Ito na ang pinaka mainit na scene ng kanyang love story. Nalalapit na ba ang ending nito? Katulad sa mga karaniwang nagaganap sa isang pelikula – muli nga ba silang magkakabalikan ng binata?
Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur
“ANG sabi ng mga matatanda huwag isukat ang wedding gown kung ayaw mong maudlot ang kasal mo.” Natigilan si Catherine sa sinabi ng matandang bading na naghatid ng wedding gown niya. Bigla siyang napatingin sa gown – the design was elegant na natitiyak niyang hahapit sa hubog ng kanyang katawan. “Mahal mo ba siya?”
Kumunot ang noo niya sa huli nitong tanong. Napatingin siya rito na tila nangungusap ang kanyang mga mata. Bumawi siya ng tingin. “Mahal ko siya,” kaswal na tugon niya rito. Ilang saglit pa, nagpaalam na ang matandang bading na tila binabasa ang kanyang aura.
Humarap siya sa salamin. She smiled temporarily across his face. Napasulyap sa wedding gown, kinuha saka pinagmasdan ang kagandahan nito. Bigla siyang napalingon nang bumukas ang pintuan. Si Jun, na tila natutuwa na naibigan niya ang wedding gown.
“I’m glad you like it!” wika nito kasunod ang isang halik. Pinulupot niya ang kanyang magkabilang kamay sa leeg nito saka hinuli ang mga dila nito. The kissed was passionate na tila pinapaso ang buo niyang pagkatao. Habol ang paghinga nang magbitiw ang kanilang mga labi. The guy smiled to her and touched her face. Lumipad ang kanang kamay niya sa dibdib nito hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng puso nito.
“Jun, mahal kita.”
“Catherine, ikakasal na tayo. I will marry you dahil mahal kita.”
“Mahal mo ba talaga ako o mahal mo ko dahil sa ako ang nagpapaligaya sa iyo?” Tumalikod ang binata. Umupo sa sofa saka sumandal sa sandigan nito.
“Please, itigil mo na lahat ng iniisip mo. Mahal kita at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo.”
“Paano si Mimi?” Biglang napatayo ito saka hinarap siya.
“Pwede ba, alisin mo na sa utak mo si Mimi. Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko.”
“Paano ako magiging masaya? Kung sa tuwing kasama kita alam kong may nasasaktan.” Lumuha siya. Gustuhin man niyang pigilan ito ay hindi niya magawa.
“Catherine, ikakasal na tayo.“ Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Mahal kita.”
“I’m sorry! Hindi ko na kaya. Sa tuwing nakikita kita _”
“Please, huwag kang mag-isip ng ganyan, wala kang kasalanan. Hindi mo ko inagaw kay Mimi. Ako ang kusang lumapit sa iyo.”
Niyakap siya ng binata. Mahigpit na tila natatakot na mawala siya sa piling nito. Gumanti siya sa mga yakap nito. At kasunod niyon ang mga maiinit na halik. Napaupo siya sa sofa hanggang sa mapahiga na siya. Muli na naman niyang naramdaman ang bigat ng lalaki.
ANG bigat ng pakiramdam ni Mimi. Habang papalapit ang nakatakdang kasal nina Jun at Catherine ay tila nalalapit na rin ang pagluluksa niya. Gusto niyang magalit sa binata subalit hindi niya magawa. Subalit buo na ang loob niya – she will try to recover. At gagawin niya ang lahat makalimutan lamang ang lalaki.
Sa araw ng iyong kasal, ililibing ko ang mga alaala natin, wika ng kanyang isipan. Sinindihan niya ang kandila saka ipinatong sa libingan ng alagang pusa. “Alam mo sana hindi na lang Catherine ang ipinangalan ko sa iyo,” wika niya sa puntod ng alagang pusa. Muli na naman niyang naalala ang pusang napamahal na sa kanya.
“Pusa ba talaga ang dahilan ng iyong pagluluksa?” Bigla siyang napatayo mula sa pagkakaluhod nang makarinig ng isang tinig. Aba! May bisita pala siya!
“Tom? Paano ka nakapasok? Hay! Naku, si nanay talaga bigla na lang nagpapasok ng tao.”
“Uy di ako tao. Kaya pwede ako pumasok.”
“Ganun? Adik ka talaga.”
