Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Doon Lang - Part A

Note: Espesyal sa akin ang nobelang ito dahil dito ako unang nangarap na maging isang manunulat. Isinulat ko ito sa papel noong hight school ako at naibahagi ko ito sa internet noong 2008. Dito makikita kung paano ako unang nagsulat - ganito ako magsulat noon, kahit maraming grammar error eh sulat lang nang sulat. Dito nag umpisa ang paglawak ng aking imahinasyon....

 
Doon Lang
Sa Panulat ni Jondmur



Panimula

Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na pag-dampya ng hangin sa buo kong katawan. Malamig ang simoy ng hangin, sariwa, kay sarap langhapin. Nilanghap ko ang sariwang hangin na bumabalot sa aking katawan at sa pagdilat ng aking mga mata natanaw ko ang malawak na karagatan. Kay ganda pagmasdan ang bawat pag-agos ng dagat. Iba-iba ang galaw pero iisa lang ang patutunguhan parang buhay ng tao iba-iba ang parangap, iba-iba ang kapalaran pero iisa lang ang patutunguhan - sa kabilang buhay.

Sa di kalayuan sa malaking bato na kinatatayuan ko isang maliit na bato ang aking natanaw. Nabighani ako sa hugis ng bato. Parang isang munting bituing nahulog sa kalangitan. Pinulot ko ang munting bato kasabay nang malalim na buntunghininga.

"Ahhh!" malakas ko na sabi kasabay na paghagis ko sa munting bato sa kalawakan ng dagat. Alam kong malayo ang mararating ng bato. Alam kong bubulusok 'yun sa kailalaliman ng dagat. Parang isang pangarap, malayo ang nararating.

Isang alaala ang pumasok sa aking isipan. Isang alaala na hindi ko makakalimutan. Maaaring mawala sa aking isipan ngunit hindi sa aking puso. Isang nakaraang puno ng pangarap, puno ng pag-asa, puno ng dalamhati at puno ng pag-ibig.

Ngayon sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ang kalawakan ng dagat isang pag-asa ang sumibol sa aking isipan. Gaano man kalayo ang pangarap ko mararating at mararating ko rin dahil hindi ako papayag na hangang doon na lang.

Dito nagsisimula ang aking kwento at minsan ko lang sasabihin. "Sa pag-ibig ako liligaya, doon lang."

Part I

Ako si Joe, edad biente uno. Sa edad kong ito hindi ko pa masasabi na marami na akong nalalaman. Mahirap paniwalaan pero inosente pa ako marahil dahil kulang pa ang aking kaalaman. Hindi kasi ako nakapag-aral, hindi kasi ako pinagaral ng tatay sabi niya mahina raw ang utak ko kahit anong aral 'di ako matututo. Naniwala naman ako.

Pabilis nang pabilis na ang mga hakbang ko halos patakbo na akong naglalakad pauwi sa aming bahay.

" Ay! Ano ba tumingin ka nga sa nilalakaran mo " pasigaw na sabi ng aleng nabangga ko.

"Siensya na po" mahina kong sabi at itinuloy ko na ang aking paglalakad. Napasulyap ako sa aking relo alas-otso na ng umaga. "Lagot!" tanging nasambit ko ng malaman ang oras. "Bagal kasi ng sasakyan dito," pahingal kong sabi.

Nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ko na ang aming bahay. Ilang lakad na lang nasa bakuran na ako. Saglit akong napatigil pinagmasdan ko ang aming bahay. Luma na pero matibay pa. Yari sa nara ang bahay at disenyo pa sa panahon ng mga kastila. Medyo may kalakihan at hindi maitatagong matagal nang naipundar.

"Nay, nandito na po ako." Pasigaw kong sabi habang paakyat ako sa aming hagdanan. Naabutan ko ang nanay habang nagliligpit ng pinagkainan.
"Nay, heto na po ang polo ng tatay. Wala pa kasing sasakyan kanina at hinintay ko pang dumating ang sastre." paliwanag ko sa aking nanay.
Nginitian ako ni nanay at hinawakan ang aking balikat.

"Ok lang 'yun anak" sabay nyang sabi.
'Yan ang nanay ko, si Nanay Ester kahit sa edad na singkwenta anyos 'di mo mababakas ang katandaan sa mukha. Kakampi ko dito sa bahay. Sandalan ko sa mga problema ko.
"Sige na anak, ibigay mo na 'yan sa tatay mo kanina ka pa niya hinihintay."

Natigilan ako nang maalala kong isusuot pa ng tatay ang polong kinuha ko sa bayan.

"Sige po 'Nay punta na ako sa kwarto ng tatay." 

Habang papalapit ako sa kwarto ng tatay parang bumibilis ang kaba ng dibdib ko. Tatlo ang kwarto ng bahay halos magkakasinglaki lang. Sa gitna ang kwarto nina tatay.

Tok! Tok! Tok! Habang kumakatok ako lalong bumibilis ang kaba na nararamdaman ko.

"Pasok!" dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Natagpuan ko ang tatay na nakaupo sa kama.
"Tay, heto na po ang pol...."
" Punyeta kang bata ka! Pasigaw na sabi ng tatay.
"Tay, kasi po..." 'di ko na natapos ang aking sasabihin. Tumayo ang tatay at lumapit sa kinatatayuan ko.
"Akin na! sabay hablot sa polong hawak ko.
"Di mo ba alam na mahuhuli ako sa lakad ko dahil sa kagaguhan mo." Matapang na sabi ng tatay habang tinutulak akong palabas ng pintuan. "Sige na labas baka masipa pa kita" sabay sara ng pintuan.

Natigilan ako parang hindi ako makakilos. 'Yan ang tatay, si Tatay Ricardo, sa edad na singkwenta-singko malakas at matipuno ang pangangatawan. Ganyan ang tatay, bata pa lang ako mainit na ang ulo sa akin. Akala ko likas lang sa kanya ang pagiging istrikto pero nang ipinanganak ang kapatid ko doon ko nalaman na mabuti rin siyang ama sa kapatid ko. Matamlay akong pumunta sa hapag kainan.

"Anak kumain ka na!" wika ng nanay.
"Mamaya na Nay busog pa po ako" sagot ko sa aking nanay. Ang totoo gutom na ako. Tinatamad lang akong kumain.
"Joe pakikuha nga ng uniform ko!" pautos na sabi ni Eric. Kinuha ko ang uniform ni Eric na naka-hanger sa bintana.
"Heto na!" inabot ko ang polo ni Eric kung tutuusin kaya niyang abutin siguro tinamad lang maglakad ng konti kaya ako ang napagutusan. Habang sinusuot ni Eric ang uniform niya hindi ko maiwasang ma-inggit sa kanya. Bagay sa kanya ang suot nya. Lalo syang pumuti at gumanda ang porma ng katawan.
" O 'bat ganyan ka makatingin? Inggit ka no? alam mo kahit mag-suot ka nito hindi ka pa rin tatalino." Mangisi-ngising sabi ni Eric habang nakakainsultong tingin sa akin.

Yan si Eric, ang nakakabatang kapatid ko. Nasa unang taon ng kolehiyo. Nursing ang kinukuha sa Saint's Joseph Academy, isang pribadong university dito sa aming bayan. Malaki ang pagkakaiba namin. Halatang sa tatay nagmana si Eric, nakuha ang hugis ng mukha at pangangatawan nito at ako naman ay kamukha talaga ng Nanay. May lahing kastila kasi ang nanay kaya heto mestiso at maganda ang hubog ng katawan.

Bumaba ako ng bahay para buksan and gate. Dadalhin ng tatay ang kotse sigurado ihahatid muna niya si Eric sa pinapasukan nito.

 "Ester ikaw muna bahala dito aalis na kami." Narinig kong sabi ng tatay habang pababa ng hagdanan.

Sa pagbukas ko ng gate 'di ko maiwasang magselos. Habang nakikita kong magkasama sila ni Eric nalulungkot ako. Siguro dahil hindi ko naranasan na makasama ang tatay. Umalis sila na parang hindi ako nakikita at okay lang 'yun sa akin siguro sanay na ako.

"Ano kaya magandang gawin?" bulong ko sa aking sarili. Umakyat ako sa taas ng bahay. Naabutan kong nagwawalis ang nanay.
"Nay, ako na po dyan." Sabay kuha sa walis na hawak ni nanay.
"Wala ka bang lakad ngayon Joe?"
"Nay, 'san ang punta ng tatay"
"Bakit mo naitanong?" pagtataka na tanong sa akin ng nanay.
"Wala lang po." Mahina kong sagot.
"Anak may aayusin lang ako sa loob ng kwarto ha." sabi ng nanay
"Nay, bakit ganon ang tatay?
"Joe?" tinitigan ako ng nanay siguro alam niya kung ano ang nasa loob ko.
"Mahal ba ako ng tatay"
"Anak mahal ka namin ng tatay mo."
"Nay bakit ganon mas malapit si Eric sa kanya kaysa sa akin?" Niyakap ako ng nanay hinalikan sa pisngi at ngumiti sa akin.
"Bakit anak? Di ba mas malapit ka rin sa akin. Mas close tayo pero mahal ko din kapatid mo. Ganun din ang tatay mo mas malapit kay Eric pero mahal ka rin nya." Napangiti ako sa sinabi ng nanay nagkaroon ng sigla ang buhay ko.
Iyan ang aking pamilya! Ang nanay, ang tatay, si Eric at ako. Isang pamilya na binubuo ng dalawang grupo. Si tatay at si Eric, si nanay at ako. Mas mapalad si Eric mahal siya ng nanay. Ako tatanggapin ko na lang ang pakikitungo sa akin ng tatay. Ang mahalaga mahal ko ang tatay, mahal ko silang lahat.

Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ko ang parke ng bayan. Malinis at sariwa ang hangin.

"Nasaan kaya siya?" tanong ko sa aking sarili.
Hinagilap ng aking paningin ang buong lugar ng parke. Wala pang masyadong tao kaya madali kong mahahanap ang taong hinahanap ko.
 "Alam ko na." tinungo ko ang batuhan malapit sa dagat.
"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" matawa-tawang sabi ko kay Brock. Naabutan ko siyang pinaglalaruan ang mga maliliit na bato.
"Gusto mo sumali?" sabi ni Brock sabay tingin sa akin.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko si Brock. Nakikita kong hinahakot niya ang mga maliliit na bato, hinihiwalay sa malaki.
"Iipunin ko ito!" wika ni Brock.
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya habang umupo ako sa tabi niya.
"Kasi pag dating hapon ibibigay ko."
"Bat mo naman ibibigay?
"Kasi kukunin nila ako kapag 'di ako nagbigay." Sagot ni Brock. Nakita ko sa kanyang mga mata ang takot.
"Ang mga hapon nandon!" pasigaw na sabi ni Brock habang tinuturo ang isang isla sa kalayuan.
"Hala ka kukunin ka, tago tayo." Tumayo si Brock at tumakbo palayo sa akin.
"Habulin mo ko!" pasigaw na sabi ni Brock habang tumatawa.
Mababakas mo sa kanyang mukha ang tuwa. Tumayo ako at hinabol ko si Brock. Nagtakbuhan kami hanggang sa pareho na kaming hiningal sa pagod. Napaupo ako sa isang malaking bato.
"Ahh!" daing ko.
"Ako rin pagod na." sabi ni Brock at tumabi sa akin.
"Alam mo Brock..." 'di ko na itinuloy ang aking sasabihin nakita ko kasing pinagmamasdan ako ni Brock waring alam niya ang nararamdaman ko.
"Lungkot ka ano?" 'wag ka na lungkot kasi 'pag lungkot ka lungkot din brock." Maiyak-iyak na sabi ni Brock.
"Sige hindi na ko lungkot" masayang sabi ko kay Brock at malakas kaming nagtawanan.

Iyan si Brock, isang sinto-sinto. Sabi nila nasiraan daw ng bait nang patayin ang Nanay niya ng kinakasamang hapon. Siguro magkasing edad lang sila ni Eric kaya siguro nagkasundo kami. Alam ko kahit hindi matino ang pagiisip niya may isang bagay na matino sa kanya. Marunong siyang magmahal. Itinuring niya akong kaibigan at kailan man ay hindi niya ako nakalimutan. Kapag nakita niya ako nakikilala niya agad ako. Sa totoo lang ako lang ang kinakausap ni Brock takot siya sa ibang tao marahil sa sobrang panunukso sa kanya at minsan pinagkakatuwaan siya ng mga tambay.

Doon kami unang nagkakilala ni Brock. Minsan isang araw  pinagkatuwaan ng mga tambay sa kanto.
"Pare! Tingnan niyo may sira ulong dadaan" sigaw ng mga tambay sa kanto.
"Oo nga no! lika pare pagkatuwaan natin" sagot ng isa habang papalapit kay brock. Tatlong lalaki ang lumapit sa naglalakad na si Brock.
"Hoy! hoy! hoy! saan ang punta mo ha?" patawang sabi ng isang lalaki habang tinutulak si Brock.

Malakas na tawanan ang naririnig ko sa 'di kalayuan nakita ko kung paano pagkatuwaan si Brock ng mga tambay. Nang makita kong nahihirapan na si Brock at walang kalaban laban agad akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Ano ba tama na 'yan!" pagalit kong sabi sa mga lalaking kanto.
"O may kakampi ang sinto-sinto" at malakas silang nagtawanan.
Agad kong inakay si Brock at lumakad kami papalayo patungo sa parke.
"Wag mo na sila pansinin ha, dito na ko." Malumanay kong sabi kay brock.
"Talaga wala na mga hapon" matakot takot na sabi ni Brock. Napaupo kami sa isang batuhan at nakita kong ngumiti si Brock.
 "Di ka takot sa akin?" tanong sa akin na para bang nagtataka.
"Hindi! Kasi alam ko mabait ka." Agad kong sabi.
 "Ako rin lam Brock bait ka."
"Brock ba pangalan mo?"
"Brock ako." sabay ngiti sa akin ni Brock.
"Ako si Joe!" malakas kong sabi.
"Sige laro tayo!" masayang sabi sa akin ni Brock. Tumayo sa isang malaking bato at doon sumayaw, sumigaw at kumanta. Habang pinagmamasdan ko si Brock 'di ko mapigilan ang matawa.
"Makakasundo ko 'to!" pabulong kong sabi.
"Lika na! tingnan mo yun...." Malakas na sigaw ni Brock sabay turo sa isang isla sa di kalayuan. Lumapit ako kay Brock, inakbayan ko siya at pareho naming tinanaw ang isang isla.
"Pangarap ko makapunta doon" pabulong na sabi ni Brock.
"Talaga! Alam mo pareho pala tayo."
"Tingnan mo Brock, sarap ng hangin, sariwa" at huminga ako ng malalim.
"Lam mo dito bahay ko." Sabi ni Brock.
"Ha! Dito ko nakatira." Gulat na sabi ko kay Brock.
"Dito sa parke nakatira si Brock". agad na sabi ni Brock.
" Lam mo 'di na ko lungkot kasi dito ka na" sumeryososi Brock nakita ko sa mga mukha nya ang kaligayahan.
"Mula sa araw na 'to Joe at Brock kaibigan na" masaya kong sabi kay Brock."
Iyon ang unang pagkakakilala namin ni Brock, pagkakakilalang nauwi sa pagkakaibigan. Isang samahang hindi malilimutan.
"Hoy!" pasigaw na sabi ni Brock, matagal na pala akong nakatulala habang naalala ko ang araw na nagkakilala kami.
"Ano isip mo?" dugtong niya.
"Brock halika!" tumayo ako at niyaya ko siya sa pinakamataas na bahagi ng bato. Itinaas ko ang dalawa kong mga kamay waring gusto kong langhapin ang masarap na hangin. Tumingin ako sa pinakadulo ng dagat at itinuro ko kay Brock.
"Nakikita mo ba ang dulo ng dagat? Pabilog siya diba?"
"Hehehe bilog ang dagat" mangisi-ngising sagot ni Brock habang abala sa pagpupulot ng mga puting bato.

