Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 15


“Mahal din kita, pero _” Tinutop niya ang mga labi ng dalaga saka hinagkan iyon. “Huwag kang mag-alala matatanggap din ni Mimi ang lahat.”

Papa Love, Papa Love, I Love Yah
Sa Panulat ni JonDmur 
HINDI natinag si Mimi sa kanyang kinatatayuan. Catherine is now telling him na mahal nito ang papa love niya. Ano ang isasagot niya? Na-focus ang paningin niya sa kabuuan ng babae. She looked attractive, na kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kagandahan nito. Napatingin siya sa dibdib nito. Napalunok siya. at binalot ng insecurity ang puso niya.
Mayamaya, may pumarang taxi, at mula sa loob nito lumabas ang binatang matagal na niyang hindi nasisilayan. Lumapit ito kay Catherine na tila nangungusap ang mga mata nito.
“Jun, dapat na niyang malaman.”
“Huwag, h-huwag na!” Sa wakas,  lumabas na ang kataga sa kanyang mga labi. “Huwag na….” Tumalikod siya. Ilang saglit pa, isinara niya ang gate. Gusto niyang humakbang subalit napako na ang kanyang mga paa. Napasandal siya sa gate saka nakiramdam sa paligid. Nang matuklasan niyang naka-alis na ang dalawa ay saka niya ibinuhos ang sakit na nararamdaman.Bakit hindi niya kanyang lumaban? Bakit sa pelikula ni Judy Ann Santos nagagawa nitong sugurin at sampalin ang karibal.
Binalot ng tapang ang puso niya. Tila nagkaroon siya ng lakas ng loob upang harapin ang lalaki. Gusto niyang sumbatan ito saka ipamukha ang panlolokong ginawa nito. Haharapin ko kayo, bulong ng kanyang isipan.
Binuksan niya ang gate saka luminga sa paligid. Batid niyang mahihirapang makahanap ng taxi ang dalawa. Hindi nga siya nagkamali. Nasa kanto lamang ang dalawa na tila naiinip na makahanap ng masasakyan. Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ng dalawa, at sa kanyang isipan ay nais niyang sabunutan ang babae.
“Junnnnn.” Malakas niyang sigaw na bumalot sa katahimikan ng paligid. Nilapitan siya ng binata. Nagtama ang kanilang paningin. at ang galit na nararamdaman ay tila biglang naglaho. Bumalik ang kahinahang nagkukubli sa kanyang pagkatao.
‘Hindi ka ba nakakaintindi? O sadyang mahina lang ang utak mo? Mimi, wala na tayo.”
“Bakit? Dahil ba sa kanya? Jun, minahal kita. Kulang pa ba? Bakit ang bilis mong magbago?” Halos manikip na ang kanyang dibdib sa eksenang hindi niya inaasahan.
Huminga nang malalim ang binata. “I’m sorry, natakot akong sabihin sa iyo dahil ayaw kong masaktan ka. Mimi, mahal ko si Catherine….. “
“Nakikiusap ako. Huwag mo gawin sa akin ito. Mahal kita, diba sabi mo mahal mo ko?”
“Pwede ba? Bitiwan mo ko.” Malakas na sigaw ng binata na tila natatakot na kanyang mahawakan. “Mimi, hindi na kita mahal… naiintindihan mo ba? Hindi na kita mahal.” Tila sampal sa pandinig niya ang tinuran ng lalaki. Nawasak na yata ang puso niya at di na siya natinag sa kanyang kinatatayuan.
Mayamaya, lumapit si Catherine. At halos manikip ang kanyang dibdib nang halikan ng binata ang mga labi nito. Kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha ang unti-unting pagbuhos ng ulan na tila nakikiramay sa kanyang pighati.
Masakit pala ang magmahal
Tagos hanggang buto ang sakit na kanyang nararamdaman. Sumakay ang dalawa sa taxi na siyang ikinatakot niya. Tuluyan na bang makakalayo sa kanya ang papa love niya?
Hinabol niya ang taxi na hindi pa gaanong nakakatakbo. Hinampas-hampas niya ang salamin ng bintana nito. “Jun, nakiki-usap ako. Huwag mo gawin sa akin ito. Parang awa mo na…. please mag-usap tayo….”
Bigla siyang napa-atras nang padabog  na bumaba ang binata. “A-ano ba gagawin mo? Hahabulin mo ang taxi na ito katulad ng mga napapanood mo sa pelikula? Pwede ba? Tama na? Sawang sawa na ako sa mga ipinapakita mo sa akin. Stop being a kid Mimi!” Halos kumabog ang kanyang dibdib nang hawakan ng binata ang magkabilang balikat niya. Sinalubong niya ang mga mata nito na tila nababalutan ng pagkapoot. “Please, hindi na kita mahal.”
Ang sakit nang pagkakahawak nito sa kanyang mga braso ay dumeresto sa kanyang puso. Huminga siya nang malalim nang makalayo na ang lalaki. Di siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya namatay ang puso niya – katulad ng pagkamatay ng pag-ibig sa kanya ng binata.
Ito na ba ang ending ng kanyang love story?
TAHIMIK lamang si Junjun habang lulan ng taxi , nasa isip pa rin niya ang nangyari sa kanila ni Mimi. Di niya hinangad na masaktan ang dalaga subalit kailangan niyang gawin para sa ikatatahimik niya. Mahal na niya si Catherine, at ito ang babaeng ihaharap niya sa altar.
Naramdaman niya ang kanang kamay nito na humimas sa kanyang hita. Hinuli niya ang kamay nito saka ikinulong sa kanyang mga palad. Lumingon siya, at nagtama ang kanilang mga mata. Ilang saglit pa, isang halik ang iginawad sa kanya nito. Saglit lang subalit naiwan ang init sa kanyang mga labi.
“Nasaktan ka rin ba?” kaswal na tanong nito sa kanya.
“Oo, pero kailangan kong gawin.”
“Jun, parang nagu-guilty ako. Maayos sana ang lahat kung hindi ka dumating. Maayos naman ang pakikipag-usap ko sa kanya,” tugon ng dalaga sa kanya.
“Please, wag mo na akong sisihin. Nung tinext mo ko na upang ipaalam na kakausapin mo si Mimi medyo nag-panic ako… di ko naman akalain na hahantong sa ganito.”
“Jun, nasaktan natin si Mimi.”
“Naging honest lang ako… ikaw na ang mahal ko.”
“Mahal din kita, pero _” Tinutop niya ang mga labi ng dalaga saka hinagkan iyon. “Huwag kang mag-alala matatanggap din ni Mimi ang lahat.”
NAGKATITIGAN sila. Halos maluha si Catherine habang pinagmamasdan ang mga mata ng binata. Tila galit ang nababasa niya – mga titig na bumabaon sa kanyang puso. Nakikita niya ang mga mata ng kuya niya – mga matang nag-papaalala sa kanyang nakaraan.
“Bunsoy, diba sabi ko sa iyo kung magmamahal ka ung wala kang nasasaktan… ung wala kang nasisirang relasyon.”
“Kuya naman, paano ako magmamahal la naman nanliligaw sa akin.”
Natigilan siya nang maalala ang kuya niya. Pumatak na ang kanyang mga luha. I’m sorry, kuya nagmamahal lang ako.” Muli siyang hinagkan ng lalaki. Mas mainit sa una nitong halik. Mayamaya pa, naramdaman niya ang mga palad nito na tila may ipinapasok sa kanyang daliri.
Napalunok siya nang matuklasang isang singsing ang nakasuot na sa kanyang daliri. Will you marry me? Hindi siya makasagot sa tanong nito. Umiyak lamang siya saka isang tango ang kanyang isinagot. Muli na naman niyang naramdaman ang mainit nitong dibdib. Halos hindi siya makahinga sa higpit ng yakap nito.

