Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

How to Forgive Someone?


Hanggang ngayon ba may galit kang nararamdaman? Hanggang ngayon ba may isang tao na talagang kinaiinisan mo? Siguro dahil may nagawang mali sayo. Nasaktan ka. Napahiya ka. Niloko ka o may ginawa siyang isang bagay na hindi mo matanggap.

Kaibigan, kailangan mong pakawalan ang galit sa dibdib mo. Sabi nga sa kasulatan, be kind to each other, tenderhearted, forgiving one another.

Forget the past. Huwag mong hayaan na makulong ka sa nakaraan mo. Alisin mo ang takot. Tandaan mo, ang Panginoon ay gumagawa ng mga bagong bagay para sa’yo. Magtiwala ka lang sa Kanya. Kailangan mo ring alisin ang kabigatan sa dibdib mo – mahirap mag step forward kung alam mo sa sarili mo na may galit ka pang nararamdaman.

Pray – pray for that person. Hindi mo kaya pero kaya ng Panginoon na gamutin ang puso mo. Iiyak mo sa Kanya ang lahat ng hinanakit mo. God is close to the broken hearted. Nasaktan ka. Nagalit ka. Kayang alisin ‘yan ng Panginoon.

Forgiving takes time. Di naman kailangan agad agad. Ang mahalaga ilayo mo ang sarili mo na makagawa ng mga maling hakbang. Control your emotion. Let God take it from your hands and let him handle the situations.

Choose to forgive. Kailangan subukin mo. Magtiwala ka na malalampasan mo. Ang pagpapatawad ay isang malaking challenges sa buhay mo - isama mo ang Panginoon para tulungan ka Niyang makalimot at bigyan ng peace ang buhay mo. 

1 comment: