At katulad sa isang pelikula. Napayakap siya sa binata. Nagtama ang kanilang mga mata, and take note may background music din sila.
Papa Love, Papa Love, I LOve Yah!
Sa Panulat Ni JonDmur
Chapter Three
Malamig na hangin ang humampas sa mukha ni Mimi. Nasa tabing dagat siya habang pinagmamasdan niya ang kanyang kuya Jun habang nag-iistory-telling sa mga bata. Nakaupo ito sa isang malaking bato na napapaligiran ng mga makukulit na mga chikiting. Napasulyap sa kanya ang lalaki; ang mga mata nito ay tila nag-aanyayang lumapit sa kinaroroonan nito. Lumapit siya saka tumabi sa isang batang mataba saka nakinig sa kwento ng binata.
Nang matuklasan ng prinsesa na binihag ng reyna ang prinsipe ay umiyak ito nang umiyak.
Hawak nito ang isang magic ball kung saan pwede niyang gamitin para mailigtas ang pinakamamahal na prinsipe.
Ngunit, kapag ginamit niya ang magic nito ay magiging isang alipin na lamang siya.
“Tapos ano pong nangyari?” sabay sabay na tanong ng mga bata.
Pinagmasdan niya ang kanyang kuya Jun habang ipinagpapatuloy nito ang pagbabasa ng kwento. Batid niyang ito rin ang may akda. Napangiti siya habang naka-focus ang atensyon niya sa maamo nitong mukha. Subalit biglang may tumapik sa kanyang mga balikat.
“Ate Mimi, gusto n-namin ‘kaw naman mag read ng story.” Nagsigawan ang mga bata na parang wala na siyang karapatang tumutol. Agad niyang kinuha ang notebook ng binata saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng kwento.
At nagtagumpay ang prinsesa na masagip ang buhay ng prinsipe.
Pansamantala siyang tumigil nang mapansin niyang tinititigan siya ng binata. Nauutal siya sa dahilang hindi niya matukoy.
Pagkatapos, lumapit sa kanya ang prinsipe. Hinawakan siya sa kamay saka sinabing…
“Mahal kita!” Bigla siyang napatingin sa binata. Ito na kasi ang nagdugtong sa babasahin niya. “Ang sabi ng prinsipe sa prinsesa.” Lihim siyang napangiti dahil akala niya para sa kanya ang salitang binanggit. Feeling niya siya ang prinsesa sa fairy tales nito.
“Ang they live happily ever and after…” dugtong ng mga bata saka sabay sabay na nagpalakpakan.
Isa-isang niyakap ng lalaki ang mga bata. Napalapit na kasi ang mga bata sa kuya Jun niya.
“Alam mo, kay sarap sa pakiramdam kapag may nakaka-appreciate sa mga akda ko,” mahina niyang sabi kay Mimi. Kinarga niya ang isang batang babae. “Ano nga ang paborito mong kwento?”
“A-ah ung ano po… ung kwento ni prinsesa Almina.” Ang tinitukoy nito ay ang kwentong binasa niya noong nakaraang linggo. “Kuya, gusto po naming marinig ang boses ni Ate Mimi.”
“Oo nga po! Ate Mimi, kantahan mo kami.” Napanganga si Mimi sa request ng mga bata. Ayaw ng utak niyang kumanta pero gusto ng puso niya, kaya naman agad siyang tumayo sa isang malaking bato saka itinaas ang isang kamay.
“Kapag tayo ay matanda na… sana’y - di tayo magbago…. At kailan man nasaan man ito ang pangarap ko.” Umeko ang boses niya sa karagatan na sinabayan naman ng mga bata. Muli niyang itinaas ang kanyang mga kamay saka nagpaikot-ikot sa batuhan. Sinabayan niya ng konting paggiling ng kanyang balakang. “Pagdating araw…. ang ‘yong buhok ay puputi na rin.” Iwinagayway niya ang kanyang dalawang mga kamay at sa kanyang paghakbang ay muntikan na siyang mahulog subalit maagap ang binata. Nasalo siya nito!
Lumang eksena sa isang romantic pocketbook. At nagawa na ng mga bidang lalaki sa isang pelikula. Kaya naman hindi na siya nagulat nang masalo siya nito. Aba! Mas magulat siya kung nahulog siya at hindi siya nailigtas ng kanyang leading man.
At katulad sa isang pelikula. Napayakap siya sa binata. Nagtama ang kanilang mga mata, and take note may background music din sila.
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko ...
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko ...
Hinuli nito ang kanyang mga kamay saka ipinatong sa magkabilang balikat nito. At para maging perfect combination, ang mga palad nito ay dumikit sa kanyang mga baywang.
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko ...
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko ...
Naamoy niya ang pawis ng binata - the masculine scent drive her heart wild! Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. At sa edad niya alam niyang pag-ibig na ito. Hindi na ito isang puppy love kundi isa siyang teenagers who learned how to fall in love.
