Muntik na – muntik na siyang madala sa tuksong maaaring makapanira ng isang relasyon. Subalit, paano ang kanyang pag-ibig? Paano kung mahal talaga siya ng binata?
Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur
NAPAPITLAG si Jun nang may dumagan sa kanya. Naalimpungatan siya sa mahimbing na pagkakatulog. Iminulat niya ang kanyang mga mata – tumambad sa kanya ang mapanuksong ngiti ni Mimi. Is this a dream? Paano nakapasok ang dalaga sa kuwarto niya.
“O, parang nagulat ka? Remember I got your key!” Napangiti siya nang maalalang may susi pala ang dalaga. Ginantihan niya ito ng isang killing smile.
“Pa –embrace nga ang lamig kasi,” agad na tugon niya rito.
“Talaga! So naninigas mga kalamnan mo diyan?
“Uy, ano ba ang naninigas sa akin?” aniya sa dalaga na tila natatawa sa ikinikilos niya.
“Dumi ng utak mo adik ka! Ung mga tuhod, mga braso mga_” Naputol na ang sasabihin nito nang muli niyang inilapat ang kanyang mga labi sa labi nito. Napapikit siya. Bakit iba ang kanyang nararamdaman?
Biglang bumalik sa kanyang alaala ang mainit na halik ni Catherine. Bakit ito ang nakatatak sa kanyang utak? Bakit iba ang init nito kaysa sa halik ni Catherine? Natigilan siya nang bumitiw ng halik ang katipan. Nakahalata kaya ito sa ikinikilos niya?
“Bakit?”
“Ha? Wala, nagulat lang ako ang galing munang mag-kiss?” kabadong tugon niya rito.
“Hindi, ang tanong ko bakit lumambot?” Napatawa siya sa tanong nito. Adik talaga ang babaeng nasa harapan niya. Hinila niya ito saka muling hinagkan sa leeg hanggang sa mapadpad sa dibdib nito.
“O bakit?” Napakunot ang noo niya nang itinulak siya nito na tila nakatapk ng tae ang expression ng mukha nito.
“I remember, kakagising mo pa lang kaya di ka pa nag-totoothbrush. Naku, bumangon ka na diyan.” Natawa siya sa sinabi nito.
“Yabang nito! Eh, sarap na sarap ka naman sa kiss ko.”
LUMAKI ang mga mata ni Mimi nang tumayo ang binata. Nawala na ang makapal na kumot na kanina lamang ay nagtatakip sa kahubaran nito. Wala itong saplot sa katawan. The guy used to sleep naked. Muli na naman niyang nakita ang matigas nitong abs, at muli siyang napangiti nang makitang malambot ang patotoy nito..
“Bakit kaya? Hindi ba ako kaakit-akit at hindi tumitigas ang dapat na tumigas?” Muli siyang nahiga sa kama na tila natatawa sa kanyang sarili. Niyakap niya ang unan ng binata saka inamoy ito. “Amoy lalaki!’
Biglang tumaas ang kilay niya nang mabasa ang salitang naka-burda sa punda ng unan. Napabangon siya. Bakit Sweetgirl ang nababasa niya? Nagkataon lamang ba ito o sadyang ipinadisenyo ng binata. Biglang uminit ang paligid ng kanyang tenga, at magkasabay na tumaas ang kilay niya. Humanda ka!
Tumayo siya saka sinugod ang binatang kasalukuyang naka-upo sa trono. Tinulak niya ang pintuan saka tumambad sa kanya ang binatang tila nahihirapan sa ginagawa.
“Hoy, lalaki! Bakit sweetgirl ang naka lagay sa punda?”
“Ha? Pwede ba, ma-maya na ‘yan tumatae pa ako.”
“Wala akong pakialam! Dati mama love ang nakalagay dito… bakit ngayon ibang pangalan na…”
“Nagkataon lamang ‘yon” malakas na tugon nito. Sasagot pa sana siya nang malanghap niya ang hindi dapat malanghap. Tumalikod siya saka isinara ang pintuan.
“Waaaaa! Ang baho! Yak!”
PAWISAN si Jun nang makalabas ng banyo. Kabado siya sa nang mapansing nakaalis na ang dalaga. Naalala niya ang unan. At bumalik sa kanyang alaala ang araw na binili niya ito. Sadyang pinili niya ang punda na may naka-burdang Sweet Girl. Kinuha niya ang unan saka niyakap ito. Bakit iba ang kanyang nararamdaman? Kinuha niya ang tuwalya saka bumalik sa loob ng banyo. Buo na ang kanyang loob. Dadalawin niya si Catherine. Naitanong niya kay Tom kung saan nakatira ang dalaga. Pupuntahan niya ito upang tuklasin kung ano ang bumabagabag sa kanyang kalooban.
