Napatingin ito sa kanya. “Dalhin mo ako sa bukid,” ang huli nitong wika saka muling pumatak ang mga luha nito sa kanyang dibdib.
Nothing's Gonna Change
Sa Panulat ni JonDmur
Chapter 6
SA CEBU, nilakbay ni Alexander ang kinaroroonan ni Alex. Nagpatulong siya sa kanyang tiyuhin upang marating niya ang address nito. Galit ang nararamdaman niya sa kaibigan. Subalit nagbago ang lahat nang matunton niya ang lalaki. Ang galit sa dibdib ay biglang naglaho nang matuklasan niya ang buong katotohanan.
Lumapit siya sa kaibigan. Subalit hindi siya nito nakikita. Natutop ng kanyang mga kamay ang bibig niya nang makitang tila nahihirapan ang kaibigan. Wala na ang dating kisig nito. Manipis na ang mukha na tila dumanas nang matinding paghihirap.
“A-alex…..” Napaangat ang ulo nito hanggang sa mapasandig sa kama. Inipon ang natitirang lakas upang makasandig sa matigas na papag. Mayamaya, sumilay ang mga ngiti nito sa labi.
“Tol, dyahe naman! Ang payat payat ko na!”
Napaiyak si Alexander habang nakikitang nahihirapang magsalita ang kaibigan. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ito sumipot sa kasal? Ito ba ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nawala.
“N-nasaan si L-lorilie? B-bakit di mo siya k-k-asama? Alam mo minahal ko siya. Kaso, may sakit ako kaya sabi ko sa sarili ko aalis na lang ako para mahalin ka niya… alam ko kasi na mahal na mahal mo siya…”
Napaluha siya sa mga nasabi ng kaibigan. Naalala niya ang mga araw na nangako itong lalabanan ang puso na mahalin si Lorilie dahil siya na lang daw ang manliligaw sa dalaga. Subalit mapagbiro ang tadhana, ito pa ang minahal ng dalaga.
HUMUGOT ng isang malalim na paghinga si Lola Loring. Hawak niya ang kanang kamay ni Mang Alex.
“A-anong nangyari sa kanya?” mahina na ang boses niya. Wala na siyang lakas para sabihin ito ng malakas. Umaasa na lamang siya na sana dinggin ang kanyang hiling.
“P-patay na siya?” Tila binuhusan nang malamig na tubig si Lola Loring sa narinig.
“B-bakit?” lalong napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Mang Alex.
Ipinagtapat ni Mang Alex ang lahat kay Lola Loring. Nakita niya ang muling paghihirap nito. Umiyak ito nang umiyak saka tila nagpupumiglas. “Huminahon ka Lorilie…. T-tama na!”
Napasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib. “Gusto ko ng mamatay… h-hinihintay na niya ako…. Hinihintay na ako ni Alex.”
Niyakap niya ito nang mahigpit saka hinayaang dumaloy ang mga luha sa kanyang balikat.
“H-huwag kang magsalita ng ganyan. Lorilie, ‘wag kang mag-alala pinapalaya na kita.”
Napatingin ito sa kanya. “Dalhin mo ako sa bukid,” ang huli nitong wika saka muling pumatak ang mga luha nito sa kanyang dibdib.
SA KANYANG balikat tumulo ang mga luha ni Alex. Ramdam niya ang paghihirap nito. “Tol, lumaban ka! kung mahal mo na si Lorilie, nakahanda ako. Ibibigay ko siya… palalayain ko na siya.”
Tahimik lamang si Alex na tila hindi siya naririnig. Ang mga mata’y nakapikit na tila gusto nang mahimbing sa pagkakatulog. Ang takot ay muling sumibol sa kanyang puso. “Tol! H-huwag! Lumaban ka…..” Naramdaman niya ang pagkalas ng kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanyang braso. Nakagat niya ang kanyang labi nang mapansing wala ng buhay ang matalik na kaibigan. At ang kanyang paghikbi at tila tinangay ng hangin sa kalangitang naiiyak na sa labis kalungkutan.
