Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Nothing's Gonna Change - Chapter 3

“P-palayain mo na ako! Nakikiusap ako… palayain mo na ako!” Lumapit siya sa dalaga. Gusto niyang humingi ng tawad sa inasal niya kanina. Nagawa lamang niya ang mga bagay na ‘yon dahil sa labis na pagmamahal.


Nothing's Gonna Change
Sa Panulat Ni JonDmur

Chapter 3

NANLUMO si Lorilie sa naabutan niya sa bukid. Inaasahan niyang si Alex ang madaratnan niya katulad ng mga araw na nagdaan, subalit si Alexander ang naroroon na tila hinihintay ang kanyang pagdating. Nasaan na si Alex? Bakit ito lumayo? Matapos niyang sabihin dito ang nararamdaman ay bigla itong naglaho. Masakit para sa kanya na bigla na lang mawawala ang lalaking minamahal niya. Lumuwas kaya ito ng Maynila?

            “Lorilie…” Akma na siyang tatalikod para ipagpatuloy ang paghahanap subalit mabilis ang binata. Nahabol siya nito at ngayon ay hawak ang kanyang kanang balikat.

            “B-bitiwan mo ako!” malakas niyang sigaw subalit tila manhid na ang pandinig ng binata.

            “Iniwan ka na niya, n-narito ako umaasa utting mahalin mo rin ako,” ang mga salitang binitiwan nito sa kanya. Ang mga mata ng binata ay tila humihingi ng awa. “Nakikiusap ako, ako na lang… ako na lang ang mahalin mo.”

            “Nababaliw ka utti? Si Alex ang mahal ko.”

            “P-pareho tayong nababaliw. Nababaliw ka sa kanya pero wala na si Alex, iniwan ka na niya.” Nakaramdam ng takot ang puso ni Lorilie nang mapansing nag-iiba ang ikinikilos ng binata. Ang mga kamay nito ay malayang pumupulupot sa kanyang baywang. Gusto niyang itulak ito subalit walang lakas ang kanyang kamao upang itulak ito. Mayamaya pa, naramdaman niya ang mga labi nitong humahalik sa kanyang dibdib.

            “B-bitiwan mo ako! Hayop ka!” Nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha. Wala nang nagawa ang kanyang katawan sa mabigat nitong katawan. Tuluyan na siya nitong naihiga sa basang damuhan. “Alex– bitiwan mo ako! Kahit a-anong gawin mo hindi kita mamahalin.”

            Tila nasapian na ang binata. Hindi na ito nakikinig sa kanya. Ang mga kamay nito ay gumagapang sa buo niyang katawan. Naghalo na rin ang luha at pawis sa buo niyang katawan. Kailan siya palalayain ng binata? Bakit hindi nito matanggap ang kabiguan?

            Sumigaw siya subalit sumabay lamang ito sa ingay ng mga ibong nabulabog sa gitna ng kabukiran. Hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Gusto niyang lumaban ngunit mabigat ang binata, dahilan para magtagumpay ito sa binabalak.

            “Pumayag ka na! Mahal na mahal kita.”

            “H-huwag! Tanggapin mo na na hindi kita mahal.”

            “Tanggapin mo na ang kabiguan mo kay Alex. Nandito ako.” Gigil na gigil na ang lalaki habang hinahalikan ang kanyang dibdib na nahubaran na. Napunit na ang manipis na bestidang iniregalo pa sa kanya ni Alex noong kaarawan niya.

            “Nakikiusap ako, pakawalan mo na ako.”

            “Ibigay mo na ang lahat-lahat sa akin.”

            Nagkaroon ng lakas ng loob si Lorilie sa binitiwang salita ng binata. Ibibigay ba niya ang kanyang pagkababae?

            “S-sige, angkinin mo ako! Pumapayag na ako. Ibibigay ko ang gusto mo. Ibibigay ko lahat-lahat kung ito lang ang kapalit para palayain mo ako.”

            Habol ang paghinga nang tumigil si Alexander sa masamang binabalak. Tumatak sa kanyang isipan ang sinabi ng dalaga. Makakaya ba niyang angkinin ang babaeng hindi pa rin magiging kanya? Tumayo siya at iniwang lumuluha ang dalaga. Sunod-sunod na suntok sa puno ng mangga ang kanyang pinakawalan. Ang mga luha ay biglang sumabog sa kanyang mga mata. At sa kanyang paglingon ay nakita niyang nakatayo na si Lorilie sa kanyang harapan.

            “P-palayain mo na ako! Nakikiusap ako… palayain mo na ako!” Lumapit siya sa dalaga. Gusto niyang humingi ng tawad sa inasal niya kanina. Nagawa lamang niya ang bagay na `yon dahil sa labis na pagmamahal.

            “Paano kita palalayain? Mahal na mahal kita! Bakit `di mo subukang mahalin ako? L-lorilie, mahal na mahal kita.”

            “Gustuhin ko man pero hindi ko magawa. Si Alex ang mahal ko,” sagot niya sa binata. “Sabihin mo sa akin, nasaan si Alex?”

            KUNG nasaan man ang lalaking iniibig ni Lola Loring ay hindi mabigyang kasagutan ni Joe. Subalit umaasa siya na mahahanap din nito ang inaasam na pangarap katulad ng mga bagay na inaasam niya – ang bumalik ang babaeng minamahal niya.

