Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Doon Lang - Part C

Note: Espesyal sa akin ang nobelang ito dahil dito ako unang nangarap na maging isang manunulat. Isinulat ko ito sa papel noong hight school ako at naibahagi ko ito sa internet noong 2008. Dito makikita kung paano ako unang nagsulat - ganito ako magsulat noon, kahit maraming grammar error eh sulat lang nang sulat. Dito nag umpisa ang paglawak ng aking imahinasyon....


Doon Lang
Sa Panulat ni Jondmur



Part V

"Wala ka bang pasok ngayon?" Sabi ng nanay nang mapansing hindi naka uniporme si Eric.
"May activity po kasi kami 'Nay kaya naka-civilian po ako." Agad na sagot ni Eric.
"Ah! Ganon ba....sige mag almusal ka muna."
"Nay nakita niyo ba ang rubber shoes ko?"
"O, hayan diba suot mo ngayon."
"Nay 'yung luma po...." Inis na sagot ni Eric habang hinahanap ang sapatos sa shoe cabinet.
"Joe 'lika nga dito..."malakas na tawag sa akin ni Eric.
"Bakit?" tanong ko kahit alam ko kung ano ang hinahanap niya.
"Ang sapatos ko kinuha mo ba?" matagal akong hindi nakasagot dahil alam kong nasa akin ang sapatos nang minsang ginamit ko nang makipagkita ako kay Leslie.
"H-ha a kasi Eric hiniram ko noong isang...."
"Letche! Bakit mo ba ginagamit  ang hindi sayo...."
"Ibabalik ko naman..."
"Ibabalik? Eh wala dito... pwede ba sa susunod 'wag mo gamitin ang sapatos ko."
"Eric ano ba 'yan?" tanong ng nanay.
"Nay ang sapatos ko kinuha ng anak ninyo..."
"Hiniram lang naman ng kuya mo.."
"Kahit na 'Nay akin pa rin yun at hindi nagpaalam..."
"Eric marami ka namang sapatos isa pa may bago ka naman..."
"Kahit na..."
"Sige ibabalik ko na lang..." mahinahon kong sabi kay Eric habang patuloy ang pagkayamot niya.
"Huwag na...sayo na lang 'yan baka bumaho pa paa ko....sabagay sapatos mo lumang luma na....hehehehe." matawa-tawang sabi ni Eric habang nakatingin sa akin. Nainis ako pero natuwa na rin dahil sa akin na ang sapatos.
"Nasaan na ang kapatid mo?" tanong ng nanay na kagagaling sa kusina.
"Umalis na po 'Nay."
"Bakit mo naman kinuha ang sapatos alam mo naman ang ugali ng kapatid mo." Sabi ng nanay.
"Nay para po ibigay na niya sa akin...kasi kapag sinuot ko na sigurado hindi na niya isusuot hehehehe."
"Ikaw talaga....Sige pupunta ako ng palengke..."
"Samahan ko na po kayo Nay."
"Huwag na at may dadaanan pa ako."
"Sige po Nay...."
"Pag-gising ng tatay mo pakisabi sumaglit lang ako sa palengke."
Paalam ng nanay habang dala ang malaking basket. Nakababa na ang nanay sa may hagdanan at nanatili ako sa tapat ng pintuan. Nginitian ko ang nanay bago nakalabas ng gate.
Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang buong kalsada. Maraming bata ang naglalaro. Maraming tambay ang nasa paligid. Natawa ako nang makita ko ang nanay habang nakikipagkwentuhan pa sa mga kapit-bahay. Nakita kong masaya silang nag-uusap. Maya-maya napansin kong papaalis na ang nanay.
"Eric...." Narinig kong tawag ng tatay.
"Tay nakaalis na po." Hindi ako pinansin ng tatay sa halip tumungo siya sa kusina. Agad akong lumapit nang makita kong magtitimpla siya ng kape.    
"Tay maupo na lang po kayo dyan...ako na po ang magtitimpla." Natuwa ako nang naupo ang tatay at hinayaan akong magtimpla ng kape. "Tay ang nanay pumunta lang po ng palengke." Sabi ko habang hinahalo ang kape.
Hindi ako pinansin ng tatay nanatili siyang nakaupo na parang inaantok pa rin.
"Tay heto na po ang kape." Inilapag ko ang kape sa mesa at tinitigan ito ng tatay. Maya-maya kinuha niya ang tasa at sinimulang inumin.
"Matabang ang kape!" matigas na sabi ng tatay.
"Tay gusto niyo dagdagan natin ng asukal."
"Wag na! nawalan na ako ng gana." Tumayo ang tatay at tinungo ang salas. Dinampot ang dyaryong nakapatong sa mesa. Nakita ko na binabasa ng tatay ang dyaryo habang nakaupo sa sopa.
"Tay, ano po ang balita ngayon? Siguro tumaas na naman ang langis kaya tataas na naman ang mga bilihin." Tanong ko sa tatay habang papalapit ako sa kanya. Hindi ako pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Umupo ako malapit sa kanya sinigurado kong magkaharap kami.
"Tay siguro masarap magbasa." Tiningnan ako ng tatay pero iilang saglit lang at ipinagpatuloy ang pag-babasa.
"T-tay.... Kung gusto niyo bili ko kayo ng bago kasi kahapon pa po yan." Itinigil ng tatay ang pagbabasa at tiningnan ako.
"Wala ka bang gagawin kundi isturbuhin ako." Agad na sabi ng tatay at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Natahimik ako at tinitigan ko ang tatay habang nagbabasa. Hindi ko alam kung pano ako makikipag-usap sa kanya.
"T-tay galit ba kayo sa akin?" natigilan ang tatay sa sinabi ko. Alam kong tumigil siya sa pagbabasa kahit hindi niya ko tinitingnan.
"Tay bata pa lang ako ganyan na kayo sa akin..." wika ko.
"Bakit 'Tay?" Tinitigan ako ng tatay at nagtama ang aming mga mata.
"Dahil ikinahihiya kita!"
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit na narinig ko. Nasaktan ako sa sinabi ng Tatay. Hindi ko napigilan ang maiyak... Unti-unting pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.
Tumayo ang tatay at pumunta sa kwarto. Nanatili akong nakaupo sa sopa at pinipigil ang sakit na nararamdaman ko.
5:00 PM masama pa ang aking loob sa mga oras na ito at minabuti kong makipagkita kay Leslie para ilabas ang bigat na nararamdaman.
"Siguro dahil sa hindi ka nakapag-aral" sabi ni Leslie habang naglalakad kami sa kalsada.
"Hindi 'yun, siya ang nagdesisyon na hindi ako pag-paaralin."
"Nagawa niya 'yun?" takang tanong ni Leslie.
"Oo! Kahit ngayon hindi ko pa alam kung bakit."
"Baka may dahilan kaya hindi ka niya pinag-aral."
"Baka may...." Wika ni Leslie.
"Baka hindi niya ko anak..." dugtong ko.
"Huwag mong isipin 'yun Joe, ang isipan mo anak ka niya..."
"Hindi ko nararamdaman sa kanya na itinuring niya kong anak."
"Baka hindi mo lang napapansin..."
"Hindi niya ko mahal."
"Ang importante Joe mahal mo siya, ang mahalaga ikaw ang nagmamahal hindi kung gaano ka niya kamahal."
Natigilan ako sa sinabi ni Leslie. Parang may ibig siyang sabihin na hindi ko maunawaan.
"Lika Joe!" hinila ako ni Leslie papalapit sa nagtitinda ng sorbetes.
"Bili tayo Joe, masarap 'yan...." Agad nitong sabi.
"Pero Leslie kulang ang perang dala ko hindi kasi ako nakapag-sik...."
"Di bale ako ang taya...manong dalawa nga yung special ha..."
"Leslie 'wag na nakakahiya naman."
"Ikaw pa mahihiya.."pabiro ni Leslie sabay abot sa sorbetes.
"Tikman mo masarap...hmmmm" sabay tikim sa sorbetes.
"Talaga! Sige nga....hmmmmm....masarap nga..."
"Uy si maam sweet sila." Sigawan ng mga bata.
Hindi namin napansin na marami palang estudyante sa paligid. Uwian na kasi ng mga estudyante kaya maraming mag-aaral sa labas ng Campus.
"Maam! Maam Leslie ang sweet niyo naman po?" pabirong sabi ng isang batang babae.
"Kulit ikaw pala! Yan si Kuya Joe mo kaibigan ko.
"Hihihi uy! Si maam may Joe na." pabirong sabi ni Kulit.
"Kulit ha! tumigil ka dyan."
"Classmate! Classmate halika kayo dito!" malakas na tawag ni Kulit sa mga batang nasa dulo ng tindahan.
"Kulit sandali...." Pag-pigil ni Leslie.
"Bilis! Bilis!"
"Ice Cream!"
"Dali....." napatigil si Kulit sa pagtawag sa mga kaklaseng hindi siya naririnig dahilan sa maingay ang paligid.
"Hmmmmp ice cream hihihihi..." sabay abot sa ice cream na binigay ni Leslie.
"Thank you po! Kuya Joe siguro hmmmmmm" sabay dilap sa ice cream.
"Siguro......hmmmmm sarap...." Dilap uli sa ice cream.
"Kulit alis na kami ingat sa paguwi ha." paalam ni Leslie kay Kulit habang abala sa pagkain ng ice cream.
"Joe lika na." sabay hila sa akin ni Leslie.
"Hahahahah" sabay tawa ni Leslie habang papalayo kami kay kulit.
"Ang kulit talaga ng batang 'yun."
"Oo nga eh!" mahingal kong sabi dahil sa patakbo naming ginawa.
"Sigurado bukas pagkakatuwaan na naman ako ng mga estudyante ko."
"Malamang! Sabagay kasalanan mo rin"
"At bakit naman?" agad na sabi ni Leslie.
"Kasi may kasama kang pogi!"
"Ganon? Ikaw talaga!"
"Lika daan tayo sa parke." Yaya ko kay Leslie.
"Sige ba...Let's go Joe!"
"Ha! anong etsgo?"
"Wala sabi ko pogi ka hahahahah" pabiro ni Leslie.
"Lika na doon tayo sa batuhan" dugtong ni Leslie habang hila hila ako papunta sa batuhang bahagi ng parke.
"Ayyyyyy!" sigaw ni Leslie ng biglang tumalon si Brock sa harapan namin. Sa gulat ni Leslie napayakap siya sa akin.
"Hehehehehe" tawa ni Brock habang pinagmamasdan kami ni Leslie.
"Wag kang matakot..mabait 'yan, si Brock kaibigan ko."
"Kaibigan mo?" unti-unting bumitaw si Leslie sa pagkakayap sa akin. Medyo nailang siya nang mapansing nakayakap siya sa akin.
"Hi!" sambit ni Leslie habang pinagmamasdan si Brock.
"Ako brock! Heheheh" agad na sabi ni Brock habang tinitingnan si Leslie.
"Si Leslie Brock" pakilala ko kay Leslie.
"Hehehehehe" tumalikod si Brock at lumakad nang palayo sa amin ni Leslie. Medyo nalungkot si Leslie dahilan na baka hindi siya nagustuhan ni Brock. Maya-maya bumalik si Brock at humarap sa amin dala ang isang maliit na shell.
"Brock bigay sayo." Sabay abot kay Leslie. Natuwa ako dahil tanda 'yun na gusto ni Brock si Leslie bilang kaibigan.
"Ako Brock!" sabay talon ni Brock.
Ako may alaga asong mataba
Buntot mahaba...
Sabay kembot ni Brock at pasayaw sayaw sa harapan namin. Hindi napigilan ni Leslie ang tumawa sa ginagawa ni Brock.
"Hahahahahahe galing!" Sigaw ni Leslie at lalong naganahan si Brock sa pagkanta at pagsayaw.
Kung ikaw ay masaya
Buhay mo sigla..
Ikaw masaya tumawa ka
hihihihi
Pasayaw na kanta ni Brock habang pumapalakpak si Leslie.
Ikaw ay masaya
Kumembot ka
Kembot....
Patuloy pa rin sa pagtawa si Leslie. Si Brock naman ay tuwang tuwa sa mga palakpak ni Leslie. Nagulat ako ng biglang tumayo si Leslie at lumapit kay Brock. Hindi ko inaasahan na sasabayan niya si Brock.
Kung ikaw ay masaya
Buhay mo ay sisigla
"Kembot! Kembot! Kembot! Malakas na kanta ni Leslie habang sabay silang sumasayaw ni Brock.
Kung ikaw ay masaya
Tumawa ka
Hahahaha
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na humanga sa pinakita ni Leslie. Patuloy ko siyang tinititigan habang sumasayaw kasabay si Brock. Para silang mga batang masayang naglalaro na hindi alintana ang mga taong nagmamasid.
"Sayaw-w Brock...sayaw-w Brock" malakas na kanta ni Leslie habang pumapalakpak at si Brock naman ay patuloy ang pagsayaw.
Panay ang sulyap ko kay Leslie hanggang sa magtama ang aming paningin. Matagal kaming nagtitigan parang nag-uusap ang aming mga mata.
"hmmmmp" daing ni Brock nang mapansing tumigil sa pagkanta si Leslie.
"S-sayaw Brock sayaw....." biglang kanta ni Leslie.