ANG kalungkutang nararamdaman ni Lola Loring ay tila napawi nang malanghap niya ang sariwang hangin ng bukid. Ito ang kanyang huling hiling na sana ay malanghap niya ang sariwang hangin na ilang araw na rin niyang hindi nalalanghap. Di man niya natatanaw ang kagandahan nito ay nararamdaman pa rin niya ang bakas ng kahapon.
Itinapat niya ang lumang larawan sa kanyang dibdib. Pansamantalang pumikit ang kanyang mga mata at sa pagmulat nito ay tinawag niya si Mang Alex na nakatayo mula sa di-kalayuan saka iniabot ang larawan.
“A-anong….” bigkas nito sa kanya.
“Ayaw mo bang humingi ng kopya?” Naluwa si Mang Alex sa sinabi ni Lola Loring. “Ingatan mo ‘yan ha! Pasensya ka na kung hindi kita nabigyan ng kopya noon.” Hirap man ay pinilit pa rin niyang makapagsalita. “Minahal kita.. sana maniwala ka… pero hindi ko pwedeng dayain ang puso ko… mas mahal ko siya… mas mahal ko siya…” unti-unting pumatak ang kanyang mga luha. “Alexander, salamat at pinalaya mo na ako,” pabulong niyang wika sa hangin na hindi niya batid kung naririnig siya ng lalaki. Huminga siya nang malalim saka sumandal sa tumba-tumbang kinauupuan niya. Mayamaya pa, muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napangiti siya. Mula sa di-kalayuan ay may natatanaw siyang isang binatang kumakaway sa kanya. Isang binatang tumatak na sa kanyang isipan - si Alex habang kumakaway sa kanya, at nakangiti na tila sinusundo na siya.
“A-alex?”
Napalunok si Mang Alex habang pinagmamasdan si Lola Loring. Wala na itong buhay habang nakangiting nakasandal sa tumba-tumba. Napangiti siya nang bahagya dahil alam niyang masaya na ito sa kalayaang kanyang ibinigay. Ngayon, Malaya na itong lilipad… mataas na mataas at doon sa langit ipagpapatuloy ang pag-ibig na nasimulan.
Katulad ng mga araw na lumipad si Alex. Iniwan sa kanya ang isang habilin na hanapin ang babaeng naging bahagi ng kanilang buhay. “Hanapin mo si Lorilie, at sabihin mong mahal ko siya.” at iniwan niya ang isang pangako. “Hahanapin ko siya… para ibigay ang kalayaan niya.”
MALAMIG ang hangin na tumama sa mukha ni Mang Alex. ilang araw na ang lumipas mula nang ihatid nila si Lola Loring sa huling hantungan nito. Nakatayo siya malapit sa puno ng mangga. Ilang taon na rin ang nakakalipas subalit nanatiling matatag ang punong naging saksi ng kanilang pagkakaibigan at pagmamahalan. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka muling pinagmasdan ang lumang larawan – ang larawang iniwan sa kanya ni Alex bago ito mamatay at ang larawang ibinigay sa kanya ni Lola Loring.
“Paano ako?” pagtatampong wika ni Alexander na nalungkot nang mapansing dalawa lang ang kopya ng larawan.
“Siguro ibibigay mo na ang kopya mo sa akin,” malambing nitong tinig na tila isang batang nagpapa-cute. “Sige na, akin na lang ‘yan!”
Napaluwa siya nang muling balikan ang nakaraan. Parang kailan lang nang hinangad niyang magkaroon ng kopya ng larawan.
Pinagmasdan niya ang buong paligid at saka lumanghap ng sariwang hangin. Muling bumalik sa kanyang alaala ang pagkakaibigan nila ni Alex.