Subalit, paano si Mimi? Batid niyang nagtatampo ito sa kanya. Huminga siya nang malalim. Bahala na!
Susundin niya ang idinidikta ng kanyang puso. Pupuntahan niya ang babaeng gumugulo ng kanyang isipan.
SA KABILANG dako naman ay hindi mapigilan ni Mimi ang maiyak sa sobrang selos na nararamdaman. Naiinis siya sa kontrabida ng buhay niya. Magkatotoo kaya ang panaginip niya?
“Sino ka ba?” Nasaklot niya ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang pasaherong tila naguguluhan sa kanyang pag-iyak. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Naiinis siya sa lalaki. Bakit hindi siya hinabol o sinuyo man lang kahit sa text? Jun, naiinis ako sa iyo, humagulgol na siya sa loob ng jeep na siyang ikinabahala ng mga pasahero.
“Ineng, nakikiramay kami sa iyo.” Natigilan siya sa sinabi ng matandang babae. Malamang kung bata ito baka kanina pa niya nasapak.
HINIHIMAS naman ni Catherine ang alagang pusa. Nalulungkot siya kaya minabuti niyang lambingin ito. “Alam mo Mimi, ngayon lang ako muling nagmahal. Pero it’s complicated! Ang hirap…. Pakiramdam ko hadlang ako sa isang magandang relationship. Alam mo ‘yun?”
Miyaw
“Mimi, ang laki laki mo na. Balang araw magiging isang ina ka na. Sana isang mabuting lalaki ang makabuntis sa iyo.”
Miyaw
“Sana mahalin din niya ako.”
“Malay mo?” Napanganga siya nang makarinig ng tinig mula sa kanyang likuran. Agad siyang lumingon upang tukuyin kung sino ang nakapasok sa kanilang bakuran. Naiwan pa naman niyang bukas ang gate kaya makakapasok ang sinumang maghangad na makapasok sa kanilang bakuran.
“Pasensya ka na, bukas kasi ang gate at nakita agad kita. Kinakausap mo pala ng pusa?”
“Ha? Hindi no? Sarili ko kinakausap ko… alam mo ‘yun? un bang nagloloka-lokahan lang,” tugon niya rito na kasabay ng isang tawa.
“Nakakatuwa ka pala.” Nahampas niya sa balikat ang binata sa itinugon nito. Mayamaya, pinapasok niya sa bahay ang lalaki.
“Para ka palang intsik?”
“Ako? Bakit naman?” usisa nito sa kanya.
“Ang aga mong umakyat ng ligaw.” Sumeryoso ang mukha niya. Natauhan siya sa ginawa niyang pag-welcome rito. Hindi ba’t kahapon lamang nang maganap ang heavy drama ng buhay niya?
“Ung tungkol sa nangyari kahapon. Gusto kong sabihin na_”
“Tama na Jun! Kasalanan ko naman. At hindi ko pinagsisisihan.”
“At ginusto ko rin…” Napanganga siya sa tinuran nito. Totoo ba ang kanyang narinig? “Catherine, sa umpisa pa lang humanga na ako sa iyo bilang Sweet Girl… at muli kong napatunayan iyon nang makilala kita sa ospital. Ikaw ang nakikita ko sa tuwing_”
NABIGLA si Jun nang tumama sa kanang pisngi niya ang malakas na sampal.
“How dare you! Babae din ako Jun. Siguro nga malandi akong tingnan pero babae ako at alam ko na mali ang ginagawa mo. Ayaw kong mangyari sa akin ang ginagawa mo kay Mimi. Mahal ka niya…. tapat ka sa kanya , un ang alam niya…. “
“Catherine, hindi mo ako nauunawaan. Please listen….”
“Tama na! Sapat na sa akin na mahal kita. Hindi ako humihingi ng kapalit.” Natikom niya ang kanyang bibig. Batid niyang hindi tanggap ng puso niya ang tinuran niya. Bahagyang itinulak niya ang lalaki palabas ng bahay. Dapat nga ba siyang matuwa sa itinuran nito? Kahit mahal niya ang binata ay hindi kakayanin ng kanyang konsensya ang makapanakit ng kapwa – masasaktan si Mimi.