"Brock ayaw na!" tumalikod si Brock at patalon talon na lumayo sa amin. Si Leslie nanatiling nakatayo at kumakaway kay Brock.
"Babay Brock!" sigaw ni Leslie na hindi pinapansin ni Brock.
Napatingin sa akin si Leslie kasabay nang matamis na ngiti. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Mula sa kinauupuan namin tanaw namin ang papalubog na araw.
"Ang ganda!" naibulong ni Leslie.
"Kasing ganda mo Leslie!" napatingin sa akin si Leslie.
"Matagal na!" tumayo si Leslie at humarap sa akin.
"Lika uwi na tayo!"
"Bakit naiinip ka na ba?"
"Hindi! Kaso pagabi na baka hanapin na ako ng kuya."
"Hmmmm! Sige hatid na kita."
"Ok." Sagot ni Leslie at sabay naming nilisan ang parke.
Tuluyan nang nakalubog ang araw nang makarating kami sa bahay nila Leslie. Nasa harapan na kami ng bahay nang biglang bumukas ang gate at tumambad sa amin ang isang matipunong lalake.
"Gabi na pumasok ka na."
"Kuya Ramon ikaw pala, si Joe kaibigan ko." Pakilala ni Leslie sa kuya niya.
"Pumasok ka na." Agad nitong sabi at hinihintay si Leslie na pumasok ng gate.
"Joe dito na lang ako salamat." Paalam ni Leslie sabay pasok sa gate.
Blag! Malakas na isinara ng kuya ni Leslie ang gate dahilan para kumalampag ito. Hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Hindi ko akalain na makikipagsayawan ka sa isang sinto-sinto teacher ka pa naman.." malakas nitong sabi.
"Kuya wala namang masama."
Nanatili akong nakatayo sa harapan ng gate nina Leslie. Pinagmamasdan ko si Leslie habang nagpapaliwanag alam kong nasasaktan siya sa mga sinasabi ng Kuya niya.Tuluyan nang nakapasok sina Leslie sa bahay nila at alam kong patuloy pa rin silang naguusap. Nilisan ko ang lugar na dala ang kalungkutan. Nahihiya ako kay Leslie dahil sa akin nag away silang magkapatid.
"Siguro nakita kami ng kuya niya kanina." Bulong ko sa aking sarili habang pauwi na sa aming bahay.
"Joe ginabi ka yata?" tanong ng nanay pagpasok ko pa lang ng gate. Naabutan ko siyang nilalagyan ng tent ang kotse ng tatay.
"May pinuntahan lang po ako Nay." Agad kong sabi.
Umakyat ako ng hagdanan at napansin kong medyo maingay sa salas.
"Eric heto na pala boy mo." Sabi ng isang kabarkada ni Eric.
"Pabili ka na ng yelo." Sambit ng isa.
"Joe pabilan naman ng yelo sa tindahan." Utos ni Eric sa akin.
Hindi ko pinansin si Eric at tuloy tuloy ako papasok sa aking kwarto.
"Hahahaha na dedma." Narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Loko yun ahhhh." Sagot ni Eric.
Pagpasok ko ng kwarto agad akong naupo sa aking kama nang biglang bumukas ang pintuan.
Blag! Si Eric na mukhang galit.
"Bakit mo ako pinahiya sa mga kaibigan ko."
Tumayo ako at lumapit kay Eric.
"Kung gusto mong makipag-inuman bumili kayo ng yelo."
"Pilosopo ka rin no?" malakas na sabi ni Eric.
"Kung ako sayo bumili ka na ng yelo baka magsiuwian mga kaibigan mo kapag hindi malamig ang beer." Patabog na lumabas si Eric ng kwarto ko at naiwang nakabukas ang pintuan. Siguro nagulat dahil 'yun ang unang pagkakataon na hindi ko sinunod ang utos niya.
Napahiga ako sa kama at inisip ko ang nagyari sa bahay nina Leslie baka tuluyang magalit ang kuya ni Leslie at pauwiin si Leslie sa amerika.
"Joe! Joe 'lika rito." Tumayo ako nang marinig kong tinatawag ako ng tatay. Agad akong lumabas ng kwarto at naabutan ko ang tatay na nakaupo sa salas kasama ang mga grupo ni Eric.
"Bumili ka muna ng yelo sa tindahan." Agad na utos ng tatay. Inabot ko ang limang pisong binigay ng tatay. Si Eric mangisi-ngising nakatingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang lumabas at bumili ng yelo.
"Yelo nga po!" malakas kong tawag sa tindera.
"Wala ng yelo!" sagot ng tindera.
Lumakad ako pabalik ng bahay nang biglang may humarang sa nilalakaran ko.
"Sin-nong?" nagulat ako ng makita ko sa aking harapan ang kuya ni Leslie.
"Dito ka pala nakatira! Sa compound na ito." Agad na sabi ng kuya ni Leslie.
"Magandang gabi! Ano pong..."
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ano ka ba ni Leslie? Ano kailangan mo sa kanya."
"K-kaibigan ko si Leslie." Mahina kong sagot.
"Go away from my sister!"
"Ha!" sagot ko.
"Kailangan ko bang tagalugin para maintindihan mo." Napatingin lang ako sa kuya ni Leslie. "Kilala na kita Joe, pinagtanong na kita. Mahiya ka naman!"
"Wala akong ginagawang masama."
"Layuan mo ang kapatid ko!" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ng kuya ni Leslie. Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
"Malaki pangarap namin kay Leslie kaya hindi ako papayag na sayo lang siya mapupunta". Tinalikuran ako ng kapatid ni Leslie at sumakay ng kotse paalis ng compound. Nanatili akong nakatayo at hindi makapaniwalang magagawa 'yun ng kuya ni Leslie. Hindi ko magawang magalit sa kuya ni Leslie dahil alam kong tama ito.. Hindi kami bagay ni Leslie at malayo ang agwat namin sa bawat isa.
Matamlay akong umuwi ng bahay. Naalala ko ang yelo na binilin ng tatay nang makita ko si Eric na nakaabang sa pintuan.
"Langya umuwi ka pa!" agad nitong sabi.
"Wala na kasing y-elo."
"Umalis na bisita ko bobo!"
Pumasok na ako ng bahay at napansin kong nasa kwarto na sina tatay at nanay. Dalawa na lang kami ni Eric ang nasa salas. Nagulat ako nang makita kong naninigarilyo si Eric dahil alam kong pinagbabawal ng tatay ang paninigarilyo.
"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" sabi ko kay Eric.
Hindi ako pinansin ni Eric at pinagpatuloy niya ang paninigarilyo malapit sa bintana.
"Alam ba ng tatay?" nilingon ako ni Eric at
"Bakit magsusumbong ka?" matigas nitong sabi.
Tumahimik lang ako habang pinagmamasdan ko siyang naninigarilyo. Lumapit ako kay Eric at sumandal sa bintana.
"Pahingi nga." Sabi ko sabay sindi sa sigarilyong nadampot ko sa tabi ni Eric.
Sabay kaming bumuga ng usok ni Eric kasabay ng malakas na buntunghinunga.
"Masarap palang manigarilyo kapag mabigat ang dibdib." Napatingin sa akin si Eric.
"Bakit kaya maraming tao ang ayaw sa akin."
"Hahahahahahaha!" malakas na tumawa si Eric sa sinabi ko.
Walang tigil sa pagtawa. Waring pinagtatawanan ako sa sinabi ko.
Tumayo si Eric at hinarap ako.
"Nakakatawa ka talaga, alam mo kung bakit? Tanga ka kasi... Sino kayang babae ang magkakagusto sayo? Hahahahaha."
Itinapon ni Eric ang yupos ng sigarilyo sa bintana at pumasok na ito sa kanyang kwarto. Natigilan ako sa sinabi ni Eric. Sino kayang babae ang magkakagusto sa akin. Naisip ko si Leslie. Mahalin kaya niya ako...gaya ng pagmamahal ko sa kanya?
Natigilan ako sa tabi ng bintana nang masulyapan ko si Leslie sa baba ng bahay. Kumakaway sa akin.
"Leslie..." mahina kong sabi.
"Joe lika sama ka." Natigilan ako nang malaman kong hindi pala si Leslie ang nasa ibaba ng bahay. Bigla kong isinara ang bintana nang mapansing kong babaeng bayaran ang tumatawag sa akin. Natawa ako sa aking sarili. Tama kaya si Eric medyo may katangahan ako?
"Ala-una na pala ang umaga kaya maraming pokpok." Patawa kong sabi sa aking sarili.
Pumasok na ako sa aking kwarto at nahiga sa aking kama. Sa aking isipan ay hindi pa rin mawaglit ang sinabi ng Kuya ni Leslie. Paano na ang pag-ibig ko kay Leslie kung tutol ang kuya nito? Ipinikit ko ang aking  mata at alam kong sa aking paggising magsisimula ang panibagong yugto ng aking buhay.
Part VI
Maaga pa lang ay nagbiyahe na ako ng trisikad. Gusto kong sunduin si Leslie sa bahay nito kaso naisip ko na baka magalit ang kuya nito at muli silang magtalo.  
"Joeeeee!" malakas na tawag sa akin ni Leslie habang kinakaway ang dalawang kamay. Nasa kanto siya ng Parke nang makita ko. Binilisan ko ang pagsisikad hanggang makarating ako sa kinatatayuan ni Leslie.
"Kanina pa kita hinihintay."
"Akala ko hindi ka magpapasundo." Sabi ko kay Leslie.
"Pasensya ka na kagabi ha....ang Kuya Ramon kasi.."
"Okay lang 'yun ang mahalaga hindi mo ako iniiwasan."
Matagal kaming nagkatitigan ni Leslie. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao sa kalsada ay hindi namin alintana. 
 "Lika sakay na." yaya ko kay Leslie.
"Sige baka ma-late pa ako."
Sinimulan ko na ang pagsisikad at hindi ko mapigilan ang matuwa dahil nakasama ko si Leslie.
"Oooops baka lumampas." Pabirong sabi ni Leslie ng nasa gate na kami.
"Pa'no dito ka na lang...sunduin kita uli mamaya."
"Salamat Joe, sige hatid mo ako sa bahay mamaya."
"Sa bahay?"
"Oo sa bahay namin."
"Diba ang ku...."
"Lumuwas ng province may emergency call kasi."
"Ganun baka malaman niya."
"Okay lang 'yun Joe, kaibigan naman kita."
"Sige!" sagot ko kay Leslie.
"Uhmmmm! Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa loob?"
"Huwag na! saka baka hindi ako papasukin, may trisikad pa ako.'
"Akong bahala." Hinila ako ni Leslie malapit sa gate.
Lumapit kami sa gate kung saan nakatayo ang guard ng Campus.
 "Kuya Ben pakibantay naman ng trisikad ng kaibigan ko."
"Ikaw pala Maam Leslie sige ipasok na lang po sa loob at ikakadena ko mamaya."
"Ay, salamat po Kuya Ben, si kuya talaga ang bait."
"Joe, lika na pasok na tayo."
"Hindi kaya nakakahiya Leslie na pumasok ako sa loob."
"Okay lang 'yun, kunwari sundo ka ng mga bata."
Habang naglalakad kami papunta sa room nina Leslie ay hindi ko mapigilan ang matuwa dahil naglalakad ako na kasama ko ang babaeng mahal ko ngunit sa iglap ay may kirot akong naramdaman sa aking puso nang makita ko ang isang estudyandeng bata na hinahatid ng kanyang Ina. Naalala ko noong bata pa ako nang minsang isinama ako ni Nanay para ihatid si Eric sa Eskelahan.
"Nay-nay ano po baon ko?" masayang tanong ni Eric sa nanay habang papasok kami ng paaralan.
"May sandwich ka dito anak sa bag mo."
"Yehey! Buti pa ako papasok na ba't ang kuya hindi? Sabi ni Tatay bobo raw ang kuya heheheeheh."
Nang makarating kami sa silid-aralan agad na pumasok si Eric at naupo. Aaminin ko noong panahong iyon ay may inggit akong naramdaman.
"Hoy! Okay ka lang? kanina ka pa natahimik diyan?" pabiglang sabi ni Leslie habang kami ay papunta sa room nila.
"Alam mo dati sa tuwing sumasama ako kay Nanay para hatiran ng baon si Eric na-iingit ako. Sabi ko nga noon sana ako rin nag-aaral."
Huminto si Leslie sa paglalakad at pinagmasadan ako.
"Hindi pa huli ang lahat Joe. Pwede ka pang matuto."
May ngiti sa labi ni Leslie dahilan para gumaan ang pakiramdam ko at nanumbalik ang siglang nararamdaman ko.
"Good Morning Class." Masayang bati ni Leslie sa mga bata nang makarating kami sa silid-aralan.
"Dito na lang ako Leslie."
"Wag! Dito ka sa loob bisita ka namin."
"Ayyyyyyyyy!" malakas na sigaw ng isang bata. Napalingon kami ni Leslie sa pinagmulan ng boses...Si kulet na waring kinikilig nang makita kami ni Leslie.
"Uy! Si kuya Joe nandito."
"Okay class may visitors tayo kaya dapat....."
"Behave!" sabay sabay na sagot ng mga bata.
Panay ang ngiti ni Kulet at iba nitong mga kaklase habang pinagmamasdan ako.
"Okay class quite ha."
