Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Ano ang symptoms kung in love ka na?

Minsan hindi ka sigurado kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman mo o paghanga lamang. Lalo na kung first time mo pa lang magmamahal. Ang alam mo lang masaya ka kapag nakikita mo siya. Kaya nga naguguluhan ka kasi ‘di ka sigurado sa nararamdaman mo.

Feeling mo ba nababaliw ka na sa kanya? Kulang na lang tumalon ka sa sobrang pagka-kilig habang pinagmamasdan mo siya? Baka in love ka na? Kaya bibigyan kita ng mga SIGNS para matiyak mo kung love na ang nararamdaman mo. Tandaan! Kapag in-love ka makakaramdam ka ng iba’t-ibang emotions na hindi mo kayang ipaliwanag.

      In-love ka kung lagi mo siyang naiisip. Pagkagising mo pa lang sa umaga, siya na agad ang nagpapangiti sa’yo. Minsan nga nasa ilalim pa ng unan mo ang picture niya na hiningi mo pa sa kaibigan mo. At higit sa lahat, hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo kasi naka-focus ang mind mo sa kanya.

      Nagmamahal ka na kung nagsisimula ka nang mag-alala sa kanya. Kulang na lang ipa-novena mo siya para lang ligtas ang trip niya for vacations. Kinakabahan ka sa tuwing naglalaro siya ng basketball. Natatakot ka kasi na baka mapilayan siya. At kapag may sakit siya, tinalo mo pa ang nanay niya sa labis na pag-alala.

      Gusto mo ba na lagi siyang masaya? Natutuwa ka kapag nakikita mong ngumingiti siya? Mahal mo na siya kung iniisip mo na ang happiness niya. Nalulungkot ka kapag umiiyak o bad mood siya. Gumagawa ka ng paraan para mapasaya mo siya. Kulang na lang maging clown ka para mapangiti mo siya. At kung may problema siya, nakahanda kang makinig sa mga kwento niyang paulit-ulit lang.

      Kung first time mong magmahal. Gusto mo lagi kang maganda sa paningin niya. Kaya nga mabenta ang baby cologne  kasi pinapaligo mo na. Gusto mo fresh ka kapag nagkita kayo. Minsan nga nagpapasikat ka pa para makuha mo ang atensyon niya. Masarap kasi sa pakiramdam kapag napapansin ka ng taong mahal mo. Kaya minsan gumagawa ka ng paraan para ma-impress siya sa’yo.
      
        Kapag nagmamahal ka pumapasok ka na sa tinatawag na getting to know each other. Interesado ka nang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya. Kulang na lang alamin mo ang history ng buhay niya.
      Kapag mahal mo na siya nagsisimula ka nang maglambing sa kanya. Natutuwa ka kapag nagustuhan niya ang niluto mong ulam. Natutuwa ka kapag pinupuri ka niya. Lumalaki ang tenga mo sa sobrang tuwa. Sino ba ang hindi mapapalundag kung alam mong na-appreciate niya ang ginawa mo sa kanya?

      Mahal mo na siya kung nagbibigay ka na ng regalo. Hindi mo iniisip kung mahal o mura basta ang mahalaga mapasaya mo siya sa ibibigay mo. Minsan naman ikaw mismo ang gumagawa ng mga pa-surprise mo sa kanya. Katulad ng mga greeting cards, paintings at marami pang iba na ikaw mismo ang may gawa.

      Kapag mahal mo na siya nawawalan ka na ng time sa ibang tao. Di mo na nga napapansin ang ibang manliligaw mo. Naka-focus na ang mind mo sa isang tao. Minsan nga kahit barkada mo nakakalimutan mo basta’t kasama mo ang taong mahal mo.

      Kapag nagmahal ka makakaramdam ka ng selos. Masasaktan ka kapag nakitang may ibang nagmamahal sa taong mahal mo. Dahil sa pagmamahal na iyan natuto kang umiyak.

      Kapag nagmahal ka na matututo kang mangarap na sana balang araw kayo rin ang magkatuluyan. Umaasa ka na mamahalin ka rin ng taong mahal mo. Kaya nga masasaktan ka sa oras na malaman mong hindi ikaw ang mahal niya. Tandaan! Kapag nasaktan ka ibig sabihin mahal mo na siya.

