Magpakilala ka! Paano ka niya mapapansin
kung ‘di ka nagpapakilala. Kung malapit lang siya eh, subukan mong magtanong ng
mga bagay bagay na tiyak mong alam niya ang kasagutan. Subukan mong magpatulong
kahit ang totoo eh, kaya mo namang gawin.
Subukan mong humingi ng advice kahit ang
totoo eh, carry mo na ang problema mo. Subukan mong mag-emote sa kanya, malay
mo makinig siya at maka-relate sa mga kwento mo.
Subukan mo siyang tulungan sa mga bagay na
alam mong kailangan niya. Halimbawa, kung kaklase mo siya mag-offer ka na
turuan siya sa English subject niya. At kung ka-officemate mo siya, subukan
mong magbigay ng sandwich sa kanya. Sapul!
Kapag natuwa siya sa sandwich kakausapin ka na niya. Eh, ‘di napansin ka!
Kailangan mo rin magpakita ng body
language – konting giling ng balakang malamang mapalingon siya sa’yo.
At kung ka-facebook mo lang siya,
mag-start ka nang mag LIKE sa mga POST niya. Makipag-kulitan ka sa kanya
hanggang sa dumating ang time na siya naman ang bibisita sa wall mo.
Ipakita mo sa kanya na masayahin kang tao.
Ngumiti ka sa kanya. Minsan kasi ang smile nakakakuha ng attraction. At kapag
kinausap ka na niya, magbukas ka ng topic kung saan alam mong makaka relate
siya.
Purihin mo siya kung magaling siyang
basketbolista. Purihin mo siya sa mga nagawa niyang magaganda. Minsan kasi
natutuwa ang mga guys kapag pinupuri sila. Lalo na kapag sinabi mong cute sila.
At kapag bumanat na siya, doon magsisimula ang unti- unting paglapit ng inyong
mga katawang lupa.
O, diba mission accomplished ka!
Huwag kang magkwento tungkol sa EX or
crush mo. Kapag nag-uusap kayo madalas isinisingit mo na may crush ka o love mo
pa si EX mo. Ginagawa mo ‘yon para itago ang feelings mo sa kanya. Natatakot ka
kasi na baka umiwas siya kapag nalaman niyang love mo na pala siya. Ang hindi
mo alam nagbibigay ka ng wrong signal sa kanya – iniisip niya kasi na ‘di mo
siya like at umaasa ka pa na babalikan ka ng EX mo. Kaya si Gwapito mawawala
sa’yo!
Kapag nag-usap kayo huwag masyadong
seryoso. Magbiro ka naman sa kanya. Sakyan mo rin ang mga banat niya. At pwede
iwasan mo rin ang masyadong madrama.
Huwag magpahalata na love mo siya. Kahit
na love mo na siya eh, huwag mong ipagsigawan. Nababasa niya kasi ang facebook
status mo kaya minsan nahihiya na lang siya. Imbes na kausapin ka eh, umiiwas
na sa’yo si Gwapito.
Dapat relax ka lang! Enjoy mo muna ang
friendship ninyo. At huwag magmadali. Ang mahalaga naging ka close mo siya eh,
ano ngayon kung hindi ikaw ang mahal niya. Sapat na yung minsang nakuha mong
makipag - close sa kanya kahit minsan lang kasi ang iba hanggang pangarap na
lamang makuha ang closeness niya.
By Jondmur
No comments:
Post a Comment