Natigilan siya nang may librong iniabot sa kanya. Napangiti siya dahil alam niyang hinihingi nito ang autograph niya – nagulat siya nang makilala ang babae. Hindi niya inaakala na muli niyang makikita ang babaeng matagal nang hindi nakikita.
Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur
NAGDURUGO ang puso ni Jun nang mabalitaang ikakasal na ang babaeng una niyang minahal. Binabalot ng paghihinayang ang puso niya. Nahagip ng paningin niya ang cellphone niya subalit bigo siyang maka-receive ng messages mula kay Mimi. Ilang araw na rin niya itong pilit na kinakausap subalit bingi na ito sa kanyang mga paliwanag.
Buo na ang loob niya. Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya sa dalaga.
Lumanghap siya ng hangin. At doon niya napagtanto na mas minahal niya si Mimi kaysa kay Catherine. Nadala lamang siya sa init ng pagmamahal ng huli. The kissed was defferent na siyang nagbibigay magnet sa kanya kay Catherine. At ngayong wala na ito, he realized na mas hinahanap niya si Mimi – ang dalagang nakasama niya mula pagkabata.
Binasa niya ang wedding invitation, na kinuha pa niya kay Gerry. Bukas na ang kasal – gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang babaeng iniibig.
BAKAS ang pagkabahala sa mukha ni Mimi. Nabasa niya ang mga messages ni Jun na tila humihingi ng tawad. Mahal daw siya ng binata. Maniniwala pa ba siya?
Natigilan siya nang may humawak sa kanyang kanang balikat. Nasa terrace siya habang pinapanood ang mga isda sa aquarium. Napatayo siya nang matuklasang si Tom ang gumambala sa kanyang katahimikan. Umupo ito kung saan nakaharap sa kanya, napasulyap siya rito na tila binabasa ang kanyang mga mata.
“Alam ko may gumugulo sa iyong isipan?” Bumawi siya ng tingin. Ayaw niyang may mabasa ito sa kanyang mga mata. “Mahal mo pa ba siya?”
“Tom, ikaw ang pakakasalan ko.”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Mahal mo ba si Jun?”
“Hindi na! Wala akong dahilan para mahalin siya. Isa na lamang siyang nakaraan sa puso ko. Please, wag na natin siyang pag-usapan.”
Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman niya ang mainit na palad ng binata. Mayamaya, tumayo ito saka tumabi sa kanya.
“I love you, I promise di kita sasaktan.”
Tinaggap niya ang mga labi ng binata. At sa kanyang isipan – ito ang lalaking nararapat sa kanya. Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha; malayo sa kagwapuhan ng papa love niya, manipis ang dibdib na walang abs na maipagmamalaki. Ito na yata ang nababagay sa kanya. at sa edad nito na dalawang taon lang tanda sa kanya ang siyang nagpatibay sa kanilang relasyon. Marami silang bagay na napagkakasunduan, at hindi nalalayo ang mga hilig nila sa buhay.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata. At siya mismo ang lumapit upang mahuli niya ang mga labi nito. Kasabay nang pagpikit niya ang pangakong mamahalin niya ang lalaking nagmahal sa kanya ng tapat.
MULA sa di kalayuan ay lihim na natatanaw ni Junjun ang mainit na pagmamahalan nina Mimi at Tom. Kinurot ang kanyang puso. “Mimi, mahal na mahal kita! Please give me a one more chance.”
Maibabalik pa ba niya ang nakaraan?
NAPAMULAT si Mimi nang bumitiw ang mga labi ni Tom. Napasulyap siya sa mukha nito. Bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Nginitian siya ng binata saka ginulo ang buhok niya.
“Ang galing naman ng kiss mo. Muntik ko nang makalimutan ang huminga,” wika nito habang pinaglalaruan nito ang mga daliri niya sa kamay.
“Loko ka talaga!” Ang totoo ginalingan niya talaga. Mula nang makaharap niya si Catherine nagkaroon siya nang matinding insecurities. Hindi lamang pananamit ang binago niya, she tried her best na matuto kung paano humalik.
Muli niyang hinila ang binata. Napapikit ito. Lihim siyang natawa. At ilang saglit pa, itinulak niya ang nguso nito. “Ikaw, adik ka! Nakatikim ka lang eh gusto mo isa pa,” wika niya habang umiilag sa mga kamay nito na tila gustong mahuli ang kiliti niya.