Masaya kong pinagmasdan ang dagat. Sa dagat ko naibubuhos ang mga problema ko. Bawat alon na nakikita ko parang unti-unting nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Sa bawat hampas ng hangin sa katawan ko parang naiiba ang pakiramdam ko. Sa aking paglingon napansin kong wala na si Brock marahil nainip sa kahihintay sa akin at iniwan akong kusa. Alam kong dala niya pauwi ang mga batong napulot niya.

Bumaba ako sa kinatatayuan kong malaking bato. Lumakad ako palayo sa parke. Pinagmasdan ang paligid. Iilan lang ang mga taong naglalakad siguro dahil sa tindi ng sikat ng araw. Alam kong pagsapit ng dapit-hapon unti-unti ng magdadagsa ang mga tao lalo na ang mga magkasing-irog.
Ito ang parke ng bayan. Ang Plaza Maberde, isang lugar na itinuring kong pangalawang tahanan. Dito ako madalas tumambay lalo na kung nalulungkot ako. Dito malaya ako..lahat nagagawa ko. Dito ako nagiging malaya, isang bagay na hindi ko natagpuan sa sariling tahanan.

Part 2

Abala ako sa paglilinis ng buong kabahayan sinigurado kong malinis ang paligid. "Nay ok na po ba?" malakas kong sabi. "Tingnan niyo po makintab na makintab ang sahig" pawisan ako habang nagsasalita. Hawak ko ang basahang may floor wax.

"Joe tama na 'yan! Tingnan mo basa ka na ng pawis." Pag-alalang sambit ng aking nanay nang makitang tuluan ako ng pawis.
"Nay pagkatapos po nito mag wawalis na ako sa labas."
"Pahinga ka muna anak." sambit ng nanay
"Nay bukas na po ang birthday ni Eric, kailangan maayos na po ang lahat."
"Etong batang oo, tingnan mo nga ang linis linis na ng paligid"
"Pero 'Nay.." makulit kong sabi.
"Anak 'di mo na kailangan gawin 'yan."
"Nay gusto ko lang naman po na walang masabi ang mga bisita ni Eric. Bukod na masasarap ang mga luto ninyo malinis pa ang buong bahay." Malambing kong sabi sa aking nanay.
"O sige basta pahinga ka muna at palitan mo ang baro mo."
"Nay oo nga pala ano po ang isusuot natin bukas?" tanong ko sa aking nanay.
"Dadaan si Eric sa mall sigurado bibili 'yun ng mga isusuot natin." pangiting sabi ng nanay. Sa pamilya namin tradisyon na ang magsuot ng bagong damit tuwing may okasyon.
"Joe, punta muna ako sa bayan kinulang ako sa mga rekado." Paalam ng nanay habang bitbit ang malaking basket palabas ng pintuan. "sige po Nay at may aayusin lang po ako."

Pinagmasdan ko ang buong kabahayan, malinis at maayos ang lahat ng mga kasangkapan. Bukas na ang ika-dalawangpung kaarawan ni Eric. Alam kong maaga pa lang marami na siyang bisita. Walang pasok bukas at sigurado akong lahat ng kaibigan at kaklase niya ay magsisidalo.

Masaya ako dahil birthday ni Eric pero alam ko sa aking sarili na may konting inggit akong nararamdaman. Sa aming dalawa siya lang ang nakakapag handa ng marami, ang tatay kasi ang gagastos kaya magarbo. Ako sa tuwing birthday ko masaya na akong nagsisimba kasama ang nanay. Ipaghahanda ako ng nanay ng champorado at iyon na ang pinakahanda ko. Katwiran ng tatay 'di ko na kaylangan maghanda dahil wala naman akong bisita. Noon umiiyak ako dahil sa sama ng loob pero naiisip ko hindi dapat dahil ang mahalaga may bumabati sa akin, ang nanay.

Napaluha ako habang nagpupunas ng salamin. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Mahaba na pala ang buhok ko pero bumagay sa hugis ng mukha ko.
"Sarap siguro magkaroon ng birthday party." naibulong ko sa aking sarili. Pinagmasdan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. "Pogi pala ako!" mangisi-ngisi kong sabi. Sa totoo lang pogi talaga ako. Kung nakapag -aral nga lang siguro ako malamang habulin ako ng mga babae. Sa tindig ko pa lang talo na si Richard Gomez.

Beep! Beep! Beep!

Nataranta ako nang marinig ko ang busina ng kotse ng tatay. Agad akong  bumaba para buksan ang gate.

Beep! Beep! Beep!

Patuloy na busina ng sasakyan. Binuksan ko ang gate at habang papasok ang sasakyan pinagmamasdan ko ito dahil gusto kong makita ang tatay sa pagbaba ng sasakyan. Sa pagsara ko ng gate ay siyang paglabas ng kotse ng tatay. Naka pormal attire ang tatay siguro bilang empleyado sa pinapasukang kumpanya at siguro kaylangan ganon ang kasuotan. Napangiti ako ng makita kong may dalang plastic bag ang tatay siguro ireregalo niya kay Eric. Tuloy-tuloy ang tatay sa pag akyat ng bahay. Sinigurado kong nasa tamang lugar ang sasakyan. Bagong pintura ang sasakyan nagmukhang bago. May nakita akong nakasulat, siguro brand ng sasakyan hindi ko lang mabasa. Sa dulo ng sasakyan napatingin ako. Katabi nito ang isang trisikad. Nilapitan ko at iniurong sinigurado kong hindi mababangga sa oras na umatras ang kotse ng tatay. Ito ang trisikad ko luma na pero matibay pa. Ginagamit ko to sa pamamasyal at minsan kumikita din ako sa pamamgitan ng pamamasada. Dati bike lang to pero humirit ako kay nanay kaya ng minsang nagkapera binilhan nya ko. Kahit na second hand lang masayang masaya na ako.

