Hinawakan siya sa pisngi saka hinila pataas para muling magtama ang kanilang mga mata. “Bakit hindi ba pwedeng mangyari ang love story ng pelikula sa totoong buhay?”
Papa Love, Papa Love, I LOve Yah!
Sa Panulat ni Jondmur
Sumasabay sa tugtugin ang mga paang nababalutan ng puting sapatos. She usually wore flat shoes pero hindi dahil sa matangkad siya - She afraid of wearing high heels dahil naranasan na niya ang matisod sa harapan ng mga lalaking tambay sa kanilang bayan. Then, She turned around, at feeling niya bumagay sa kanya ang bulaklaking bestida na pinarisan niya ng isang white gold plated necklace na lalong tumingkad sa heart shaped pendant na pumapagitna sa kanyang dibdib. Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan nang mapagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. She’s not a girl anymore, she’s now a woman!
“Ateeeee! Nandyannnn na si Papa Love,” malakas na sigaw ng bunso niyang kapatid na sumabay sa malakas na tugtog ng stereo. Nataranta siya sa dahilang hindi niya alam. Agad niyang inayos ang pagkakagusot ng laylayan ng kanyang bestida saka sinuklay niya ang mahabang buhok na pinarisan niya ng puting hair band. Huminga siya nang malalim bago lumabas sa kanyang silid saka naglakad nang dahan dahan na tila isang Reyna Elena sa isang Sta. Cruzan.
“Aba! Bilisan mo diyan, kanina ka pa hinihintay ng Papa Love mo. Baka mahuli ka sa date n’yo,” pabirong wika ng kanyang nanay na tila kinikilig na dalagita.
“Nay, correction.. isang malaking mistake. Book Launch at hindi date,” Tumaas ang kilay niya na nakapamaywang pa sa harapan ng ina. Tumawa lamang ito saka inayos ang hair band niya na mutikan nang mahulog.
“Anak, dalaga ka na, at kung liligawan ka ni Jun eh, ‘wag ka nang magpakipot pa.”
“Nayyy!” Lumaki ang kanyang mga mata at kinurot ang magkabilaang pisngi ng ina. “Aalis na po ako,” dugtong niya saka bumaba ng hagdanan.
Tila tinatambol ang kanyang puso habang bumababa ng hagdanan. Ang kilig sa kanyang puso ay muling sumibol nang muling masilayan ang ka-gwapuhan ng isang binatang naghihintay sa labas ng gate. The body was perfect! Bumagay ang white shirt na humapit sa matipuno nitong dibdib. The blue slim fit maong pants was perfect to his height. Napahinto siya sa harapan ng lalaki. Tumingala siya para makita niya ang mukha nito. She is now able to smell the fragrance of the guy’s body.
“Ang bango! Ang bango bango mo.”
“A-ano?” malakas na tanong ng binata sa kanya. Muntik na niyang mabatukan ang sarili sa mga pantasya niya. Mabuti na lamang at pabulong niya itong nabanggit. Isang ngiti ang nagpalabas sa kanyang dimples at hinuli niya ang mapupungay nitong mga mata.
“Tara na!” Inalalayan pa siya ng binata para makasakay sa tricycle. Nauna siyang pumasok at magkatabi silang naupo sa old model na tricycle. “Oh, Mr. Jun! ‘wag mo nga akong titigan ng ganyan?” Naiilang siya sa mga titig nito na tila sinusuri ang tibok ng kanyang puso.
Bahagyang nilipad ng hangin ang pahina ng librong hawak niya na agad naman niyang nahawakan – ang librong napabilang sa International Bookfair. Mabilis kasi ang ginawang pagmamaneho ng driver dahilan para lumakas ang hangin na sumasampal sa kanila.
“You look great!” Napanganga siya sa kanyang narinig. Nagagandahan ba sa kanya ang lalaki” Is she looked attractive?“Naku! Mr. Jun, tigilan mo nga ako sa mga pambobola mo. Baka maniwala pa ako.”
“Eh, di maniwala ka. Di naman kita binobola.” Napatingin siya rito hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin. “Baka ma-inlove ako sa’yo.”
“A- ahhm! T-tigilan mo nga ako. Narinig ko na ‘yan sa pelikula ni Sarah Geronimo.” Umiwas siya sa mga titig nito dahil hindi na niya malabanan ang kilig na nararamdaman.
Hinawakan siya sa pisngi saka hinila pataas para muling magtama ang kanilang mga mata. “Bakit hindi ba pwedeng mangyari ang love story ng pelikula sa totoong buhay?”
Parang pelikula ni Sarah Geronimo, nakakakilig ang bawat eksena. Tila isang nobela na dapat abangan ang susunod na kabanata. Hindi na kaya ng powers niya ang ganitong eksena. Aba! Laglag na ang panty niya sa sobrang kilig na nararamdaman. Bigla siyang napanganga kasabay ng pamumula ng kanyang mga pisngi. Naramdaman niya ang pagtulo ng mainit na likido mula sa gitna ng kanyang mga hita. Pinigil niya subalit lumalabas na. Oh! Gosh! Huli na ang lahat dahil napaihi na siya sa sobrang pagkakilig.
“Oh! It’s raining!” nakangiting wika ng binata.

No comments:
Post a Comment