Nagsisimula nang magturo si Leslie. Nasa isang tabi lang ako, nakaupo habang nakikinig. Humanga ako sa talino ng mga bata. Si Kulet na kanina ay ngiti nang ngiti sa akin ngayon ay tahimik na nakikinig kay Leslie. Habang pinagmamasdan ko ang mga bata ay muli akong nalungkot. Naramdam ko na maraming bagay sa buhay ko ang hindi ko naranasan bilang isang bata, ang maging isang estudyante. "Hay! Mabuti pa sila."
"Kring! Kring!
Mabilis tumakbo ang oras hindi ko namamalayan recess na ng mga bata. Ang mga yaya nito ay kanina pa nag-aantay sa labas ng silid aralan.
"Ms. Macael may bisita ka yata." Nagulat si Leslie nang makita ang prinsipal ng paaralan.
"Maam si Joe po."
"Ms. Macael hindi ba bawal ang mga bisita sa oras ng klase?"
"Kasi Maam.."
"Kuya Joe halika po doon po tayo." Si Kulet na biglang lumapit sa akin
"Kasi binabantayan si Kulet." Dahilan ni Leslie.
"Ganun ba? Sundo pala siya ni Kulet."
"Opo Maam siya po ang kuya Joe ko." Pahabol ni Kulet.
"Sige walang problema." Agad na umalis ang prinsipal.
"Yan! Pinagtangol na kita kuya Joe." Sabi ni Kulet habang hinihila ako palapit sa puno ng mangga.
Si Leslie nanatiling nakatayo malapit sa pintuan. Napansin kong ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang puno ng mangga sa harapan ng silid-aralan.
"Kuya abutin mo 'yun." Sabay turo sa isang bunga ng mangga.
"Yun!" agad kong inabot ang mangga.
"Yan! Hihihi galing mo talaga kuya naabot mo agad."
"Heto na ang mangga gusto mo balatan natin."
"Huwag na kuya Joe." Agad na sabi sa akin ni Kulet. Hinawakan niya ko sa kamay at hinila pababa. Waring may ibubulong sa akin.
"Hindi mo ba alam na paborito 'yan ni maam Leslie." Bulong ni Kulet sa akin. Napatingin ako kay Leslie at napansin kong kanina pa siya naglalaway sa manggang hawak ko.
"Kuya bigay mo sa kanya daliiiiiiiiii!" kilig na sabi ni Kulet.
Lumapit ako kay Leslie at dahil siguro nahalata niya na papunta ako sa kanya ay lumapit na rin siya sa amin.
"Mukhang masaya kayo ha...bagay na bagay maging mag-kuya."
"Ma'am may ibibigay si Kuya Joe sayo."
"Ha! ano 'yun? Patay malisyang sabi ni Leslie dahil alam niyang mangga ang ibibigay ko.
"Heto Leslie mang...."
"Chocolate po!" sabay abot ni Kulet ng chokolate kay Leslie.
Pareho kaming nagulat ni Leslie. Nagulat ako dahil hindi ko alam kung saan naggaling ang chocolate.
"Kuya Joe ang mangga ko." Sabay kuha sa manggang hawak ko.
"Ma'am enjoy the chocolate." Malakas na sabi ni Kulet habang papalayo sa amin.
Nagkatinginan kami ni Leslie. Waring nagtataka sa mga pangyayari.
"Sayo ba talaga galing 'to?"
"Hindi gawa 'yan ni Kulet."
Medyo nalungkot si Leslie sa sinabi ko.
"Pero may ibibigay talaga ako sayo."
Napatingin uli sa akin si Leslie.
"Ha!" takang sabi ni Leslie.
May kinuha ako sa aking bulsa at inilabas ko ang isang munting bato.
"Hugis butuin!" mahinang sabi ni Leslie habang pinagmamasdan ang batong hawak ko.
"Iniingatan ko 'to,  pero dahil mahalaga ka sa akin ibibigay ko sayo."
Iniabot ko kay Leslie ang bato.
"Ang ganda!" sambit ni Leslie.
"Para sayo 'yan"
"Salamat Joe!"
"Ay, ang ganda!" si Kulet na hindi namin namamalayan na kanina pa pala nakamasid sa amin.
"Ay, ang ganda talaga." Sabi ni Kulet habang tinitingnan kay Leslie ang bato.
"Ano 'yan bato ni darna! Classmate! Classmate! Tingnan niyo si Maam Leslie si darna." Sigaw ni Kulet habang tinatawag ang mga kaklase.
Pareho kaming namula ng pag-ikutan kami ng mga bata para tingnan ang bato.
"S-sino si Efren?" tanong ng batang si Mac-mac.
"Eh di si kuya Joe." Dugtong ni Kulet.
"Uy, si Ma'am..." sigawan ng mga bata.
Kring! Kring! Kring!
"Class pasok na sa loob." Sabi ni Leslie habang tinitingnan ang mga kapwa guro na nakikisabay sa mga bata sa panunukso.
"Leslie baka totohanin na 'yan ha." pabirong sabi ng isang guro.
Ngumiti lang si Leslie sa biro ng isang kasamahan.
"Pano 'yan siguro uwi muna ako." Paalam ko kay Leslie.
"Sige Joe salamat uli"
"Kuya Joe 'lam mo bagay kayo ni Maam." Sabi ni Mac-mac habang papasok sa klase.
"Ikaw talaga Mac...."
"Sige mauna na ako." Paalam ko kay Leslie.
Sumilip pa ako sa bintana at nagpaalam sa mga bata. Walang tigil sa hiyawan ang mga bata.
"Sige na umalis ka na para tumahimik na sila." Sabi ni Leslie na mukhang naiinis na sa sobrang ingay ng mga bata.
Nakaalis ako na may ngiti sa aking mga labi. Bakas sa aking mukha ang labis na kasiyahan.
Binilisan ko ang pagsisikad at hindi ko namamalayan ang paparating na sasakyan.
Brrrrummmm! Sabay ang pagkakapreno ng sasakyan at ng trisikad ko. Natigilan ako nang makilala ko ang sasakyan na muntik nang bumundol sa akin.
"Hanggang dito ba naman dala mo katangahan mo." Ang tatay habang pababa ng kotse.
"Tay kayo pala."
"Ako nga pasalamat ka dahil kung ibang tao lang 'yan baka tinuluyan ka na."
"Siensya na po 'Tay."
"Umuwi ka na tatanga-tanga ka kasi."
Sumakay na ang tatay ng kotse at mabilis na pinaharuruot ang sasakyan. Sinalo ko lahat ang mga alikabok at usok dulot ng sasakyan.
"Kinabahan ako ha." bulong ko sa aking sarili at sinimulan ko na ang pagsisikad.
Naisipan kong bumiyahe na lang para magkaroon ng kita at makakatulong 'yun para sa panggastos ko araw-araw.
Itinuloy ko ang pagsisikad at hindi alintana sa akin ang matinding sikat ng araw.
Dinukot ko ang aking bulsa at marami na akong kinita. Inihinto ko ang trisikad sa tabi ng tindahan para magpahinga saglit.
"Ale isang softdrinks nga" sabi ko sa tindera. Pagka-abot sa akin ng soda ay agad ko itong ininom.
"Ahhhh!" sambit ko.
"Mukhang pagod na pagod ka Joe ha." sabi ng tindera na hindi ko na pinansin dahil sa tindi ng uhaw ko.
"Alam mo nagtataka ako kung bakit nagsisikad ka pa samantalang may kaya naman kayo, 'yang kapatid mo nga eh suki na ng computeran diyan sa kanto."
Napatingin ako sa tindera dahil sa sinabi nito.
"Bayad ko po." Sabay bigay ng sampung piso sa tindera.
"Bakit nga ba hindi ka nag-aaral? Samantalang....."
Tumalikod na ako at sumakay na sa aking trisikad hindi ko na tinapos ang sasabihin ng tindera.
"Tsismosa talaga!" bulong kong sabi at sinimulan ko na ang pagsisikad.
Pagdating ko sa bahay agad akong sinalubong ng Nanay.
"Anak nagsikad ka pala kanina pa kita hinahanap kumain ka muna alas tres na ng hapon." Sabi ng Nanay nang makita akong papaakyat ng hagdanan.
"Sige po 'Nay pahinga lang po ako."
Pumasok na ako ng kwarto at nagpalit na ng damit. Binuksan ko ang bintana para makalanghap ng hangin.
Naalala ko uli si Leslie Alas-singko uwian na ng mga bata. Agad kong tiningnan ang orasan meron pa akong mahigit isang oras na paghahanda.
Naligo ako at pagkatapos kumain. Napansin ng Nanay na medyo mabilis ang kilos ko.
"Joe may lakad ka ba?"
"Punta po ako ng San Mateo."
"San Mateo?" Takang tanong ng Nanay.
"Opo..."
"Ano gagawin mo doon at bihis na bihis ka."
"May susundiin po 'Nay." Malambing kong sabi.
"Susunduin? Sino?" pag-uusisa ng Nanay.
"Si Leslie po 'Nay."
"Babae?"
"Nay naman hindi naman pwedeng lalake."
"Kursunada mo?"
"Opo Nay!"
"Estudyante?"
"Guro po Nay." Natigilan ang Nanay ng kaunti sa sinabi ko.
"Nay para kayong natuka ng ahas dyan."
"H-ha wala! Buti nagustuhan ka niya."
"Nay naman! Pogi anak niyo diba.?" Pabiro kong sabi.
"Natutuwa ako sayo anak!Siya ba 'yung babaeng binaggit mo noong isang araw? Sige lumakad ka na..... baka hinihintay ka na niya."
"Siya po Nay." Hinalikan ko ang Nanay bago tuluyang umalis. Pagbaba ko ng hagdanan napansin kong sinusundan ako ng tingin ng Nanay. Marahil natutuwa at sa unang pagkakataon nakita niya akong na-inlove sa isang babae.
"Nay alis na po ako." Malakas kong sabi at nginitian ko pa ang Nanay.
Nagsisilabasan na ang mga High School nang makarating ako ng San Mateo. Naisip ko na baka uwian na rin ng mga elementary.
Napangiti ako nang makita ko si Leslie na naghihintay sa labas ng gate. Lalo akong natuwa nang kasama ni Leslie sina Kulet at Macmac.
"Helllooooo!" masaya kong bati sa mga bata. 
"Hello Kuya, 'lam mo kanina ka pa hinihintay ni Ma'am." Mabilis na tugon ni Macmac.
"Kanina pa siya naiinip." Dugtong ni Kulet.
"Ganun ba?"
"Opo!" sabay na sagot ng dalawang bata.
"O, heto narito na ko siguro hindi ka na maiinip." Pabiro ko kay Leslie.
"Naniwala ka naman."
"Saan tayo?" tanong ko kay Leslie.
"Ipasyal muna natin ang mga bata sa parke doon sila susunduin ng mga yaya nila."
"Oo ba!"
"Bilis Kuya Joe." Si Kulet habang hinihila na ako paalis sa gate. Si Macmac naman ay si Leslie na ang umalalay.  
Masaya kami habang naglalakad patungo sa parke. Ang mga bata ay sabik na sabik makarating ng parke.
"Kulet kita mo dagat?" tanong ni Macmac kay Kulet.
"Kita ko! Kita mo bundok?"
"Hindi! Saan?" tanong ni Macmac na humahaba ang leeg sa kahahanap.
"Eh di wala! Wala namang bundok dito heheheheheehe!"
"Hmmmm!" sambit ni Macmac.
Umupo kami sa batuhan malapit sa dagat. Pinagmasdan namin ang papalubog na araw.
"Ang ganda!" sambit ni Macmac.
"Alam ko!" sagot ni Kulet na panay ang ngiti.
"Hindi ikaw, ang araw!" wika ni Macmac na ikinainis ni Kulet.
"Hmmmm! Di tayo bati!"
"Kids 'wag kayo mag-away ha." si Leslie habang inaayos ang bag.
"Yes Ma'am!" sabay sagot ng dalawang bata.
"Ang lamig ng hangin." Sabi ko habang nakatingin kay Leslie.
"Bakit gusto mo yakap?" tanong ni Leslie sa akin.
"Oo naman gusto ko." Mabilis kong tugon.
"Kids yakapin niyo daw si Kuya Joe para 'wag lamigin."
"Embrace!" si Kulet na mabilis na lumapit sa akin kasunod ni Macmac.
"Hahahahahaha!" malakas na tawa ni Leslie habang pinag-mamasdan ang dalawang bata nang lumalambitin sa akin.
"Tama na yan!" pigil ko sa mga bata dahil nasasakal na ako sa kayayakap nila.
"Yan embrace ka na namin." Sabi ni Macmac habang hinahabol ang paghinga.
"Mac punta tayo doon." Itinuro ni Kulet kay Macmac ang isang upuang bato at sabay silang tinungo ang kinaroroonan ng bato. Naiwan kami ni Leslie sa tabing dagat.
"Buti pa ang mga bata walang iniindang problema" sabi ko kay Leslie.
"Wala ka bang interest na matuto?"
"Bakit naman ako magkakaroon ng interest eh wala naman akong utang sayo."
"Loko loko ka talaga! Sabi ko kung hindi ka interesado na matuto."
Natahimik ako sa sinabi ni Leslie.
"Joe pwede pa...bakit di mo subukan?"