"Joe buksan mo nga ko" sigaw ni Eric sa labas ng gate. Agad kong binuksan ang gate. Nakita kong maraming dalang plastic bag si Eric siguro mga pinamili niya sa mall.
"Eric tulungan na kita." Sabay kuha sa kanya ng mga pinamili niya.
"Sige i-akyat mo sa bahay at mamaya may ibibigay ako sayo." Lihim akong natuwa sa sinabi ni Eric siguro binilhan niya ko ng maisusuot ko para bukas.
Pinagmasdan ko ang laman ng plastik mga damit ang nasilip ko ang iba mga grocery na. "Nay dito na po si Eric" masaya kong sabi kay nanay.
"O mukhang masaya ka yata." Sagot ng nanay.
"Nay, ang tatay nasan?" si Eric habang papasok ng bahay. Siguro narinig ng tatay ang boses ni Eric kaya pumunta ng salas galing ng kusina. Siguro tiningnan kung ano niluluto
"Dumating na pala ang pogi kong anak." Bati kay Eric ng tatay.
"Tay 'ung regalo ko." sabi ni Eric habang naghuhubad ng sapatos.
"Bakit? Bukas pa birthday mo ha." Panlolokong sabi ng tatay.
"Gusto ko na makita 'tay." Malambing na sabi ni Eric habang tumabi kay Tatay sa pagkakaupo sa sopa.
"Sige dyan ka muna at kukunin ko." tumayo ang tatay at pumasok sa kwarto. Nakita kong tuwang tuwa si Eric waring alam kung ano ang ibibigay ng tatay.
"Eric heto, ingatan mo 'yan ha." Iniabot ng tatay ang regalo kay eric. "Tay ano kaya 'to?" masayang sabi ni Eric habang binubuksan ang kahon ng regalo.
"Yes!" pasigaw na sabi ni Eric.
"Tay, ang ganda!" masayang sigaw ni Eric. Nakita ko ang laman ng regalo, rubber shoes siguro mahal ang bili ng tatay.
"Tay alam ko mahal 'to." Sabay suot sa rubber shoes.
"Tay tingnan mo bagay na bagay sa anak nyo."
"Oo naman basta sayo Eric ibibigay ko lahat ng gusto mo." Sabi ng tatay at inakbayan si Eric.
"Tay ganda talaga, ipapakita ko 'to sa mga kaibigan ko bukas."

Masayang nagkwentuhan sina Tatay at Eric habang ako ay nakatayo lang sa isang sulok at aaminin ko may konting selos akong nararamdaman. Pinagmasdan ko ang rubber shoes na suot ni Eric. Nainggit ako aaminin ko. sa buong buhay ko hindi pa ako nabilhan ng ganong kagandang sapatos. Lumapit ako kay nanay at nakita kong gumagawa ng salad.

"Nay, Joe halika kayo dito." Malakas na sigaw ni eric.
"Anak lika tawag tayo ng kapatid mo." Hinila ako ng nanay papunta sa salas. Naabutan namin si Eric na binubuksan ang mga pinamili niya.
"O, tingnan niyo marami akong pinamili." Pamamayabang ni Eric.
"Nay idag-dag niyo po sa grocery natin." sabay abot sa plastic bag na puno ng grocery. Lihim akong natuwa alam kong may ibibigay sa akin si Eric. Kinuha niya ang isang plastic bag at binuksan.
"Tay, kala niyo kayo lang mag bibigay." Pagkindat na sabi ni Eric.
"Anak ano ba 'yan at maisuot na." malambing na sagot ng tatay.
"Tay bukas na, bukas pa birthday ko." patawang sabi ni Eric. Iniabot niya kay tatay ang isang bagong polo.
"Wow! bait ng anak ko ha." masayang sabi ng tatay habang tinitingnan ang bigay ni Eric. Natuwa ako na parang gusto ko nang malaman kung ano ang ibibigay sa akin ni Eric.
"Para naman sa Nanay kong ubot ng ganda." Inilabas ni Eric ang isang bagong bestida. Maganda ang kulay at nakita ko sa mga mukha ng Nanay ang lubos na kaligayahan.
"Anak salamat at bukas 'eto na ang isusuot ko." sagot ng nanay.
"Siempre Nay, bukas pakilala kita sa mga kaibigan ko." payabang na sabi ni Eric habang pasayaw sayaw na nagsasalita.
"Heto pa, sabay abot kay Nanay ng mga grocery."
"Anak dami mo yatang grocery baka naubos na pera mo nyan."
"Nay, binigyan ako ng tatay kahapon para mamili." Napalunok ako sa narinig ko pera rin pala ng tatay ang pinanggastos ni Eric.
"Oops teka! Joe lika rito." tawag sa akin ni Eric. Natuwa ako syempre baka ibibigay na niya sa akin ang isusuot ko bukas.
May isang plastic bag akong nakita at binuksan 'yun ni Eric.
"Syensya ka na kinulang sa badget kaya 'di kita nabilhan kaya heto na lang...." sabay abot sa akin ng basahan.
"Sige.." mahina kong sagot.
"Pakilinis na lang ng bahay para walang masabi mga kaibigan ko bukas. "

Pakiramdam ko parang gustong sumabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako. Dahan dahan akong umalis patungo sa likod ng bahay habang ang tatay at si Eric ay masayang nagkwekwentuhan.

 Alam kong naramdaman ng nanay ang sakit na nararamdaman ko. Nakita kong nalungkot siya sa ginawa sa akin ni Eric. Hinawakan ko ang basahan bago, malinis halatang bagong bili. Ipinahid ko ito sa salamin ng bintana. Ang dating malinis ngayon ay unti-unting nadudumihan. Kasabay ng pagdumi nito ang pag tulo ng aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Sa bawat pahid ko ng basahan ang siyang pag daloy ng aking mga luha. Sa aking likuran hindi ko napansin na may isang taong lihim na nagmamasid sa akin.

"Anak tahan na!" ang aking nanay habang hinahawakan ang aking balikat pilit hinaharap ako sa kanya.
Hindi ako makatingin pilit kong itinatago ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
 "Anak tama na, heto o tingnan mo." iniabot sa akin ang isang plastic bag. Binuksan ko at isang t-shirt na puti ang nakita ko.
"Binilhan kita kina sa bayan, kaya ako lumabas."
"Nay kahit na wala akong bagong damit para bukas okay lang naman sa akin, kaya lang po sana..." pinahid ng nanay ang mga luha ko sa pamamagitan ng mga palad niya.
"Isuot mo bukas ha, alam ko babagay 'yan sayo." Pangiting sabi ng nanay.
Tiningnan ko ang t-shirt alam kong tama lang ang laki sa akin. Hinawakan ng nanay ang kaliwa kong kamay. Hinawakan niya ng mahigpit.
"Anak mabait ka, sana ipakita mo sa akin na kayang mong magpasensya at magparaya, mahal kita nasasaktan ako kapag nakikita kitang nahihirapan."
Tumulo ang mga luha sa pisngi ni nanay waring nakikiramay sa nararamdaman ko.
"Nanay naman, drama niyo." Mangiti-ngiting sabi ko sabay yakap sa aking nanay. "Nay mahal na mahal ko po kayo" mahina kong bulong.

12:00 AM! Napasulyap ako sa relong nakasabit sa dinding ng kwarto. Hindi ako makatulog kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan. Birthday na ni Eric sigurado maraming bisitang pupunta. Kailangan kong tulungan ang nanay sa paghahanda dahil ako lang ang pwedeng tumulong sa kanya. Ang tatay gabi pa dadating dahil sa meeting ng kumpanya. Sigurado kasama non mga katrabaho at masayang mag iinuman.

 "Sino kaya pwedeng maging bisita ko? tanong ko sa aking sarili. Naisip ko si Brock sigurado sasama sa akin 'yun kapag niyaya ko kaso baka magalit ang tatay tulad noong birthday ko iisa lang daw ang bisita ko sira ulo pa raw. Mula noon hindi ko na pinapapunta si Brock sa bahay. Okay lang sa akin kung pagalitan ako pero kung pati si Brock ay madamay yun ang ayaw kong mangyari. Niyakap ko ang unan mahigpit at malaya kong ipinikit ang aking mga mata. Mamaya simula na ng bagong umaga.

