gawin. PAKAWALAN MO SIYA!

      Sa facebook, lalo ka lang masasaktan kung araw-araw eh, tinitingnan mo ang updates ng RELATIONSHIP nila. Bakit kailangan mo pang silipin ang STATUS niya. Umaasa na baka mabasa mong ikaw pa rin ang mahal niya?

      Sapul!

      Talk with your friends. Kahit sumasakit na ang tenga ng mga kaibigan mo eh, ilabas mo lahat ng hinanakit mo. Umiyak ka kung kinakailangan upang gumaan ang pakiramdam mo. Huwag sosolohin ang problema dahil lalo ka lang mahihirapan.

      Itago mo na ang mga regalo niya. Paano ka makakamove-on kung kayakap mo pa rin si Teddy Bear? Huwag mo nang gamitin ang mga bagay na nagmula sa kanya dahil babalik lang ang sakit na nararamdaman mo.

      Huwag mo nang balikan ang mga magagandang eksena. Masakit kasi sa pakiramdam kung alam mong hindi na iyon mauulit pa. Bakit ‘di mo na lang isipin kung paano ka niya iniwan o niloko? Baka doon mauntog ka na!

      Ito lang tandaan mo. Ikaw mismo ang makakatulong sa sarili mo para makamove-on ka. Alam kong mahirap gamutin ang sugat pero makakaya mo ‘yan kung gugustuhin mo.
      Hindi mo kaya?

      Balang araw, magugulat ka na lang na nakamove-on ka na pala. Balang araw, muli kang magmamahal. At kapag dumating ang araw na iyon, isa lang ang masasabi mo. Kaya mo pala!

      Katulad ng sugat humihilom ito sa takdang panahon. Magkaroon man ng peklat eh, okay lang! Tandaan! Nasaktan ka kasi tinuturuan ka lang na maging matatag sa susunod na relasyong papasukin mo.

      Okay, let’s talk about break-up! Paano mo ba ito haharapin?

      “Kapag nakipag-break ka sa isang tao dapat nakahanda ka para wala kang pagsisisihan sa desisyong nagawa mo.”  - jondmur

      Naniniwala ako na pareho lang kayong masasaktan kahit sino pa sa inyo ang nakipag-break. Minsan pa nga mas masakit kung ikaw mismo ang makikipaghiwalay. Nasaktan ka sa desisyong nagawa mo at nahihirapan kang makitang nasasaktan ang taong naging bahagi na ng iyong buhay. Pero gagawin mo iyon para sa ikatatahimik ng kalooban mo lalo na kung masyado kumplikado na ang lahat. Mas mahirap kung mahal mo siya kahit ikaw pa ang nakipag-break sa kanya. Ginawa mo lang kasi iyon dahil kumplikado lamang ang lahat.

      Nakipag-break ka sa kanya pero ikaw ang mas nasaktan – ginawa mo kasi iyon para matahimik ang kalooban mo. Napagod ka na sa mga pagtatalo ninyo na paulit-ulit lamang, umabot na rin sa boiling point ang mga kasalanan niya, at hindi mo na nakayanan ang mga problemang hinarap ninyong dalawa.

      Paano kung ikaw ang iniwan? Paano mo haharapin ang madramang break-up scene?  Mas mahirap bumangon kung ikaw ang iniwan. Mahihirapan kang magmove-on lalo na kung ‘di mo inaasahan na maghihiwalay din kayo.

      Magagalit ka dahil ‘di mo akalain na magagawa niyang makipag-break sa’yo.  Oo, may karapatan kang magalit dahil minahal mo siya pero sana isipin mo rin na baka may pagkukulang ka rin sa kanya. Sapat na ba ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya? Sapat na ba ang oras na inilaan mo sa kanya?

      Mag-usap kayo nang maayos upang mabago ang desisyon niyang makipagkalas sa’yo. Iwasan mo ang masasakit na salita upang huwag nang madagdagan ang mga pagkakamali mo. Iparamdam mo sa kanya na ‘di mo kayang mawala siya  sa buhay mo.

      Paano kung may mahal na siyang iba?

      Huwag mo nang ipilit ang sarili mo kasi lalo ka lang masasaktan. Kung iniwan ka niya dahil sa iba huwag mo na siyang habulin pa – magmumukha ka lang kawawa na baka ikatuwa pa ng karibal mo.

      Minsan after break-up makakaramdam ka ng hiya – kasi akala mo solid na kayo.  At iyon din ang tingin ng ibang tao. Bakit kayo naghiwalay? Minsan mahirap sagutin lalo na kung hindi expected ang break-up ninyo.