“Ang cute mo talaga,” ani ng binata saka muli siyang niyakap. At sa ginawa niyang paglingon ay nahagip niya mula sa di kalayuan ang lalaking pilit na iwinawaksi ng kanyang isipan.
NATIGILAN si Jun nang matuklasang nakita na siya ni Mimi. Agad siyang nagkubli sa isang truck na nakaparada sa di kalayuan. Mayamaya, napansin niyang lumabas na si Tom saka sumakay ng jeep. Napangiti siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya – this is the right time upang ipaglaban niya ang nararamdaman niya.
Kinalampag niya ang gate hanggang sa makalikha iyon ng ingay. Sinigaw niya ang pangalan ng dalaga. Batid niyang narinig nito ang ingay na nilikha niya. ilang saglit pa, bumukas ang gate hanggang sa iniluwa niyon ang dalaga.
“A-anong ginagawa mo rito? Umalis ka na,” buo ang boses nito na tila nababalutan ng pagkapoot.
“Mimi, mag-usap tayo.” Hinawakan niya ang kanang braso nito subalit pumalag ito. Huminga siya nang malalim. “I’m sorry! Kasalanan ko, handa akong magbago. Please give me a chance.”
“Wala ng chance. Wala ng tayo.” Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. “Jun, ikakasal na ako.” Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga. “Jun, please umalis ka na.”
“Tumingin ka sa mga mata ko.” Hinuli niya ang mga mata nito na tila umiiwas sa kanya. “Sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal.”
“T-ama na! Mahal ako ni Tom!”
“Sabihin mo sa akin. Hindi mo ko mahal?”
“Tama na! Hindi niya ako iniwan. Minahal niya ako nung iniwan mo ko. Inalagaan niya ako nung sinaktan mo ko. Jun, hindi mahirap mahalin si Tom. Minahal ko siya.”
“Mimi, tingnan mo ko sa mga mata. Alam ko nararamdaman mo na mahal kita…. Nagsasabi ako ng totoo. Mahal kita!”
PUMALAG si Mimi subalit malakas ang lalaki. Napapikit na lamang siya nang hinila siya nito saka hinagkan sa labi. Gusto niyang kumawala subalit hindi niya magawa. Mahal pa kaya niya ang binata?
Napakapit siya sa dibdib nito. Gusto niyang itulak ito upang makawala siya sa mainit nitong halik ngunit na magnet na ang kanyang mga labi. The kissed was fassionate na siyang nagpalambot sa kanyang puso.
Habol ang paghinga nang makawala siya sa mga labi nito. Bumawi siya ng tingin. Huminga nang malalim saka muling tinitigan ang binata.
“Kung mahal mo ako. Hahayaan mo akong magpasya. Jun, hindi ko pwedeng talikuran ang isang taong tumulong sa akin para makabangon. Minahal ko si Tom, siya ang pakakasalan ko. Nakiki-usap ako, huwag mo na kaming guluhin.”
“Mimi, mahal kita.”
“Jun, magiging masaya ako kung tuluyan ka ng mawawala sa akin.”
Tumalikod siya saka patakbong umakyat ng hagdanan. Baon niya ang bigat ng kanyang dibdib. Jun, mahal kita pero kaya kitang kalimutan. Napahiga siya sa kama at doon ibinuhos ang kanyang mga luha. Mayamaya pa, nahagip ng kanyang paningin ang mga larawang may bakas ng kahapon; mga eksena ng kanyang buhay na kapiling pa niya ang papa love niya. Parang kailan lang nang balutin ng kilig ang puso niya, pero bakit kabaligtaran ang nangyayari ngayon?
Tumayo siya saka dumungaw sa bintana. Halos madurog ang puso niya nang matuklasang nanatiling nakatayo ang binata. Nagtagpo ang kanilang mga paningin. Bumawi siya. Tumalikod siya saka isinara ang bintana. At muling umiyak nang umiyak.
Katulad sa isang pelikula, naguguluhan siya sa mga susunod na eksena ng kanyang buhay. Nabibitin ang puso niya, katulad ba sa isang pelikula ay muli silang magkakabalikan ng papa love niya? Hindi kaya matuloy ang kasal nila Tom? Darating kaya ang binata sa araw ng kanyang kasal upang ipaglaban ang pag-ibig niya?
Kung darating ka maniniwala ako, dumapa siya sa kama saka doon ibinuhos ang bigat ng kanyang dibdib.