Uhmmm! Naalimpungatan ako. Napasulyap ako sa orasan. 5:30 na ng umaga. Napaupo ako sa kama at iniunat ko ang aking katawan.

 "Ahhhh!" sabay taas ng dalawa kong kamay. Kahit antok pa ako pilit akong tumayo. Kailangan kong tulungan ang nanay sa paghahanda. Lumabas ako ng kwarto na tanging pajama lang ang suot ko. Dumeretso ako ng banyo para maghilamos. Hinawakan ko ang doorknob ng banyo para buksan. Hindi naka lock kaya bigla ko itong binuksan.

"ahhh!" sigaw ng babae." Nakita kong magkayakap sila ni Eric habang hubot-hubad na naliligo.
"Ano ba isara mo nga!" sigaw ni Eric. Agad kong isinara ang pintuan. Di ko inaasahang iyon ang maaabutan ko. Napangiti ako habang naalala ang reaksyon ng dalawa. Para silang natuklaw ng ahas ng makita ko sila. Kasalanan ko ba kung hindi nila ini lock ang banyo.Dumeretso ako sa kusina doon may munting banyo. Pumasok ako para juminggle,  sa banyo pa lang naaamoy ko na ang niluluto ng nanay. Sigurado masarap na menudo ang niluluto ng nanay.

Sa paglabas ko ng banyo hinagilap ko ang nanay natagpuan ko siya sa labas ng bahay. May malaking kaldero na sinisigaan ng apoy.

 "Nay gandang umaga po!" masayang bati ko kay nanay sabay halik sa pawisang mukha.
 "Musta anak masarap ba ang tulog."
"Opo Nay, napanaginipian ko po na ako ang may birthday ngayon tapos ang dami kong bisita." Masaya kong sabi. Pinagmasdan ako ng nanay. Siguro alam niya na nangangarap lang ako.
"Anak maligo ka na para mamaya nakahanda ka na sa pagharap sa mga bisita.
"Tulungan ko pa po ko kayo nay."
"Wag na anak, heto lang namang menudo ang lulutuin ko, ang ibang putahe tatay mo na bahala mag papadeliver na lang."
"Talaga Nay, swerte naman ni Eric Nay."
"Anak 'wag ka na mag isip ng kung ano ano dyan. Maganda nga 'yun hindi na ko mapapagod sa pagluluto diba? Napangiti ang nanay habang kinakausap ako.
"Nay malinis na naman ang bahay siguro ako na lang ang mag hahain mamaya." Sabi ko kay nanay.
"Tutulungan kita anak, sige na maligo ka na."
"Nay alam niyo kanina pagbukas ko ng banyo may dalawang pusa sa loob."
"Ano?, bakit may pusa?" pagtatakang tanong ng nanay.
"Nagulat nga ang pusa Nay sabay takbo palabas." Matawa tawa kong sabi. Siguro hindi alam ng nanay na may babaeng dala si Eric malamang umalis ito kagabi at kumuha ng babae.
"Sige Nay ligo na po ako." Paalam ko kay Nanay habang hinahalo niya ang nilulutong menudo.
"Sige anak, ang pusa baka bumalik." pangiting sabi ng nanay.

Dumeretso ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya. Hinubad ko ang pajamang suot ko.  Itinapis ko ang tuwalya sa aking baywang at lumabas ako ng kwarto. Nakabukas na ang pinto ng banyo malamang natapos na ang dalawang pusa. Pagpasok ko ng banyo agad akong naghubad. Malamig ang tubig na nagmumula sa shower halos manginig ang aking katawan. Sinabon ko ang buo kong katawan sinigurado kong walang matitirang dumi sa aking katawan.
tok! tok! tok! mahihinang katok mula sa labas ng banyo ang narinig ko malamang ang nanay baka may iuutos sa akin. Binuksan ko nang konti ang pintuan at nagulat ako kung sino ang nasa labas.

"Ay! ikaw pala! kaw pala ang kapatid ni Eric." Malambing na sabi ng babae.
"Ahhh...Sige!" mautal na sagot ko habang dahan dahan kong sinasara ang pintuan. Naalala ko wala akong saplot sa katawan. Buti na lang sumilip ako sa pintuan at ulo ko lang ang nakalabas.
"Sandali!" sagot ng babae habang pinipigilan akong isara ang pintuan.
"Gusto mo samahan kita dyan." malambing na  sabi ng babae. Hindi ako makasagot siguro nagulat ako.
"Mae san ka? tawag ni Eric mula sa di kalayuan.
"Dito lang ako honey." sagot ng babae. Agad kong isinara ang pintuan ng banyo. "Ang dalawang pusa nandito pa pala." mangiti-ngiting sabi ko sa aking sarili at agad kong tinapos ang aking pagliligo kailangan kong  tulungan ang nanay sa paghahanda.
Wala na sina Eric nang matapos akong maligo. Naabutan ko ang Nanay na nagaayos ng mga pinggan.
"Nay ako na po dyan." Agaw ko sa mga pingang inaayos ng nanay.
"Anak umalis na ang dalawang pusa." Napatawa ako sa sinabi ng Nanay siguro nakita na niya ang kasama ni Eric.
"Anak, bagay sayo ang suot mo."
"Siempre Nay kayo ang bumili eh." masaya kong sagot.
"Sige anak bilisan natin at maya maya dadating na ang mga kaklase ng kapatid mo."
"Sige po Nay." Sagot ko habang inaayos ang mga pinggang gagamitin.
"Nay heto tapos na po, linis muna ako sa salas natin baka may alikabok na." paalam ko sa nanay.

Nakita ko ang basahang binigay sa akin ni Eric. Kagabi ang puti ng kulay ngayon marumi na tingnan. Pinulot ko ito mula sa sahig. Pinagmasdan ko ang basahan. Ang dating malinis ngayon ay marumi na. Lumapit ako sa lababo at nilabhan ko ito. Sinabon hanggang matanggal ang dumi.

Pumunta ako sa salas para magpunas ng mga alikabok. Isang picture frame ang aking kinuha sinimulang punasan. Family picture namin mga sampung taon na ang nakakaraan. Bata palang kami ni Eric noon. Naalala ko birthday yun ng nanay. Napangiti ako, "Parang kaylan lang..." naibulong ko sa aking sarili. Pinagpatuloy ko ang paglilinis ng bahay sinigurado kong walang alikabok na maiiwan.

11:00 AM

Unti unti ng nagsisidatingan ang mga bisita. Mga grupo ng mga kababaihan at kalalakihan.
"Gandang umaga po" bati ng isang lalaki.
"Sige tuloy kayo 'wag kayong mahiya, maya dadating na si Eric." masayang salubong ng nanay sa mga bisita.