Mapalad ka Alex dahil muli na kayong pinagtagpo. Sa buhay na walang hanggan muli ninyong ipagpatuloy ang wagas na pag-ibig. Mahalin mo siya, hanggang sa dulo ng walang hanggan. Subalit, matanda na rin ako…. Malapit na rin akong magpaalam… Pangako Alex, ako naman! Ako naman ang magpaparaya… sa buhay na walang hanggan hindi ko kayo guguluhin. Gagawin ko ito hindi lamang dahil sa mahal ko si Lorilie , gagawin ko ito dahil kaibigan kita at hangad ko ang kaligayahan mo… Paalam kaibigan! hanggang sa huling pagkikita…….
Pinakawalan niya ang dalawang puting kalapati na malayang lumipad sa kalangitan. Matayog na matayog na tila walang sawang lalakbayin ang kalangitan. Lipad nang lipad hanggang sa marating ang walang hanggan.
AKDA ni JonDmur
Lorilie! Lumipad ang paningin ni Lola Loring sa lalaking nakatayo sa di-kalayuan. Isang binatang nakaputi na tila hinihintay ang kanyang pagdating. “A-alex?” Unti-unting lumalapit sa kanya ang lalaki - Ito ang lalaking una niyang minahal. Sinalubong niya ang mga titig nito. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. “Kay tagal kong hinintay na makasama kang muli.” Binatang binata ang mukha nito na tila pinag-iwanan na ng panahon. Hinila siya nito hanggang sa napayakap na siya sa matipuno nitong dibdib.
Katulad noong sila ay nabubuhay pa…
Malayang nakakalapat ang labi nito sa kanyang mga labi. Saksi ang bahay kubo sa kanilang pagmamahalan.
“Alex, ano ka ba baka may makakita sa atin!” wika ni Lorilie sa binatang bumihag sa kanya. Hinila siya nito palapit sa dibdib nito. Nagtama ang kanilang mga mata. “Sa isang linggo na ang kasal natin kaya maghintay ka na lang.”
“Hindi ko na kaya… nasasabik na ako sa’yo.”
Hinalikan siya ng binata. Mayamaya ay bumitiw ito saka isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kanya. Nagtama ang kanilang mga paningin hanggang ang mga kamay nito ay gumapang sa kanyang katawan.
“Mahal na mahal kita Lorilie…”
If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever oh so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong
Lumapat ang kamay ni Lorilie sa hubad na dibdib ng binata. Naramdaman niya ang pagtibok ng puso nito. Sa bawat pagtibok ay batid niyang nagmamahal ito. Pinagmasdan niya ang hubad na katawan ng binata. Napalunok siya nang mapagmasdan ang pagkalalaki nito.
Hold me now
Touch me now
I don't want to live without you
Hindi niya napigilan ang maiyak habang sinisiil siya ng halik ni Alex. Ramdam niya ang init ng mga labi nito na malayang gumagapang sa hubad niyang katawan. Nakagat niya ang labi nito sa sobrang pagkasabik. At ang kanyang mga kuko ay bumaon sa matipuno nitong katawan.
Nothing's gonna change my love for you
You ought know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Hindi magbabago ang pag-ibig ko sa’yo, ang mahinang sambit niya sa binata habang nilalasap nila ang tamis ng pag-ibig.
Nothing's gonna change my love for you
You ought know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for you
Muling tumambad sa kanya ang hubad na katawan ng binata. Ang maskulado nitong katawan ang muling umangkin sa berhen niyang katawan. Napakapit siya sa likuran nito hanggang sa muling magsanib ang kanilang mga hubad na katawan.
If the road ahead is not so easy,
Our love will lead the way for us
Like a guiding star
I'll be there for you if you should need me
You don't have to change a thing
I love you just the way you are
So come with me and share the view
I'll help you see forever too
Ang mga kamay ng binata ay malayang nakakalakbay sa kanyang katawan hanggang sa manatili ito sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang maamo nitong mukha at sinalubong niya ang matamis nitong halik - mga halik na babaunin niya hanggang sa kabilang buhay.
WAKAS
Sa Panulat ni JonDmur
No comments:
Post a Comment