MABIGAT ang mga hakbang ni Jun habang nililisan niya ang lugar ng babaeng minamahal niya. Nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang huling itinuran nito – kaligayahan ng dalaga ang mawala na siya sa buhay nito.
“Mimi, kung iyon ang magpapaligaya sa’yo. Aalis ako at magpapakalayo.. huwag lang akong maging sagabal sa iyong kaligayahan.”
THE WEDDING
Bumagay sa kanya ang wedding gown na bumabalot sa kanyang katawan. Ramdam niya ang pagiging babae niya – isang kaganapan na alam niyang pinapangarap ng lahat ng babae, at iyon ang makasal sa lalaking minamahal. Bigla niyang nakagat ang kanyang mga labi. Naguguluhan ang puso niya. Bakit ang papa love niya ang nasa isipan niya?
Nabura ang make-up na nagpaganda sa kanyang pisngi nang matuluan iyon ng luha. Kinuha niya ang tissue saka pinahid ang mga luhang pilit na pinipigilan. Subalit nabigo siya, ang simpleng pagluha ay nauwi sa paghagulgol. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga araw na kasama niya ang papa love niya; ang mga kwentuhan, biruan, ligawan, at mga alaala na nagpakilig sa kanya. Huwag lang niya isasama ang alala ni Catherine dahil alam niyang masasaktan lamang siya.
I hate you Catherine! Sana okay na ang lahat kung di ka dumating. Sana di ka na dumating, sigaw ng kanyang isipan.
Bumukas ang pintuan. Ang akala niya ang make up artist niya subalit natigilan siya ng si Tom ang dumating.
“A-ang akala ko nasa simbahan ka na?”
“Gusto lang kitang makita. Maaga pa naman. Bakit ka umiiyak?” Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Niyakap siya ng lalaki saka hinagkan. At ilang saglit pa, nagpaalam na ito na tumungo ng simbahan.
Binalot ng konsensya ang puso niya. Huminga siya nang malalim saka muling humarap sa salamin. “Alam kong di ka darating. Hindi ka darating,” mahina niyang wika sa harap ng salamin.
NALUNOD ang puso ni Jun sa labis na kalungkutan. Hawak niya ang wedding invitation sa kasal ng mama love niya. Napasandal siya sa pader hanggang sa mapaupo siya sa sahig. Aaminin niya sa kanyang sarili na nasasaktan siya. Mahal niya ang babaeng minsan na niyang nasaktan. Oo, inaamin niya na nagkamali siya. Maraming tao ang hindi maniniwala kung sasabihin niyang mahal niya si Mimi. Subalit, hindi nagsisinungaling ang puso niya – mahal niya ang mama love niya.
Tumayo siya. Buo na ang kanyang loob. Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya sa babaeng iniibig. “Mimi, alam ko mahal mo rin ako. Darating ako sa araw ng kasal mo.”
At doon niya natuklasan na hindi niya kayang lumisan upang kalimutan ang isang babaeng katulad ni mimi.
KUMAKABOG ang dibdib ni Mimi habang naglalakad patungo sa altar. At mula sa di kalayuan ay natatanaw niya ang binatang napamahal na sa kanya. Naalala niya ang mga araw na napapangiti siya ni Tom, ang mga araw na bagsak na bagsak siya at ito ang sandigan niya.
Tom, pinapangako ko mamahalin kita.
Muling bumalik sa kanyang alaala ang sakit ng nakaraan. Ang mga araw na nagmakaawa siya kay Jun upang balikan siya, ang mga masasakit na salitang binitiwan nito sa kanya. Dapat pa ba niyang bigyan ng second chance ang lalaking una niyang minahal?
Magagawa ba niyang talikuran ang lalaking tumulong sa kanya upang muling bumangon?
Katulad sa pelikula nina John Loid at Bea, umaasa pa ba siya na sila ang magkakatuluyan? Katulad ba sa isang pelikula ang love story niya? Umaasa na hindi matutuloy ang kasal dahil darating ang tunay na leading man ng buhay niya?
Natigilan siya nang hinakawan ni Tom ang kanyang kanang kamay. Mahaba na pala ang seremonya ng kasal na hindi niya namamalayan. At ngayon na ang oras na manunumpa siya sa lalaking mapapangasawa niya.
