Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 2


 “K-kuyaaaa! Naku! ‘wag ka nang matago. Narinig ko yata ang boses mo,” malakas na wika nito habang iginagala ang paningin sa buong paligid. “Nasaan ka kaya? Kuya, ‘wag ka nang mahiya dahil wala naman akong nakita.”

Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur 
Chater Two
KRING!KRING!KING! malakas na tunog ng alarm clock na nakapatong sa bedside table ni Mimi. Iniunat niya ang kanyang mga kamay saka sumandal sa kama. Ginulo niya ang kanyang maiksing buhok saka muling iniunat ang kanyang mga balikat. Sa kanyang pagtayo ay nahagip ng kanyang paningin ang isang  stationery paper na alam niyang kagagawan na naman ng kuya Jun niya. binuklat niya ito dahil alam niyang isa itong tula na kadalasang ibinibigay sa kanya. Subalit natigilan siya nang mabasa niya ang tula.
Sa iyong kaarawan
Ako’y nanalangin

Naluha siya nang maalalang kaarawan niya ngayon. Today is her 12th Birthday – ang bilis lumipas ng panahon subalit katulad pa rin ng dati ang kuya Jun lamang niya ang nakakaalala. Nagpadala na ng pera ang parents niya mula sa Iloilo Trip pero wala itong nabanggit tungkol sa kaarawan niya.

Huminga siya nang malalim upang iwaglit sa kanyang isipan ang sama ng loob. Itinupi niya ang papel saka inilagay sa collection folder niya na naglalaman ng mga kwento at tulang akda ng kuya Jun niya. Mahilig kasi ang binata sa pagsusulat kaya naman siya ang number one reader nito. Humarap siya sa salamin saka pinagmasdan ang sarili. Bata pa siya – wala pang bukol ang kanyang dibdib at wish lang niya na sana makabili na siya ng napkin sa tindahan.

Itinaas niya ang kanyang mga kamay at saka nag-paikot ikot sa harap ng salamin na sinabayan ng pagkembot sa kanyang balakang. Napanood niya kasi ang ganoong beauty  ritual sa isang pelikula ni Ms. Maricel Soriano – the diamond star. At katulad sa mga eksena sa isang pelikula maaabutan ng leading man ang bidang babae habang sumasayaw pero pinaghandaan na niya, tiniyak niyang naka-lock ang room niya. Binilisan niya ang pag-ikot ng kanyang balakang na tila sumasayaw ng Pearly Shells.

Mayamaya nakaramdam siya ng pagod kaya huminto siya sa kanyang ginagawa. Lumapit siya sa bintana saka dahan-dahan itong binuksan. The sun shines through the window dahilan para mapapikit siya nang bahagya. At dahil may second floor ang bahay nila ay tanaw na tanaw niya ang likuran ng bahay ng kuya Jun niya.  Napangiti siya nang mapansin niyang lumabas ang kanyang kuya Jun mula sa likuran ng bahay nito na tila kagigising lamang. Ilang saglit pa ay bigla itong tumigil sa pagkakatayo, saka biglang binuksan ang zipper ng shorts nito. Natutop niya ang kanyang bibig sa kanyang nakita. Bigla itong umihi sa harapan niya mismo naka-pwesto. Nakapikit ang binata na hindi alintana kung may nakakakita. Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan na bumulabog sa buong subdivision.

 Nataranta si Junjun sa malakas na sigaw at hindi siya maaaring magkamali – ang nakakabasag tengang boses ni Mimi na nakadungaw pala sa bintana habang nakatakip ang mga palad sa mga mata nito. Nakita yata ng batang babae ang patotoy niya kaya naman agad niyang isinara ang zipper niya ngunit bigla siyang napa-aray nang maipit ng zipper ang toytoy niya. Ouch!

