Kaya mas gugustuhin mo pang itago ang
nararamdaman mo. Ang problema, hanggang kailan? Hanggang kailan mo itatago ang
nararamdaman mo sa kanya? Nasasaktan ka sa tuwing nabibigo siya sa pag-ibig.
Okay lang na mag-emote siya sa harapan mo. Willing ka pa ngang maging unan niya
– sa likod mo doon siya iiyak.
Nasasaktan siya dahil iniwan siya ng taong
mahal niya. Ikaw naman, nasasaktan ng dahil sa kanya. Masakit kasing makitang
nagdurusa ang taong lihim mong
minamahal. Ikaw ang mas higit na nasasaktan. Kulang na lang awayin mo ang taong
mahal niya dahil binabalewala nito ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya. Pero
hindi mo magawa dahil alam mong magagalit sa’yo ang bespren mo kung aawayin mo
ang mahal niya. Mas masakit pa kung kakampihan niya ito sa harapan mo.
Eh, ano ba ang karapatan mo? Kaibigan ka
lang niya!
Ang masaklap pa patuloy kang umaasa.
Minsan nga natutuwa ka pa kung break na sila lalo pa kung nakita mong ‘di naman
okay ang minahal niya. Kaya lang kapag naka move on na si bespren eh, sa iba pa
rin ang bagsak niya. Paulit-ulit lang ang eksena. Hindi pa rin ikaw ang pinili
niya.
Ouch!
Bakit kasi hindi ka niya napapansin? Baka
naman may problema sa’yo?
Masyado kang one of the guy, ‘yun bang bespren ng lahat. Kaya naman si guy
natatakot na ligawan ka. Feeling niya kasi hanggang kaibigan lang ang turing mo
sa kanya.
Baka naman nawawala na ang feminine side
mo kung saan iniisip niya na ka-tropa ka na talaga. Minsan kasi iniisip niya na
‘di na kayo talo. Hindi niya kasi nakikita na nagmamahal ka ng iba. Ang hindi
niya alam siya pala ang dream guy mo.
Kung lalaki ka naman baka iniisp niya
nababading ka na kasi ‘di niya nakikita na nanliligaw ka sa iba. Eh, ‘di naman
niya alam na siya pala ang gusto mong ligawan. Kaya ang nangyayari, ikaw na ang
sumbungan niya ng kanyang lovelife. Ikaw naman ang nawalan ng lovelife!
Sapul!
Siguro ‘di ka niya napapansin kasi pilit
mong ipinapaalam sa kanya na nagmamahal ka sa iba. Lagi mong sinasabi na crush
mo ang basketbolistang kapit-bahay n’yo. Ginagawa mo lang ‘yun para pagtakpan
ang nararamdaman mo sa kanya. Minsan naman, ipinapakita mo sa kanya na broken
hearted ka. Umaasa na babalikan ng EX mo kaya si bespren umiiwas na kasi
naniniwala siya na umaasa ka pa na
babalikan ka ng ex mo.
Hindi mo ba napapansin, minsan tinatanong
ka niya kung love mo pa ang ex mo. Ito pa, hindi ka niya napapansin kasi nga
hindi talaga ikaw ang gusto niya.
Masakit ‘di ba? Mahirap bang tanggapin na
talagang hindi ikaw ang mahal niya? At ang masakit ‘di mo man lang nasabi na
mahal mo siya.
Natatakot ka kasi na baka mawala siya
kapag nalaman niya na mahal mo siya. Bakit hindi mo sabihin?
Alam mo ang love parang sugal. Kailangan
mong tumaya at ihanda ang sarili sa risk. Malay mo mahal ka rin pala niya.
Natakot lang din siya na baka iwasan mo siya. At kung talo ka eh, ‘di tanggapin
mo na lang. Tandaan mo sa umpisa pa lang nasasaktan ka na. Atleast, nasaktan ka
man eh, nalaman niyang mahal mo siya.
Paano mo ba sasabihin? At kailan dapat
sabihin?
Kapag nabigyan ka nang pagkakataon na
makausap siya. Hulihin mo ang mga mata niya. Sabihin mo sa kanya na special
siya sa’yo. Swerte mo kung special ka rin sa kanya pero kung hindi dapat kang
matuwa kasi naging matapang kang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.
Paano mo sasabihin?
Huwag mo siyang bibiglain o huwag mong
sabihing mahal mo na siya agad. Baka kasi matakot sa’yo kung babanggitin mo ang
salitang love. Sabihin mo na like mo na siya o special na siya sa puso mo.
Tandaan, huwag sasabihin sa kanya ng biglaan. Kailangan nasa tamang panahon.
Huwag isisingit sa kulitan ninyong dalawa. Kailangan face to face mong
sasabihin sa kanya.
Minsan nahihiya ka o natatakot sabihin sa
kanya nang harapan. Eh, ‘di idaan mo sa ibang bagay. Mag message ka sa kanya ng
mga sweet words – ‘yun bang iparamdam mo sa kanya na nag –level up na ang
feelings mo sa kanya. Burahin mo sa isipan niya na kaibigan lang ang turing mo
sa kanya.
Ang lahat ng iyan eh, may limitations
dapat. Kahit na sure na sure ka na about sa feelings mo eh, dapat alam mo kung
saan ka lulugar. Hindi mo pwedeng sabihin sa kanya kung in a relationship na
siya. Magiging magulo lang ang lahat at baka masira pa ang relationship nila.
Kung ikaw naman ang nasa in relationship,
kailangan mong timbangin kung sino nga ba ang mas mahal mo. Kung manalo si
bespren eh, ‘di makipaghiwalay ka sa BF mo. Mahirap dayain ang puso lalo na
kung iba ang nasa puso mo.
Kung nakahanda ka nang sabihin sa kanya
ang nararamdaman mo kasi single na siya dapat nasa tamang panahon din. Hintayin
mong maka-recover siya sa EX niya. At kung may dinadala siyang problema eh,
pigilan mo muna ang sarili mo. Baka namatayan na siya eh, may gana ka pang
umamin sa kanya. Matatapon lang ang sinabi mo kasi ‘di niya iyon mapapansin.
By Jondmur
No comments:
Post a Comment