“I do!” wika ni Tom sa kanya. Kumabog ang kanyang dibdib. Naninikip ang kanyang dibdib na tila bulkang gustong magpasabog ng luha. Lumingon siya, at doon niya natuklasan na sa tunay na buhay imposibleng maganap ang mga napapanood niya sa isang pelikula – wala ang leading man na kanyang inaasahan.
Hindi ka dumating Jun, bulong niya sa kanyang sarili.
Tinapik siya ni Tom. At doon niya natuklasan na kanina pa hinihintay ng pari ang kanyang kasagutan.
Mahigpit na hinawakan ni Tom ang kanang kamay niya. “Mimi, kung hindi ka pa handa, okay lang sa akin. Tatanggapin ko. Kung siya ang mahal mo magpapaubaya ako.”
Tumulo ang kanyang mga luha. Napangiti siya. Katulad sa isang pelikula may mga taong nagpaparaya. Subalit, iibahin niya ang takbo ng love story niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata.
“Ang bait bait mo! Hindi na ako makakahanap ng isang lalaking katulad mo. I’m sorry Tom, tama ka! Mahal ko pa siya.” Huminga siya nang malalim. “Mahal ko siya pero kakalimutan ko siya dahil alam kong mas nagmamahal ka kaysa sa kanya. Tom, I will marry you! Sana matanggap mo ako kahit alam mong may nararamdaman pa ako sa kanya. Minahal din kita. And after this wedding, I promise! Ikaw lang ang mamahalin ko.”
Humarap siya sa pari na kanina pa hinihintay ang kanyang kasagutan. Ngumiti siya. “I do!” Kasabay nang malalakas na palakpakan ang paglapat ng kanyang labi sa labi ni Tom. Mainit na tila nababalutan ng pagmamahal.
Habol ang paghinga nang makawala siya sa mga labi ni Tom. At napalingon siya nang makarinig ng ingay mula sa mga bisita ng kasal. Mula sa di-kalayuan ay natanaw niya ang papa love niya na palapit sa kinaroroonan niya.
“Narito ako. D-dumating ako.” Bakas ang lungkot sa mukha nito. “Mimi, I’m sorry! M-mahal na mahal kita. Nakikiusap ako_” Hindi na niya hinayaang matapos pa nito ang sasabihin nang bigyan niya ito ng isang malakas na sampal. Namula ang pisngi nito hanggang sa mapaluha ito sa kanyang harapan.
“Ang kapal ng mukha mo! Kung mahal mo ko di mo gagawin sa akin ito. It’s too late! Kasal na kami ni Tom. At wala ka nang magagawa pa.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.
“Please, hindi pa huli ang lahat. Bawiin mo ang sinabi mo sa pari. Mimi, mahal na mahal kita.”
“Baliw ka! Umalis ka na Jun! U-umalis ka na!” Napalakas ang boses niya na siyang nagpabulabog sa mga panauhin ng kasal. “A-ang kapal ng mukha mo! Sana mawala ka na sa buhay ko. Sana mamatay ka na!”
Hindi niya nakayanan ang kahihiyan kaya patakbo niyang nilisan ang simbahan. Kung sino man ang humahabol sa kanya ay hindi na niya natukoy pa. Mabilis ang mga hakbang na ginawa niya hanggang sa makalabas siya ng simbahan.
Malalakas na boses ang naritinig niya. Boses ni Tom. Boses ni Jun. Pati mga tambay sa simbahan ay nakikitawag na rin sa pangalan niya.
Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating siya ng high-way. At kasabay ng pagluha niya ang galit na nararamdaman. Bakit patuloy siyang ginugulo ng papa love niya?
Saan siya nagkamali?
Mali ba ang pakasalan si Tom? Sa ginawa niyang paghakbang ay nadapa siya. Tumama ang tuhod niya sa semento na siyang nagbigay sakit sa kanya. Bigla siyang natigilan nang may humawak sa kanyang kanang kamay saka itinayo siya.
“J-jun?” Nakagat niya ang kanyang mga labi. Nahiya siya sa kanyang nabanggit nang matuklasang si Tom ang tumulong sa kanya.
“Mimi, Mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko lumigaya ka lang.” Kasabay ng pagwika nito ang isang sigaw na kanyang narinig. At mula sa di kalayuan ay natanaw niya si Jun na tila gustong makalapit sa kanya.
Tumakbo ang papa love niya patungo sa kinaroroon nila ni Tom nang mahagip niya ang isang truck na maaaring bumundol sa lalaking alam niyang minamahal pa niya. Tila bumagal ang oras – bumibilis ang tibok ng kanyang puso nang matuklasang mabubundol ang binata. Humakbang siya saka isinigaw ang pangalan nito habang binabalot ng takot ang kanyang dibdib.