“Uo nga eh adik ako sa iyo.” Bigla siyang napanganga nang may iniabot sa kanya ito. Napangiti siya.
“Wow! Cloud 9! Thank you ha! Tara, doon tayo umupo.”
Nakalimutan niya ang lahat ng drama sa kanyang buhay. Nakakatuwa si Tom – bolero, banatero na siya namang ikinatutuwa niya. Lihim niyang pinagmasdan ang binata. The guy’s body was simple na sa tingin niya wala itong maipagmamalaking masel sa katawan.
“Kahit wala akong abs sure akong di kita sasaktan.” Bigla siyang napatawa sa tinuran nito. “Pero kung gusto mo bibili ako ng abs, anim pa para sulit!”
“Ano ka ba? Di naman ako tumitingin sa katawan no?”
“Ows?”
“Oo naman!” sambit niya rito.
“So, you mean pwede ko na ituloy ang panliligaw ko sa’yo?” Bigla siyang natahimik. Anim na buwan nang nanliligaw sa kanya ang binata subalit pinipigilan niya ito. Hindi pa natutuyo ang sugat sa puso niya sa mga panahong nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
“Ayaw kong isarado ang puso ko sa’yo. Mabait ka Tom. Pero, alam mo naman diba? Ginagamot ko pa ang _”
“Tutulungan kita. Tutulungan kitang kalimutan siya.”
Napangiti siya sa tinuran ng binata. Hindi niya akalain na may isang binatang magmamahal sa kanya. Masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong minamahal ka.
Sa isang teleserye minsan nagkakaroon ng bagong kabanata. Minsan naman nagkakaroon ng malaking pagbabago, at sa kabanata ng kanyang buhay ay may malaking magbabagong magaganap. Ito ang kabanata kung saan papasok ang mga bagong tauhang magpapakilig sa kanya.
Mahal na mahal
'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman kung 'di mo alam?
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan o, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling; nais makayakap sa t'winaLumipas ang mga araw nang muli niyang maramdaman kung paano mahalin. Malambing si Tom – isang bagay na kahinaan niya. Napapaamo nito ang kanyang pagtataray. At aminin man niya o hindi – nadedevelop na siya sa binata.
'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman kung 'di mo alam?
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan o, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling; nais makayakap sa t'winaLumipas ang mga araw nang muli niyang maramdaman kung paano mahalin. Malambing si Tom – isang bagay na kahinaan niya. Napapaamo nito ang kanyang pagtataray. At aminin man niya o hindi – nadedevelop na siya sa binata.
Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahalsadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan(o) wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Ang puso kong ito ay natutong magmahalsadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan(o) wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
“Redhorse ka ba?”
“Hindi! Bat ganyan tanong mo?” tugon niya sa binatang nagpapasaya sa kanya.
“Hindi! Bat ganyan tanong mo?” tugon niya sa binatang nagpapasaya sa kanya.
“Lakas kasi ng tama ko sa’yo.” Napatawa siya sa banat nito. Hinampas niya ang balikat nito sa sobrang tuwa. Napasulyap siya sa mukha nito. Hindi naman ka-gwapuhan ang binata pero nakukuha nito ang atensyon niya.
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin
Habang tumatagal lalong napapalapit ang loob niya kay Tom. Nakalimutan niya na broken hearted siya. at buo na ang loob niya. Bibigyan niya ng pagkakataon ang sarili na magmahal muli sa pangalawang pagkakataon.
“O bakit malungkot ka? Emote ka yata?” biro niya sa binata habang namamasyal sila sa amusement park. “May problema ba ang binata ko?”
“Di no? Masaya nga ako…. kaya lang kanina napansin ko sad ka…. Ngayon ang kasal ng ex mo diba?”
Tumaas ang kilay niya. Aba! Ito na pala ang araw ng pagluluksa niya.
“Nasasaktan ka pa rin ba? Hindi mo ba siya hahabulin sa simbahan?”
“Alam mo Tom, sa pelikula lang nangyayari ang eksenang iniisip mo.”
“Talaga! It means totally move on ka na?”
“Ang galing mo kasi. Ang galing mong bumanat.” Humarap siya sa binata. Tinitigan ang mga mata nito. “Sinasagot na kita. Oo, mahal na kita.”
