“Kuyaaaaaaa!” Natigilan silang dalawa hindi dahil sa malakas niyang sigaw kundi pareho nilang naamoy ang mabahong hanging kanyang ibinuga. Napatingin sa kanya ang kuya Jun niya habang namumula siya sa sobrang hiya.
“Ang ganda kuya!” kumikislap ang mga mata ni Mimi na hindi pinapansin ang sipong labas-pasok sa kanyang matangos na ilong.
“Ang ganda kuya!” kumikislap ang mga mata ni Mimi na hindi pinapansin ang sipong labas-pasok sa kanyang matangos na ilong.
Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
“Talaga!” pagmamalaking sagot ng kaharap. “Kasi ginawa ko ‘yan para sa’yo,” dugtong pa nito na sinamahan pa ng isang simpleng ngiti.
Napangiti si Mimi nang tumambad sa kanya ang isang napakagandang kastilyo na kahit gawa lamang sa buhangin ay tila isang palasyong napapaligiran ng mga hari’t reyna. Tumalon talon pa siya sa sobrang tuwa hanggang sa tuluyang mahulog ang mga sipong nagtatago sa kanyang ilong.
Natigilan siya nang maalala ang isang eksena sa pelikula ni Sheryl Cruz – isang eksena na sinira ng alon ang kastilyong ginawa ni Romnick Sarmiento. Mapapasigaw na sana siya nang makita niyang may isang along papalapit sa kinatatayuan ng kastilyo subalit hindi nangyari ang inaashan niya.
“Bago ko itinayo ang kastilyo tiniyak ko munang hindi ito maabot ng alon. Tingnan mo ang tibay-tibay,” pagmamayabang na wika nito. “Sabi ng nanay ko sa pocketbook lang nangyayari ang eksenang masisira ng alon ang kastilyong buhangin,” dugtong pa nito.
Hihirit pa sana siya nang matanaw niya sa di-kalayuan si Catherine. “Ay! Aba… ganda ganda naman ni Catherine.” Kinarga niya ang alagang kuting na tila nasasabik sa kanya.
“Mimi, Catherine ang pangalan niya?”
“Oo, ako nagbigay ng name niya. Napulot ko lang siya kahapon sa basurahan.”
“Ah! Kaya pala mas maganda pa name niya kaysa sa’yo.”
Nainis siya sa sinabi nito kaya bigla niyang itinapon ang pusa sa kalaro. Nasalo naman ito ni Junjun ngunit agad na nabitawan dahil nagpapalag ang pusa hanggang sa mahulog ito sa kastilyong buhangin na agad namang nabuwal.
“Naku! Nasira!” sabay nilang wika.
Hinabol ni Junjun ang kuting subalit nabigo itong mahabol kaya naman siya na ang napagbalingan ng atensyon nito.
“Alam mo kamukha mo ang kuting.” Sa sobrang inis ay hinagisan niya ito ng buhangin. Nakailag ito kaya hinabol niya ito. Gusto niyang kurutin ang lalaki sa ginawa nitong pang-aasar sa kanya. Haler! Kamukha daw niya si Catherine? Sino ba naman ang hindi magagalit?
Naghabulan sila na parang mga isdang tumatampisaw sa tubig. Natuwa siya nang maabutan niya ang kuya Junjun niya subalit napasigaw siya nang bigla siya nitong binuhat. Ang ulo niya ang nakaharap sa likod nito at ang balakang niya ay halos dumikit na sa tenga nito. Nagpapalag siya tulad ng ginawa ni Catherine subalit hindi siya binitiwan nito.
“Kuyaaaaaaa!” Natigilan silang dalawa hindi dahil sa malakas niyang sigaw kundi pareho nilang naamoy ang mabahong hanging kanyang ibinuga. Napatingin sa kanya ang kuya Jun niya habang namumula siya sa sobrang hiya.
GRADE THREE pa lamang siya samantalang nasa first year high school na si Junjun – ang nag-iisa niyang kalarong lalaki kaya naman kuya na bestfriend pa niya. Iilan pa lamang ang tao sa kanilang subdivision at nag-aaral siya sa isang exclusive school for girls kaya naman di siya na-exposed sa ibang batang lalaki maliban na lamang kay Maki na isang bading na kapitbahay nila.