Nanghina siya. At nabigo siyang mapalabas ito ng bahay. Ilang saglit pa, na-ilock na nito ang pintuan. Naramdaman niya ang mainit nitong yakap na bumihag sa kanyang katawan.
“Catherine, mahal kita.”
“Huwag! Huwag Jun! nakikiusap ako sa’yo. Ayaw kong masaktan.” Gusto niyang itulak ang lalaki subalit wala na siyang lakas upang pigilan ito.
Muli silang nagkatitigan. Napatitig siya sa mga mata nito. At doon niya nakita ang mga matang minsan nang naging bahagi ng kanyang buhay – ang mga mata ng kanya kuya.
Bigla niyang tinabig ang binata. “Mali itong ginagawa natin. Kung nabubuhay lamang ang kuya, hindi niya ikatutuwa ang nangyayari sa atin. Please, bigyan mo naman ako kahit konting respeto…. Alam ko mahina ako… mahina ako dahil mahal kita. Jun, please umalis ka na…. “
Tila naunawaan na siya ng binata. Inayos nito ang maong pants na tila nanikip sa eksenang kanilang ginawa. Mayamaya, lumabas na ito na tila baon ang matinding kalungkutan.
“Pareho-pereho lang ang mga lalaki. Katawan ko lang ang habol nila.” Bigla siyang natawa sa kanyang winika. “Hay naku Catherine kakaloka ka!” Binuhat niya ang alagang pusa saka isinara ang pintuan. She felt guilty sa inasal niya kanina. Hindi niya akalain na muntik na siyang bumigay sa init ng yakap nito.
Muntik na – muntik na siyang madala sa tuksong maaaring makapanira ng isang relasyon. Subalit, paano ang kanyang pag-ibig? Paano kung mahal talaga siya ng binata?
NATATAWA si Mimi sa pinapanood niya – isang comedy romantic movie na pinagbibidahan ng idol niya. Lihim siyang natuwa sa kanyang sarili. Ang sarap sa pakiramdam na hindi pa siya nakakaharap ang matinding kontrabida ng kanyang buhay. Maliban kay Sweet Girl na tila nabura na sa Facebook.
Biglang napakunot ang noo niya nang matuklasang hating gabi na. Kinuha niya ang cellphone niya, at lalong kumunot ang noo niya nang matuklasang no messages. Sumama ang loob niya. Bakit di man lang siya natawagan o na text ng papa love niya? Bigla siyang kinabahan. Bakit tila nagbago ang lalaki? Wala na ang binatang walang sawang kumukulit sa kanya, at hindi na ito nagsusulat ng tula na kadalasang iniaalay sa kanya. Kumabog ang kanyang dibdib. A woman instinct na nagsimulang manirahan sa kanyang isipan.
Tumayo siya saka inayos ang sarili – pupuntahan niya ang binata.
KABADO siya habang binubuksan ang pintuan. Batid niyang nakauwi na ang binata. Tumambad sa kanya ang nakakalat nitong damit. At ang lagaslas ng tubig sa banyo ang umagaw ng kanyang pansin - naliligo ang binata. Nagmistula siyang isang pusa habang naglalakad – walang ingay ang kanyang mga yabag.
Tinungo niya ang laptop ng binata. Lumaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. “Oh, God!” Tila binuhusan siya ng malamig na tubig na siyang nagpabara ng kanyang lalamunan. Natuklasan niya ang profile ng isang babae. At lalong sumidhi ang galit na nararamdaman nang mabasa ang pangalan ng babae.
SWEET GiRL
Kilala niya ang babae. Ito ang nurse na nakilala niya sa ospital. Ang nurse na tumawag sa kanya upang mabigyan ng eye donor ang papa love niya.
“Siya si sweet girl?” Huminga siya nang malalim saka tiningnan ang inbox ng binata. Halos mapasigaw siya nang mabasa ang inbox nito. “Nagkita sila kanina?”
Gusto niyang sumigaw subalit tila nagbara ang kanyang lalamunan. Dumating na ang kinatatakutan niya – ang pagsulpot ng kontrabida ng kanyang buhay. Katulad ng mga napapanood niya sa pelikula. Sisirain ng kontrabida ang pagmamahalan ng dalawang bida.
Hindi ako papayag!
Akma siyang tutungo sa banyo upang sugurin ang binata subalit nakalabas na ito. Ang mga mata nito ay tila nagtatanong kung bakit siya umiiyak.