"Sabi ng nanay kahit hindi nakapag-aral basta marunong lang magbilang ng pera okay lang."
"Saka...." Dugtong ko at napaupo ako sa isang batong malapit sa dagat.
"Matanda na ako Leslie ano gusto mo pumasok ako ng grade one."
"Hindi!" mabilis na sagot ni Leslie.
"Pero kung kinakailangan bakit hindi?" Dugtong ni Leslie.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Sumabay ka sa mga bata."
"Ha!" napatayo ako sa sinabi ni Leslie.
"Pwede ba relax ka lang... di ko sinabi na mag eenrol ka sa grade one."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Tuturuan kita!"
Natahimik ako sa sinabi ni Leslie.
"Joe payag ka bang ako maging teacher mo?"
"Hoy! Para kang natuka ng ahas dyan." Pagulat na sabi ni Leslie nang mapansing hindi ako kumikibo.
"Wag kang mag-alala....It's free! Walang bayad! Kaya 'wag ka nang mahiya"
"Nahihirapan akong magbasa mahihirapan kang turuan ako."
"Yan ang hirap sayo wala kang tiwala sa akin." Matamlay na sabi ni Leslie at tumalikod ito na pawang lalapitan ang mga batang masayang nagbibiruan.
"Oops sandali! Pahabol ko kay Leslie." Hindi ko sinasadyang mahawakan ang balikat niya at iniharap ko siya sa akin. Hindi sinasadyang nagkadikit ang mga mukha namin.
"Ahhhh!" sambit ni Leslie at iniwas ang mukha niya sa mukha ko.
"Payag na ako! Kung kinakailangang maging teacher kita okay lang."
"Okay! Pwede ba bitawan mo ako." Napansin kong nakahawak pa rin ako sa kamay ni Leslie.
"Joe ang mga bata."
"Siensya! Hindi ko sinasadya!" binitiwan ko na si Leslie at napatingin ako sa mga bata na sa amin nakatingin.
"Lika na baka nandyan na mga sundo ng mga bata." Lumapit na kami sa kinauupuan ng dalawang makulit na bata.
"Uy! Sweet sila....yudi! Si Macmac na biglang niyakap si Kulet.
"Yak! Bantot mo ha!" Si Kulet na biglang kumalas sa pagkakayakap ni Macmac at sabay silang nagkatawanan.
"Kids tama na yan! Uwi na tayo!"
"Yes Ma'am!" Sabay sagot ng mga bata.
"O, bakit di ka sumagot?" tanong ni Leslie sa akin.
"Ha!"
"Di ba Teacher mo ako? Dapat sumasagot ka sa mga tanong ko."
"Ayaw ko nga nakakahiya." Pagtutol ko kay Leslie.
"Ayaw mo bang matuto?"
"Sige na nga!"
"Good" mataray na sagot ni Leslie.
"Yes Ma'am!" sagot ko kay Leslie.
"Okay ka lang?"
"Hehehehehe" sabay na nagkatawanan ang mga bata.
Medyo lumungkot ang mukha ko dahil napikon ako sa katatawa nila.
"Kuya Joe 'wag ka na tampo nagbibiro lang kami." Si Kulet na biglang lumapit sa akin at parang pusa na lumambitin sa akin.
"Okay lang 'yun Kuya Joe gusto mo turuan kita magbilang?" sabi ni Macmac sa akin.
Natigilan ako dahil nagtaka ako dahil alam ng mga bata ang tungkol sa akin.
"Sinabi mo ba?"
"Sinabi ko Joe, makulit ang mga bata at isa pa malapit naman sila sayo." Paliwanag ni Leslie.
"Okay lang 'yun Kuya Joe Love ka pa rin namin kasi mabait ka."
Si Kulet na ngayon ay karga karga ko na.
"Ganun? Heto sayo....." Tuluyan kong binuhat si Kulet at nagpaikot ikot na parang gusto ko siyang bitiwan."
"Ayyyyyyy! Kuyaaaaaaaaaa" sigaw ni Kulet.
"Yan! Love mo pa rin ako? Pahingal kong sambit kay Kulet.
"Kuya baba mo na ko." Matawa tawang sabi ni Kulet.
"Yoko nga!"
"Tama na 'yan nandyan na sundo ng mga bata."
Binitiwan ko si Kulet at inayos ang aking damit na kanina pa nagusot.
"Okay time to go na. Nandyan na sundo ninyo sa parking lot."
"Yes Ma'am!" sabay na sagot ng mga bata.
Lumakad kami papunta ng parking lot at masayang sinalubong ng mga bata ang mga sundo nila. May kanya kanya silang sasakyan at mapapansing may kaya sa buhay ang mga bata.
"Babay!" masayang paalam ng mga bata habang papaalis ang kanilang sasakyan.
"O, bakit natahimik ka?" tanong ni Leslie sa akin.
"Wala natutuwa lang ako sa mga bata."
"Joe bukas ha!"
"Anong bukas?"
"Punta ka ng campus makinig ka sa lecture ko at sa uwian sa bahay ka namin tuturuan."
"Sa bahay 'nyo?"
"Kasama natin si Macmac kasi may tutorial ako sa kanya."
"Leslie salamat!"
"Wala 'yun Joe, sana kapag natuto ka ng magsulat 'wag mo akong kalimutan."
"Alam mo kung meron man akong unang gustong isulat siguro ang isusulat ko..."
"Ano?" pagtatanong ni Leslie na nakatingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
"Gusto kong isulat ang..."
"Pangalan mo?" dugtong ni Leslie.
"Hindi!"
"Eh ano ang gusto mo unang isulat?"
"Pangalan mo!" seryoso kong sagot kay Leslie. Namula ang pisngi ni Leslie at hindi makatingin sa akin.
"Bakit ka namumula?"
"Ha! hindi no?" pagtanggi ni Leslie na pilit iniiwas ang mapatingin sa akin.
"Joe uwi na tayo! Sasakay na lang ako at umuwi ka na rin bukas na lang."
"Yes Ma'am!" Napatingin sa akin si Leslie na parang matatawa.
"Bakit?" tanong ko.
"Lika uwi na tayo.
Lumakad si Leslie papunta ng kalsada at pinara ang isang trisikad.
"Joe bukas ha! 7AM 'wag kang malate ha...."
"Yes Ma'am!"
Tuluyan nang nakaalis si Leslie at nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang palayong si Leslie. Sa puso ko nandoon ang kaligayahang hindi ko kayang ipaliwanag. Alam ko si Leslie ang kailangan ko..kailangan ko para maging masaya.
Kinagabihan
"Ahhhhh! Huuuuuu!" daing ko habang paikot ikot sa aking higaan. Kanina pa ako hindi mapakali halos lahat ng posisyon sa pagtulog nagawa ko na. Tumihaya ako at napansing alas-dos na ng madaling araw.
"Ano kaya matututunan ko mamaya?" Bulong ko sa aking sarili.
Kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan. Siguro dala lamang ito ng pagkasabik na matuto sa mga ituturo ni Leslie sa akin.
Pilit kong ipinikit ang aking mga mata siguro nakatulog ako dahil sa pagmulat ko alas-singko na ng umaga.
Agad akong bumangon at hinubad ang padjamang suot ko. Itinapis ko ang tuwalya at patakbong tinungo ang banyo para maligo.
"Anak bakit aga mo yatang naligo?" tanong ng nanay nang makasalubong ko palabas ng banyo.
"May lakad lang po 'Nay." Mabilis kong sagot habang papasok sa aking kwarto.
Dali akong nagbihis. Isang puting t-shirt ang isinuot ko at pinares ko sa maong na kupas.
"Okay na to!"
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para mag-almusal. Hindi pa nauubos ang kapeng tinimpla ng nanay ay agad na akong tumayo. Lihim akong pinagmamasdan ng nanay siguro nagtataka sa mga ikinikilos ko.
"Nay alis na po ako."
"Ha! sige mukhang importante yata lakad mo ngayon."
"Punta po ako ng San Mateo 'Nay!" Sabi ko at agad akong bumaba ng hagdanan.
"Oppps teka!" napatigil ako at umakyat uli ng bahay. Naisip ko parang may kulang. Nasa kusina na ang nanay at hindi napansin ang pagakyat kong muli.
"Napangiti ako nang makakita ako ng ballpen na nakakalat sa sahig. Papel na lang ang kulang. Tinungo ko ang kabinet at nakita ko ang mga notebook ni Eric. Dali dali akong bumaba ng hagdanan bitbit ang ballpen at notebook na nakuha ko.
Alas-sais pa lang ng umaga nasa loob na ako ng San Mateo iilan pa lang ang mga Estudyanteng nasa loob ng campus. Tinungo ko agad ang silid aralan ni Leslie. Sarado pa nang dumating ako. Siguro napaaga ang pasok ko kaya ako ang naunang dumating.
Umupo ako malapit sa puno ng mangga naghihintay na baka may dumating na. Habang nakaupo ako hindi ako mapakali kung ano ano ang iniisip ko. Hanggang hindi ko namamalayan na may tao na pala sa aking likuran.
"Aga mo yata? Mukhang Excited ka ha pati pagsundo mo sa akin nakalimutan mo?"
Napatingin ako kay Leslie halos natigilan ako. Dapat pala susunduin ko siya.
"Oh, mukhang kabado ka ha? 'Wag kang mag-alala kayang kaya mo 'yan."
"Bakit wala pa ang mga bata?" Siguro sa hiya iniba ko ang usapan.
"Nandoon na sila sa Gym para sa Flag Ceremony."
Kinuha ni Leslie ang susi sa bag at binuksan ang pintuan ng silid aralan. Nasa likuran lamang ako at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
"Joe mukhang pinaghandaan mo ang araw na ito ha." sambit ni Leslie habang inaayos ang mga papeles sa ibabaw ng mesa.
"Hindi no? maaga lang ako kasi baka malate ako nakakahiya naman." Pagtanggi ko kay leslie.
"Ows talaga!"
"Oo naman sa totoo lang tinatamad nga ako hindi kasi ako handa."
"Kaya pala?" wika ni Leslie habang nakangisi.
"Bakit? Hindi ako handa sa totoo lang." Pagdadahilan ko.
"Kaya pala may dala kang notebook at ballpen, Hindi ka pa handa sa lagay na yan?" Matawa tawang sabi ni Leslie.
Namula ako sa hiya pero siempre hindi ako magpapatalo.
"Ayaw ko lang kasing mapahiya ako sayo at excited akong makita ang teacher ko." Sa sinabi ko si Leslie naman ang namula at hindi makatingin sa akin. Kung ano ano ang inaayos niya na sa tingin ko ay maayos naman. Sa sobrang pagaayos niya ay di sinasadyang nahulog ang mga papel na hawak nito. Agad akong lumapit para pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.
"Ako na Les...." Natigilan kami pareho nang mahawakan ko ang kamay niya na pupulit din sa isang papel. Nagkatitigan kami at nanatiling nakapatong ang kamay ko sa kamay niya.
"Salamat Joe Ako na lang!" Biglang sabi ni Leslie dahilan para mabitiwan ko ang kamay niya.
Inilapag niya ang mga papel sa mesa at inayos.
"Dito ka maupo mamaya 'wag kang mag-alala pinag-paalam na kita sa head ng school." Seryoso ang pagkakasabi ni Leslie dahilan para sumeryoso rin ako.
Nakarinig kami ng tugtog ng Lupang Hinirang dahilan para tumahimik kami.
Sumabay ako sa pag-awit kahit mahina alam kong dinig ni Leslie. Alam kong sa akin siya nakatingin hanggang matapos ang kanta.
"Alam mo pala ang kantang 'yan? 'Pano mo nalaman?"
"Ano ba akala mo sa akin? Kahit di ko kayang isulat kaya kong kantahin ang Lupang Hinirang."
"Isa pa bata pa lang ako alam ko nang kantahin 'yun" Dugtong ko na may pagtatampo.
"Maganda pala ang boses mo?"
Napangiti ako sa sinabi ni Leslie.
"Matutulungan mo pala ako sa Music Subject ko."
"Okay 'yun!" mabilis kong tugon.
Kring! Kring!
Mabilis na humanda si Leslie sa pagdating ng mga bata. Nakatayo na siya sa harap ng pisara. Agad naman akong umupo sa pinakahuling upuan.
"Good Morning Ma'am!" Masayang bati ng mga bata.
"Good Morning Class!"
"Ay!" sambit ni Kulet ng makita ako.
"Hi!" bati ko kay Kulet.
"Kuya tabi na lang tayo." Sabi ni Kulet na tumabi sa kinauupuan ko.
"Ms. Culetah Rodrigues you are not in your proper seat?"
Malakas na sabi ni Leslie na siyang ikinatakot ni Kulet.
"Yes Ma'am!" Agad itong bumalik sa sariling upuan.
"Bhe!" sabi ni Macmac sabay dila kay Kulet.
"Hmmp!" biglang ismid ni Kulet.
"Class our subject for today is English. Are you ready to listen?"
"Yes Ma'am!" Sabay sabay na sagot ng mga bata.
Nagsimula nang mag turo si Leslie at nanatili akong walang imik. Siguro hindi ko naiintindihan ang ibang sinasabi dahil sa wikang english. Tahimik lamang akong nakikinig sa mga itinuturo ni Leslie. Buti na lang kahit papaano nagsasalita si Leslie ng tagalog siguro para lubusang maintindihan ng mga bata.
