"Hindi mawawala ang sakit kung may galit ka pa ring nararamdaman. ‘Yan ang dahilan kung bakit ‘di ka makapag move on." - Jondmur
Naranasan mo na bang masaktan? Ang sakit ‘di ba? Lalo na kung iniwan ka niya dahil nakahanap siya ng mas higit sa’yo. Ang mas masakit ‘yung naghiwalay kayo na may samaan ng loob.
After break up dapat iwasan ang pagbitiw ng mga masasakit na salita laban sa kanya. Umiwas ka para ‘di ka maging updated sa mga nangyayari sa kanya - huwag nang kilalanin kung sino ang ipinagpalit niya sa'yo.
Hindi ka makakapagmove-on kung ‘di mawawala ang galit na nararamdaman mo. Dapat alisin mo ang galit para mawala ang sakit. Subukan mong magpatawad at humingi ng tawad.
Ang hirap diba?
Isa lang ang magandang gawin. Tawagin mo ang nasa Itaas. Kausapin mo siya at ihiling mo na gamutin niya ang sugat sa puso mo. Tandaan, kapag si God ang kinausap mo mas mapapabilis ang paghilom ng sugat sa puso mo.
Kapag napatawad mo na siya sure ako matatanggap mo na ang nangyari sa relasyon n'yo. At doon matutuklasan mo na nagkamali ka sa pagpili sa kanya noon.
By Jondmur
Ay grabe ka. Nagbackread ako feeling ko tumalbog-talbog ulit ang puso ko. Hahaha.
ReplyDeleteNakakatuwang basahin ang ilan sa mga hugot lalo na kapag secure ka na sa kinalalagyan ng puso. Masarap balikan ang mga kwento. Hehe.
About sa entry na ito, i cannot agree more. Hangga't may galit, mahihirapang maka-move on. Salamat sa pagshare. Naremind ako. Hehe
kumusta ang mga kuwento patungkol sa kuwento ni Nanay...
ReplyDelete