Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep 2

Episode 2 – Huwag kang humarot kay Sonia
USAP-USAPAN pa rin sa loob ng boarding house ang nangyari  kay Mark na siyang ikinatuwa ni Noorell. Until now, napapaisip siya kung paano nagkasya ang toytoy nito sa loob ng bote.
“Paano matatanggal ang bote?” tanong ni Sonia na tila bakas ang kuryusidad sa mukha nito.

“Eh, di basagin!” Natawa siya na siyang nagpahawa sa kaibigan hanggang sa balutin nang malalakas na tawanan ang buong silid.
HALOS tumalsik ang laway ni Sonia habang nakikipag-harutan kay Noorell. Gawain na kasi nila ang pag-usapan ang mga boys na naninirahan sa first floor ng boarding house. Lahat na yata ng tsismis ay alam na nila. Katulad ng isang boarder na may dyowang matrona, ang isa naman ay may tatlong asawa, at ang mas matindi ang isang hunk na tinitilian ng ibang Marias ay isa palang bading na mahilig din sa mga lalaking may abs.
Lumabas siya nang silid saka bumaba ng hagdan. At katulad ng inaasahan niya halos lumuwa ang mga mata ng mga boys. Balita kasi sa loob ng boarding house na siya na lamang ang hindi pa nagkaka-boyfriend. It means, di hamak  na mas sariwa ang petchay niya kaya maraming boys ang gustong mag-harvest sa kanya.
“Hi! Pwede ba kitang samahan kung saan ka pupunta?” saad ng isang lalaki na sa tingin niya ay bisita ng isang boarders.
“For what?” tugon niya na sinabayan niya ng pagtaas ng kilay. “Alam mo kuya kung ako sa’yo umalis ka na!” Bumaba ang tingin niya na tila kinikilatis ang katawan ng lalaki. “Alam mo sa laki ng tiyan mo hindi mo na makita ang toytoy mo,” saad niya na siyang nagpahalakhak sa ibang kalalakihan na nakikinig sa mga sinasabi niya.
Tumalikod siya saka lumabas ng boarding house. “Hoy! Kahit maliit ‘to! Mahaba naman ang dila koooo!” malakas nitong sigaw na siyang nagpahalakhak sa kanya.
“Kahit anong gawin n’yo di nyo makukuha ang petchay ko!” sigaw ng kanyang isipan habang naglalakad sa highway.  
HINDI ma-explain ang awra  si Mister Xehan habang tinatanggap ang down payment ng bagong boarders. Tatlong binatilyo na sa tingin niya ay nagtataglay din ng six pack abs. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung six month advance ang ibinayad nito.
“No problem po! As long na maraming magagandang Marias dito eh kahit one year na down payment  ang ibigay namin ay okay lang po,” saad na isang binata na kamukha ni Coco Martin.
Napangiti na lamang siya sa sinabi nito. Ilang sandali pa, pumasok na ang tatlong binatilyo sa inupahang silid. Agad naman siyang nagulat nang makitang bumababa ng hagdan si Lola Cattling na tila tumatakas sa isang delubyo.
“Lola, bakit kayo bumaba? Naku! Baka mahulog kayo!” sigaw niya sa matanda habang papalapit siya rito para alalayan.
“N-nasaan na ang bagong boarders? Balita ko kamukha ni Coco Martin ang isa.” Napangiti ito na siyang nagpalabas sa gilagid nito. “At yung isa kahawig daw ni Jake Cuenca pero yung kamukha ni Papa Piolo ang type ko,” lintayang tugon nito sa kanya na siyang ikina-high blood niya.
“Hay! Kung di lang kayo matanda kanina ko pa kayo binatukan.” Pumikit ito na tila may iniisip na malalim. “O, anong drama ‘yan?”
“Alam mo apo ko? Noong dalaga pa ako ang dami kong manliligaw. Yung isa kamukha ni Dolphy, at yung isa naman kamukha ni FPJ. Hihihi! May crush ako noon kamukha naman ni Erap,” malanding wika nito na siyang nagpa-taas ng sugar niya.
“Kakaloka!” aniya sabay talikod upang makatakas sa day dreaming ng matanda. Tumungo siya sa restroom ng mga lalaki upang mag-inspection. At katulad ng inaasahan niya. “Homaygulay! Ang lagkit lagkit ng tiles!”
KUMULO ang dugo ni Sonia nang maka-uwi ng boarding house. Paano ba naman siya na naman ang napag-tripan ng mga bagong boaders – ang tatlong itlog sa paningin niya.
“Miss, may I know your name?” wika ng lalaking kahawig ni Coco Martin. “Balita ko, ikaw daw ang pinaka-mahinhin sa lahat ng mga Marias na narito,” dugtong nito na siyang nagpakulo sa dugo niya. Umabot na yata sa boiling point ang pagtitimpi niya kaya hinarap niya ang lalaki.
“Hoy! Lalaking mukhang coconut! Kung wala kang magawa pwede huwag ako ang pag-tripan mo? Excuse me! Hindi ikaw ang type ko!” Lalo pa siyang nainis nang lumapit ang dalawang kasama nito saka pinagtulungan siyang asarin.
Umakyat siya ng hagdan habang pinipigilan ang kanyang mga luha. Naiiyak na siya sa mga pang-aasar sa kanya ng tatlong itlog. “Humanda kayo sa bagsik ng aking paghihiganti,” aniya sa sarili habang tumatakbo paakyat ng hagdan.
10 PM – oras kung saan madalas mag-shower ang mga kalalakihan. At katulad nang madalas gawin, nasa loob ng ladies room si Sonia.  Nakaluhod sa restroom habang tinatanggal ang isang tiles ng sahig. At mula sa butas, katapat niyon ang restroom ng mga lalaki sa first floor. Napangiti siya nang magtagumpay siya sa kanyang mission.
KINAUMAGAHAN halos kuyugin ng tuksuhan ang tatlong itlog. Hindi naman malaman ni Mister Xehan kung ano ang pinagmulan ng tuksuhan hanggang sa makita niya sa kanyang bulliten Board ang isang malaking note – halos masaklot niya ang kanyang bibig sa nabasa.
Coco Martin – 4.5 inches
Jake Cuenca – 4 inches
Papa Piolo – Di ko makita!
OMG! Halos masira ang brain cells ni Mister Xehan kung sino ang nagsulat ng mga sizes ng tatlong boarders. Kinuha niya ang itak saka sumigaw ng ubod lakas. “Waaaa! Dahil sa’yo umalis ang tatlong boarders at binawi pa ang down payment,” malakas niyang sigaw na siyang bumulabog sa loob ng boarding house.
Takot Mode – Sonia