Malakas na sigawan ng mga bata ang bumasag sa katahimikan niya. Napa-atras siya nang mapansing gahibla na lang ang pagitan ng mukha niya sa mukha ng binata. Bigla siya tumalikod saka sinamahan ang mga bata para makauwi sa kani-kanilang bahay. Gusto niyang umiwas sa dahilang namumula ang kanyang mga pisngi.
NAIWAN sa tabing dagat si Jun habang nakaupo sa isang malaking bato. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Kinuha niya ang ballpen saka unti-unting nabuo ang mga letra sa lumang papel.
CAN THIS BE LOVE?
NAGTATATALON sa tuwa si Mimi nang makapasok siya sa kanyang silid. Agad niyang niyakap si Catherine saka para isang sanggol na niyakap niya ito.
“Alam mo Catherine, sumayaw kami habang magkayakap.” Sa sobrang pagkakilig ay pinanggigilan niya ang matandang pusa. Natuwa naman ang matabang pusa kaya naramdaman niya ang pagkiskis ng ulo nito sa kanyang leeg.
“Love niya kaya ako Catherine?”
Miyaw!
“Sana love niya ako.”
Miyaw!
Nang mapagod sa kalalambing sa alagang pusa ay agad niyang tinungo ang bedside table niya. Kinuha ang libro saka nag-aral. Fourth grading na nila at alam niyang mataas ang makukuha niyang grado dahil inspired siya. Iba talaga ang nagagawa ng love sa tao. Nakakakilig katulad sa mga nababasa niya sa mga pocketbook. Sana happy ending ang love story niya.
ITO ANG STORY ng kanyang high school days! Katulad sa kanta ni Sharon Cuneta – hindi niya makakalimutan ang first love niya, at sa araw ng kanyang graduation day ay napaluha siyang talaga.
“Congratulations!” sabay sabay na sigawan sa loob ng kanilang bahay. Nilapitan siya saka niyakap ng bunso niyang kapatid. Aba! Akalain mo ba namang nasundan pa siya - nakaka-score pa rin kasi ang erpat niya sa kanyang only one mama.
Tumambad sa kanya ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa mesa subalit mas naagaw ang atensyon niya sa isang teady bear na nakapatong sa gitna ng mesa. Binasa niya ang nakasulat sa kwintas nito.
PAPA LOVE
Parang pelikula nina Jolina at Marvin – nakakakilig ang eksena na tiyak niyang magtatalunan ang mga fans sa sobrang tuwa. “Naku! Mr. Jun, ano na namang gimik ‘yan?” ani niya sa binatang nakatayo lamang sa isang tabi. Kinuha niya ang teady bear saka humarap sa kuya Jun niya. “You made my day complete!”
“Charing!” hirit ni Maki sa kanya. “Naku! Sis! ‘wag mong sabihing may iyakan scene. Ang mabuti pa.. picture! Picture!” malakas na sambit ng baklang kaibigan.
Sunod sunod na click ng camera ang kanyang narinig. Iba’t ibang position na ang kanilang ginawa. At halos matigilan siya nang biglang iniluwa ng pintuan ang kanyang erpat. Nilapitan siya nito saka niyakap. Naalala niya ang malaking tampo niya sa kanyang ama; ang pagkalimot sa mga birthday niya at sa hindi nito pagsipot sa seremonya ng kanyang graduation.
“I am proud of you, my daughter!”
Katulad sa mga love story sa isang pelikula nahahaluan ito ng mga ka-dramahan sa buhay. In short, hindi lang iikot ang kwento sa love story. Ipapakita rin sa mga eksena ang ilang pangyayari sa buhay ng mga bida. Katulad sa kanyang buhay; ang malaking tampo sa ama ay biglang naglaho nang mayakap niya ito. Na mimiss niya ang kanyang papa na hindi na niya nakakasama nang madalas. “I love you, papa!”
Nagliwanang ang buong paligid nang biglang mag-flash ang camera. At isang family picture ang nilikha nito. Wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay dahil answered prayer na siya. Niyakap niya si Papa love habang nakatitig siya sa mukha ng kanyang kuya Jun – sana ito na ang papa love niya. Hinalikan niya ang teady bear saka muling sinulyapan ang kwintas nito.
Lumapit sa kanya ang kanyang kuya Jun saka muling lumiwanag ang paligid. Bigla siyang napasigaw nang bigla siya nitong binuhat. Sunod sunod na click ng camera ang kanyang narinig hanggang isang memorable picture ang naging resulta nito.
Zarap naman ma inlove kapag ganito ang love story hehe....super nakakatawa yung at nakakakilig yung mga scenes s chapter 1 and 2 hehe....nc one author!...(*_-)
ReplyDeleteThanks Dada ^_^ salamat sa pagbasa at komento.... balik ka ha hehehehe!
ReplyDelete