Habol ang paghinga nang makaupo si Mimi sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Bakit may buhok? Sa akin wala? Ano ‘yon? Muli siyang napasigaw subalit wala nang boses ang lumabas sa kanyang bibig dahil ang sigaw ay nauwi sa pagkakilig. First time niyang makakita ng patotoy sa buong buhay niya… except lang sa mga bata. At sa kuya Jun pa niya. “P-parang wala akong face na maihaharap sa kanya?” wika niya sa sarili habang nakaharap sa salamin.
“A-aray!” malakas na daing ni Junjun habang tinatanggal ang pagkakaipit ng zipper sa kanyang toytoy. Nakahinga siya nang maluwag nang magtagumpay siyang maalis ito sa pagkakaipit. Hinipan niya ang alaga niya na medyo nasugatan. Nahihiya siya kay Mimi hindi dahil sa nakakitaan siya nito kundi nahihiya siya dahil at the age of 16 eh, supot pa siya. “Kailangan magpatuli na ako mamaya.” Tumingin siya sa kisame. “Shit! Dyahe talaga!”
Tanghaling tapat nang mapagpasyahan si Junjun na pumunta sa bahay nina ka Domeng , sikat na magtutuli sa kanilang bayan. Ang takot ay nilabanan niya dahil sa kahihiyang natamo. Mabuti na lamang at bakasyon na. Bigla siyang napangiti sa kanyang naisip. Kung hindi pa siya nakitaan ni Mimi malamang mawawala sa isip niya ang magpatuli. At baka tumanda siyang may sombrero si patotoy. Takot kasi siya sa itak kaso wala namang sapat na pera ang nanay niya para ipatuli siya sa doctor. Kaya nagkabuhok na si patotoy eh, may sombrero pa rin.
“Ilang taon ka na?” agad na tanong sa kanya ng matanda habang hinahasa ang gagamitin sa tuli.
“16 po!” Lumaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala.
“Tanda mo na pala. Makunat na ‘yan!” Nilabanan niya ang hiya bago niya tuluyang hinubad ang pantalon niya. Tumambad sa matanda ang alaga niya. Pinanguya siya ng dahon ng bayabas saka pinaupo sa isang upuang kahoy. Hinawakan nito ang patotoy niya saka ilang minuto pa ay itinaas na nito ang tila kutsilyong hihiwa sa kanyang alaga. Bigla siyang napapikit nang bigla itong ipinukpok kay patotoy.
“A-aray!”
Ganap na siyang binata. Di katulad noong hindi pa siya tuli pakiramdam niya naiiba siya sa mga kaklase niya, kaya naman hindi niya magawang sumabay sa mga ka-barkada niya sa tuwing dyidyinggle baka nga naman ma-diskubre ang malaki niyang sikreto. Pero, hindi na ngayon dahil napaglabanan na niya ang takot. Napadaing si Junjun nang masagi ng suot niyang palda ang balat ni patotoy. Kanina pa siya nakauwi at mabuti na lamang at walang nakakita sa kanyang paika-ikang lumakad.
Bigla siyang nataranta nang marinig ang boses ni Mimi na kumakatok sa pintuan. Hindi siya dapat makita sa ganoong ayos kaya minabuti niyang manahimik na lamang. Subalit, gumawa ito ng paraan para makapasok. Sa bintana dumaan si Mimi. Naalala niya na nagpapagawa pala ito ng isang maikling kwento na ipapasa sa teacher nito.
 “K-kuyaaaa! Naku! ‘wag ka nang matago. Narinig ko yata ang boses mo,” malakas na wika nito habang iginagala ang paningin sa buong paligid. “Nasaan ka kaya? Kuya, ‘wag ka nang mahiya dahil wala naman akong nakita.”
Tumaas ang dugo ni Junjun sa narinig dahilan para lumabas ito sa likod ng cabinet. Bakit walang nakita? Maliit ba ang patotoy niya at hindi nakita sa kaliitan. Aba! Di siya papayag!
“Hoy! A-anong walang nakita?” Napasigaw si Mimi sa bigla niyang pagsulpot mula sa kanyang pinagtataguan.
“Promise! Cross my heart! Wala akong nakita!” pagtanggi nito sabay pigil sa pagtawa. “Kuya Jun, okay lang ‘yon. Isa pa bata pa ako.” Humarap ito sa kanya na tila nagtataray pa ang mukha. “Isa pa love kita kaya okay lang kahit di ka pa tuli.”
Natutop ni Mimi ang kanyang bibig. Patay! Nasabi niya ang hindi dapat sabihin. Aba! Kahit bata pa siya hindi na siya inosente sa mga bagay na iyon. Marami kasi siyang pinsan na lalaki na nabalitaan niyang nagpatuli na. Nakita niyang  namumula sa hiya ang kuya Jun niya. Mayamaya bumaba ang paningin niya at doon niya lang napansin na nakapalda ito. Sa nakita ay ubod lakas siyang napahagikgik.
“Hoy! A-anong tatawa tawa mo diyan? Isa pa di mo ba nakikita bagong tuli lang ako.“
“Oo nga! Sabi ni mama kapag nakita ng girl ang bagong tuli na boy tutubuan daw ng kamatis ang toytoy nito.” Kumislap ang mga mata ni Mimi na tila may kapilyahang naiisip. “Kuya, patingin ngaaaaaa.”
Hinabol niya ang kuya Jun niya na akala nito ay seryoso siya sa kanyang sinabi. Hinabol niya hanggang sa nagpaikot-ikot sila sa salas subalit hindi niya ito naaabutan. Napagod siya kaya napaupo siya sa sofa. Habol ang paghinga nang mapansin niyang nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Sinundan niya ang tingin nito na parang nakapako sa kanyang pag-ibabang kasuotan. At halos mapasigaw siya nang mapansin niyang may bahid ng dugo ang kanyang white shorts. Oh! My gosh!
Dalaga na siya?