Lalo akong humanga sa galing ni Leslie, hindi lamang sa pagtuturo kundi pati na rin sa pagdidisiplina sa mga bata. Alam niya kung pano kokontrolin ang mga makukulit na mga bata.
"Okay class copy the alphabet and submit it to me."
"Yes Ma'am!" sabay sagot ng mga bata at kanya-kanyang kuwaan ng mga papel. Medyo nailang ako kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya kong isulat ang mga nasa pisara.
"Kuya Joe heto papel." Sabi sa akin ni Macmac na sabay abot ng papel.
Medyo nanginginig ang kamay ko nang simulan kong kopyahin ang nasa pisara hindi ko alam kung saang direksyon mapupunta ang kamay ko. Alam ko sa aking sarili na hindi iyon ang unang pagsubok ko sa pagsusulat. Noong bata pa kami nina Eric pilit kong ginagaya ang mga naisusulat niya. Masaya ako noon habang ginagaya ko ang mga sinulat ni Eric. Nahihirapan ako pero masaya ako habang nagsusulat pero nagalit ang tatay nang Makita niya akong nagsusulat.
"Anong ginagawa mo? Tingnan mo sinayang mo ang papel ng kapatid mo."
Galit na sabi ng tatay. Pinalo ako at pinaluhod sa isang bilaong may asin. Magmula noon natakot na akong magsulat muli lalo pa sa papel ni Eric.
Nagulat ako nang nasa tabi ko na si Leslie hindi ko man lamang napansin na kanina pa siya sa tabi ko. Nginitian niya ako marahil napansin niyang nakatutok ako sa pisara habang naalala ang nakalipas.
"Ganito lang 'yan!" Hinawakan ni Leslie ang kamay ko na may hawak na lapis at itinuro sa kin kung pa'no ang pagsusulat.
"Yan ang letter "A"!" agad nitong sabi.
Ngumiti sa akin si Leslie at ewan ko ba parang nawala ang kaba ko sa pagsusulat lalo tuloy akong ginanahan sa pagsusulat.
"Alam mo maganda ang sulat kamay mo."
"Wag mo na nga ko lokohin hirap na nga ako sa pagkokopya heto nga nasa Letter "L" na ko."
"Maganda kasi nagsisimula ka pa lang pero pantay na ang pagkakasulat mo, I'm glad ang bilis mo matuto."
Lalo ako ginanahan sa sinabi ni Leslie pakiramdam ko ako ang pinakamatalino sa buong silid.
"Kuya Joe tapos ka na? ako tapos na heto o!" sabi ni Kulet na biglang lumapit sa akin kasunod si Macmac.
"Ay!" sambit ni Kulet ng makita ang gawa ko.
"Tapos na si kuya Joe, mas maganda kesa sa sulat mo." Sagot ni Macmac na ikinainis ni Kulet.
"Mas maganda naman sa akin kesa sayo, pantay!"
"Pantay ba 'yan? yung "L" mo nga parang "V" hehehehe." Sabi ni Macmac sabay tawa.
"Hmmmmmp!" paismid ni Kulet sabay balik sa upuan na inulit ang pagsusulat. 
"Okay class pass your paper." Sabi ni Leslie na ngayon ay nasa harapan na ng pisara.
"Ahay ah hindi pa ko tapos." Maiyak iyak na sabi ni Kulet habang ipinapasa ang papel.
"Bhe!" panunukso ni Macmac.
"Bulate!" ganti ni Kulet at sabay tawa.
Nagsimulang mag-ingay ang mga bata si Leslie naman ay abala sa pag-checheck ng mga papel. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang mga batang masayang nagkwekwentuhan. Si Kulet at Macmac na kanina ay nag-aaway ngayon ay masayang nag-uusap.
Tumayo si Leslie at isa-isang ibinalik ang mga papel. Tuwang tuwa ang mga bata habang tinitingnan kung ano ang grades nila.
"Yes tatlong star." Sigaw ng isang batang babae.
"Yes dalawa star ko." sigaw ni Macmac.
"Ahay ah but no star." Maiyak iyak na sabi ni Kulet sabay upo sa kanyang upuan.
Kinabahan ako nang iniabot sa akin ni Leslie ang papel ko. Parang ayaw ko tingnan  baka makakita ako ng buwan. Dahan dahan kong tiningnan ang grades na nakuha ko. Napangiti ako ngan makakita ako ng isang bituin. Binuklat ko na nang lubusan ang papel ko at halos mapasigaw ako ng malamang kong hindi lang iisa kundi tatlong bituin ang nakita ko.
"Okay! Whooooooooo!" malakas kong sigaw sabay talon at siyang ikinatahimik ng lahat at sabay sabay na nakatingin sa akin.
"Ahhhh!" nasambit ko nang mapansin kong sa akin na nakatingin ang lahat. Dahan dahan akong umupo at dahil napahiya ako naisip kong kailangan kong makabawi.
"Oh, tingnan niyo tatlo ang star ko sino dyan ang may buwan hehehehehe." Sabi ko na kasunod ang malutong na tawa. Siguro nahawa ang mga bata sa tawa ko kaya pati sila ay nagtawanan.
"hahahahahah! Si Kulet have three moon." Pabiro ni Macmac na ikinagalit ni Kulet.
"Ahhhhh." Sambit ni kulet sabay hampas ng notebook sa balikat ni Macmac.
"Pikon" sabay tawa ni Macmac.
"Kids recess time na. may mga baon ba kayo?"
"Yes Ma'am!"
Sabay sabay na naglabasan ang mga bata hanggang dalawa na lang kami ni Leslie ang naiwan.
"Salamat ha!"
"Saan?" takang tanong ni Leslie.
"Sa tatlong bituin."
"Ano ka ba? sa totoo lang nagulat ako hindi ko inaasahan na makukuha mo lahat. Kung tutuusin hindi pa kita naturuan nang mabuti."
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako natuto agad. Ayaw ko kasing mapahiya sayo."
Napatahimik lang si Leslie sa sinabi ko. Inayos niya ang mga papel na maayos namang nakapatong sa mesa.
"Baka sa sobrang ayos mo mahulog ang mga papel at sabay nating pupulutin hanggang sa kamay mo ang madampot ko."
Napanganga si Leslie sa sinabi ko para siyang matatawa na maiinis. Lumapit siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.
"Baka gusto mo bigyan kita ng buwan." Sabay nitong sabi na parang matatawa.
"Wag naman!" sagot ko.
"Nagugutom ka ba?" naitanong ni Leslie.
"Hindi naman bakit nagugutom ka na ba?"
"Hindi rin Joe. Sige maupo ka muna at hintayin na lang natin ang balik ng mga bata."
Tahimik kaming naghintay sa balik ng mga bata. Si Leslie abala sa pagsusulat habang ako nageenjoy sa pagsusulat ng alpabeto. Gusto kong gumanda ang pagsusulat ko. Alam kong kaya ko at hindi ako papayag na hanggang dito na lang ang nalalaman ko. Napasulyap ako kay Leslie at naibulong ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para hindi ako ikahiya pag dating ng araw.
Mabilis tumakbo ang oras hindi ko namamalayan na marami na akong naisusulat halos mapuno ang notebook na dala ko. Lahat puro alpabeto. Siguro malaking karangalan sa isang tulad ko ang matutong magsulat at bigkasin ang alpabeto sa loob lamang ng isang araw. Kaysarap sa pakiramdam ang maisulat ang aking pangalan ngunit walang kasing sarap ang maisulat ang pangalan ng babaeng lihim kong iniibig. Pinagmasdan ko mga letrang nakasulat sa aking notebook.
L-E-S-L-I-E
Napangiti ako ng pinagmasdan ko ang aking isinulat. Tama nga si Leslie maganda ang sulat kamay ko. Lihim akong napangiti dahil alam kong unti unti na akong natuto.
Sa loob lamang nang ilang oras ay natuto na akong magbasa. Kahit mabagal, hirap sa pagbigkas ay hindi ko alintana ang mahalaga unti-unti akong natututo.
"Palamig muna kayo." Sambit ni Leslie habang inaabot ang dalawang baso ng Juice.
"Salamat po." Agad na sabi ni Macmac na abala sa pagbubuklat ng libro. Kararating lang naming buhat sa klase at sumama na ako kay Macmac para sa tutorial niya sa bahay ni Leslie.
"Handa na ba kayo?" tanong ni Leslie na bitbit ang mga libro.
"Mac may ipapagawa ako sayo ha."
"Ano po yun Ma'am?"
"Heto ang book may ipapasagot ako sayo heto yung itinuro ko sayo nung isang araw."
"Sige po." Sagot ni Macmac na agad kinuha ang libro sa kamay ni Leslie at agad na sinagutan ang pinapasagot ni Leslie.
Napatingin ako kay Leslie nang Ibinigay niya sa akin ang isang libro. Alam kong pambata ang libro dahil sa mga kwentong pambata.
"Alam mo bata pa lang ako pangarap ko ng makabasa ng mga kwentong pambata."
"Dito tayo magsisimula dahil simple lamang ang mga salitang ginamit kayang kaya mong basahin."
"Baka...."
"Kaya mo yan Joe."
"Pano kung...."
"Akong bahala sayo. Diba alam mo ng basahin ang "ABAKADA."
"Oo pero baka mahirapan ako."
Binuklat ni Leslie ang libro at tumambad sa akin ang mga kwento.
"a-gi-mat" pasimula ni Leslie.
"a-gi-mat ni" pagpatuloy ko.
"Lo" si Leslie
"Lo" sabi ko na ginagaya ang pagbigkas ni Leslie.
"Lo"
"Agimat ni Lolo."
"Agimat ni Lolo." Napangiti si Leslie nang  mabasa ko ng buo ang pamagat ng kwento.
"Kaya mo 'yan Joe."
Lalong lumakas ang loob ko para matutong magbasa. Hindi ko man lang napapansin na unti-unti ko na palang nauubos ang pahina ng kwento.
"Matalino ka Joe."
Napatingin ako kay Leslie.
"Alam mo hindi ko inaasahan na matututo kang magbasa sa loob lamang ng ilang oras."
"Bakit anong oras na ba?"
"Alas-siete na ng gabi. Tingnan mo tinulugan ka na ni Macmac maya maya dadating na sundo niya."
"Ilang pahina lang 'to natapos ko nang isang oras." Napatawa si Leslie sa sinabi ko.
"Okay lang 'yun Joe kahit matagal kang magbasa nabasa mo naman ng tama."
"Talaga?"
"Oo Joe at dapat sa pagbasa mo uli ng kwento mabilis mo itong matatapos ha."
"Ha...."
"Kaya mo 'yan Joe." Isang matamis na ngiti ang ipinukol sa akin ni Leslie dahilan para gantihan ko rin siya ng isang matamis na ngiti.
"Joe"
"Bakit?"
"Heto..." isang libro ang binigay sa akin ni Leslie.
"Ano 'yan?"
"Mga Composition ko, mga Love Stories."
Binuklat ko ang libro at napansin kong English ang nakasulat dito.
"Hindi ko 'to mababasa."
"Sa ngayon Oo, ayaw mo bang basahin ang  naisulat ko."
"Gusto."
"Kung gusto mong basahin gagawa ka nang paraan para mabasa mo 'yan at maintindihan."
"Hindi man ngayon pagdating ng araw Joe."
"Pangako Leslie pagdating ng araw babasahin ko ito."
"Talaga!"
"Oo naman."
"Sayo na rin 'yan." Sabi ni Leslie na ang tinutukoy ay ang kwentong pambata."
"Mabilis kang matuto kung lagi mong babasahin 'yan."
"Tama ka kasi madaling basahin English man o Tagalog ang kwento sa librong ito."
"Sabi mo eh."
Sinimulan kong basahin ang sumunod na kwento at tahimik lamang si Leslie na nakikinig sa binabasa ko.Paminsan minsan tinatama niya kapag mali ang pagbigkas ko. Sa mga oras na 'yun wala akong maramdaman kundi ang sigla para matuto. Iniisip ko si Leslie ayaw kong mapahiya siya sa akin.
Bawat pagbigkas ko sinisiguro kong tama at kung magkamali man ako ay sinasabayan ako ni Leslie. Hanggang sinasabayan niya ako sa pagbabasa. Paraan daw iyun para bumilis ang pagbabasa ko.
"Tapos na po ako." Biglang sabi ni Macmac na kagigising lamang.
"O tinulugan mo ako ha."
"Eh kasi Ma'am..."
"Buti na lang tama lahat nang pinagawa ko sayo kundi kanina pa kita ginising."
"Yehey! Narinig mo 'yun kuya Joe tama lahat kasi magaling ako." Pagmamayabang ni Macmac habang nakapamaywang sa harapan ko. Itinuloy ko ang pagbabasa hanggang sa napansin ni Macmac.
"Wow kuya Joe marunong ka nang magbasa."
Napangiti lamang ako sa sinabi ni Macmac.
"Galing talagang magturo ni Ma'am Leslie."
"Oo naman galing ng teacher natin." Sabi ko na saglit itinigil ang pagbabasa.
"Ganyan talaga ang nagagawa ng love."
Pareho kaming natigilan ni Leslie sa sinabi ni Macmac.
"Sabi nila kapag in love mabilis matuto."
"Mac tama na 'yan ha."
"Kuya Joe In love ka ba."