12 comments:

  1. Nasira ang brain cells ko habang binabasa to. lol Puro kapamilya ang boys ah.. Ang mga girls sino kaya kamukha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe tara ayusin natin ang brain cells... la kasi ako maisip na kapuso hehehehe... thanks sa pagbasa tol ^__^

      Delete
  2. Hahaha.. need ko magback read kwela tong akda mo ah. Anyway, salamat naman at sa wakas natagpuan ko din ang bahay mo Ginoo lagi akong napupunta sa google+ pero wala yung link ng site mo. Kinailangan ko pang tumambling ng ilang beses para makarating here.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Gracie ^^ buti napadpad ka na dito... appreciate ko....

      Keep smilling ^_^

      Delete
  3. at first, sa isip ko ay baka di ko peude magbasa nito dahil grandma na baga ako at ang asawa kong seaman ay nasa destino. But binasa ko pa rin at napatawa ako ng malakas sa last part. Ha ha:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe buti nabasa mo to... hang harot no hehehe....

      happy naman ako kasi napatawa kita ^__^

      Delete
  4. salamat nga pala sa pagbasa ng mga post ko. I appreaciate it very much. Kaya ikaw nasa blogsite ko, ako naman andito. he he.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thankful din ako kasi naiinspire ako po ako sa blog nyo ^^ parang ang sarap tumambay lalo na pag umaga... kasi nakaka refresh hehehe saka maaga pa lang makakabasa na ako ng mga nakaka inspire na quote saka photos ^^

      Delete
  5. hahaha...kaloka ang sizes... pasaway si sonia...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kakaloka ba hehehe thanks Hash purcia sa pagbisita sa harot story hehehe ^___^

      Delete
  6. Andame ko tawa sa hunk na tinitilian ng ibang Marias ay isa palang bading na mahilig din sa mga lalaking may abs, wahaha!

    Nakakatuwa talaga si lolang maharot! Pasaway naman si ateng sa pagpopost ng sizes, hehe, lagot siya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe hang harot lang eh.... thanks Jo sa pag read sa harot stories.... hehehe maharot yata utak ko hehehe

      Delete