Napasigaw ang binata sa sobrang tuwa. Kasabay ng sigaw nito ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Pakiramdam niya, sa kanila nakatingin ang mga tao sa paligid.
“Mimi, ang saya ko! Salamat ha! Huwag kang mag-alala. Mamahalin kita ng sobra sobra.”
“Naku! Huwag na baka masanay pa ako.”
“Eh di masanay ka…. Dahil di ako magsasawa.”
Huminga siya nang malalim. At ngayon lamang niya napagtanto na masaya na siya. Si Tom, ang binatang nararapat sa kanya. isang binatang nagmamahal sa kanya ng tapat.
HUMARAP siya sa salamin. She looked so different – hindi na siya ang babaeng mukhang bata. Bumagay sa kanya ang new look niya kung saan hanggang balikat na lamang ang malago niyang buhok. Her dress fitted his body, bumagay sa kanya ang blue jeans na pinarisan niya ng isang magandang blouse. Napangiti siya, feeling niya mas maganda pa siya kay Kim Chui.
Bigla siyang napalingon nang may kumatok sa pintuan. “Ate, may bisita ka si ano po_” Napalabas siya ng pintuan habang ang bunsong kapatid ay hindi na makapagsalita na tila nagulat sa excitement na ipinakita niya. Nababatid niya si Tom na ang dumating. Sinusundo na siya ng binata para sa isang dinner date. Mabilis ang mga hakbang na ginawa niya habang bumababa ng hagdan. At sa gate ng kanilang bakuran bumungad sa kanya ang naghihintay na binata.
Halos matumba siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya natinag. Kaharap niya ngayon ang isang binatang pansamantalang nabura sa kanyang alaala. Napasulyap siya sa mukha nito na tila nababalutan ng kalungkutan. Ang dating maamong mukha ay tila tumanda ng ilang taon. But the guy looked so handsome sa mature look nito.
Makakalimutan ba niya ang binatang una niyang minahal – ang kanyang papa love.
Bakit ka bumalik?
“You looked so beautiful! Ang laki ng ipinagbago mo,” sambit ng binata.
“Jun, anong ginagawa mo dito?” Naiiyak siya subalit pinipigilan niya ang kanyang sarili.
Sumandal ang binata sa pader. “Hindi natuloy ang kasal namin ni Catherine. Umalis na siya. Iniwan na niya ako.” Tila natusok ang kanyang puso. Dapat ba siyang matuwa?
Nasasaktan siya sa nakikita – nasasaktan siya habang nakikitang nahihirapan ang binatang minsan na niyang minahal. Lumapit siya sa binata. Pinagmasdan ang luhaan nitong mukha. “Mimi, kailangan kita.”
Napa-atras siya. Bumalik sa isipan niya ang sakit ng dinanas niya sa piling nito. Ilang beses siyang nasaktan. At ilang beses siyang umiyak. Sinaktan siya ng binata. At hindi iyon maiaalis sa kanyang puso.
Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. “Ngayon, alam mo na kung paano masaktan?” Buo ang boses na lumabas sa kanyang bibig. At sa kanyang paglingon nakita niya si Tom na tila nangungusap ang mga mata nito. Lumapit siya sa katipan, hinila niya ang mukha nito saka hinagkan sa mga labi. Umaapoy! Mas mainit! Mas nakakadarang!
NAGULAT si Jun sa nasaksihan. Nasa harapan niya ngayon ang babaeng minsan nang naging bahagi ng kanyang buhay. At kahalikan nito ang isang binatang naging kaibigan niya. Bakit tila tinutusok ang puso niya? Nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Humakbang siya palayo upang takasan ang isang eksenang lalong sumusugat sa kanyang puso. Subalit sa kanyang paghakbang ay tila nawalan siya ng lakas. Hindi siya matinag sa kanyang kinatatayuan. Nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Is she still in love with Mimi?
Ilang linggo na ang nakakaraan nang matuklasan niya sa kanyang sarili na hinahanap niya ang dalaga. At alam niya si Mimi ang babaeng nilalaman na ng kanyang puso. Matapos mabigo sa pag-ibig ni Catherine, na kung saan nakipag-break ito sa kanya.
“I’m sorry Jun! Hindi love ang nararamdaman mo sa akin. Attraction, un ang nararamdaman mo.” – this is the last word of Catherine na bumasag sa kanyang puso.