“J-junnnnnnnn!” Napapikit siya nang matalsikan siya ng dugo. Kasabay ng mga malalakas na sigawan sa high way ang nagbigay takot sa kanyang puso. Nasaklot niya ang kanyang bibig. Sumigaw siya nang sumigaw. Gustuhin man niyang imulat ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa.
Kasabay ng pagbusina ng mga sasakyan ang takot na nararamdaman. Patay na ba ang papa love niya?
“Tulunga n’yo ang lalaki. Patay na yata!”
Nakagat niya ang kanyang mga labi sa narinig. Kasalanan ba niya ang lahat. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa semento. At sa kanyang pagmulat tumambad sa kanya ang mukha ng papa love niya – buhay na buhay!
Napalingon siya. at doon niya nakita ang agaw-buhay na si Tom. Nasaklot niya ang kanyang bibig.
“He saved my life!” wika ni Jun sa kanya na bakas ang matinding kalungkutan.
Lumapit siya sa kinaroronan ni Tom. Nakangiti ito sa kabila ng sakit na nararamdaman. Niyakap niya ang binata. “L-ligtas na siya. M-mah na m-ha.” Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin nang bumitiw ito sa pagkakahawak sa kanyang kanang kamay.
Kasabay ng kanyang sigaw ang paghugot ng hininga nito at pagpikit ng mga mata. Muli niyang niyakap ang binata. Hindi niya akalain na ibubuwis nito ang buhay sa isang lalaking naging karibal nito sa pag-ibig.
NAMATAY si Tom. Isa na siyang babaeng byuda na usap-usap sa kanilang bayan. Sinindihan niya ang kandila saka ipinatong sa libingan ni Tom. Bakas sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan.
“Tom, salamat! Sana maniwala ka na minahal kita. Hindi hindi kita makakalimutan.” Hinalikan niya ang larawan ni Tom saka nilisan ang sementeryo. Isang linggo na ang nakakaraan nang mailibing niya ang kanyang asawa.
Napapitlag siya nang may humawak sa kanyang kanang balikat. Si Jun – ang lalaking umaasa sa pangalawang pagkakataon.
“Jun, kamamatay lang ni Tom. Namatay siya nang dahil sa’yo. Please, don’t ever expect na agad akong babalik sa’yo. Kung mahal mo ko. Maghihintay ka hanggang sa handa na akong magmahal muli.” Nginitian niya ang binata. “Kung mahal mo ko di ka magmamadali….. kung mahal mo ko mauunawaan mo ako….. Jun, pwede ba na maging kuya muna kita? Katulad ng dati…. Ung walang malisya…. Ung walang pagnanasa…. Ung katulad ng dati…. Little sister mo ako…. baka doon maging okay tayo.”
“Oo naman!” tugon nito sa kanya.
“But, I’m leaving! Pupunta ako sa pamilya ni Tom. Gusto kong makilala ang pamilya niya… ang bienan ko, mga kapatid ni Tom… alam mo kung nabubuhay lamang siya malamang ang saya ko sa piling ng pamilya niya.”
“Mimi….”
“Kuya, salamat ha! Hihintayin ko ang next book project mo. Katulad ng dati, sana hindi mawala ang closeness natin.” Tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha. Tumalikod siya saka nilisan na ang binatang nagpatibok ng kanyang puso.
“Paalam, papa love! Hindi kita makakalimutan,” wika niya sa kanyang sarili.
HUMUGOT nang malalim na hininga si Jun habang pinagmamasdang lumalayo ang babaeng iniibig. Nasasaktan siya subalit irerespeto niya ang desisyon nito. Maghihintay siya hanggang sa muling magtagpo ang kanilang landas.
Mama love, pangako hihintayin kita! aniya sa kanyang sarili.
LUMIPAS ang mga araw nang muling magtagumpay si Jun sa larangan ng pagsusulat. Best seller ang second book na na-ipublished niya. Aaminin niyang narating na niya ang mga bagay na pinapangarap niya. Maliban na lamang na medyo malungkot ang love life niya.
Sariwa pa rin sa isip niya ang alaala ni Mimi. Ilang buwan na rin nang mawalan siya ng balita – no messages, no calls, at kahit sa Facebook hindi sila nagkikita. He never courted anyone. Umaasa siya na muli silang magtatagpo ni Mimi.