Pinagmasdan ko ang mga bisita ni Eric lahat mapapansin mo na may kaya sa buhay lahat magaganda ang mga kasuotan.
"Pare ganda pala ng Nanay ni Eric" narinig kong sabi ng isang lalaki. Napangiti ako sa narinig ko at pinagmasdan ko ang nanay. Maganda ang Nanay kahit may edad na at lalong tumingkad ang ganda sa suot na bestida. Kinuha ko ang mga pinggan at iniabot sa mga bisita.
"Kain na po tayo, masarap po mga handa namin." Bati ko sa mga bisita habang iniaabot ang mga pinggan.
"Kain na tayo, baka matagal pa si Eric gutoms na me eh!" sambit ng isang babae.
"Sino kaya 'yun? Pogi niya no?" bulong ng isang babae.
"Baka kapatid ni Eric?" sagot ng isa.
"Loka! Walang kapatid si Eric." dugtong ng isa.
Hindi ko na pinansin ang mga narinig ko sa halip ngumiti na lang ako.
"Wag po kayo mahiya kuha na po kayo." Sabay turo sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Unti-unting nagtayuan ang mga bisita patungo sa hapag kainan. Lihim akong natawa sa mga bisita ni Eric. "Ang popormal pero ang tatakaw." Matawa-tawang bulong ko sa aking sarili habang pingmamasdan ko ang mga lalaking malalakas kumain.
 "Kain lang kayo ng kain marami pa sa loob." Malakas kong sabi sa mga bisita. "Pogi may tubig ba kayo." Malambing na sabi ng isang babae habang kumakain.
"Meron po sandali lang." sagot ko
"Mineral ha..." dugtong ng babae.
"Softdrink baka gusto mo?."
"Sige softdrink na lang."
Iniabot ko sa kanya ang isang bote ng coke.
"Ay, hindi na malamig."
"Sige palitan ko na lang." sabi ko sa babae.
"Wag na, sige umalis ka na dyan at kakain pa kami." taboy sa akin
"Mabulunan ka sana." Bulong ko sa aking sarili habang pilit kong pinipigilan ang aking sarili na matawa. Kung alam lang niya na talagang sinadya kong huwag malamig na coke ang ibigay ko.
"Anak, kumuha ka ng salad at ihain mo sa mesa." utos ng nanay.
"Pare parating na sina Eric nagtext sa akin." sigaw ng isang matabang lalaki.
"Sinundo pa yata sina Karen." sagot ng isa.
Inihain ko ang salad sa mesa. Nailang ako dahil alam kong sa akin nakatingin ang mga bisita ni Eric. Nahiya ako sa suot kong damit alam kong hindi 'yun kagandahan sa mga kasuotan nila.
"Siguro wala na siyang pantalon kaya kupas na kupas na." mahinang sabi ng isang babae.
"Sayang gwapo pa naman kaso walang porma." Matawa tawang sabi ng isang kasamahan nila.

Hindi ko na pinansin ang mga narinig ko parang wala akong naririnig. "Salad! baka gusto niyo! paanyaya ko sa mga bisita. Tumalikod ako patungo sa kusina hindi ko napansin na basa ang sahig dulot ng pagkakatapon ng softdrinks at sa aking pag-hakbang.
"Ahhh!" napadulas ako at sumubsod ang buo kong katawan sa sahig at napahiga ako. Kasabay ng pagkakadulas ko ang malakas ng hiyawan.
"Hahahahahaha!"

 Alam kong namula ako sa hiya pero pilit akong tumayo. Bawat tawanan na narinig ko ay parang bumaba ang aking pagkatao. Itinukod ko ang aking braso sa sahig para ako ay makatayo pero parang may sakit akong nararamdaman para hindi ako makatayo. Wala akong naririnig kundi mga tawanan ay sigawan. "Tatayo ako!" matapang kong sagot. "Ahhh!" daing ko. pilit kong itinatayo ang aking sarili pero bakit nahihirapan ako. Isang kamay ang humawak sa akin at tinulungan akong makatayo.

"Okay ka lang ba? Si Eric, habang nakangiti sa akin.
"Salamat ha!." Masaya kong sabi.
"Mga pare tapos na ang palabas." Patawang sabi ni Eric sa mga bisita. "Siguro nag enjoy kayo sa palakang napanood nyo." Patawang sabi ni Eric habang umaapir sa isang kaibigan. Isang malakas na tawanan ang narinig ko.
"Eric sino ba 'yan.? tanong ng babae.
"Kapatid mo ba? tanong ng isa. Napangiti ako sa narinig ko sa halip ipapakilala na ako ni Eric sa mga bisita niya.
Eric kamukha mo kapatid mo siguro." Sabi ng isang lalaki.
"Joe, kuha ka nga ng yelo sa kusina pautos na sabi ni Eric sa akin." Tumalikod ako at lumakad ng padahan.
"Sino yun Eric pogi kasi." Malanding sabi ng isang babae habang umakbay kay eric.
"Si Joe, boy namin dito.. bobo yun hindi nakapag-aral."
"O kainan pa tayo tapos na palabas ng palaka!" Isang malakas na tawanan ang narinig ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.

Nasaktan ako sa narinig ko. Okay lang sana sa akin ang pagtawanan pero ang hindi pagkakakilala sa aking ni Eric bilang kapatid niya ay isang bagay na ikinasama ng loob ko. Lumakad ako palayo gusto kong magsarili muna. Nakaramdam ako ng kirot sa aking mga paa pero 'di ko pinansin itinuloy ko ang pagpunta sa likod bahay. Sa harap ng lumang salamin na nakatago sa likod ng bahay ay pinagmasdan ko ang aking sarili. Napasulyap ako sa aking damit, parang basahan, dating malinis ngayon ay marumi na. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gustong dumaloy sa aking mga mata. "Hindi!" bulong ko sa aking sarili. "Hindi dapat!"

Pumasok ako sa kusina at naabutan ko ang nanay na nagsasalok ng kain.
 "Anak saan ka galing? Lumabas lang ako sandali nawala ka na pagdating ko." tanong ng nanay. "Nagpahangin lang po Nay."
"O, bat marumi ang damit mo?, magpalit ka muna anak."
"Nay ang basahan ginagamit pa kahit na medyo marumi na, ako ganito pa rin walang nagbabago kahit na marumi na ang damit ko, walang magbabago sa akin Nay kahit marumi na ang damit ko."
Napatingin ang nanay sa akin pilit inuunawa ang mga salitang binitiwan ko.
"Anak minsan ang basahan kapag maruming marumi na hindi na pinapansin, ikaw kahit ano pang magyayari di pwedeng hindi kita mapansin. Anak kaya mo 'yan!" niyakap ako ng nanay at di ko napigilan ang mapaluha.
"O, anong drama na naman yan!" napabitaw ako sa pagkakayakap ng Nanay, si Eric habang papasok sa kusina.
"Nay halika sa labas pakilala kita sa mga katropa ko." pahila na sabi ni Eric.
"Mga pare, gusto ko lang ipakilala sa inyo ang pinakamagandang nanay sa buong mundo, si Nanay Ester." Malakas na sabi ni Eric.
"Oo nga pare may pinagmanahan ka."
"O, sige kain lang kain 'wag mahiya marami pa sa loob." Masayang sabi ng nanay.
"Eric paupuin mo muna Nanay mo dito para machika namin." Sigaw ng isa habang pinapaupo si Nanay sa isang upuan. Walang nagawa ang nanay kundi ang maupo at makihalubilo sa mga bisita ni Eric.
 "Aling Ester alam niyo po ba na habulin ng chicks itong si Eric." Masayang sabi ni Ruben, bestfriend ni Eric.
"Pati mga asong gala nagkakagusto." Isang tawanan ang nabuo sa paligid. Mga tawanang hindi mapipigilan, mga tawang kumukurot sa aking puso.
"Sarap sigurong mag-aral maraming makilalang kaibigan," bulong ko sa aking sarili habang lihim na nagmamasid sa aking paligid."

Habang natatapos ang araw maraming bisita ang dumadating, may may nagpapaalam at may dumadating. Abala kami ng nanay sa pagaasikaso sa mga bisita. Sina Eric at mga kaibigan niya ay nasa labas ng bahay habang nag-iinuman.