"Mac." Pagpipigil ni Leslie sa kakulitan ni macmac.
"Ahhhh gusto mo malaman ang sagot."
"Opo."
Sasagutin ko sana ang tanong ni Macmac nang makarinig kami ng busina ng kotse sa labas ng bahay. Dumating na ang sundo ni Macmac. Pagkarinig pa lang ng busina agad na lumabas ng bahay si Macmac at masayang sinalubong ang kanyang sundo. Masayang nagpaalam si Macmac habang pasakay ng kotse habang nanatili kaming nakatayo ni Leslie sa labas ng gate.
"Paano 'yan aalis na rin ako."
"Bukas uli Joe."
"Sige salamat ha."
"Okay lang 'yun."
"Salamat dito." Sabay turo sa mga librong dala ko.
"Basahin mo lagi ha."
"Araw-araw babasahin ko 'to."
"Kapag marunong ka ng magbasa ng English basahin mo ang mga Love story ko."
"Eto ang una kong babasahin."
"Love story ko 'yan."
Lalo akong ginanahan para matutong magbasa sa sinabi ni Leslie. Alam kong dadating ang araw mababasa ko ng buo ang kwento ni Leslie. Babasahin ko 'yun sa araw na magaling na akong magbasa at umunawa ng salitang English.
Malapit nang dumating ang araw na 'yun....malapit na.....

Part VII
Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na mabilis na rin akong natuto. Sa bawat araw na tinuturuan ako ni Leslie ay nakatatak na sa aking isipan. Tama nga siguro si Macmac kapag in love madaling matuto.
"Nay basahin mo." Sabi ko sa aking ina na abala sa pagluluto.
"Ang maganda kong nanay! Naku anak natutuwa ako sayo at magaling ka nang magsulat." Hinalikan ako ng nanay sa pisngi at niyakap ko siya. Alam kong natutuwa ang Nanay dahil bata pa lang ako ay pangarap ko nang matutong magbasa at magsulat.
"Dahil kay Leslie 'Nay natuto ako."
"Anak alam na ba niya na mahal mo siya."
Kinuha ko ang sandok mula sa pagkakahawak ng nanay at tinikman ko ang adobong niluluto niya.
"Hmmm sarap!"
"Bakit ‘di mo pa ipagtapat sa kanya."
"Siguro alam na niya, siguro nararamdaman niya."
"Mas mabuti pa ring malaman niya at masabi mo."
"Sasabihin ko 'Nay kapag maipagmamalaki na niya ako."Tinakpan ko ang kasirola at humarap ako sa nanay. "Pagdating ng araw kapag nakahanda na ako."
"Anak kung mahal ka niya nakahanda siyang tanggapin kung ano ka."
"Alam ko 'yun 'Nay nararamdaman ko."
"Sige na...ako'y magluluto pa." sabi ng nanay habang hinihiwa ang mga kamatis.
Lumabas ako ng kusina at kinuha ang isang pocket book na tagalog. Sabi ni Leslie maganda basahin ang mga pocket book dahil magkahalong tagalog at english ang nakasulat dito. Higit sa lahat may saysay ang kwento. Madali akong matutong magbasa.
Sinimulan kong basahin ang pocketbook napangiti ako nang malaman kong kwento ito ng isang pagibig. Isang binatilyong umibig sa isang guro. Parang kami ni Leslie naiisip ko.
"Maganda 'to!" naibulong ko sa aking sarili.
Sinimulan ko ang pagbabasa at hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na humanga sa tibay ng pag-iibigan. Ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig.
"Hoy! Pwede ba hinaan mo ang pagbabasa para kang grade one kung magbasa." Pasigaw na sabi ni Eric na kanina pa pala nakikinig sa binabasa ko.
"Eric hayaan mo na ang kuya mo hindi ka ba natutuwa marunong nang magbasa ang kuya mo." Sabi ng nanay habang inaabutan ng juice si Eric.
"Wala akong pakialam..pwede ba hinaan mo ang pagbabasa."
Medyo nalungkot ako sa nangyari parang bumalik sa aking alaala noong mga bata pa kami. Grade two noon si Eric at habang nagbabasa siya nang malakas.
"Ang a-la-mat ng pin-ya." Malakas na bigkas ni Eric at hindi ko mapigilan ang sumabay sa binabasa niya.
"Tatay, si kuya nanggugulo." Umiyak si Eric sa hindi ko alam na dahilan kung tutuusin natutuwa lang ako sa binabasa niya kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na sumabay sa mga binibigkas niya.
Lumapit sa amin si Tatay at tulad noong naabutan niya akong nagsusulat ay pinalo ako ng sinturon at pinaluhod sa bilaong may asin. Takot na takot ako noon kaya mula sa araw na iyon hindi na ako lumalapit sa kapatid ko habang nagbabasa.
Ngayon nanumbalik ang lungkot na nararamdaman ko.
"Sige doon na lang ako sa kwarto magbabasa."
"Buti pa badoy ng binabasa mo." Pahabol na sabi ni Eric.
Pumasok ako ng kwarto na bitbit ang pocketbook. Naiisip ko tama si Eric malakas akong magbasa at medyo nakakahiya kapag merong ibang taong nakakarinig.
Umupo ako sa aking kama at sinimulang magbasa ngayon tinuturuan ko ang aking sarili na magbasa nang tahimik. Pinangako ko sa aking sarili na kailangan ko nang matuto. Alam kong kaya kong magbasa at unawain ang kwento.
"Mahal kita Lorilie." Sabi ni James.
"Mahal din kita pero kaya kitang iwan." Maiyak iyak na sabi ni Lorilie.
"Hindi ko kayang mawala ka  dahil mahal kita Lorilie."
"Mahal mo ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako dahil mahal mo ako." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Lorilie.
"Mahal kita dahil mahal kita."
"I'm sorry James mahal kita pero kaya kong iwanan ka." Tumalikod si Lorilie at iniwan si James na nakatayo sa tulay na kanilang tagpuan.
Natawa ako sa aking sarili nang maramdaman kong medyo napapaluha ako sa aking binabasa. Hindi ko alam kung naluluha ako sa binabasa ko o luha sa sakit na nararamdaman ko habang naalala ko ang nakalipas. Naisip ko masarap palang magbasa nakakadala ng damdamin.
Naisip ko si Leslie hindi ko yata kaya na mawala siya sa aking buhay.
Itinago ko ang pocketbook sa ilalim ng aking unan naisipan kong mamayang gabi ko na tatapusin ang kwento.
Nahiga ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.
Tok! Tok! Tok!
Naalimpungatan ako sa mga katok na narinig ko. Bumangon ako at agad na binuksan ang pintuan.
"Anak may bisita ka."
"Ha?"
"Nandyan siya anak sige na lumabas ka na."
Hindi man tinukoy ng Nanay kung sino ang bisita ko alam kong si Leslie ang bisita ko. Agad kong inayos ang aking sarili at lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Leslie sa salas na kausap si Eric.
"Hi!" masayang bati sa akin ni Leslie.
"Napadaan ka yata?" tanong ko kay Leslie.
"Binibisita ka tanga!" mabilis na sabi ni Eric at pumasok sa kusina.
"Wala kasing pasok at naisipan kong dumalaw dito...heto nga pala Joe pocketbook maganda ang kwento nyan."
Iniabot sa akin ni Leslie ang isang pocketbook.
"Salamat ang ganda! Alam mo lahat ng pocketbook na pinahiram mo sa akin magaganda, alam mo marunong na akong magbasa ng tahimik."
"Talaga!"
"Galing mo kasing magturo."
"Leslie meryenda ka muna." Si Eric na kalalabas ng kusina bitbit ang isang baso ng Juice.
Inabot ni Leslie ang baso at napansin kong titig na titig si Eric kay Leslie.
"Salamat." Sambit ni Leslie habang pinapatong ang baso sa mesang nasa tabi namin.
"Joe lika labas tayo masarap mamasyal sa parke." Natuwa ako sa sinabi ni Leslie habang si Eric naman ay medyo umismid sa sinabi ni Leslie lalo pang hindi ininom ni Leslie ang Juice.
"Maganda 'yun sige tara na."
Nagpaalam kami kay Nanay at pumayag naman ito. Habang pababa kami ng hagdanan ay pansin kong sinusulyapan ni Eric si Leslie. Medyo naiinis ako sa mga titig ni Eric kay Leslie.
"Bakit ganon ang kapatid mo?" tanong ni Leslie habang naglalakad kami sa parke.
"Anong ganon?"
"Bakit walang respeto sayo?"
"Talagang ganon 'yun."
"Bakit ka pumapayag?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Leslie. Nanatili akong walang imik.
"Alam mo magkaibang magkaiba  kayo sa lahat ng bagay."
"Anong pagkakaiba?"
"Mabait ka kaya nagus....." hindi na itinuloy ni Leslie ang sasabihin niya.
"Kaya ano..." tanong ko.
"Kaya naging kaibigan mo si Brock....'yun siya o...." kumaway si Leslie nang makita si Broc na nakaabang sa amin. Parang alam ni Brock na dadating kami. Agad itong tumakbo palapit sa amin.
"Heheheh Brock dating na." masaya nitong sabi.
"Musta Brock.....musta na ha...." Masayang sabi ko kay Brock.
"Brock saya.....saya Brock hehehehehe."
"Brock kanta....." lumayo si Brock nang ilang hakbang sa amin at sinimulang kumanta.
"Dyandyadyaran..... Dyandyadyaran.... Dyandyadyaran"
Napatawa kami ni Leslie sa ginawa ni Brock para itong pari sa harapan namin.
"Kayo kasal Brock."
Napatingin kami ni Leslie sa isat-isa  medyo nagkahiyaan pa kami.
"Lika doon tayo." Yaya ni Brock at tumakbo malapit sa batuhan.
Sumunod kami ni Leslie at nakarating kami sa batuhan.
"Naalala mo noon pinagtatalunan natin kung sino ang may ari ng batong kinatatayuan natin."
"Oo naman diba akin 'to?" Pagmamalaking sabi ni Leslie.
"Anong sayo akin din 'to."
"Sige na nga sa ating dalawa."
Napalingon ako sa paligid nang mapansin wala na si Brock. Kahit si Leslie hindi napansing umalis si Brock.
"Nasaan na si Brock?" tanong ni Leslie
"Baka umuwi na sa barong barong niya."
Napatingin kami ni Leslie sa langit. Papalubog na ang araw at sa kulay ginto nitong kulay hindi namin napigilan ang humanga sa kagandahan ng paligid.
"It's beautiful!"
Napatingin ako kay Leslie.
"It's beautiful!" mahinang sambit ni Leslie.
"It's beautipool?"
"No! It's beautiful!"
"It's beautiful?" dugtong ko.
"Yes! It's beautiful!" humarap sa akin si Leslie at nagtama ang aming mga mata.
"Ang ganda! Napakaganda." Mahina nitong sabi.
"Mas maganda ka Leslie! Maganda ka!"
Nagkatitigan kami ni Leslie at sa pagtama ng mga mata namin naramdaman ko ang pagtibok ng kanyang puso.
Unti-unting naglalapat ang aming mga labi. Unti unti kong naabot ang matamis niyang labi.
"Wag!" pagtutol ni Leslie sabay iwas sa labi ko.
"Wag Joe hindi ko pa kaya!"
"Hindi ko sinasadya" mahina kong sabi kay Leslie na ngayon ay nakatalikod sa akin.
"May dahilan ba para halikan mo ako?"
 Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Leslie.
"Joe lika na uwi na tayo."
Medyo nagulat ako sa pagyayang paguwi ni Leslie. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya habang mabilis na naglalakad. Pakiramdam ko nagalit siya sa halik ko pero sa kabila ng aking isipan ay may tuwa akong nararamdaman. Ganito pala kasarap ang unang halik. Masarap at parang hindi ko makakalimutan.
"Sandali lang!" pagpigil ko kay Leslie habang hawak ang braso niya.
"Bakit Joe?"
"Bakit ang bilis mong maglakad para naman kitang hinahabol dyan."
"Wala lang! nagmamadali lang akong umuwi."
"Bakit naman? Galit ka ba sa akin?"
"Hindi! Bakit naman ako magagalit."
"Malay ko ba."
"Sige na uwi na ko."
"Hatid na kita."
"Sige."
Habang naglalakad ay masaya kaming nagkwekwentuhan ni Leslie. Alam kong ayaw na niyang pag-usapan pa ang nangyaring sa amin kanina kaya naisipan kong i-kwento sa kanya ang mga nabasa ko sa pocketbook. Dahilan 'din yun para ipaalam ko sa kanya na marunong na akong umunawa ng binabasa ko.
"Tapos anong nangyari?"
"Yun iniwan siya ni Lorile kahit mahal niya si James."
"Iniwan niya kahit mahal niya?"
"Oo dahil .."
"Dahil ano?" tanong ni Leslie.
"Mamaya ko pa malalaman ang dahilan kapag natapos ko ng basahin."
"Ikaw talaga binitin mo lang ako." Inis na sabi ni Leslie.
"Bukas kwento ko sayo."
"Naku 'wag na baka mabitin uli ako."
"Ayaw mo talaga?"
"Sa totoo lang Joe masaya ako dahil marunong ka ng magbasa at umunawa ng binabasa mo?"