Natigilan siya nang may librong iniabot sa kanya. Napangiti siya dahil alam niyang hinihingi nito ang autograph niya – nagulat siya nang makilala ang babae. Hindi niya inaakala na muli niyang makikita ang babaeng matagal nang hindi nakikita.
Si Catherine
Mas maganda, mas sexy, mas libirated ang dating kaysa sa huli niya itong nakita. Nahagip nang paningin niya ang umaapaw nitong dibdib. Napalunok siya. Ibang iba na ang karisma ni Catherine – Mas mainit, umaalab….. umaapoy!
3 YEARS LATER
NAPASIGAW si Mimi nang malanghap niya ang amoy ng Maynila. Sa wakas! Nakabalik na siya sa isang lugar na matagal na niyang hindi nadadalaw. At the age of 28, masasabi niyang malaki na ang nagbago sa kanya. She is now more mature, hindi katulad dati na medyo childish ang kilos niya.
Dalaga na siya! She is now a woman!
Humarap siya sa salamin. Tumalikod, at doon niya nahagip ang larawan ng papa love niya. Kumusta ka na kaya? Hinanap mo ba ako?
Tinungo niya ang cabinet, saka kinuha mula sa loob ang bagong libro ng binata. At the age of 33, taglay pa rin nito ang kakisigan.
“Siguro, may asawa ka na! Ang daya mo naman, akala ko hihintayin mo ako.” Tumulo ang kanyang mga luha. “Kung naghintay ka… I’m ready na! Mahal pa rin kita…” Hinagkan niya ang pahina ng libro na kung saan nakalagay ang larawan ng binata.
Papa love, nasaan ka na?
SIKSIKAN ang tao sa baclaran church. Nais niyang bumisita sa simbahan upang magpasalamat sa mga blessings na nataggap niya; sa new job na ibinigay sa kanya, sa graduation ng bunso niyang kapatid, at ipagdasal ang kaluluwa ni Tom.
Napanganga siya nang matuklasang may binyag. Napangiti siya nang maalala ang yumaong asawa.
“Malamang may anak na tayo Tom kung nabubuhay ka lamang.” Sa isang iglap naman, biglang pumasok sa isip niya ang papa love niya. Naisip niya kung ito marahil ang nakatuluyan niya malamang marami na silang anak. Kilala niya kasi ang binata – may hilig kung romansa ang pag-uusapan.
Nagsilabasan na ang mga tao sa simbahan. Pumasok siya, at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabunggo niya ang isang lalaking may kalong na bata. Natigilan siya nang makilala ang lalaki – si Jun habang kalong nito ang isang sanggol na babae.
“Mimi?”
Kumabog ang dibdib niya. Na-focus ang paningin niya sa sanggol na kalong nito. Tumalikod siya. Nahihiya siya sa kanyang sarili.
Naghihintay siya subalit walang naghihintay sa kanya. Masakit para sa kanya ang umaasa sa wala – ang akala niya may isang salita ang papa love niya. Maghihintay daw? Baliw siya! sigaw ng kanyang isipan.
“Mimi, magpapaliwanag ako!” Hinawakan nito ang kanang balikat nita. Tumalikod siya saka hinarap ang binata.
“Tama na Jun! Kung mahal mo ko hinintay mo ko. Ang daya daya mo! Wala kang isang salita. Akala ko may babalikan ako….. nagkamali ako….. “
Tumalikod na siya. Hindi na niya pinansin ang lalaking tumatawag sa kanya. At sa ginawa niyang paghakbang ay nakabangga niya ang isang babaeng naging bahagi na rin ng buhay niya – si Catherine.
Ngayon, muli namang nagkaharap ang tadhana nilang tatlo. Piniga ang puso niya – kailangan pa bang isampal sa pagmumukha niya na siya ang kontrabida sa love story ng dalawa. Sila din ang nagkatuluyan!
Siya ang kawawa!
Siya ang umasa!
Siya lamang ang nagmahal sa papa love niya. Tila kakapusin na siya ng hininga sa kaganapan ng kanyang love story.
“Mimi, kumusta ka na? Sayang sana ikaw ang kinuha kong ninang,” ani ni Catherine sa kanya.
Lumaki ang kanyang mga mata. Ang kapal! bulong ng kanyang isipan. Isang matipid na ngiti ang kanyang itinugon. At sa kanyang isipan ay nais niyang isubsob ang mukha nito sa semento.