After 3 months

Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa 'yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yo
Masakit palang makita ang minamahal mo na may ibang kasamang babae. Masakit pala kahit pa sabihing wala na kayo – ito ang nararamdaman ni Mimi habang pinagmamasdan ang dalawang taong pumapatay sa kanyang puso. Pumunta siya sa Grand EB ng paborito niyang website. Sa isang Disco Club naganap ang Eb kung saan nagsama-sama ang mga writers and readers ng nasabing website.
Nakaramdam ng kirot ang puso niya habang pinagmamasdan ang dalawang taong sumasayaw. The sweet dance, and the sweet music secretly killed her heart. Na-focus ang paningin niya sa dalawa - magkalapit ang katawan at sadyang nakapulupot ang mga kamay ni Jun sa baywang ni Catherine. Bakit patuloy pa rin siyang nasasaktan kahit wala na sila ng binata. Bakit nahihirapan siyang magmove on?
Dahil mahal… mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Hindi ako matatakot, mahihiya
Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita
Dahil mahal… mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Nasasaktan siya habang nakikitang masaya ang binata. Biglang napalingon ang lalaki. Batid niyang nakita siya nito.
Gagawin ko ang lahat
Pangako mo lang 'di ako iiwan
Dahil mahal (dahil mahal kita)
Mahal na mahal kita
        Nasaklot niya ang kanyang dibdib nang bumawi ng tingin ang binata. Nasaktan siya sa expression ng mukha nito na tila hindi siya nakilala. Natigilan siya nang may humawak sa kanyang kanang kamay.
        “Pwede ba tayong sumayaw?” Isang pilit na ngiti ang kanyang itinugon sa lalaki. Si Tom, ang kasayaw niya. Isang binatang naging kaibigan niya. Mula nang maging regular member siya ng site, ito ang naging kakulitan niya at labasan ng mga drama sa buhay. “Huwag ka nang umiyak.”
        “Mahal na mahal ko siya, nasasaktan ako sa mga nakikita ko.” Binalot ng katahimikan ang paligid. Nagulat ang lahat subalit napalitan ng excitement nang kunin ni Junjun ang microphone, at buong lakas na ipinahayag ang pag-ibig nito kay Catherine. Napakapit siya sa balikat ni Tom. Pakiramdam niya nauubusan siya ng lakas. “Hindi ko kaya Tom, hindi ko kaya.”
        Nakagat niya ang kanyang mga labi nang marinig sa mga labi ng binata ang nalalapit nitong kasal. Napayakap siya sa dibdib ni Tom upang doon ibuhos ang kanyang mga luha. Mayamaya pa, naramdaman niya ang pag-agapay sa kanya ng binata palayo sa kinatatayuan nila.
        Dinala siya malapit sa restroom. Ilang saglit pa, inabutan siya ng panyo. The guy touched her face na tila pinapatigil na siyang umiyak. Napatingin siya sa mga mata nito. “Mimi, tahan na! Huwag ka ng umiyak…” Ang pagluha ay nauwi sa paghagulgol hanggang sa mapaluhod na siya. subalit maagap ang binata, nakatayo siya saka napayakap muli sa manipis nitong dibdib.
Kung ako na lang sana
Ang iyong minahal
Di kana muling luluha pa     