Kumakabog ang kanyang puso sa sobrang tuwa. Napatayo siya sa sofa sa sobrang saya. Sa wakas makakabili na rin ako ng napkin! ang tangi niyang wika sa kanyang sarili habang ang kuya Jun niya ay naguguluhan sa mga pangyayari.
ITO ANG STORY ng kanyang elementary days! Masaya dahil wala pang kontrabida. Sa bawat minutong nakakasama niya ang kuya Jun niya ay tila wala nang papantay sa ligayang nararamdaman niya. Super close sila ng kuya Jun niya; lahat ng bagay sa kanya ay kabisado nito pati na ang tunog at amoy ng utot niya, kabisado rin nito ang period niya dahil ginawa niya itong tagabili ng napkin.
Sa loob ng silid ay pinagmasdan niya ang mga larawang nakadikit sa dingding ng kanyang kwarto. Mga larawan nila noong mga bata pa sila. Excuse me! Noong bata pa siya kasi naman four years ang tanda nito sa kanya. Hinimas niya ang solong larawan nito. The smile was perfect! Malaki na ang ipinagbago ng mukha nito. Hay! Isang taon na pala ang nakakalipas nang magpatuli ito. Binata na ang totoy!
Second year high school na siya. Marami na ang nanliligaw sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin. Isa pa meron siyang isang sikreto kaya medyo nababawasan ang mga lalaking umaaligid sa kanya sa loob ng campus. Napatayo siya nang tawagin na siya ng kanyang ina – ang inang tumigil na sa pagnenegosyo para lamang mabantayan ang kanyang pagdadalaga. Iniluwa ng pinto ang kanyang only one mama na agad naman niyang niyakap.
“O, ganda ng anak ko.” Inayos pa nito ang kwelyo ng uniporme niya.  “Ang tagal mo namang magbihis. Hinihintay ka na ni Jun.” dugtong pa nito bago tumalikod para bihisan ang bunso niyang kapatid. Last year lang nang manganak ang kanyang ina at simula noon ang father na niya ang nag-aasikaso sa lahat ng negosyo nila – isang distributor ng mga basic goods ang erpat niya.
Paglabas niya ng gate nakaabang na ang lalaki. Naka-school uniporm na din ito. Pagkatapos siyang ihatid saka ito papasok sa pinapasukang Universidad - isang graphic artist ang kinukuha nito. Pagkalabas niya ng gate agad niyang iniabot ang isang sobreng naglalaman ng sweldo nito – ang paghatid sundo sa kanya.
“H-huwag na! Isa pa may trabaho na ako. Part time sa Jolibee.” Nalungkot siya sa narinig hindi dahil sa may trabaho na ito. Hindi na ba siya maihahatid ng binata?
“Oops! ‘wag kang mag-alala dahil tuloy pa rin ang serbisyo ko sa’yo. And take note… libre na!”
“Talaga?”
“Oo naman! Hindi mo lang ako taga hatid-sundo, Body guard mo pa ako.”
Nakasakay na sila ng tricycle pero ang isip niya ay lumilipad. Kinikilig siya na hindi niya maipaliwanag. In short! Natutuwa siya sa mga pinagsasabi nito. Bumaba ang binata at doon niya natuklasan na nasa campus na pala sila. Agad siyang bumaba ng tricycle at tulad ng nakaraang eksena nagsihabaan ang mga leeg ng mga school mates niya. Mayamaya na-focus ang atensyon niya sa isang flower shop.
“Ay! Naku kuya! Ako pala ang naka-assign para magdala ng flowers sa altar namin. Naku! May barya kaya sila sa 500?”
“Sige, ako na lang ang bibili.” Halos pumalakpak ang tenga niya sa ginawa niyang acting. Aba! Napaniwala niya ang binata. Kaya naman nang bumalik ito ay may ng hawak ng bulaklak na agad naman niyang kinuha. Ang mga kaklase niyang naghihintay sa kanya ay halos mamatay sa inggit.  Kaya naman todo ang kaway niya sa binata nang umalis na ito.
“Mimi, ang pogi naman ng BF mo.”
“Correct!”
Ito ang malaking kasalanang nagawa niya sa kanyang buhay – ang ipamalitang boyfriend niya ang kuya Jun niya.
“Papa God! Please forgive me! Promise! Promise! Last na to!” kinikilig na dasal niya sa sarili.
Tatalikod na sana siya upang tuluyang pumasok sa loob ng gate subalit isang boses ang narinig niya. At sa kanyang paglingon nakita niyang bumalik ang binata. May hawak na isang puting rosas habang papalapit sa kanya.
“Kanina para kay mama mary… ito naman para sa’yo.” Halos malaglag ang puso niya sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya? “O, hindi mo ba kukunin? Ikaw din baka malanta.” Inabot niya ang puting rosas habang nagtitilian ang kanyang mga kaklase. Hindi siya makapaniwala. This is the first time na nakatanggap siya ng bulaklak sa isang lalaki.
Ito na kaya ang simula ng kanyang love story? Ito na kaya ang papa love niya? Katulad ng mga napapanood niya sa isang pelikula. Liligawan kaya siya ng kanyang leading man? Oh! My God! Sana next chapter na!

No comments:

Post a Comment