Iniabot ni Jun ang sanggol kay Catherine. Napalunok siya. Perfect couple ang nakikita niya. Nagmukha siyang kawawa sa eksenang ito ng kanyang buhay.
Totoo nga! Di lahat ng love story ay happy ending!
Akma na siyang tatalikod nang tinawag siya ni Catherine.
“Mimi, punta ka sa receptions.” Humarap siya sa babae. “Oo nga pala ipapakila kita sa husband ko, si James O’ Connor.” Lumingon ito kay Jun. “O baby, kalong ka muna sa ninong ha. Tawagin ko lang si Daddy.”
Sumigaw ang puso niya. Gusto niyang i-untog ang ulo niya sa pader. Namumula ang pisngi niya na parang ayaw niyang makita ang mga ngiti ng papa love niya.
Oh, my gosh!
Kumakabog ang puso niya.
Nanlalambot ang tuhod niya
At halos himatayin siya nang hawakan ng binata ang kanang kamay niya.
“Akala mo hindi kita hinintay? Tumanda na nga ako eh pero single pa rin.” Gusto niyang yakapin ito subalit natigilan siya.
Grabe! Is this a dream?
Lumabas siya ng simbahan saka patakbong nilisan ang papa love niya. Nahihiya siya sa kanyang sarili. At ayaw niyang makita ng binata na kinikilig siya.
Lumingon siya, at halos magulat siya nang matuklasang hinahabol na siya ng binata. Wala na rin ang sanggol na kalong nito.
“Mimi, wait hintayin mo kooooo,” malakas na sigaw nito. Nakarating siya sa gate ng simbahan. Tumigil siya saka hinarap ang binata.
“O, bakit mo ko hinahabol?
“Bakit ka tumatakbo?
“Bakit ka tumatakbo?
Tumaas ang kilay niya. Pinagmasdan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kinurot ang puso niya nang masilayan ang ka-gwapuhan nito. Mamang mama na ang papa love niya – lalaking lalaki na tila kay sarap papakin.
“Hindi ako naniniwala na mahal mo ko,” wika niya sa lalaki.
“Mimi, mahal na mahal kita. Handa akong sumumpa sa simbahang ito mapatunayan ko lang na mahal kita.”
“Whe?”
Lumuhod ang binata sa harapan niya na siyang nagpakilig sa mga tindera ng sampagita. Binalot ng hiya ang puso niya. “Hoy, Mr. Jun pwede ba sa pelikula lang nangyayari yan! OA mo!”
Tumayo ang binata. “Kung pelikula ito sana wala ng ending,” tugon nito kasabay ng isang ngiti.
Makakatutol ba siya?
Magpapakipot pa ba siya?
Sabi nga sa kasabihan, walang masama sa paghihintay kung may naghihintay sa’yo.
“Papa love, I Love You!”
“And I love you so much! Ano pakasal na tayo… tumatanda na ako.” Natawa siya sa sinabi nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata saka siya na mismo ang naglapat ng kanyang mga labi.
Nagsigawan ang mga taong nakasaksi sa pagmamahalan nila. Mainit na mga halik ang ibinigay niya sa papa love niya – at sa init nito ay walang makakapantay kahit pa sa mga halik ni Catherine.
HAHAHA!
Pumapalakpak ang puso niya sa sobrang galak. Sa wakas! Napasakanya na rin ang lalaking iniibig – at wala nang makaka-agaw pa rito.
AFTER six months:
“Mama love, are you ready na?” Napasulyap siya sa papa love niya. Kagagaling lamang nito sa shower room. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa.
The body was perfect!
Napalunok siya nang dumako ang paningin niya sa abs nito. At nang lumaon, hinablot niya ang puting tuwalyang nagkukubli sa pagkalalaki nito. Bigla siyang napahalakhak nang muling masilayahan ang hindi dapat makita.
Kumunot ang noo ng binata. “O, tawa ka diyan? Alam mo ba na miss ka ni toytoy?” Lalo siyang natawa. Hindi niya inaakala na muli niyang makikita ang pag-aari nito. at sa araw ng kanyang honey moon – siya na ang nagmamay-ari nito.
Hinila niya ang binata. Pinahiga sa kama. Nagulat ito nang tumayo siya sa kama saka lumipad ang kanang paa niya sa dibdib nito hanggang sa masalat niya ang katigasan ng dibdib nito. Napapikit ang papa love niya nang gumapang ang paa niya pababa sa pagkalalaki nito.