Maliban sa kuya, kaibigan eh, nagiging yayo pa niya ito. Mahirap lamang ang pamilya nila Junjun kaya naman kapag may pagkakataon, ito ang nagbabantay sa kanya sa tuwing umaalis ang yaya niya. Kapalit ng konting baryang ibinibigay ng parents niya ay napapayag itong bantayan siya. Isa pa sayang din ang pera para sa pandagdag sa baon nito.
“Oh, saan ka pupunta?” mataray niyang wika sa kuya kuyahan niya.
“Aba! Uuwi na po ako Ms. Kuting,“ birong sagot nito sa pagtataray niya.
“Hmmmmp! Di pa nagbibigay si mama sa’yo.”
“Huwag na! Hindi naman lahat kailangang bayaran. Isa pa nag-enjoy naman ako sa utot mo.” Hinampas niya ang kuya Jun niya subalit sa hangin lamang tumama ang kanyang mga kamay. Tatalikod na sana ito nang bigla niyang pinigilan. “Sandali! Meron akong tatlong piso. Bigay ko na lang sa’yo…. ‘wag ka lang umalis.” Ang mga luha ay biglang tumulo sa kanyang mga mata. “Aalis kasi sila mama at papa. Maiiwan na naman akong nag-iisa.”
Tila kinurot ang puso ni Junjun sa sinabi ng childhood friend niya. Fetus pa lang yata ito eh, tinadhana nang maging kaibigan, kapatid at minsan boss pa niya. Isa itong batang bibo na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan. Nag-iisang anak lamang kasi siya ng isang fish vendor sa palengke. Kaya naman sa maliit na baryang tinatanggap niya mula sa mga magulang ni Mimi ay sapat na para madagdagan ang allowance niya. at dahil mabait na bata si Mimi, kadalasan nakakalibre ang mga magulang nito. Libre na ang serbisyo niya dahil nag-eenjoy siya sa batang makulit.
Kaya ang ending sa bahay nina Mimi siya nagpalipas ng gabi na kadalasan na niyang ginagawa. Malaki na kasi ang tiwala sa kanya ng mga ito. Natuklasan pa niyang mag bestfriend ang kanilang mga ina. At nagkataon lamang na nakapag-asawa ng may kaya sa buhay ang nanay ni Mimi kaya lahat ng luho ng bata ay naibibigay nito.
“Oh, bakit ka pa malungkot?” Napansin niyang namumuo ang mga luha ni Mimi na tila pinipigilan ang sariling maiyak. Kanina pa nakaalis ang mga magulang nito. Business trip daw sa Ilocos kaya naman isang linggo siyang matutulog sa bahay nito. Umupo sa kama si Mimi saka niyakap ang unan niyang may design na Barbie.
“Kanina kumanta mga classmate ko.”
“A-ano kinanta nila?”
“Happy Birthday…”
Napanganga siya sa sinabi nito. At gusto niyang iuntog ang ulo niya sa pader dahil nakalimutan din niya ang kaarawan nito.
“Akala ko pagdating nila, may surprise party,” wika nito saka tuluyan nang tumulo ang mga luha. “Mabuti ka pa naalala mo ang bertdey ko. Salamat sa kastilyong buhangin na gift mo… kaso nasira ni Catherine.”
“Ah- oo un nga gift ko sa’yo. Buti at nagustuhan mo,” pagdadahilan niya na kung tutuusin walang kinalaman ang kastilyo sa birthday nito.
Niyakap siya ng bata nang mahigpit na mahigpit at sa kanyang mga balikat tumulo ang mga luha nito. Hinaplos niya ang likuran nito para mawala ang sama ng loob. Napangiti siya.. sana kapatid na lang niya si Mimi malamang mamahalin niya ito ng todong-todo. Aalagaan at proproteksyunan hanggang sa paglaki nito. Napangiti siya nang mapansing nakatulog ito sa kanyang kandungan. Naisip niya, kahit hindi niya kapatid si Mimi pwede pa rin niyang mahalin ito bilang isang kaibigan at kapatid.
Lihim na napanigiti si Mimi nang makahiga siya sa kama. Tumalab na naman ang pagiging best actress niya – ang tulog-tulugan school of acting. Niyakap niya ang kanyang kuya na nakahiga na rin sa kanyang tabi. Makakatulog siya nang mahimbing dahil alam niyang may magbabantay sa kanya. Kahit na sabihing bata pa siya alam niya na may isang bagay siyang hindi maipaliwanag. Ito kaya ang tinatawag na Puppy Love?
No comments:
Post a Comment