            “Salamat bumalik ka, Marisa! “ Isang matamis na halik ang kanyang ibinigay sa dalaga. Niyakap naman siya nito na agad namang nagpapitlag sa kanyang puso. Isang linggo na ang nakakaraan nang bumalik ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Inamin ng dalaga na natakot ito kaya hindi sumipot sa araw ng kanilang pagtatanan kaya nanirahan muna ito sa Amerika kapiling ang kanyang ninong.

            “Alam mo, sabi ng ninong ko. Hindi kailangang magtanan kung pakakasalan lang naman.” Ang kilig ay sumibol sa puso niya sa mga katagang binitiwan ng dalaga. Isang matamis na halik ang muli niyang ibinigay na agad naman tinugunan ng dalaga. Tila tumigil ang oras sa ginawa nilang paghahalikan.

            Habol ang paghinga nang bigla silang tumigil sa matamis na halikan. Isang lalaki mula sa kanilang likuran ang nagbigay ng isang malakas na palakpak.

            “O, tama na `yan! Kayo talagang mga bata mapupusok. Katulad noong kabataan ko pa.” Lumapit si Marisa sa kinatatayuan ng lalaki at agad itong ipinakilala sa kanya.

            “Joe, dapat kang magpasalamat sa kanya dahil siya ang nagpayo sa akin na balikan ka.” Lumiwanag ang mukha ni Joe sa narinig. Agad siyang lumapit sa lalaki at nagbigay galang.

            “Ako utting si Joe.”

            “Ikinalulugod kong makilala ang minamahal ng inaanak ko. Ako pala si Mang Alex.”

            HINANAP ni Alexander si Alex. Hinahanap niya ang kaibigan upang ipabatid dito ang kalagayan ni Lorilie. Subalit napudpod na ang lumang tsinelas ay hindi niya natagpuan ang kaibigan. Bakit nga ba niya hinahanap ang binata? Dapat nga masaya siya dahil wala ito para maging karibal sa puso ni Lorilie. Subalit hindi kaya ng puso niya ang makitang nahihirapan ang babae. Nasasaktan siya sa tuwing nakikitang lumuluha at nasasaktan ang dalaga.

            “Nasaan si Alex?” Nagbara ang lalamunan niya sa tanong ng dalaga. Nakatayo ito malapit sa puno ng mangga habang nakatingin sa kawalan. “Alexander, `utti mahal mo ako? Kung mahal mo ako hahanapin mo siya para sa akin. Hanapin mo siya sa Maynila.” Tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha sa mga hiling ng dalaga. Nilapitan niya ito, saka pinahid ang mga luhang walang sawang dumadaloy sa makinis nitong mukha.

            Naaawa siya sa babaeng minamahal. Ayaw niyang makitang nasasaktan ito. Hahanapin niya ang kaibigan para sa ikaliligaya ng babaeng iniibig.

            Habol ang paghinga habang nilalakbay niya ang magulong siyudad ng Maynila. Minsan na siyang nakapunta sa tiyuhin nito na nagbigay ng trabaho sa kanyang ama. Ulila na si Alex at ang tiyuhin nito ang kinikilalang pamilya. Alam niyang wala nang ibang mapupuntahan ang kaibigan. At hindi siya nagkamali. Naroroon nga si Alex na tila nagulat sa kanyang pagdating.

            “Paano ka?” Ito ang unang tanong ni Alex nang i-kuwento niya ang nangyayari kay Lorilie. “Mahal mo siya. Masasaktan ka kung mamahalin ko siya.” Napaupo ito sa isang nakatumbang puno ng mangga. Ilang taon na ang nakakaraan nang sumumpa siya sa kaibigan na magpaparaya siya. Pipigilan niya ang kanyang sarili na umibig kay Lorilie. Kaya naman siya ang naging tulay sa dalawa. Subalit hindi niya inaasahan na siya pa ang mamahalin ng dalaga.

            “Nasasaktan na ako. Nasasaktan na akong makitang nasasaktan siya sa pagkawala mo. Nakikiusap ako… m-mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.”

            “MAHALIN mo ang inaanak ko, ha? Alam mo, `utti ako nagkaanak kaya ito na ang baby girl ko. Kaya naman masaya ako at nagbakasyon siya sa akin sa States.” Sa sinabi ni Mang Alex ay lumundag ang puso ni Joe sa tuwa. Ito na kaya ang Alex na hinahanap ni Lola Lorilie? Ito na kaya ang magbibigay lunas sa matagal na paghihintay ng matanda? Ito na kaya si Alex Madrigo? “O, bakit parang natulala ka?” dugtong nito kasunod ng isang mahinang hampas sa balikat.

            “Ah, eh, Mang Alex, kilala niyo po ba si Lola Loring? I mean, Lorilie Sebastian.”


            TILA kumabog ang puso ni Mang Alex sa tanong ni Joe. Nagkaroon ng buhay ang pusong matagal nang nagkukubli sa bakas ng kahapon. Malilimutan ba niya ang babaeng naging bahagi ng kanyang buhay?

No comments:

Post a Comment