Sa salas mga grupo ng mga kababaihan at masayang nagkwekwentuhan. Sa isang sulok ng bahay napansin ko ang isang babaeng walang imik, mukhang malungkot. Mula sa kinauupuan ay pinagmamasdan si eric sa labas ng bahay. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Eric, nakita kong may kasama itong babae. Malambing sila sa isat-isa para silang magkarelasyon. Bumalik ang paningin ko sa babae at nakita ko sa mga mukha nito ang lungkot. Parang nasasaktan habang nakatingin kay Eric.

"Jhen ok ka lang ba dyan?" tanong ng isang babae.
"Ok lang ako, wala na kami diba?" malungkot na sabi ni Jhen. Tumayo ito at inayos ang bag na dala.
 "Aling Ester alis na po kami marami pong salamat." Paalam ni Jhen sa aking nanay.

Inihatid ng nanay ang mga bisitang umuwi. Habang papalayo si Jhen nakaramdam ako ng awa. Ganyan talaga si Eric kapag nagsawa na sa babae pilit nitong iniiwan. Parang basahan kapag marumi na hindi na pinapansin.
Mabilis tumakbo ang oras hindi ko namamalayan malapit ng gumabi. Natanaw ko sina Eric na masayang nagiinuman  sa likod-bahay. Maingay na nagbibiruan puro tawanan ang naririnig ko.
Beep! Beep! Beep!
"Ang tatay!" nasabi ko sa aking sarili.
Nakasalubong ko ang tatay paakyat ng hagdanan. Nakita kong marami siyang kasama lahat mukhang mayayaman.
"Ganda pala ng bahay mo amigo, lahat ng gamit ay puro antique, siguro mahal na halaga niyan sa kasalukuyan."
"Lahat ng gamit dito ay puro antique, minana ko pa 'yan sa aking mga ninuno." Pamamayabang ng tatay sa kanyang kaibigan.
Sinalubong  ang nanay sa mga bisita at lumapit kay tatay, hinalikan ng tatay sa pisngi si nanay at
"Mga amigo, heto ang aking butihing asawa, si Ester."
"Kay ganda pala ng asawa mo Ricardo malamang popogi ng mga anak."
"Siyempre amigo kapag nakita mo si Eric malamang magugustuhan mo para sa anak mong babae." Pabiro ng tatay at masaya silang nagtawanan.
"Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa, tikman nyo at siguradong masasarapan kayo." Pagiimbita ng nanay.
"Anak, tawagin mo na si Eric nandito na ang tatay niyo." Pautos na sabi ng nanay sa akin. Natauhan ako sa pagkakatayo ko sa isang sulok agad akong pumunta sa likod ng bahay para tawagin si Eric. Mula sa kalayuan nakita na agad ako ni Eric at mabilis siyang lumapit sa akin.
"Ano ginagawa mo dito? Agad na sabi sa akin ng kapatid ko.
"Kasi tawag ka ng tatay at...."
"Sige susunod na ako." Pataboy na sabi sa  akin ni Eric. Matamlay akong pumasok ng bahay bawat tawanan na naririnig ko ay parang kumukurot sa puso ko.

Sa kusina ako tumuloy pinagmasdan ang mga bisita ng tatay. Si nanay masayang nakikipag kwentuhan sa mga bisita katabi ang tatay. Umakyat na si Eric mula sa ibaba agad siyang sinalubong ng tatay at inakbayan.
"Heto pala anak ko, tingnan niyo mana sa ama, bukod na pogi na matalino pa." Pagmamalaki na sabi ng tatay sa mga bisita.
masaya silang nagbiruan, kwentuhan at yabangan. Ako dito sa isang tabi nanonood, nakikiramdam.
"Picture picture! Sigaw ni Eric habang kinukuha ang kamera sa bag.
"Joe, halika dito picture tayo." Tawag sa akin ni Eric.
"Ha! kayo na lang ayaw kong magpapicture." patanggi kong sabi.
"Sige na Joe, heto picturan mo kami." Binigay sa akin ni eric ang kamera. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumapit sa kanila.
Itinapat ko ang kamera sa mga bisita, masaya sila lahat nakangiti lahat gusto magpakuha. Si tatay, si Nanay at si Eric nasa gitna ng mga bisita.
"Isa, dalawa, apat... a tatlo pala.." mataranta kong sabi. Nagtawanan ang mga bisita.
"One, two, three na lang." sigaw ni eric.
"One, two, three!" sabi ko habang click sa kamera.
"Sige kunan mo kami ni Eric." Sabi ng tatay. Tumayo sila ni Eric at inakbayan siya ng tatay.
"Ok na ba....?" tanong ng tatay
Sa kamera nakita ko ang tatay at si Eric, nanginginig ang mga kamay ko. Nakita kong masaya sila habang nagpapapicture.
"One, two, three!" sabi ko
"Good!" sabi ni Eric habang umaapir kay Tatay.
"Family picture naman amigo." Masayang sabi ng isang bisita.
"Sige... sige, Eric dito kana sa gitna namin ng nanay mo." Sabi ng Tatay. Napatingin ang Nanay sa akin parang gusto akong kausapin sa mga mata.
"Ester maupo ka na dito." Utos ng Tatay.

Itinapat ko ang kamera, si Tatay...si Nanay....si Eric habang nakaupo sa isang tabi at masayang nakangiti hinihintay ang pag shot ng kamera.
"One,two........" mahina kong sabi.
"Three.."
Nagpalakpakan ang mga bisita parang tuwang tuwa sila.
"A perfect family amigo." Sigaw ng isang bisita.
"Joe halika dito tayo naman." tawag sa akin ng Nanay.
"Nay 'wag na po." sagot ko. Lumapit sa akin si Eric at kinuha ang kamera.
"Akin na, sige bumalik ka na sa kusina. Mahinang tugon ni Eric habang kinukuha nag kamera sa aking kamay. Tumalikod ako para pumunta  sa kusina.
"Sino pala 'yan amigo.? Mahinang tanong ng isang bisita
"Si Joe 'yan!" maikling sagot ng tatay.
"Katulong n'yo ba  amigo?
"Ahhhh!" tanging nasambit ng tatay.
"Anak namin!" malakas na sagot ng nanay. Napatingin ang tatay kay nanay ngunit hindi iyon  pinansin ng nanay.
 "Joe halika rito." tawag ng nanay.
"Panganay namin ni Ricardo." Pakilala ng nanay.
"Bueno anak nga namin siya mga amigo, kaso talagang minalas ako dahil bukod may katangahan eh 'di pa maipagmamalaki... tingnan niyo naman magbilang lang eh isa dalawa apat hahaaha,"

Kasabay ng pagkakasabi ng tatay ang malakas na tawanan ng mga bisita. Namula ako sa sobrang kahihiyan parang tumigil ang mundo ko. Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng bahay. Parang mabigat ang dibdib ko. Sa kalsada napahinto ako sa kalalakad. Napasandal ako sa isang sasakyan. Itinukod ko ang aking mga kamay. Sa bawat paghingal ko dulot nang mabilis na paglalakad ay kasabay nang pagpigil ko sa mga luhang gustong pumatak sa aking mga mata.

Sa parke ako tumuloy, lugar na kung saan pwede kong ilabas ang lahat ng sama sa dibdib ko. Sa malayo palang tanaw na ako ni Brock parang alam niyang dadating ako. Nakita kong kumakaway siya sa akin, masaya habang tinatawag ako. Patakbo akong lumapit kay Brock.