Hinawakan ko ang kamay ni Leslie at dahilan 'yun para huminto kami sa paglalakad.
"Natuto ako dahil sayo."
"Natuto ka dahil magaling akong magturo?"
"Natuto ako dahil mah...."
Beep! Beep!
Pareho kaming nagulat ni Leslie nang biglang bumusina ang kotseng biglang huminto sa harapan namin.
Namula si Leslie nang makilala ang sasakyan.
"Ang Kuya Ramon dumating na."
Bumukas ang side mirror ng sasakyan at hindi nga nagkakamali si Leslie ang kuya niya na mukhang galit.
"Go to the car!" mahina nitong sabi habang nakadungaw sa loob ng sasakyan.
Napatingin si Leslie sa akin.
"I said go to the car!" pasigaw na sabi ng kuya ni Leslie dahilan para lalong kabahan si Leslie.
"Joe sige na uuwi na ako."
"Leslie..."
Sumakay na ng kotse si Leslie at mabilis itong pinaharurot ng kuya niya. Alam kong galit na galit ang kuya ni Leslie.
Habang naglalakad sa kalsada ay isip ko pa rin si Leslie. Nagulat ako nang makarinig ako ng busina. Sa paglingon ko nakita ko ang kotse ng kuya ni Leslie. Dahil kita sa salamin kung sino ang nasa loob hindi ako nagkakamali na si Leslie at kuya nito ang nasa loob ng sasakyan. Kitang kita ko na pinipigilan ni Leslie ang kuya niya. Pinipigilan na 'wag akong bundulin. Nakita kong papalapit nang papalapit ang kotse sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko parang huminto ang pagikot ng mundo.
"Takbo!" malakas na sigaw ni Leslie dahilan para magising ako sa kinatatayuan ko. Mabilis akong tumakbo at pilit iniiwasan ang kotseng pilit na bubundol sa akin.
Mabilis ang mga takbong ginawa ko ngunit walang laban sa mabilis na pagharurot ng sasakyan.
Hingal na hingal ako sa pagtakbo at alam kong kanina pa ako nabundol kung hindi pinipigilan ni Leslie ang kuya niya hanggang sa pa ekis ekis na ang takbo ng sasakyan.
Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko na nakayanan. Tuluyan akong nadapa at sumubsob sa kalsada.
Nakita kong paparating na ang sasakyan bubundulin na ako.
Brrrrrrrrh!
Napapikit ako at pakiramdam ko dumilim ang paligid.
Mabilis ang paghingal ko habang nasa harapan ko ang sasakyan. Isang hakbang maiipit na ko ngunit alam kong nakahinto na ang sasakyan. Bumaba ng kotse ang kuya ni Leslie at lumapit sa akin.
"Gusto kitang patayin para layuan mo ang kapatid ko."
"Kuya tama na!" si Leslie na nasa likuran ng kuya niya na patuloy sa pag-iyak.
Tumayo ako mula sa pagkakadapa ko.
"Hindi lang 'yan aabutin mo sa akin kapag hindi mo nilayuan ang kapatid ko."
Hinila si Leslie ng kuya niya papasok ng kotse. Agad nitong piharurot ang sasakyan palayo sa akin.
Habang pinagmamasdan ko ang paglayo ng sasakyan hindi ko napigilan ang magalala para kay Leslie. Alam kong masakit sa kanya ang nagyari.
"Leslie.......mahal kita!" mahina kong sabi.
 Kinagabihan dinaan ko sa pagbabasa ng pocketbook ang sakit na nararamdaman ko.
 "Nangyari na ang nagyari wala na akong magagawa."    
"Kung mahal mo ko hindi mo ako iiwan." Maiyak iyak na sabi ni James habang hawak ang mga kamay ni Lorilie.
"James I need to go....gagawin ko to para sayo."
"Hindi! Hindi ako papayag...."
"James tama na." pagpigil ni Lorilie sa mga yakap ni James.
"James tama na! Bitawan mo ako." Tuluyang nabitiwan ni James sa pagkakayap si Lorilie. Tuluyang nakasakay na ng kotse si Lorilie.
"Lorilie wag....." pero wala ng nagawa si James tuluyan ng....
Hindi ko na naituloy ang pagbasa sa kwento nagkaroon ako ng takot. Takot na baka mangyari sa amin ni Leslie ang nangyari sa kwento sa pocketbook.
"Hindi ko kaya." Mahina kong nasambit sa aking sarili.
"Anak may problema ba?"
 Itinupi ko ang pocketbook at humarap sa nanay. Binuksan ko ang bintana malapit sa kinauupuan ko para makalanghap ng sariwang hangin.
"Ang ganda ng kwento 'Nay."
"Natatakot si James na baka mawala si Lorile dahil malayo agwat nila sa isat-isa."
"Si James o ikaw?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ng nanay.
"Kung nagmamahalan kayo magkalayo man kayo muli kayong magtatagpo."
"Nay!"
"Joe kung mahal ka niya ipaglalaban niya pagibig niya sayo."
Napangiti ako sa sinabi ng nanay.
"Hindi kayo bagay!" Malakas na sabi ng tatay na kanina pa nakikinig sa usapan namin ng nanay.
"Ricardo!" pagpigil ng nanay.
"Yan ang hirap sayo kinokunsente mo ang anak mo."
"Nagmamahal ang anak mo Ricardo."
"Nagmamahal? loko! Pinahihirapan mo lang sarili mo. Ano ibubuhay mo sa kanya. Tama lang na magalit sayo ang kuya ng babaeng 'yun."
"Ricardo ano ba?" pagpigil ng nanay.
"Joe layuan mo na ang babaeng 'yun tangapin mo na hindi kayo para sa isat-isa hahahahahaha." Malakas na tuwawa ang tatay mga tawang kumirot sa aking puso.
"Tay mahal ko siya at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao."
"Mahal? Bakit mahal ka ba niya?"
Hindi ako nakasagot sa tatay na ngayon ay nasa harap ko na.
"Hindi ko alam kung ano nagustuhan sayo ng babaeng 'yun.... Baka tanga din siyang katulad mo."
"Hindi tanga si Leslie at wala kayong karapatang laitin siya." Malakas kong sabi.
"Hindi ka marunong magmahal Joe.."
"Marunong akong magmahal 'Tay...kayo ang hindi marunong magmahal...kayo ang tanga dahil hindi kayo marunong magmahal ng anak."
Pak!
Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ng tatay.
"How dare you to talk to me in that way."
Napatingin ako sa tatay sapo ang aking pisngi.
"Tay alam kong magmahal dahil minahal ko kayo."
"Tama na 'yan Joe pumasok ka na sa kwarto mo." Ang nanay habang hinihila ako papasok ng kwarto.
Isinara ko ang pintuan ng kwarto kahit masakit ang pisngi ko sa pagkakasampal ng tatay ay binalewala ko na lang. Wala ng luha sa aking mga mata. Siguro sanay na ako sa ganitong pangyayari.
Hating-gabi na pero nanatili paring bukas ang aking isipan. May takot akong nararamdaman. Takot sa maaaring mangyari sa amin ni Leslie. Natatakot akong magkalayo kami. Bumangon ako at naisipan kong basahin ang pocketbook na binigay sa akin ni Leslie. Tinitigan ko ang cover ng pocketbook. Isang lalaki at babaeng pawang pinaghiwalay ng tadhana.
Sinimulan kong ipagpatuloy ang pagbabasa. Napangiti ako nang mabasa ko agad ang unang salita. Hindi tulad dati na kailangan ko pang pagisipan kung anong letra ang binubuo ng bawat salita. Malaki siguro ang naitulong ng pag-ibig ko kay Leslie dahil nagkarooon ako ng dahilan para matuto.
"Joe gising na hindi ka ba magsisimba?" naalimpungatan ako sa boses ng nanay na ngayon ay nakatayo malapit sa pintuan. Agad kong tiningnan ang orasan alas-siete na pala ng umaga. Napangiti ako ng makita kong hawak ko pa ang pocketbook nakatulog pala ako sa pagbabasa.
"Sige na bumangon ka na hihintayin kita." Agad na isinara ng nanay ang pintuan na kanina pa nakabihis.
Bumangon ako bitbit ang tuwalya. Medyo napapaihi na rin ako sa mga oras na 'yun.
Lumabas ako ng kwarto at napansin kong nasa labas na ng gate ang nanay. Agad akong tumungo sa banyo para maligo. Hindi pa ako nakakarating ng banyo ay may narinig ako sa kwarto ni Eric.
"Eric 'lika na mahuhuli tayo...tama na 'yan." boses ng babae ang narinig ko malamang nagdala na naman ng babae si Eric.
Pumasok na ako ng banyo para maligo. Kailangan kong magmadali dahil naghihintay ang nanay.
Malamig ang tubig na nagmumula sa shower. Bawat buhos ng tubig ay kaysarap sa pakiramdam. Malapit na akong matapos sa paliligo ng biglang bumukas ang pintuan. Nakalimutan ko pa lang ikandado kanina. Nagulat ako ng isang babae ang pumasok sa banyo, agad kong kinuha ang tumalya para itapis sa hubad kong katawan.
"Ano ginagawa mo dito?" namukhaan ko ang babae. Ang babaeng dinala din ni Eric sa birthday niya.
"Wala tinitingnan ka." mahina nitong sagot.
Sinubukan kong lumabas ng banyo ngunit nakaharang ang babae sa pintuan.
"Sabi ni Eric virgin ka pa raw." Agad nitong sabi at bigla akong niyakap. Gusto kong tumutol pero parang nadadala ako sa init na yakap ng babae. Habang niyayakap ako bigla kong naalala si Leslie at naiisip kong hindi tama ang ginagawa ko. Bigla kong itinulak ang babae sa pagkakayakap sa akin. Pinulot ko ang tuwalya na nalaglag sa sahig at itinapis ko sa aking katawan.
Sa pagkabukas ko ng pintuan lalo akong nagulat nang makita ko ang tatay na nakaabang sa labas ng banyo.
"Tay!"
"Nakakahiya ka talaga!" malakas na sabi ng tatay kasabay nang pagtangkang suntukin ako ngunit mabilis siyang napigilan ni Eric.
"Tay tama na! hayaan niyo na po baka mahuli pa kayo sa lakad ninyo." Si Eric na pinipigilan ang tatay.
"Pagsabihan mo 'yan." agad na tumalikod ang tatay at mabilis na bumaba ng hagdanan. Napatingin lang ako kay Eric habang papasok ng kwarto kasama ang babae. Gusto kong magalit pero hindi ko nagawa. Agad kong naalala ang nanay kaya mabilis akong nagbihis.
"Nay dito na po ako." Sabi ko habang pababa ng hagdanan.
"Mukhang galit ang tatay mo kanina.?"
"Wala po 'yun Nay, tara na po."
Hinila ko ang nanay palabas ng gate at nag abang kami ng masasakyan.
Habang nasa loob kami ng sasakyan panay ang kausap sa akin ng nanay. Siguro sa dami ng iniisip ko hindi ko na alam kung ano ang kinukuwento ng nanay. Naiisip ko si Leslie, ang tatay at si Eric na hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa akin.
"Ano sa tingin mo?"
"Ha? Ano po 'yun Nay?"
"Ano ba iniisip mo at hindi ka nakikinig sa akin."
"Wala po 'Nay."
"Ano ba nangyari kanina?"
"Nakita ng tatay."
"Ang ano?"
"Ang pusa sa loob ng banyo."
Malakas na tumawa ang nanay. Naisip ko parang balewala lang sa kanya na magdala ng babae si Eric. Pakiramdam ko sanay na sanay na siya. Sabagay alam ko naman dati ay maraming babaeng inuuwi ang tatay marahil nasanay na ang nanay.
"Dito na tayo." Sabi ng nanay sabay bayad ng pamasahe.
Bumaba ako ng trisikel kasunod ng nanay habang papalapit kami sa simbahan ay wala akong kibo.
Maraming tao sa simbahan halos lahat masayang nagsisimba.
Umupo kami ng nanay malapit sa altar kung saan kitang kita namin ang paring nagmimisa.
Habang nasa loob ng simbahan ay si Leslie pa rin ang nasa isip ko at may takot at pagalala akong nararamdaman. Ewan ko pero pakiramdam ko natatakot ako sa maaring mangyari.
"In the name of the father......"
Nagtayuan na ang mga tao at doon ko lang napansin na tapos na ang misa. Lumuhod muna ako bago tuluyang umalis sa aking kinauupuan. Hinawakan ako ng nanay sa kamay at dahan dahan kaming lumabas ng simbahan.
Kasabay ng pagtunog ng kampana para sa susunod na misa ang paglitaw ni Leslie. Makakasalubong namin siya ng nanay. Ang tuwa na naramdaman ko ay napalitan ng lungkot ng makita kong kasama ni Leslie ang kuya niya.
Papasok na sila ng simbahan at palabas naman kami ng nanay.
Nagkatinginan kami ni Leslie ngunit wala man lang bakas ng tuwa sa mga mata niya.Naiisip ko marahil kasama niya ang kuya niya. Hindi kami nagkibuan hangang lumampas na kami sa isat-isa.
Lumingon ako kay Leslie ngunit diretso pa rin siyang naglalakad para makahanap nang mauupuan.
Nasa labas na kami ng nanay ngunit hindi pa rin ako mapakali. Gusto kong makausap si Leslie.
