Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep3

Episode  3 – Matakot ka kay Sandra
HINDI pa rin mapalagay si Sonia dahil patuloy pa rin sa pag-iimbestiga si Mister Xehan kung sino ang nagsulat sa bulletin board tungkol sa mga sizes ng tatlong boarders.
“Sino nga ba?” tanong ni Noorell habang nakatingin kay Sandra. “Hmmmm! Naiisip mo ba ang naiisip ko?”
“Hmmm! Sa tingin ko pareho tayo ng iniisip,” sagot ni Sandra habang tumutulis ang nguso nito. Nakaharap ito kay Sonia na tila umaastang may binabasa pero baligtad naman ang magazine na hawak. “Hoy! Huwag kang magpaka-inosente girl! Aminin! Ikaw ang gumawa no?” Tumingin ito sa kanila ni Noorell at isang matamis na ngiti ang ibinigay nito na sinamahan pa ng isang kagat sa labi.




Tumawa sila nang tumawa hanggang sa magsitalunan sila sa ibabaw ng kama. Halos yumanig na ang buong boarding house sa ginawa nila.
BINALOT nang matinding pag-alala ang puso ni Lola Cattling. Agad niyang hinawakan ang suot na rosarito. “Diyos ko! Enrique, lumilindol yata!”
“Ano ka ba? Nananaginip ka lang,” sagot nito na siyang ikinainis niya. Kinuha niya ang unan saka hinampas ang abs nito na niluma na ng panahon. “Hindi ako nananaginip pero alam mo kagabi binangungot ako. Nahulog daw ako sa hagdan. Mabuti na lamang nakakapit ako sa isang tubo na hindi ko alam kung saan nagmula.”
“Kaya pala hawak hawak mo ang toytoy ko kagabi. Hinila hila mo pa!” malakas nitong sabi na tumagos sa kabilang kuwarto.
HALOS mapunit ang ngala ngala ni Sandra habang nakikinig sa usapan ng dalawang matanda. Bilib din siya sa mag-asawa dahil habang tumatagal mas lalong lumalaim ang pagmamahalan. Bigla siyang nalungkot nang maalala ang dating pag-ibig. Ipinagpalit kasi siya ng kanyang boyfriend sa isang Korean girl na mahilig kumain ng hot noodles.
Nasundan pa ang kanyang kabiguan nang hindi sumipot ang kanyang groom sa araw ng kanyang kasal. Magmula noon binalot na ng galit ang puso niya. “Balang araw makakaganti din ako sa inyo,” aniya sa sarili habang kinukuha ang white towel na nakasabit sa likod ng pinto.
Lumabas siya saka bumaba ng hagdan. Pupunta siya sa gym na pag-mamayari din ni Mister Xehan. Pagkapasok niya sa pinto agad na natahimik ang mga kalalakihan.
Isang tiger look ang ipinukol niya sa isang lalaki na nagbubuhat ng barbell. Muntikan pa itong ma-out balance dahil sa ginawa niya.
“Sandra, may naghahanap sa’yo,” sabi ng isang babae na nasa likuran lamang niya. “BF mo daw,” dugtong nito na siyang nagpataas sa kanyang kilay.
“Sandra, please mag-usap tayo,” wika ng isang lalaki na may dalang bulaklak. Tumalikod siya saka tumungo sa dressing room. At katulad ng inaasahan niya ay sinundan siya ng lalaki. Humarap siya rito saka isang tadyak ang pinakawalan niya na siyang nagpaluhod sa lalaki.
Halos mapaluhod ito na siyang ikinatuwa niya. “Walang tayo! Kailan man hindi naging tayo!” Akma na siyang tatalikod nang bigla siyang yakapin nito. Nakaluhod ito kaya sumubsub ang mukha nito sa kanyang puwetan.
“Please, di ko kayang mabuhay na wala ka!” Bakas ang kalungkutan sa mukha nito na tila isang batang nagpapabili ng isang laruan.
“Mahal o gusto mo lang ang katawan ko?” Inangat pa niya ang dalawang boobs niya na siyang nagpatingala sa gwapong lalaki. “Kung mahal mo ako dapat paliligayahin mo ako,” dugtong niya na sinamahan niya ng isang mapanuksong titig.
Natuwa ang binata sa ginawa niya. Lumapit ito sa kanya saka agad siyang hinalikan. Mayamaya, inutusan niya itong maghubad ng damit.
Pinulot niya ang brief nito saka agad na inamoy. “Hmmm! Ang bango!” saad niya na siyang ikinatuwa ng gwapong binata. Pinulot niya ang pantalon at damit nito saka agad na lumayo sa lalaki. “San ka pupunta?”
Kinuha niya ang itak na nakatago sa isang sulok ng dressing room. Humarap siya sa lalaki na tila sasabak sa isang matinding labanan. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkapoot. “Takbooo! Kung ayaw mong tagain ko ang ulo mo!”
Sa labis na takot ay patakbong lumabas ng dressing room ang binata. Nakalimutan na yata nito na wala itong saplot sa buong katawan.
“O ginoo ko! Ang puso ko! Ang puso ko!” malakas na sigaw ni Lola Cattling habang nakakasalubong ang lalaking hubut-hubad na tumatakbo palabas ng gym. Hawak hawak nito ang dibdib na tila nahihirapan sa paghinga.
Bakas sa mukha ni Sandra ang labis na kaligayahan. “Hindi ko lang kayo sasaktan, pahihirapan ko pa kayo!” aniya habang inaamoy ang brief na hawak niya.
Huwag kang humarot  lalaking maharot baka ika’y maharot ni Harot
Tatlong Maria na may ibat-ibang pananaw sa buhay. Sila ang mga babaeng gugulo sa tahimik n’yong buhay. Si Noorell, si Sonia, at si Sandra – sila ang TRES Marias.
Go! Go! Girls! Ang love ay sadyang ganyan
Ang iyong tandaan pagibig lang ‘yan
Go! Go! Girls! Go Marching On!

