Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Gitnang Silangan: Sa Aking Paglalakbay


Ayaw ko na sanang ibuko ang iba subalit ayon sa aking pananaliksik eh, hindi ito maiiwasan. Kung nakakausap ni pinoy si pinay sa beach o sa religious gathering eh, malaki ang chance na mahulog ang loob ni pinay sa nagungulilang pinoy.

Gitnang Silangan: Sa Aking Paglalakbay
Blog ni JonDmur

Nang makatuntong ako sa lupain ng mga arabo, maraming katanungan ang bumabalot sa aking isipan. Makaya ko kaya ang init sa disyerto? Paano ako haharap sa mga arabo? Anu-ano kaya ang mga libangan ng mga pinoy OFW dito? Ano ba ang matutuklasan ko sa aking paglalakbay?
Ang mga katanungan ko sa aking isipan ay nagbunga ng ibat-ibang emosyon, kuryusidad at kaalamanan. Ilan sa mga ito ay babanggitin ko.

MGA BAWAL SA BAGAHE

Isang buwan akong nangangamba kung anu-anong bagay ang pwede kong dalhin? Pwede kaya akong magdala ng nailcutter, lotion, perfume, medecine o pwede ko kayang isingit ang anting-anting ko? (Meron kasi akong anting-antingan kuno na madalas  kong gamitin sa kampon ng kadiliman), at higit sa lahat kailangan ko ba talagang magpatubo ng bigote para hindi ma-rape sa disyerto?
Sa tulong ng PDOS o seminar bago umalis ay nalaman ko kung anu-ano ang mga ipinagbabawal sa bagahe. Ilan sa mga pangunahing ipinagbabawal ay ang mga sumusunod.

Porno materials - Iwanan mo na ang mga paborito mong FHM Magazine dahil bawal magdala ng porno magazine sa Saudi, kapag nahuli ka lagot kang bata ka!

Droga - Huwag na huwag kang hihirit kung ayaw mong mahuli ng pulis. At huwag magdadala ng tawas kung ayaw mong ma-delay ang trip mo. Mag-rexona ka na lang!

Deadly Weapon - Ipinagbabawal dahil bawal pumatay sa Saudi. Bakit sa Pilipinas hindi ba?

Religious Material  - Magsimba ka na bago ka umalis. Iwanan mo na ang minana mong bibliya dahil hindi ‘yan pwede sa Saudi. At kapag nahuli ka sigurado akong tatawagin mo lahat ng santo sa langit, at baka mapadasal ka pa nang wala sa oras.
Kaya kung gusto mong makalabas ng airport ng Saudi eh, makinig ka na lang sa sasabihin ko. Sundin mo na lang ang batas ng Saudi para NO problema.

TAKOT AKO!

Kumakabog ang dibdib ko habang lumilipad ang airplane , pero nawala ang takot nang makatikim ng masasarap na pagkain na ibinibigay ng mga naggagandahang stewardess. Kaya naman wala na akong inatupag kundi ang kumain. Ang sarap talagang mag-kainan!

Pangamba naman ang naramdaman ko nang lumapag ang airplane sa airport ng Saudi. Halos pigilan ko ang paghinga habang sinusuri ang aking pasaporte at visa. Problema mo kung wala kang bigote sa passport photo mo dahil hindi sila maniniwala na ikaw ‘yun? Kaya huwag mag-aahit kung may bigote ka sa passport mo kung ayaw mong ma-delay ang paglabas mo ng airport.

Paghihinayang naman ang naramdaman ko nang makalabas ang aking bagahe ng walang kahirap-hirap. Hindi man lang nagalaw ang zipper ng maleta ko. Diyos ko! Kung alam ko lang sana, eh di sana nagdala na ako ng maraming vitamins, isiningit ko ang nail cutter sa bulsa ng pantalon ko, o di kaya isiningit ko ang sexy picture ni Angelica Panganiban sa Tagalog-Arabic Dictionary ko.

Sa madaling salita, nagkataon lang na hindi mahigpit ang security nang dumating ako. Balita ko kasi sa mga sumunod na dumating eh, halos itapon ang laman ng maleta nila sa higpit ng sekyuridad.

Pag-alala naman ang naramdaman ko nang walang aninong sumusundo sa amin. Aba! Palubog na ang araw saka ilang dasal na ng mga muslim ang lumipas. Mabuti na lang nakuha sa dasal, at isang saudinian nationals ang sumundo sa amin. Kahit gabi na eh, okay na rin atleast hindi kami natulad sa mga pinoy na walang sumundo dahil nabiktima ng illegal recruiter.

GALAK SA PUSO

Ang takot ay napalitan ng tuwa nang makalabas ng airport. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Sa wakas! Nasa Jeddah na ako! Nakakaamoy na ko ng ibat-ibang klaseng amoy - bayabas, sibuyas o di kaya nabubulok na kamatis.