"Nay! Mauna na po kayo."
"Ha! Bakit?" takang tanong ng Nanay.
"Mangungumpisal lang po." Dahilan ko kay nanay.
"Sige at ako'y magluluto pa."
Nakasakay na ang nanay sa trisikel at minabuti kong bumalik sa loob ng simbahan. Marami ng tao sa loob ng simbahan ang iba ay minabuti nang nakatayo habang nagsisimba. Sumiksik ako sa mga taong nakatayo makalapit lamang sa kinauupuan ni Leslie.
Kahit gaano kainit dulot sa siksikan ng mga tao ay hindi ko alintana makalapit lang ako kay Leslie. Marahil maraming tao sa loob ng simbahan kaya nabigo akong makita si Leslie. Siguro lumipat sila ng upuan. Dahilan sa maraming tao sa loob ng simbahan ay hindi ko na nagawang makipagsiksikan pa. Minabuti ko na lang na sa labas na lang maghintay. Alam kong hindi ko makakausap si Leslie dahilan sa kasama niya ang kuya niya pero sapat na sa akin na makita ko siya.
Sumandal ako sa isang jeep na nakaparke sa labas ng simbahan. Alam kong madali kong makikita si Leslie palabas ng simbahan dahil katabi ng jeep nito ang kotse nina Leslie.
Nakahinga ako ng maluwag ng unti-unting nagsisilabasan ang mga tao. Inayos ko ang pagkakatayo mula sa pagkakasandig sa sasakyan. Hindi ko man lang namamalayan isang oras na akong naghihintay.
Napangiti ako nang makita ko sina Leslie na palabas ng simbahan. Medyo bumilis ang pagtibok ng aking puso.
Habang papalapit si Leslie sinusubukan kong ngitian siya dahil alam kong makikita niya ako. Bago pa lang siya sumakay ng kotse ay malabong hindi niya ako mapapansin.
Nauna ang kuya niya para buksan ang pintuan ng kotse. Alam kong nakita ako ng kuya niya pero hindi na mahalaga sa akin.
Nginitian ko si Leslie pero ilang saglit lang tumamlay ako. Pakiramdam ko hindi ako nakikita ni Leslie. Imposible!
Sinubukan kong hulihin siya sa mga mata at hindi ako nabigo nagtama ang aming paningin pero isang saglit lang. Parang hindi ako napansin. Nalungkot ako sa pinakita ni Leslie sana kahit isang ngiti lang okay na sa akin. Nagulat ako nang may isang lalaking lumapit sa kanila. Sa porma nito ay parang anak mayaman. Guwapo at maganda ang pangangatawan.
"Ramon kumusta?" bati ng isang lalaki sa kuya ni Leslie.
"Pare kumusta na? heto kararating ko lang mula sa bakasyon."
"Akala ko nga sa amerika kana magtratrabaho."
"Hahahahah! Hindi naman pare." Sagot ng kuya ni Leslie habang inaakbayan si Leslie.
"Siya nga pala pare heto pala ang sister ko."
"Lahi talaga kayo ng mga mestisa pare." Sabay sulyap kay Leslie.
"Leslie heto pala ang kaibigan ko si Justin."
"Hi! Glad to know you Leslie." Sabay abot ng kamay kay Leslie.
Ewan ko ba parang tinutusok ang puso ko sa mga oras na yon lalo ng iabot ni Leslie ang kamay niya kay Justin.
"Ang lambot pala ng kamay mo." Pangiting wika ni Justin.
"Justin is our family friend siya ang sinasabi nina daddy, isang siyang doctor Leslie.....Doctor! hindi basta basta."
Alam kong sinulyapan ako ng kuya ni Leslie. Medyo nailang ako dahil napansin kong malapit lang ako sa kinatatayuan nila.
"Bagay kayo Leslie....binata pa si Justin."
Lalong sumama ang loob ko sa narinig ko lalo pa't nakita kong panay ang ngiti ni Leslie kay Justin.
"Uuwi ng amerika si Leslie bakit di na lang kayo magsabay."
"Good idea papunta din ako sa states."
Parang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. Si Leslie pupunta ng amerika. Hindi! Hindi ko kakayanin....
Beep! Beep!
Nagulat ako sa busina ng jeep na kinasasandalan ko. Maya-maya tumakbo na ito palayo sa akin.
Nanatili akong nakatayo malapit sa kotse nina Leslie.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong kausapin si Leslie pero hindi ko nagawa.
Isang sulyap lang ang hinihingi ko mula kay Leslie ay sapat na para mawala ang pangamba ko. Isang saglit lang... mawawala na ang sama ng loob ko.
Gusto kong tawagin si Leslie habang papasok sila ng kotse.
Lalong lumakas ang pagseselos ko ng sa kotse ni Justin sumakay si Leslie.
Habang papalabas ang kotse sa compound ng simbahan at hindi ko inalis ang paningin ko kay Leslie.
Bakit ganito? Parang hindi niya ako nakikita...parang hindi ako kilala..
Nagkaroon ako ng takot sa maaaring mangyari.
Si Leslie pupunta ng amerika....
Kasabay si Justin.....
"Ahhhhhhhhh!" napasigaw ako sa tindi ng sama ng loob ng nararamdaman ko.
"May problema ba anak?"
Napatulala ako nang lumapit sa akin si Father Martin. Napatingin ako sa paligid....wala na palang tao sa paligid ng simbahan.
"Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pagkabigo."
"Ha!" sambit ko habang namumula sa hiya.
"Halika anak pumasok tayo sa loob." Inakbayan ako ni Father Martin kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa simbahan. Umupo kami malapit sa altar at nakaharap ako kay Father Martin.
"Father wala po akong problema." Dahilan ko sa pari.
"Anak lahat tayo ay may dinadalang suliranin."
"Wala po talaga Father."
"Kanina pa kita pinagmamasdan...kanina pa kita napapansin..."
"Nasasaktan ako.....natatakot po ako."
Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko.
"Kung kayo talaga sa isat-isa....kung kayo ang tinadhana magtatagpo at magtatagpo rin kayo kahit maghiwalay man kayo."
"Pano kung hindi?" agad kong tanong.
"Wag kang mawalan ng pag-asa?"
Napatingin ako kay Father Martin.
"Anak ano man ang mangyari 'wag kang mawalan ng pag-asa."
Tumayo si Father Martin at sumenyas na aalis na siya.
Napatingin ako sa Altar. Marahil sinadya niyang sa harap ng altar ako dalhin para gumaan ang nararamdaman ko.
Naisip ko na baka natatakot lang si Leslie na kausapin o ngitian ako dahil kasama niya ang kuya niya.
Nagkaroon ako ng pag-asa sa naisip ko.
Isa pa alam kong mas pogi ako kaysa kay Justin. Gumanda lang ang porma niya dahil sa kanyang kasuotan.
Gumaan ang pakiramdam ko nang makalabas ako ng simbahan. Pakiramdam ko may pag-asa pa akong makausap si Leslie.
Bukas pupunta ako ng San Mateo. Ilang araw na rin akong hindi sumabay sa mga bata sa klase.
Doon magkikita kami ni Leslie. Sa ayaw at gusto niya kakausapin ko siya. Dapat siyang magpaliwanag kung bakit di niya ko pinansin o mangitian man lang.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong nakaparada ang kotse ng kuya ni Leslie. Hinanap ko ang kotse ni Justin at nakita kong nakapark din malapit sa isang kainan.
Gusto kong pumunta sa kainan kaso naisip ko pang mayaman at baka mapansin ako ng kuya ni Leslie.
"Di bale bukas magkikita naman kami." Naibulong ko sa aking sarili at minabuti ko na lang na umalis sa lugar na 'yun. Naalala ko rin ang sinabi ni Father Martin na kung kayo talaga magtatagpo at magtatagpo rin kayo.
Pinara ko ang jeep na dumaan sa harapan ko at naisipan ko ng umuwi. Habang sakay ng jeep ay naiisip ko si Leslie. Bukas ko malalaman kung ano ang totoo.
Saglit kong ipinikit ang aking mga mata. Pilit kinalilimutan ang sama ng loob at selos na nararamdaman ko.
Alam kong natatakot ako sa pagpasok ni Justin. Paano kaya kung tuluyan na akong layuan ni Leslie.
"Anak ngayon ka lang nakauwi nakapagkumpisal ka ba?" agad na tanong ng nanay ng makauwi ako sa bahay.
"Opo Nay, nakausap ko pa nga si Father Martin."
"Talaga! Alam mo mabait talaga ang paring 'yan...sayang at hindi siya ang nagmisa kanina."
Abala ang Nanay sa pagluluto kaya siguro hindi niya napansin na medyo malungkot ako.
Minabuti kong pumasok sa aking kwarto at nahiga sa kama. Naalala ko ang pocketbook ni Leslie. Kinuha ko ito sa ilalim ng unan at sinimulang ipagpatuloy ang pagbabasa.
Patuloy ang pagtakbo ni James
Pilit hinahabol si Lorilie.
"Lie."
Pero wala na siyang nagawa
Tuluyan ng nakalayo ang kotseng....
Itinigil ko ang pagbabasa pakiramdam ko parang mangyayari sa akin ang nagyari kay James.
Tumayo ako at itinabi ang pocketbook sa aking kabinet. Napansin ko ang aklat na binigay sa akin ni Leslie. Nakasulat sa wikang English. Kahit hindi pa ako bihasa sa pagbabasa sa english ay pilit kong binasa ang pamagat ng aklat.
"Boo-k of m---y ly----f"
Nahirapan ako sa pagbasa kaya minabuti kong ibalik sa kabinet ang libro. Gusto kong basahin sa pagdating ng araw na hindi na ako nahihirapang magbasa.
7:00 PM
Katatapos lang naming maghapunan. Si Nanay na nagsisimula nang maghugas ng pinggan. Ang tatay at si Eric ay agad na nanood ng basketball. Masayang nanonood sina Eric gusto ko mang manood ay hindi ko na nagawa. Siguro baka natatakot lang akong makaistorbo sa kanila.
"Musta pag-aaral mo Eric" tanong ng tatay kay Eric.
"Okay naman po Tay....kayang kaya po."
"Dyan ako bilid sayo nagmana ka sa akin."
"Talaga po."
"Yung mga grades mo binigay na ba?"
"Ah eh, ibibigay pa lang po 'Tay." Napansin kong medyo namula si Eric nang tanungin ng tatay tungkol sa  mga grades niya.
"Tay may project po kami kailangan po ng...."
"Magkano?" hindi pa natatapos si Eric ay alam na agad ng tatay na kailangan niya ng pera.
"P3000 po 'tay." Nagulat ako sa hiningi ni Eric pero mas nagulat ako nang biglang dumukot sa pitaka ang tatay at binigay kay Eric ang pera.
"Tay bait mo talaga."
"Gandahan mo lang ang project."
Tuwang tuwa si Eric habang binibilang ang pera.
Heto na naman ako...kung tutuusin hindi na dapat ako magtampo sa tatay dahil lumang eksena na ito. Pero ewan ko ba kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng sama ng loob.
Lalo akong nagdamdam ng maalala ko si Leslie. Bukas pupuntahan ko siya. Kailangan ko siyang makausap. Kung kinakailangan sabihin ko sa kanya na mahal ko siya gagawin ko. Lahat gagawin ko para kay Leslie.
"Anak baka gusto mo na matulog?" tanong ng nanay nang mapansing nakatulala ako.
"Ha! Sige po papasok na po ako sa kwarto."
Lumabas ako ng kusina at dumeretso sa aking kwarto.
Napansin ko ang picture frame na nakasabit sa dingding ng kwarto. Napangiti ako nang pinagmasdan ko ang Letrato. Bata pa lang kami ni Eric ng kunan ito.
Lumapit ako sa picture frame at pilit kong inabot para kunin. Ngunit hindi sa maipaliwanag biglang nabitawan ko ang picture frame mula sa aking pagkakaabot. Tuloy-tuloy sa sahig hanggang sa nabasag ang salamin ng picture frame.
Agad kong pinulot ang mga basag na salamin. Kinuha ko ang letrato at napansin kong nagasgasan ang mukha ko sa letrato dulot nang pagkakabasag ng salamin.
Kinuha ko ang letrato at muling isinabit sa dingding. Kahit basag na ang salamin ay hinayaan ko pa ring nakasabit sa dinding ng kwarto.
Humiga ako sa kama at pinagmasdan ko ang basag na picture frame. Napansin kong tanggalin man ako sa larawan ay isang pamilya pa rin sina Tatay, Nanay at Eric. Para lamang akong saling pusa sa larawan.
Tumayo ako at naisipang sumilip sa salas. Nakita ko sina Tatay, Nanay at Eric habang masayang nanood ng TV. Masayang naglalambingan habang yakap ni Eric si Nanay. Nakaramdam ako ng konting inggit alam ko kasing sa buong buhay ko hindi ko pa nakakasama sina Eric at Tatay sa isang masayang lambingan.
Sinara ko na ang pintuan at nahiga sa aking kama. Sinimulan kong ipikit ang aking mga mata. Sinimulan kong kalimutan ang sakit na nararamdaman ko.
Inisip ko na lang ang unang halik ko... parang nalalasahan ko pa ang halik ko kay Leslie kaysarap sa pakiramdam.

 

No comments:

Post a Comment