Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 13


“Ikaw din ba ang nagbigay ng halik sa akin?” Napanganga siya. Gusto niyang humakbang paatras subalit napako na yata ang kanyang mga paa. Hindi siya maka-hakbang mula sa kanyang pagkakatayo.

Chapter 13
Sa Panulat ni JonDmur
HALOS lumipad ang mga paa ni Mimi habang nilalakbay niya ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Nasira ang taxi na sinasakyan niya kaya minabuti niyang lumipat ng masasakyan. Subalit tila mailap ang mga taxi na dumaraan. Halos mapasigaw na siya sa sobrang pagka-badtrip. Kailangan niyang makapunta agad ng ospital dahil ngayon araw na ito malalaman kung tagumpay ang operasyon ng papa love niya. Isang eye donor ang nagbigay lunas sa paghihirap ng kanyang papa love. Nais niyang siya ang unang makita ng binata. “Ano ba ‘yan? Bakit walang taxi?” Nabuhayan siya ng loob ng may isang taxi na pumara sa kanya. Pagkababa ng pasahero nito ay agad siyang sumakay. Papa love, alam ko makakakita ka na. sana ako ang una mong masilayan.
KABADO si Junjun habang tinatanggal ang benda sa kanyang mga mata. Nais niyang sumigaw subalit nagbabara ang kanyang lalamunan. Natutuwa siya na may halong pangamba. Paano kung bigo ang operasyon? Huminga siya nang malalim saka inisip ang babaneg iniibig – si Mimi. Ito kaya ang unang mukhang makikita niya?
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Malabo. Subalit habang tumatagal nagkakaroon ng linaw ang lahat. Nakikita niya ang isang maamong mukha. And the smile was great! Pakiramdam niya nagkakaroon siya ng lakas ng loob.
“Ikaw?”
“Nakakakita ka na,” tugon nito sa kanya.
“Miss Catherine, paki-records na lang,” utos ng isang nurse rito. Napangiti siya. Alam na niya ang pangalan ng misteryosong babaeng nagpapagulo sa kanyang isipan.
“Wait! Nahihilo ako.” Pinahiga siya ng dalawang nurse saka kinumutan.
“Magpahinga ka muna.” Ipinikit niya ang kanyang mga mata. At doon nanumbalik sa kanyang alaala ang mga palad na humihimas sa kanyang mukha. Kilala niya ang mga palad na iyon. Katulad ng mga palad na kumalas sa kanyang benda. Si Catherine kaya ang babaeng nagnakaw ng halik sa kanya? Lihim siyang natawa sa term na nagnakaw – isang halik na masuyo naman niyang ibinigay.
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Natauhan siya sa kanyang nakita.
“Mimi?”
“O bakit parang nakakita ka ng multo. Happy ako na nakakakita ka na. Sayang, hindi ako ang una mong nasilayan.”
 “Mama love, salamat ha… oo nga pala sino nagbigay ng mga mata ko?
“Hmmm! Hindi ko alam. Basta tinawagan ako… ang sabi punta ako ng ospital kasi may eye donor daw. Confidential daw sabi ng mga nurse dito. Anyway, ang mahalaga nakakakita ka na…. makikita mo na ang mga chicks mo.”
“Chicks ka diyan…”
“Asus, hay naku! Pa kiss nga….” Sa ginawa nito ay hinila niya ito upang lalo itong mapalapit sa kanya. Binihag niya ito ng kanyang mga bisig. Ginantihan ang matamis nitong halik. Halos maghabulan sila nang hininga nang makarinig nang pagkalabog. Nasa likod nila ang isang nurse na pinupulot nito ang nabitiwang tray ng mga gamot.
HALOS manikip ang dibdib ni Catherine sa eksenang napanood niya. Masakit palang makitang may kahalikan ang taong mahal mo. Gusto niyang tumingala subalit hindi niya magawa. Natatakot siyang makita ng mga ito ang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Pagkakuha ng mga gamot sa sahig ay agad siyang tumayo saka lumabas ng silid. Napaiyak siya habang nasa loob ng elevator – minabuti niyang doon na lamang magtago upang ikubli ang kanyang mga luha.