      Minsan maguguluhan ka sa nararamdaman mo. Paano kung humahanga ka lang sa isang tao? Paano mo malalaman kung pagmamahal na ba iyon?

      Gaya nang nasabi ko na, kapag mahal mo na siya makakaramdam ka ng iba’t-ibang emosyon. Kikiligin ka hanggang sa nasasaktan ka na. Kasi kung love mo na siya parang siya na ang buhay mo. Kulang ka kung wala siya.

      Get’s mo?

      Humahanga ka lang kung pansamantala lang ang pagkakilig mo sa kanya. Parang humahanga ka lang sa isang artista. Kinikilig ka lang pag nakikita mo siya pero agad namang mawawala kapag nakahanap ka na ng bagong hahangaan.

      Basta! Kapag nagmahal ka na. Ikaw mismo ang makaka-diskubre niyon. Bigla mo na lamang masasabi na in love ka na. Basta! Malalaman mo lahat ‘yan kapag nagmahal ka na.
     
Paalala:


      Hindi naman masamang mahalin siya. Huwag lang masyadong mag-expect na mamahalin ka rin niya. 

By: Jondmur

5 comments:

  1. Whoa, thank you po. Ngayon, alam ko na ����

    ReplyDelete
  2. Ako kasi iba yung situation bata sya sa akin 5 years kong tinago .. Sa totoo lang mahal ko pa dij sya hanggang ngaun kahit may boyfriend na ako. Pero sabi nga matututunan ko din naman siyang mahalin e.. Kesa naman na ako lang ang nagmamahal at paulit ulit na masaktan . Tinatawaga niya ako palaging ATE masakit diba . Kahit alam niya na iba ang feelings ko sa kanya for about 5 years. Wag sya mag alala. Mawaala na to . Dahil nandyan na ang boyfriend ko na handang ibigay sa akin lahat ng bagay na di niya kayang ibigay. Nakakaiyak man pero oo umaasa ako sa 5 years . Hayss umasa na balang araw mamahalin din niya ako . Tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

    ReplyDelete
  3. Ako kasi iba yung situation bata sya sa akin 5 years kong tinago .. Sa totoo lang mahal ko pa dij sya hanggang ngaun kahit may boyfriend na ako. Pero sabi nga matututunan ko din naman siyang mahalin e.. Kesa naman na ako lang ang nagmamahal at paulit ulit na masaktan . Tinatawaga niya ako palaging ATE masakit diba . Kahit alam niya na iba ang feelings ko sa kanya for about 5 years. Wag sya mag alala. Mawaala na to . Dahil nandyan na ang boyfriend ko na handang ibigay sa akin lahat ng bagay na di niya kayang ibigay. Nakakaiyak man pero oo umaasa ako sa 5 years . Hayss umasa na balang araw mamahalin din niya ako . Tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

    ReplyDelete
  4. Ako kasi iba yung situation bata sya sa akin 5 years kong tinago .. Sa totoo lang mahal ko pa dij sya hanggang ngaun kahit may boyfriend na ako. Pero sabi nga matututunan ko din naman siyang mahalin e.. Kesa naman na ako lang ang nagmamahal at paulit ulit na masaktan . Tinatawaga niya ako palaging ATE masakit diba . Kahit alam niya na iba ang feelings ko sa kanya for about 5 years. Wag sya mag alala. Mawaala na to . Dahil nandyan na ang boyfriend ko na handang ibigay sa akin lahat ng bagay na di niya kayang ibigay. Nakakaiyak man pero oo umaasa ako sa 5 years . Hayss umasa na balang araw mamahalin din niya ako . Tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

    ReplyDelete
  5. Oo alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya . Pa fall eh yung tipong pinaparamdam nya na mahalaga ka sa kanya . Yung tipo na lahat ng gusto mo sa lalaki eh nasa kanya na . Pero hindi mo alam kung the feeling is mutual na talaga hirap umasa eeh. Hirap talaga mag expect kung mahal karin nya or pinapaasa o libangan ka lang nya :(( bakit kasi naiinlove pa kung hindi naman inloved syo ang mahal mo huhuhu :((

    ReplyDelete