Magkahawak kamay sila habang naglalakad sa high-way. May lollipop sa bibig, mapanuksong titig at mapaglaruang dila ang kanilang ibinibigay sa mga kalalakihang nakakasalubong nila.

15 comments:

  1. nakakatuwa sina lolo at lola.. more more!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe uo harot kasi.. abangan ang mas humaharot na eksena hehe. thanks.. keep smilling..

      Delete
  2. kaharot hsrot ni lolo st lola hahah pero naloka di man lang napansin nung guy na nasa bandang pwet siya nagmamakaawa? tsss

    ReplyDelete
    Replies
    1. weee! thanks sa super comments... buti nabasa mo ang harot na episode hehehe

      smile smile lang always ^^

      Delete
  3. Ma harot nga! hehehe! I love the title!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks anney... sa pagbisita sa harot hehehe...

      Keep smlling^^

      Delete
  4. hi follow you back and have a good day

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks din sa pag follow ^__^ smile smile always ^^

      Delete
  5. Natawa naman ako dito.. Maharot ka rin siguro, ang harot ng utak mo e!

    Kaloka sina lolo at lola ah! Ang manyak nun lalaki, dapat lang yun sa kanya, hehe..

    Ep3.. asan yun ep 1&2? Bulag na ata ako, di ko makita..

    P.S. Thanks sa time sa pagbackread mo sa posts ko at sa comments! Na-appreciate ko :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hang harot ba hehehe thanks Jo sa pag read and comment....

      Welcome... saka fav ko na rin ang blog mo.... ^___^

      Keep smilling ^_^

      Delete
    2. Natuwa ako ng binasa ko reply mo.. Jo kasi tawag mo saken e, hehe.. Feeling ko tuloy super close na tayo, hihi

      Thanks!

      Delete
  6. Replies
    1. hehehe hang harot daw ng author hahaha --- thanks tol^^

      Delete
  7. Replies
    1. thanks Gen ^^ abangan ang mas maharot na next epesode hehehe

      Delete