Masakit sa pakiramdam ang magmahal sa taong alam mong pag-aari na ng iba. Nasasaktan siya kahit wala siyang karapatan. Masakit para sa kanya ang makitang may minamahal itong iba. Huminga siya nang malalim saka pinunasan ang kanyang mga luha. Saktong bumukas ang pintuan ng elevator nang maayos niya ang kanyang sarili. Taas noo siyang naglakad patungo sa emergency room.
“Hoy, saan ka galing? Kilala kita. Umiyak ka na naman sa loob ng elevator.”
“Karen ikaw pala.” Hinila niya ang kaibigang nurse. Alam nito ang bigat na kanyang dinadala kaya hindi siya mahihiyang humingi ng advise mula rito.
“Cat, kung ako sa’yo magpakilala ka. Sabihin mo na ikaw si Sweet Girl. Malay mo may pagtingin din siya sa’yo.”
“Sabagay. Sige, magpapakilala na ako sa kanya.”
“Ganyan nga! Cheer up! Ipaglaban ang pag-ibig…. Huwag mawalan ng pag-asa.” Tumalikod siya upang ikubli ang kanyang mga ngiti. May katuwiran ang kaibigan, kung masasaktan din lamang siya ay gagawin na niya ang lahat. Di bale nang masaktan basta ginawa mo ang lahat. Magpapakilala na siya sa lalaking nagpapatibok sa kanyang puso – masaktan man siya.
NATUTUWA si Jun sa pag welcome sa kanya ng paborito niyang website. At lalo siyang natuwa sa mga komentong natanggap niya sa isang babaeng matagal na niyang hindi nakakausap – si Sweet Girl. Bigla tumunog ang cellphone niya na siya namang ikinatuwa niya.
“Hello…”
“Tol, si Tom ito, Ano punta ka sa book launch ko ha… malay mo makita mo doon si Sweet Girl.”
“Loko ka talaga! Alam mo naman na love ko si Mimi.”
“Oo na! ikaw na ang pogi.”
“Sige tol… pupunta ako.”
NAIINIS si Mimi dahil hindi siya makakasama sa book launch ni Tom. Nagkataong birthday ng kanyang ina at lalabas silang mag-anak upang tumungo sa Tagaytay. Isasama niya sana ang papa love niya subalit nauna na itong nakapangako sa kaibigan. Isa pa, gusto ng kanyang erpat na silang mag-anak lang ang mamamasyal.
“Sige, basta text mo ko lagi ha.” Niyakap niya ang lalaki na naghahanda nang makasakay ng bus. “Ingat ka sa Maynila.”
“Oo naman! O baka naman habulin mo ang bus na ito.”
“Feeling mo naman! O sige na baka maiwanan ka pa ng bus.”
“Love you mama love.”
“Hay naku! Tama na baka langgamin pa ako dito.”
Kumaway siya nang makasakay na ang lalaki. Mayamaya, nawala na ito sa kanyang paningin. Natigilan siya nang mapansing panay ang ngiti ng isang batang babae sa kanya.
“Ate, ang sweet nyo po… siguro sweet girl kayo.” Tumaas ang kanyang kilay. Magtagpo kayo si Sweet Girl at papa love niya sa book launch?
Dumating na kaya ang kinatatakutan niya? Ito na kaya ang kontrabida ng kanyang buhay? May tiwala siya sa lalaki subalit hindi mawawala sa kanyang isipan ang mag-isip ng ganitong bagay. Gwapo ang lalaki – isang bagay na hinahangad ng isang babaeng katulad niya.