Sa aking paglalakbay, ay hindi ko maiwasan ang matuwa habang nakaka-diskubre ako ng bago. Ayon sa aking sariling pagsusuri at hindi ko alam kung tama, kahit makalat ang ilang bahagi ng Jeddah ay wala akong nakitang maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan. In short, walang air pollution?

At habang nagmamasid ako, aking natuklasan na 95% ang bumabyaheng taxi bilang transportasyon ng mga pinoy at ibang lahi, 5% naman sa bus na ang kadalasang pasahero ay indiano o pakistano. At 90% ng mga sasakyan ay medyo marurumi at may tama.

Marumi - Sanhi ng alikabok o baka naman tinatamad lang sila maglinis?
May tama - Sanhi sa madalas na aksidente, ayon sa isang kaibigan. Kung walang police report ay hindi aayusin ng talyer ang iyong sasakyan. Kaya mag-ingat din sa mga gustong mag-drive baka makasalubong ka ng isang kaskaserong driver.

Natuwa naman ako nang mabalitan kong mura lang ang gasolina. Sa sobrang mura ay pwede mo nang ipangligo hehehe! Joke Lang! Mura din daw ang car rental, kaya siguro halos lahat ng pinoy na tumagal na rito ay may sariling sasakyan, minsan bumibili na sila.

EXCITED AKO

Sa umpisa makakaramdam ka ng excitement sa puso mo. Inisip ko saan ako titira? Sinu-sino ang makikilala ko lalo na sa trabaho? At habang tumatagal na ko sa lupain ng mga arabo ay excited akong matuklasan ang hindi dapat matuklasan.

BABAE

Bago ako umalis ng Pilipinas, sabi nila bawal lumapit sa mga babae dahil kapag nahuli ka puputulan ka. Kaya naman hindi ako tumitingin sa mga mukha ng mga binibini, mahirap na baka maputulan ng ulo.

Sa haba ng paglalakbay natuklasan ko na pwede rin naman, sabi kasi sila hindi ganong mahigpit sa Jeddah kaya naman nagkakaron ng pagkakataon ang ibang pinoy na makahanap ng pinay. Isa lang ang paalala sa kanila - kapag nahuli ka, huwag kang aamin. 

SUGAL

Maraming nagsusugal lalo na sa kani-kanilang bahay, balita ko may nakulong na rin dahil sa gawaing ito. Sino ba naman ang hindi pupusta sa lottery kung malaki ang premyo? Sino ba naman ang hindi sasali sa tong-it o madjong kung wala kang magawa sa buhay mo. At dahil nainip ang karamihan, ang iba naman ay sumigaw ng BINGO!

ALAK

Akala ko hindi ako makakakita ng alak o makaka-amoy ng lasing, nagkamali ako. Aba! May alak din pala rito! Patago nga lamang! Kaya sa mga lasenggo, huwag mabahala dahil may alak, huwag ka lang pahuhuli ng lasing dahil sa kulungan ang bagsak mo.

SI KERIDA, SI KERIDO

Ayaw ko na sanang ibuko ang iba subalit ayon sa aking pananaliksik eh, hindi ito maiiwasan. Kung nakakausap ni pinoy si pinay sa beach o sa religious gathering eh, malaki ang chance na mahulog ang loob ni pinay sa nagungulilang pinoy.

Heto may chismis akong nakalap, may isang pinoy daw na dalawa ang pamilya. Isa sa pinas, at isa naman sa Jeddah. Sino siya? Hindi ko rin alam kasi chismis lang to!

Marami pang bawal na masarap gawin, subalit gaya nga ng sabi ng iba. Mag-ingat, huwag pahuhuli, at higit sa lahat huwag aamin.

Hay!

Bakit kasi hindi na lang umiwas sa mga bawal para makaiwas sa disgrasya. Kung naho-homesick ka eh maraming paraan para malabanan 'yan. At kung nalilibugan ka na, sa tingin ko marami ding paraan para ilabas ang init na nararamdaman. Hehehehe!

Maraming salamat! Hanggang sa muli mga kabayan!



3 comments:

  1. Tunay na karanasan at mararanasan pa ng kung sinomang mapapadpad sa lupain ng Saudi Arabia....Sana isama mo rin ang kwento ng paghihirap ng mga gusto namang lumabas na ng Saudi arabia...

    ReplyDelete
  2. Tawa ako ng tawa sa post mo na eto. At least this time, di na luha, akis lagi mo ko napapaiyak. hi hi
    at least alam ko na kahit pano dyan sa Jedda.
    Kapatid ko Saudi Arabia for two years. Ayaw na i renew ng manager ang contract kung di sya mag pa convert sa religion nila. Hay, buti nakaligtas sa disgrasya kapatid ko.
    I am going to read more post from you. Hanga talaga ko sa galing mong magsulat. I am proud of you kababayan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hirap naman kapag pinilit na magpa convert....

      thanks sa pagbasa... tagal ko na pala ito nasulat hehehe.... buti nahagilap mo....

      Ngayon, almost 3 yrs na ako dito... happy na rin... at nakaka recover na sa homesick...

      Thanks Sis! Godbless!

      Delete