“Mimi?” Nakatapis lamang ito ng tuwalya nang makalapit sa kanya. Nahulaan na siguro nito kung bakit siya umiiyak nang matuklasang nakaopen ang inbox nito sa Facebook. “Magpapaliwanag ako,” dugtong nito.
“Sabihin mo sa akin ang totoo, mahal mo ba siya?” Huminga siya nang malalim upang ihanda ang sarili. Isang katotohanan ang nais niyang mabatid.
“I’m sorry pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. I’m sorry pero hinahanap hanap ko siya.” Tila sinampal siya sa kanyang narinig. Kilala niya ang binata kung nagsisinungaling ito, at sa pagkakataong ito batid niyang nagsasabi ito ng totoo.
“G-gusto mo ba siya?”
Hindi natinag ang binata. Huminga siya nang malalim. Pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Pinag-aralan ang ekspression ng mukha nito. Dumilim ang paningin niya – alam na niya ang kasagutan sa tanong niya.
Iniaangat niya ang kanyang tuhod saka ubod lakas na tinuhod ang harapan nito. Napasigaw ang binata sa ginawa niya. Subalit ang sakit na naramdaman nito ay wala sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso.
“Mabasag sana ‘yan.” Halos mabasag ang puso niya, agad siyang tumalikod saka lumabas ng silid. Hindi niya inaakalang hahantong sa ganito ang maganda nilang samahan.
Lalaban siya
Hindi siya magpapatalo sa babaeng papasok sa buhay nila.
Lalaban siya
Hindi siya susuko
NASAPO ni Junjun ang harapan niya. Nakaluhod na siya sa sahig sa labis na sakit na nararamdaman. Halos mawalan siya nang ulirat. Naka-alis na ang dalaga. Subalit ang sakit sa kanyang katawan ay tila nagpapahirap sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag nang matuklasang buo pa ang iniingatan. At nang makabawi napatayo siya saka napaupo sa kama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Napapikit siya, and finally he realized na nagsasawa na siya sa personalidad ni Mimi. He need someone na magpapaligaya sa kanya. At iyon ay walang iba kundi si Catherine.
Isang babaeng malayo sa personalidad ni Mimi.
Isang babaeng marunong magbigay ng halik – isang halik na hindi niya maaaring makalimutan.
Tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti siya nang matuklasang galing kay Catherine ang mensahe. At gusto nitong makipagkita sa kanya. Makakatutol ba siya?
Bigla siyang napangiti – I’m sorry Mimi, pero magpapakatotoo na ako.
HALOS bumaha ng luha ang kama ni Mimi. Masakit sa kalooban niya ang natuklasan. Sinubukan niyang tawagan ang binata subalit out of coverage area ito.
“Sis, tahan ka na,” wika ni Maki sa kanya.
“Ang sakit, pero mahal ko pa rin siya. Maki, natatakot ako. Paano kung___”
“Hay naku! Magkakatulad kaya ang mga lalaki. Kapag nagsawa na sila sa GF nila, un naghahanap ng iba.”
“Pero sabi niya mahal niya ako.”
“Sis, baka naman nagsasawa na sa iyo si Jun. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo…. Masyado kang bata sa kanya. diba kuya mo pa nga siya.” Nainis siya sa winika nito kaya hinampas niya ng unan.
“Nakakainis ka naman.”
“Naku ha! Tingnan mo si Sweet Girl, un pala ung nurse na nakausap natin before.. she look so mature.. at bagay nga sila ni Jun…. “
“Ano ka ba? Kakampi o kontrabida?”
“Kakampi ako pero tama naman ang sinasabi ko. Bakit kasi hindi na lang ung kasing edad mo ang mahalin mo.”
“Mahal ko si Jun… mahal ko siya…. at pwede ba huwag mo akong i-compare sa babaeng iyon.”
“Nag sex na ba kayo?” Napanganga siya sa tanong nito. “As in sex talaga… hindi ung half half lang.”
“Hmmmm! O sige, hindi pa.”
“Well, matakot ka! Kasi sa amoy ko… mas magaling si Catherine sa iyo… interms of love making…. At iyon ang gusto ng mga lalaki.”
“Maki, wag kang magbiro ng ganyan.” Sinakluban ng takot ang puso niya. Paano kung tama ang kaibigan. Paano kung naghahanap ng ibang putahe ang papa love niya?
“Paano kung maghanap ng papaya ang papa love.” Tumaas ang kilay niya saka bumaba ng tingin. Nasaklot niya ang kanyang dibdib. At bigla siyang humagulgol hanggang sa mapasubsub sa hita ng kaibigan.