BINALOT ng galak ang puso ni Catherine nang masilayan ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Lihim niya itong pinagmamasdan habang nakikihalubilo sa kapwa writer nito. Natutuwa siyang pagmasdan ito. Mga ngiting nagpapalambot sa kanyang mga tuhod. Tumalikod siya nang makarinig nang malalakas na sigawan o tilian ng mga kabataan. Nadiskubre niyang may artistang dumaan. Napangiti siya subalit mas nanaisin pa niya ang masilayan ang lalaking iniibig. At sa ginawa niyang paglingon ang siya namang pagbangga sa kanya ng isang matipunong dibdib. Akma siyang matutumba subalit maagap ang lalaki – lumang eksena sa isang pelikula subalit nais niyang maulit ang eksenang ito. Nakayakap siya sa binatang nagpatibok ng kanyang puso. Inaalalayan upang huwag matumba mula sa pagkakabangga nito.
“Miss. I’m really sorry! Kasi nagmamadali ako na_” Natigilan ito nang ma-focus ang paningin nito sa kanyang mukha. “I know you, diba ikaw ang nurse na nag-alaga sa akin? I mean, Catherine?”
“Ako nga!” Kumalas siya sa pagkakayakap nito. “I’m Catherine! Ako ang nurse na gumamot sa sugat mo noon… nung namaga ang _.” Natahimik siya nang mapansing namula ang mukha ng binata. “Anyway, ako din naman ang nurse na nag-alaga sa’yo sa ospital nung nabulag ka.”
“Ikaw din ba ang nagbigay ng halik sa akin?” Napanganga siya. Gusto niyang humakbang paatras subalit napako na yata ang kanyang mga paa. Hindi siya maka-hakbang mula sa kanyang pagkakatayo.
“Ha? A eh.” Hindi na siya nakapagsalita pa nang hinila siya nito palapit sa dibdib nito. At kasabay nang pagkakasayad ng dibdib niya sa matigas nitong katawan ang pagsalubong niya sa mga labi nito. Napapikit siya. Nahigit na niya ang kanyang hininga. Ramdan niya ang init ng mga labi nito na pumapaso sa kanyang pagkatao.
“Miss okay ka lang?” Napamulat siya. At halos sampalin niya ang kanyang sarili sa imahinasyong kanyang naisip. “Thanks for taking care of me. Ang galing mong mag-alaga ng pasyente.” Sumigaw ang utak niya sa tindi nang pagkapahiya. Imagine, naisip niya ang ganoong eksena?
“Ah! G-ginawa ko lang ang tungkulin ko,” kabadong naitugon niya sa lalaki. Inayos niya ang loob ng kanyang bag upang maikubli ang emosyong nararamdaman.

“Uy, Cat dito ka lang pala. Nagkakilala na pala kayo ni papa love,” singit ni Tom na halatang masaya sa tagumpay ng book launch nito.
“Yes! Siya ang nurse na nag-alaga sa akin.”
“At siya rin si Sweet Girl,” ani Tom na tila kinikilig pa.
 Napangiti siya nang mapansing nagulat ang binata. At lalo siyang nagulat nang hinila siya nito saka mahigpit na niyakap. Ramdam niya ang init ng dibdib nito na tila pumaso sa kanyang pagkatao. Mayamaya, tila natauhan ito kaya kumalas sa ginawa nitong pagkakayakap.
“I’m sorry! Nabigla ako. Alam mo hindi ako makapaniwala na ikaw at ang nurse na nag-alaga sa akin ay iisa.”
“Wala ‘yun!” kaswal na tugon niya. Muli niyang hinalungkat ang bag niya upang umiwas sa mga mapanuksong titig nito nang biglang hinawakan nito ang kanang kamay niya.
“Is there something wrong? Kanina ka pa naghahalungkat sa bag mo. May hinahanap ka ba o tense ka lang?”
“H-ha? Ah wala. Bakit naman ako tense? Hindi no?”
“Sabi nila sign daw ‘yan ng pagmamahal,” singit nit Tom. “Uy, baka magkadevelopan kayo.”
Namula ang kanyang pisngi nang marinig ang panunukso ni Tom. Gusto niyang magalit sa panunukso nito pero hindi niya magawa dahil gusto ng puso niya.
Ito ang kabanata ng kanyang buhay na hindi niya makakalimutan. Isang eksenang ituturing niyang special episode – kung saan siya ang leading lady nito.