      Bakit ka ba mahihiya? Kung iniwan ka niya ibig sabihin pinatunayan niya na hindi siya tumupad ng pangako. Sabi niya, ‘di siya mabubuhay kung wala ka! Eh, bakit humihinga pa siya hanggang ngayon?

      Bakit ka mahihiya kung ikaw ang nakipag-break? Dapat proud ka kasi natauhan ka. Hindi pala siya ang karapat-dapat  para sa’yo.

      Kung naghiwalay man kayo eh, huwag mo na isipin ang sasabihin ng ibang tao. Hindi lahat ng relationship ay perfect – kaya nga may naghihiwalay kasi walang perfect relationship.

      Next, after break-up, nakakaramdam ka ng pagka-guilty sa sarili mo. Pakiramdam mo ikaw ang may kasalanan kahit ang totoo eh inosente ka.

      Gumising ka!

      Bakit mo sisisihin ang sarili mo kung sa simula pa lang alam mong siya ang nagkulang? Nagi-guilty ka kasi nakikita mong nahihirapan siya?  Bakit, nahihirapan ka rin naman? Ginawa mo lang ang tama kasi kung ‘di mo ginawa iyon eh, ikaw ang mahihirapan sa sitwasyon ninyo – mga kumplikadong bagay na kayong dalawa lamang ang nakakaalam.

      Basta! After break-up iba-iba ang nararamdaman ng iniwan o nang-iwan. Minsan naman may mga taong masaya after break-up – kasi nakawala na sila sa SUMPA.

      Sino ba ang hindi matutuwa kung makakawala na siya sa isang miserableng lalaki? Sino ba ang hindi makakahinga nang maluwag kung nakawala ka sa GF mong ubod ng taklesa at ubod ng selosa? Kaya minsan ang break –up nakakapag-bigay ng peace of mind.

      Ano ba ang dapat gawin after nang madramang break – up? Nakakaramdam ka nang pagka-shock o galit after na makipag – break siya sa’yo. Eh, ano ba talaga ang dapat mong gawin para maka recover ka sa eksenang ito?

      Kailangan mo nang makaka-usap. Lumapit ka sa isang taong malapit sa’yo. Sa isang kaibigan o kapamilya na handang dumamay sa’yo. Buksan ang isipan sa mga payo nila. Oo, mahirap pero kailangan mong maging matatag para sa sarili mo.

      Bumangon ka kapatid!

      Be positive! At huwag sisirain ang buhay dahil lamang iniwan ka niya. Huwag ikulong ang sarili sa galit na nararamdaman mo. Habang nagagalit ka lalo mong pinahihirapan ang sarili mo. At dahil sa galit nahihirapan kang magmove-on.

      Harapin mo ang priority mo. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo – isipin mo na marami pang bagay na mas mahalaga kaysa sa kanya. Career mo, study mo, family mo, at iba pang bagay na mas mahalaga pa kaysa sa kanya. Huwag ikulong ang sarili sa pagiging bitter.

    Kaya kung ako sa’yo magmove-on ka na. Masarap mabuhay kung walang bigat sa dibdib. Ikaw lang ang talo kung patuloy kang mag-eemote. Hahayaan mo bang magmukha kang kawawa samantalang ang EX mo ay masaya sa bago niyang syota?

Tips for a Broken Hearted:


      Iwasan ang mag-emote katabi ang radio n’yo. Mas masasaktan ka lang kung makaka-relate ka sa mga kantang tugma sa kabiguan mo. Minsan naman masasaktan ka kasi maaalala mo lang ang mga masasayang araw ninyong dalawa. Kaya kung ako sa’yo – meet your friends kaysa mag-emote sa pakikinig ng mga love songs.

By Jondmur

13 comments:

  1. habang binabasa ko to naiiyak ako .. first time ko msaktan ng ganito . first time ko kc sumeryoso at mgmahal ng sobra .. matagl din kme mgpartner mgpa5years nrin.. ang sakit kc.. parang hindi ko alam san ako mguumpisa ulit .. hind ko alam kung ano ba ggawin ko pra mkbngon ..iniiyak ko na laht.. pero mahirap prin .. cia na ang mali pero xia pa mpgmalaki.. haist ��

    ReplyDelete
    Replies
    1. magdasal ka sa panginoon na mkayanan muna yang break up paubaya muna ke God ang lhat, lhat ng tao nasasaktan , nadarapa pero kailangang bumangon, isipin mo nlng ang iyong pamilya, tandaan mo di lng ikaw ang ganyan sa mundo may mga tao na sobrang nhihirapan sa buhay sa problema, may nkalaan pra sau, lhat may dahilan kung bkit tau nsasaktan o iniiwan ang mas masakit sa lhat iwan ka ng pamilya mo dahil ang pamilya cla ang makakaramay mo sa last sa lungkot at saya wla ng tutumbas pa sa pagmamahal ng tunay na pamilya. lalake,babae na ex wla yan wag mo nlng isipin un ibaling mo ang pagmamahal mo sa Pamilya mo at ke God. God is love.