 "Lika dito, punta tayo doon..."sabi ko kay Brock habang hinihila ko siyang patakbo.
"Saan punta Brock?" takang tanong sa akin ni Brock. Dinala ko siya sa tambayan namin, sa tabing dagat malapit sa mga malalaking bato.
"Kala ko kung saan na dito lang pala." Mangiti ngiting sabi ni Brock.

Umakyat ako sa batuhan at sumunod sa akin si Brock doon kami ay naupo habang pinagmamasdan ang buong karagatan. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang malamig na simoy na hangin parang gusto kong ibigay sa hangin ang bigat na nararamdaman ko. Napatingin sa akin si Brock waring binabasa ang nasa isipan ko.
"Ikaw lungkot, Brock lungkot din." Maiyak iyak na sabi ni Brock.
"Alam mo minsan pakiramdam ko hindi ako miyembro ng pamilya."
"Hmmm!" daing ni Brock.
"Nasasaktan ako kapag nakikita ko silang masaya, dahil nababalewala ako.....gusto kong pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ko kaya...." Hindi ko napigilan ang umiyak habang nasa malayo ang paningin ko. Gusto kong ibuhos lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.
"Wawa ka naman!.." tanging tugon ni brock. Tumingin ako kay Brock at nakita ko siyang nakatanaw sa malayo may luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.
Ganyan si Brock kapag nakita niya kong masaya nagiging masaya, kapag malungkot nakikiramay din siya sa aking kalungkutan.
"Brock!" mahina kong sabi at lumingon siya sa akin.
"Salamat Brock!"
"Alam mo ako gutom na." agad na sabi ni Brock habang hawak hawak ang tiyan.
"Sige, halika sama ka sa akin punta tayo bahay."
"Bahay? 'Yaw Brock kasi may hapon doon bahay." Takot na sabi ni Brock alam kong tatay ko ang tinutukoy ni Brock.
"Wag ka nang matakot akong bahala sayo." Hinila ko si Brock para tumayo.
"Dami pagkain doon mabubusog ka." Pagkarinig ni Brock sa sinabi ay nawala ang takot sa mukha niya at napalitan ito ng pagkasabik sa pagkain.
Dahan dahan kaming pumasok sa gate at dumeretso sa likod bahay. Alam kong nasa itaas pa ang mga bisita at masayang nag-iinuman. Mula sa ibaba rinig pa namin ang mga tawanan at kwentuhan ng mga bisita.
"Brock 'wag ingay!" mahinang bulong ni Brock sa akin.

Alam ni Brock na magagalit ang Tatay kapag dinala ko siya sa loob ng bahay. Sa likod ng bahay sa dakong bodega pinaupo ko si Brock. Naramdaman ko sa kanya ang pagiingat na wag makagawa ng konting ingay.
"Brock sandali lang ha, dyan ka lang," paalam ko kay Brock. Tumungo ako sa kusina para kumuha ng pagkain naabutan ko ang nanay habang kumukuha ng pulutan.
"Anak, kain na! baka gutom ka na."
"Nay kasama ko si Brock nasa silong ng bahay."
"Ganun ba? Sige heto ibigay mo kay Brock." Sabi ng Nanay habang inaabot sa akin ang isang pinggan ng pansit.
"Marami pa dyan anak kumuha ka na lang ha..."
"Sige po "Nay!" mahina kong sagot.
"Anak paciensyahan mo na kanina, hindi 'yun sinasadya ng Tatay mo."
Napangiti lang ako sa sinabi ng Nanay. Ayaw ko nang isipin pa ang nangyari kanina.
Bumaba na ako dala ang mga pagkaing ibibigay ko kay Brock.

"Brock heto na!" napangiti si Brock nang makita ang mga pagkaing bitbit ko. Wala na akong salitang narinig kay Brock agad niya kong sinalubong at kinuha ang mga dala ko. Tuwang tuwa siya habang kumakain lahat gusto tikman. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko si Brock. Kung hindi lang galit ang tatay baka sa bahay ko na patitirahin si Brock kahit sa silong man lang ay may matutuluyan siya.
"Brock heto ang tubig." Sabi ko kay Brock nang napansin kong mabibilaukan na siya. Hindi ako pinansin ni Brock bagkus itinuloy niya ang pagkain.
"Sar..ap manok!" masayang sabi ni Brock habang kinakagat ang hita ng manok.
"Uminom ka nga muna baka mabilaukan ka." Iniabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig.
"Brock alis na." mahinang sabi ni Brock.
"Brock busog na." agad tumayo si Brock habang nginunguya ang manok.
"Maya abutan tayo ng hapon." Sumang-ayon ako sa sinabi ni Brock baka nga naman makita pa kami ng tatay at magalit pa kay Brock. Niligpit ko agad ang mga pinagkainan ni Brock. Lumabas kami sa silong ng bahay at dahan dahan kaming lumapit sa gate.
"Bat nandito 'yan? nagulat kami ni Brock, si Eric sa isang sulok ng garahe.
"Uhhhh may monster pangit heheheh" patawang sabi ni Brock sabay turo kay Eric.
"Pwede ba ilayo mo sa akin 'yan..." pasigaw na sabi ni Eric.
"Sige na Brock labas na tayo." Inakay ko si brock palabas ng gate.
"Brock uwi ka na ha....bukas kita tayo uli."
Hindi ako pinansin ni Brock tumalikod ito at malakas na kumanta.
"Sa loob ng bahay may isang hapon na ubod ng pangit lalalala"
Palundag lundag na naglalakad si Brock. Si Eric naman ay nakatayo sa aking harapan masakit ang tingin.
"Alam mo konti na lang pareho na kayo, mga sira ulo." Matigas na sabi sa akin ni Eric at umakyat na ito sa hagdanan.
Nanatili ako sa may gate inaalala si brock. Alam kong nasaktan si Brock sa nangyari. Kilala ko na yon dinadaan sa kanta ang mga sama ng loob. Tulad noong birthday ko pinagtabuyan sya ng tatay pakanta kanta syang umalis ng bahay pero ng sumunod ako sa kanya sa parke naabutan ko siyang umiiyak. Hapon ang tawag ni Brock sa Tatay marahil dahil hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya.

Napasulyap ako sa itaas ng bahay maingay pa rin malamang nandoon pa ang mga bisita ng Tatay. Sa likod bahay ako dumaan para hindi ako makita ng mga bisita. Tumuloy  ako sa kwarto at humiga sa kama. Doon nakaramdam ako ng pagod. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at tuluyang nahiga sa aking kama. Napadako ang tingin ko sa isang picture na nakasabit sa dingding ng kwarto, picture ko noong bata pa ako. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili ko. Kung ibabalik ko lang ang kahapon hindi ako papayag na hindi makapag-aral. Kahit ayaw ng tatay sa dahilang hindi ko maintindihan ay hindi ako papayag labag man sa kalooban nito.

Alam kong gusto kong mag aral noon pa kaso talagang ayaw ng Tatay kahit ang Nanay ay walang nagawa. Siguro heto na talaga ang kapalaran ko. Alam kong huli na ang lahat para mag aral ako lalo na kung sa grade one ako papasok dahil matanda na ako para sa grade one. Natawa ako sa iniisip ko ano kaya kung mag aral ako sa grade one ano kaya ang mangyayari. Napangiti ako habang iniisip ko ang mga bagay na ito.

Tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata umaasang may isang magandang panaginip ang mangyayari sa aking pagtulog. Kahit man lang doon ay lumigaya ako, kahit sa panaginip man lang.....

No comments:

Post a Comment