Mayamaya, umupo siya sa katawan nito. Yumuko saka hinuli ang mga labi nito. Ibinuhos niya ang lahat hanggang sa ito na ang bumitiw sa kanyang mga labi.
Habol ang paghinga ng binata.
“Wow! That’s great!” Bigla siyang napasigaw nang hinila siya nito hanggang sa pumaibabaw na ito sa hubad niyang katawan.
Napapikit siya nang maramdaman ang mga labi nito na gumagapang sa kanyang leeg, sa dibdib…… sa pusod….. at sa…..
“Wait!”
“B-bakit?” tanong nito na tila nanggigil pa. Ngumiti siya saka biglang hinila ang binata hanggang siya naman ang nasa ibabaw nito.
“Masyado ka namang excited!” Pumatong siya sa binata saka ipinikit ang kanyang mga mata. Kasabay nang pagkulog ng kalangitan ang mga ungol na bumabalot sa kanilang silid.
One
Two
Three
Four
“Wait! Pagod na ako!” Pakiusap ng papa love niya na tila sumusuko na sa labanan.
“O-okay ka lang? Hindi mabubuo si baby love pag nag-inarte ka,” reklamo niya sa lalaking nanlalambot na.
Gumapang ang kanyang kanang kamay hanggang sa mahagip nito ang nanlalambot na pagkalalaki nito. Natawa siya. “Yabang yabang mo! Hanggang four rounds ka lang pala!” Tumawa siya saka muling inilapat ang kanyang mga labi sa labi ng kanyang kabiyak.
Napanganga siya nang pumatong ito sa kanya. Nakaramdam siya nang matigas na bagay na sumasagi sa kanyang hita.
“Yan ang akala mo!”
Bigla siyang napasigaw na siyang bumulabog sa mga butiking nanonood sa kanila. Napakapit siya sa unan hanggang sa mapaungol na siya sa labis na kaligayahan.
Homaygulay!
One last round na siyang nagpatahimik sa kanya. Gustuhin man niyang tumayo ay hindi na niya magawa.
Papa love, Papa love, I Love yah! – ito na lamang ang kanyang nabanggit habang nababalutan ng puting kumot – kumot na may bahid ng dugo.
Virginity, is the precious gift na naibigay niya sa kanyang papa love. Huminga siya nang malalim. And she closed her eyes na may mga ngiti sa kanyang mga labi.
Kung ito ay isang pelikula, sana may part 2! Maging happy kaya ang marriage life niya kung dumating na si baby love?
Sana no more Catherine na!
At iyon ang aabangan niya!
Author’s note: Thank you for reading my stories! Natapos ko rin ang kwentong ito. Si mimi ay isang likhang isip lamang, subalit nabuo siya sa aking isipan… Naisip ko sana makahanap ako ng isang babaeng hawig sa personalidad niya. Hehehe! Siya yata ang dream girl ko!
Ang karakter ni Jun, ay likhang isip din, subalit ilan sa mga eksenang naisulat ko ay may pinaghugutan. Habang nagsusulat ako, iniisip ko na ako si Jun. Kaya kung ano man ang binitiwan niyang salita – nakakakilig man o pangit eh nagmula un sa aking puso.
Si Catherine, likhang isip subalit siya ang pantasya ko. Na sana may babaeng tulad niya na lumandi sa akin hahahaha! Joke! ^_^ – I liked her character, mabait naman siya… nagmahal lang siya kaya naging masama ang tingin sa kanya. Saka sa panahon ngayon, naniniwala ako na marami ang tipo ni Catherine. At hindi sila mahirap mahalin.
Si Tom, ako un ganun ako kabait hahahaha! Di man kagwapuhan pero mapagmahal ako at nagpaparaya – o diba? Hehehehe
Sana nag enjoy kayo!
WAKAS
Sa panulat ni JonDmur
hi. u made me cry for this. and i hated u nung ginawa mong kawawa si mimi sa paghahabol kay jun coz i was once on the same situation.and i hate it. :( namura pa nga ata kita. haha. but then author, u'r great. this is ur first story that i read and i was so moved by it..more power. -miss D
ReplyDeletethanks so much for reading my story.... touch talaga ako....
ReplyDeletesana okay ka lang diyan... thanks DJ Sweety.... HUgs,...