Subalit, bakit ganito ang nararamdaman niya, tila bumabalik ang pagtingin niya kay Mimi? Naghihinayang ba siya? Huminga siya nang malalim. Babalikan kita Mimi, and I’m hoping for a second chance. Muling bumalik ang paningin niya kay Mimi na ngayon ay kayakap na ng iba. Masakit pa lang makitang may minamahal na ang babaeng gusto na niyang balikan.
HINDI makatulog si Mimi. Ginugulo ang kanyang isipan. Bumangon siya sa kama saka dumungaw sa binata. Lumanghap ng hangin. Dalawang oras na ang nakakaraan mula nang maka-uwi sila ni Tom mula sa isang dinner date, at labis ang hiyang nararamdaman niya sa binata dahil imbes na magsaya sila luha ang kanyang ibinigay. Ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman. “Pangako, di kita basta iiwan Tom. Minahal mo ko… minahal na rin kita.” Akma na niyang isasara ang bintana nang may mapansin siya. Isang binata ang nahagip ng kanyang mga mata. Biglang kumabog ang kanyang dibdib – si Jun ang binatang lihim na nagmamasid sa kanya.
Lumabas siya ng bahay upang makipag-harap sa lalaki. Gusto niyang maka-usap ito upang matigil na ang paghihirap niya. Padabog na binuksan niya ang gate saka humarap sa binata.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Mimi, mag-usap tayo?”
“Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na.”
“Magpapaliwanag ako. Narito ako para sa iyo.”
“Para sa akin? Baliw ka ba? Wala na tayo.” Halos maiyak na siya habang kaharap ang binata. Sa tingin niya naluluha na rin ito na tila siya pa ang dahilan sa kabiguan nito.
“Mimi, mahal kita.” Natahimik siya. Nagulat. Subalit, galit ang umiral sa puso niya. nasaklot niya ang kanyang noo saka ginulo ang pagkakaayos sa kanyang buhok. Ilang saglit pa, hinarap na niya ang binata.
“Mahal? Mahal mo ko? Paano ako maniniwala?”
“Mimi, alam ko mahirap ipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. Mula nang mawala sa akin si Catherine ikaw na ang nasa isip ko.” Hinawakan siya ng binata sa magkabilang balikat subalit agad niya itong itinabig. Itinulak niya ito saka muling hinarap.
“Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal mo….. hindi na kita mahal… nauunawaan mo ba ako… hindi na kita mahal….” Hinila siya ng lalaki saka mabilis na nahuli ang kanyang mga labi. Pumalag siya hanggang sa makawala siya sa umaapoy nitong mga labi. At isang sampal ang ibinigay niya. “Hayop ka…. Iniwan mo ko…. Tapos ngayon babalik ka para guluhin ako…. Jun, hindi na tayo…. Nauunawan mo ba ako… o sadyang mahina lang yang utak mo at hindi mo nauunawan na hindi na kita mahal.”
“Mimi, please give me a chance.”
Tumalikod siya subalit sa tinuran nito muli niyang hinarap ang binata. “Nawalan ka lang…. kaya mahal mo ko. At wala ng chance ang mga lalaking katulad mo. Kalimutan mo na ako.”
Humakbang siya palayo sa binata. Aaminin niyang nasaktan siya, pero hindi siya tanga upang maniwala sa pagmamahal nito. Isinara niya ang gate. Sumandal dito saka ipinikit ang kanyang mga mata – mahal niya si Tom. Oo, mahal niya si Tom. Pero, bakit siya nasasaktan? Bakit tila nadudurog ang puso niya habang nakikitang nahihirapan ang papa love niya?
Ito na ang pinaka mainit na scene ng kanyang love story. Nalalapit na ba ang ending nito? Katulad sa mga karaniwang nagaganap sa isang pelikula – muli nga ba silang magkakabalikan ng binata?
“Ayaw ko na! Masasaktan lang ako sa katulad mong super gwapo. Sapat na si Tom – isang binatang mahal ako at di ako iiwan.” Humakbang siya palayo saka umakyat ng hagdan. Papa love, I’m sorry …… akala ko ikaw ang soulmate ko, nagkamali ako.
No comments:
Post a Comment