Pero ano nga ba ang magandang gawin? When you can't stop thinking about the person who broke your heart? Pinilit mo namang limutin siya pero di mo magawa. Ano na ngayon ang gagawin mo?
Remove painful memory triggers - alisin mo lahat ng mga bagay na nagbibigay sayo ng dahilan para maalala siya. Itago mo o ipamigay mo ang mga regalo niya sayo. Kung binigyan ka niya ng isang teddy bear at yakap yakap mo pa rin sa tuwing natutulog ka - sigurado akong di mo talaga siya makakalimutan.
Pakawalan mo ang mga bagay na nagpapaalala sa'yo kung gaano kayo kasaya noon. Iwasang balikan ang mga memorable places nyong dalawa. Huwag mo na ring tignan ang facebook niya - baka mas masaktan ka kung makita mong masaya na siya sa present niya.
Oo, masakit, but it doesn't have to stay forever. Mawawala din 'yan!
Let it out. Iiyak mo lang - Walang masama kung umiyak ka. Nasaktan ka diba? Iiyak mo 'yan pero huwag mong hayaan na bumagsak ka. Itayo mo ang sarili mo. Balang araw lilipas din ang sakit na nararamdaman mo.
Talk to someone. Talk to God - Mahirap talagang maka get over sa breakup kaya sa mga panahon na nandiyan ka sa sitwasyon na 'yan huwag mong hayaang makulong ka sa kalungkutan. Talk to your friends. Kailangan mo ng masasabihan ng bigat na nararamdaman mo. Huwag kang magkulong sa kuwarto - mas bibigat ang pakiramdam mo.
Talk to God. Alam Niya ang nararamdaman mo kaya dadamayan ka Niya. Sa Kanya mo ibuhos ang lahat ng kabigatan mo at bibigyan ka Niya ng kapahingahan. Mahal ka Niya - kaya bubuuin ka Niyang muli.
Wow looks who's back? ☺
ReplyDeletemusta... resulta ng lockdown hehehe para may magawa man lang hehehe!
Delete