        Muling pumailanlang ang musika. Kumalas siya sa pagkakayakap ng binata. At doon siya nakaramdam ng hiya para sa sarili. Broken hearted siya, pero ayaw niyang magmahal muli para lamang maka-move on. Kaibigan niya si Tom, at hindi siya manhid upang hindi maramdaman na inlove ito sa kanya.
        “Wait, kuha lang ako ng makakain natin ha. Tara, doon ka muna maupo.” Hinila siya ng binata malapit sa small fountain na nagbibigay kagandahan sa paligid. Ilang saglit pa, iniwan na siya ng binata. Lumingon siya, at halos manlambot ang kanyang mga tuhod nang gahibla lang ang pagitan niya sa isang binata. Halos malanghap na niya ang pabango nito. The scent was familiar, ito ang aromang matagal na niyang hindi nalalanghap.
        “Mimi.” Nagbara ang lalamunan niya. Kaharap niya ang binatang dumurog ng kanyang puso – si Jun, ang kanyang papa love. “I’m sorry!”
        “Sorry?” Pinigilan niya ang maiyak. Huminga siya nang malalim saka muling tinitigan ang binata. “Sorry? Yun lang ang masasabi mo? Alam mo ba ang sakit, ang sakit sakit dahil hindi lang papa love ko ang nawala…. Nawala din ang kuya ko… nawalan din ako ng kaibigan…. Ang sakit tanggapin na lahat binura mo…. Lahat kinalimutan mo…. Lahat lahat….. “ Halos manikip na ang kanyang dibdib. Pumalag siya nang maramdaman ang kamay nito na tila gusto siyang mahawakan. “Alam mo ang yabang mo… akala mo kung sino kang gwapo….  Akala mo kung sino kang mabait…. Sana di na lang kita naging kuya…. Sana di na lang kita minahal.”
        “Umiwas ako para makalimot ka… I’m sorry, pero you need to move on.” Narinig niya ang pagkabog ng dibdib nito. Natakot siya. Natatakot siya sa mga sasabihin nito.
        “Jun, mahal kita. Kahit dalawa kami pumapayag ako… balikan mo lang ako…” Nagulat siya sa kanyang itinuran pero tanggap na niya na nagiging tanga siya sa pag-ibig. Mahal niya ang binata. At kahit nasasaktan siya – mahal pa rin niya ang lalaki.
        “Mimi, gumising ka! Hindi pwede ang iniisip mo… Isa lang ang pwede kong mahalin…. “ Tumalikod ang binata, at halos maiyak siya sa natuklasan. Tila isang kontrabida ang tingin sa kanya ng ibang nakasaksi – isang babaeng umeeksena sa dalawang taong nagmamahalan.
        “Jun, mahal kita…. Nakiki-usap ako huwag mo akong burahin sa buhay mo…. Kahit minsan lang, lumingon ka para sa akin… kahit minsan lang…. please…. Kahit minsan lang…..”
        Nasaklot niya ang kanyang bibig nang hindi na lumingon ang binata. Nilapitan na nito si Catherine na kanina pa pala nanonood sa eksenang nilikha niya. She closed her eyes na tila umiiwas na makita ang magbibigay kirot sa kanyang puso.
        Mula sa di kalayuan ay may isang binatang lihim na nasasaktan. At kung meron mang nakakaunawa sa kanya, natitiyak niyang si Tom ang lalaking nasasaktan ng dahil sa kanya.
        Parang pelikula ang drama niya. May drama scene na tiyak niyang iiyakan ng mga manonood. Subalit ang buhay niya ay hindi isang pelikula na kadalasan ay nagtatapos sa happy ending.
        Paano kung happy ending ang story ng papa love niya – at si Catherine ang leading lady nito. Paano na kaya ang puso niya?

No comments:

Post a Comment