Nang matapos ang Book Launch niyaya siya ng binata na mag-dinner sa kalapit na restaurant. Ang buong akala niya kasama ang ibang kaibigan nito subalit nagkamali siya. Napapagitnaan sila ng isang kandila – a candle dinner na nagbigay kiliti sa kanyang puso.
“Bakit mo ‘to ginagawa?”
“Ang ano?”
“I mean bakit tayo naririto?” Natahimik siya nang matuklasang nakatitig sa kanya ang lalaki. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. At kung nakatayo lamang siya malamang kanina pa siya natumba.
“Thanksgiving… gusto kong magpasalamat sa’yo…. Gumaling ako sa pag-aalaga mo sa akin.”
“Ha? Huwag mo nang isipin ‘yun.” Binalot nang pagkabahala ang puso niya. Natatakot siyang banggitin nito ang mga haplos na ginawa niya rito. Naalala pala ng lalaki ang unang halik na ibinigay niya rito. Namumula na ang kanyang pisngi. Hindi na yata kaya ng powers niya.
“O baka lumamig ang ice tea.” Napangiti siya. Huminga siya nang malalim saka sinalubong ang mga titig ng binata.
“Alam mo, I really like you. Ang akala ko idol lang kita… nagkamali ako…. pakiramdam ko mahal kita.”
Namula ang magkabilang pisngi ng binata. Napalunok siya. Nabigla siya sa kanyang mga tinuran. Nililigawan ba niya ang binata?
Napatingala siya nang makarinig nang tawa ng binata. Pakiramdam niya nainsulto siya sa tawa nito.
“Jun, hindi ako nagbibiro.” Tumayo siya saka humakbang palayo sa lalaki. Subalit pinigilan siya nito. Tumalikod siya saka hinarap ang binata. Hinila niya ang ulo nito palapit sa kanyang mga labi. Nagtagumpay siyang mabihag ang mga labi nito.   Hinuli niya ang dila nito na tila umiiwas sa kanya.
Nabigla siya nang tinabig siya nito hanggang sa makawala siya sa mga yakap nito. At doon lamang niya natuklasan na kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao.
“I’m sorry!” wika nito sa kanya.
“Ginusto ko ang nangyari. Hindi mo ko pinilit dahil ako ang lumapit. I’m sorry, dahil mahal kita.”
“Catherine, baka nabibigla ka lang. Hindi pwedeng maging tayo.”
“Alam ko… ” Tumalikod siya saka humakbang palayo sa lalaki. Pumatak na rin ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Isang katangahan ang ginawa niya. Hindi niya dapat sinabi sa lalaki ang nararamdaman niya. Bakit nga ba hindi niya napigilan ang sarili?
HINDI makapaniwala si Jun sa kanyang natuklasan. Umiibig sa kanya ang dalaga at ito ay ikinasasaya ng puso niya. Naalala niya ang unang halik nito. Bakit hindi mawala sa kanyang isipan? Hinabol niya ang dalagang nakakalayo na sa kanya. Batid niyang nasaktan niya ito kaya nais niyang makausap. Pagkalabas niya ng restaurant naabutan niya itong umiiyak sa isang nakaparadang kotse.
Nilapitan niya ito saka iniabot ang kanyang panyo. “I’m sorry! Pwede ba tayong mag-usap?”
“H-huwag! Huwag na nating ituloy…. Umiwas na lang tayo habang maaga pa… habang wala pa tayong nasasaktan.” Natigilan siya sa tinuran ng dalaga. Mayamaya pa, tumalikod ito saka agad na sumakay ng taxi. Gustuhin man niyang habulin ito ay hindi na niya nagawa.
NAPABANGON si Mimi sa kanyang higaan. Pinapawisan siya. Nasaklot niya ang kanyang dibdib. Bakit kay lakas ng pagkalabog nito? Napaluha siya nang maalala ang kanyang panaginip, kung saan isang imahe ng babae ang nakayakap sa kanyang papa love. Ito ba ay isang babala? Dumating na ba ang kanyang kinatatakutan?
“J-jun, nasaan ka na?”


No comments:

Post a Comment