NAKARAMDAM ng kaba si Catherine. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Hinawakan niya ang matipuno nitong dibdib. Ilang saglit pa, naramdaman niya ang mainit nitong labi na gumagapang sa kanyang dibdib. Napapikit siya. At kasabay ng mga ungol nito ang kanyang pagluha.
Kasalanan ba ang magmahal?
Kanina lamang ay nakipagkita siya rito upang ipaglaban ang kanyang pag-ibig. Hindi niya kayang magparaya – dahil nais niyang makapiling ang lalaking iniibig.
Muli siyang napapikit nang maramdaman ang bigat ng katawan nito. Gusto niyang tumutol subalit buo na ang loob niya – ipagkakaloob na niya ang kanyang sarili.
Mapipigilan ba niya ang tibok ng kanyang puso?
Tumayo ang binata. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. The body was perfect – tila nakaka-akit na ito ay hawakan. Salatin ang katigasan ng mga masel nito na tila kinurba sa dibdib nito. Bumaba ang kanyang paningin – napalunok siya.
Hinawakan niya ito. Napangiti siya – this is not the first time na nahawakan niya ang pag-aari nito. Nakatatak pa rin sa utak niya ang mga araw na ginagamot niya ito sa ospital. And now, she can kept a promise – hindi niya sasaktan ang pag-aari nito.
Pumikit siya nang maramdaman ang halik ng binata. Mainit na tila pinapaso ang buo niyang katawan. Gusto niyang sumigaw subalit nanatiling ungol ang lumabas sa kanyang mga labi.
Ikaw ang lahat sa akin
Tanging ikaw dito sa aking puso
Dapat ba kitang limutin
Kung ang isinisigaw ikaw ang lahat sa akin
Ang yakap ng binata ang siyang nagkubli sa hubad niyang katawan. At kasabay ng kanyang mga luha ang takot na namuo sa kanyang dibdib.
TILA sinundot ang puso ni Mimi sa natuklasan. Harap harapan na siyang niloloko ng papa love niya. Nakita niya sa profile ni Catherine ang picture ni Jun. Mga hayop sila, wika ng kanyang isipan. Halos ibalibag niya ang laptop sa sobrang selos na nararamdaman. The guy is having a secret affair with Catherine. Batid ng kanyang puso – at isang hinala ang tuluyang nanirahan sa kanyang dibdib.
Haharapin niya ang binata. Hindi siya papayag na tuluyang masira ang relasyon nila. Gagawin niya ang lahat – babawiin niya ang papa love niya.
Subalit, lumipas ang mga araw nang walang binatang sumusuyo sa kanya. Nakakaramdam na siya ng takot. Gustuhin man ng utak niya na kasuklaman ang binata ay hindi kaya ng puso niya.
Mapapatawad niya ang binata
Makakalimutan niya ang lahat
Bumalik lamang ito sa kanya. Jun, nasaan ka na? Nasaklot niya ang kanyang bibig nang mabalitaang nag leave ito sa trabaho. Natatakot siya. Paano kung kapiling nito si Catherine?
Nagulat siya nang tumunog ang doorbell. Tinawag niya ang bunsong kapatid upang buksan ang gate subalit nanatili itong nanonood ng cartoons. Labag man sa kalooban ay minabuti niyang lumabas upang tukuyin kung sino ang gumagambala sa kanila. Baka si Jun? Nabuhayan siya nang loob. Agad niyang binuksan ang gate at tumambad sa kanya ang imahe ng isang babae.
Si Catherine
Gusto niyang magsalita subalit nanaig ang kaba sa kanyang dibdib.
Isang minutong katahimikan na tila nakikiramdam sa bawat isa.
“Hindi ako masamang tao Mimi, nagmahal lang ako.” Napaluha siya sa narinig. Bakit nawala ang tapang niya? Gusto niyang sampalin o sigawan ang babae subalit di niya magawa. “I’m sorry, pero mahal ko siya,” dugtong nito na siyang dumurog sa kanyang puso.
Dumating na ang kinatatakutan niya. Ito ang kabanata ng kanyang buhay na masasabi niyang pinaka-hate niya. Imagine, nagmukha siyang kawawa. Kung magagawa lamang niya na i-fast forward ang kabanatang ito ay matagal na niyang ginawa. Subalit, ano nga ba ang ending nang kanyang love story? At iyon ang aabangan niya.
No comments:
Post a Comment