      Delete
  2. ang hirap mag move-on hindi mo alam kung saan ka mag uumpisa.. ang dami ko ng luhang iniiyak hindi pa rin maeala ang sakit.. i wanted to stop the pain.. kasi ang sakit sakit na.. T.T

    ReplyDelete
  3. ang hirap mag move-on hindi mo alam kung saan ka mag uumpisa.. ang dami ko ng luhang iniiyak hindi pa rin maeala ang sakit.. i wanted to stop the pain.. kasi ang sakit sakit na.. T.T

    ReplyDelete
  4. kakabreak lng namin ngayon...yung feeling na gusto ko ng umiyak sa harap ng maraming tao ng tinxt nya akong break na kmi ang skt...kaya pinigilan ko muna peo pagkauwi ko sa bahay umiyak agad ako kasi ang skit eh mahal ko peo wla eh....problema daw ako....ang skit promise

    ReplyDelete
  5. gaun lang ako nagbasa ng ganito...pero for me one day lang kaya magmoveon...una idelete lahat ng pwedeng communication nio like sa contact # sa cp...fb..iblocked nlng para d mo na tlaga mkita....at sa iba png social network...2nd...itapon sunugin lahat ng mgpapaalala xa kanya ....mga bigay nyang gamit at picture...go out with your frends... maglibng...at isipin mo d sya kawalan sya ang nawalan....

    ReplyDelete
  6. SOBRANG SAKIT KASI AKALA KO PERFECT NA AT SIYA NA MAKAKASAMA KO HABANG BUHAY HINDI PALA INIWAN NYA DIN AKO.. TAMA NGA WALANG PERFECT NA RELATIONSHIP.. THANKS SA TIPS

    ReplyDelete
  7. habang binabasa ko eto nakaka relate ako. kasi hangang ngayon andito pa rin ako sa poder ng taong minahal ko kahit ayaw niya na sa akin. may sakit ako hindi ako makalakad. kya lalo ko nahohirapan hindi ko alam ano gagaein ko

    ReplyDelete
  8. No matter how hard it is magiging okay din tayo. Lahat ng sakit ay lilipas sa tamang panahon. Muli tayong babangon para sa sarili hindi para ipagmalaki sa dating bf/gf na okay kana.

    ReplyDelete
  9. Masakit nga pag may break up na ganyan. Situation ng relationship naming wala din naming patutunguhan. Complicated kung baga. Might as well na tapusin na yung almost 1.5yrs na relasyon namin. Kahit tanggap nyong dalawa kasi mutual naman ang decision, masakit pa din pero in time mawawala din. Isipin na lang siguro yung happy moments para walang bitterness na maramdaman. Yun kasi ang magpapahirap makamove on.

    ReplyDelete
  10. 1 yr mahigit din kami ng ex ko. Ako ang nakipaghiwalay nd dahil nd ko na sya mahal. Mahal na mahal ko sya at nahihirapan ako sa ginawa ko. May nagawa kasi syang mali dati nagkaroon ng iba in short niloko nya ako nakipagbreak ako then narealized nyang ako tlaga mahal nya. Tinanggap ko ulit sya pero syempre d na buoy tiwala ko.. Oo naging kami ulit pero d na tulad ng dati puro selos na ako. At dumating ako na din nakipaghiwalay dahil Wala na ako katahimikan puro Duda nlang.. tama naman siguro ginawa ko kc d na talaga maganda takbo ng relasyon namin un lang hirap mag move on..

    ReplyDelete
  11. Nakarelate ako hbang binabsa ko yan.ganyan ang nangyari sa akin nakipaghiwalay sa akin ang bf ko na almost 1 year na kami dahil suko na daw sya sa akin sa pagiging selosa ko.ang masakit sa akin sya maraming beses nya akong sinaktan pagsisinungaling atbp.pero pinatawad ko sya.at ndi ko iniwan pero nung time na ako ang nagselos at nakipaghiwalay sya sa akin ndi man lng nya ako binigyan ng 2nd chance na baguhin ko ang lahat na meron sa amin.nag makaawa ako na balikan nya ako kaso ayaw na tlga nya.

    ReplyDelete
  12. ang hirap mag move on. .. piro maninawala maayu dn ang lahat

    ReplyDelete