HALOS maghabulan ang mga paa ni Inday habang tinutungo ang bodega. Gumagala ang kanyang mga paningin na tila may hinahanap.
“Inday! Inday! Bilis, lunukin mo na itlog ko,” sigaw ng isang golden bibe.
“Ayyy! A-ano ba kanina pa kita hinahanap. Bilis! Ang itlog,” tarantang tugon niya sa mahiwagang bibe. Pagkakuha sa itlog agad niya itong biniyak sa kanyang ulo saka hinigop ang laman nito.
Biglang binalot ng liwanag ang buong paligid at kasabay niyon ang pagbabago ng kanyang anyo.
Siya na ngayon si Super Inday!
“WEEEEEE!” Napatalon si Zaira nang mapanood sa TV ang favorite old movie niya – ang Super Inday and the Golden Bibe. Bata pa lamang siya ay napapanood na niya ang pelikula ni Maricel Soriano na ngayon ay naging pelikula na ni Marian Rivera.
Bata pa lamang siya mahilig na siya sa mga ganitong eksena. Minsan nga feeling niya may super power siya. Hindi pa kasama doon na minsan sa buhay niya ay nangarap siyang maging member ng Bioman.
Kung saan siya si Pink 5!
Kaya nga tuwang-tuwa siya nang biglang dumating si Super Soeursbelle. Sino ba naman ang maniniwala na sa panahon ngayon ay may kababalaghang nagaganap na dati sa pelikula lang napapanood?
Kaya naman umaasa siya na balang araw magkaroon siya ng super power – ‘yung power na magagamit niya para makuha si Gwapito. Napapikit pa siya nang maalala ang favorite hunk actor niya.
“Sana matagpuan ko na si Gwapito”, wika niya sa kanyang sarili.
Bigla siyang napatili nang marinig ang boses ng nanay niya. Paano ba siya di magugulat, eh tila inagawan ng bag sa palengke ang nanay niya? Malakas pa ang pagkalabog sa gate ng bahay nila na kahit ang natutulog na pusa ay mabubulabog.
“Ano ba ang tagal naman. Buksan mo ‘tong gate,” malakas na sigaw ng nanay niya.
“Nandiyan na po,” tugon niya rito habang binubuksan ang gate.
“O, iluto mo ang itlog para may hapunan tayo.”
“Itlog na naman?”
“Aba,nagreklamo ang prinsesa! Eh, kung regular ba naman ang trabaho mo, eh di sana chicken ang ulam natin,” singhal nito sa kanya.
“Oo na! Iluluto na ang itlog para makakain na ang inang reyna ko,” pilyang sagot niya sa ina na tila natatawa sa mga ikinikilos niya.
SA KUSINA, biniyak niya ang itlog saka inilagay ang laman sa malaking bowl. Kinuha ang tinidor saka dahan dahang binate ang itlog. Pabilis nang pabilis ang kanyang mga kamay na tila nag-eenjoy sa pagbate ng itlog.
Bigla siyang natigilan. Kinuha niya ang isang itlog saka pinagmasdan iyon. Tumulis ang kanyang nguso kasabay ng pagtaas ng kanang kilay. Mayamaya pa, biniyak niya ang itlog saka isinubo ang laman nito.
“Ang l-lansa!” Halos masuka siya pero wala na siyang magagawa dahil nalunok na niya ang laman ng itlog.
Tumingin siya sa malayo saka ubod lakas na sumigaw. “Super Indayyy!”
PAK!
Halos mapasubsob siya sa mesa sa ginawang paghampas sa kanyang batok. Umangat siya ng tingin saka napangiti na lamang dahil umuusok na ang tenga ng kanyang ina.
“Loka loka ka talaga! Ano na naman niyang pinanggagawa mo? Aba, i-fried mo na ang itlog para makakain na tayo,” agad na wika ng kanyang ina.
“Nanay naman! Panira talaga kayo.”
“Panira? Saan? Diyan sa kaka-imagine mo na ikaw si Super Inday, Si Darna, Si Pink 5 o isang prinsesa ng kung sinong prince charming diyan? Naku! Matanda ka na! Gising, Zaira! Gising! Di ka na bata para mangarap ka sa mga ganyang bagay,” litanya ng kanyang ina.
Natahimik na lamang siya. May point naman kasi ang nanay niya – wala na siyang ginawa kundi ang mangarap. Mga pangarap na madalas sa pagsusulat na lamang niya nakukuha ang kasagutan.
Kinuha niya ang kawali saka isinalang sa gasul. Binuhos ang mantika saka hinintay na uminit iyon. Nang lumaon, muli niyang binate ang itlog saka ibinuhos sa kumukulong mantika.
HALOS magtatalon sa tuwa ang tatlong bruhilda habang pinapanood sa malaking kawa ang paghahasik ng lagim ni Bitterman.
“Nagtagumpay ang ating panginoon. Wala nang laban si Super SB! Hihihihi!” masayang wika ng isang bruhilda na kaka-rebond lamang. Sinang-ayunan naman ito ng isa pang bruhilda.
Magsasalita pa sana ang ika-tatlong bruhilda nang makarinig sila ng malakas na sigaw. Bigla silang nagkatinginan saka sabay sabay na naghagikgikan. Nagising na kasi ang unang biktima nila – isang commercial model ng isang sikat na underwear brand.
“Pakawalan n’yo ako dito! Mga bruha kayo!” malakas na sigaw ng binata.
“Hihihi! Isa ako sa bruhildang titikim sa’yo.” Halos lumuwa ang mga mata nito habang nagsasalita. Ang labi ay tila natatakam na matikman ang walang laban na biktima.
“Maawa ka! Lahat ibibigay ko huwag n’yo lamang akong papatayin,” pagmamaka-awa ng lalaki.
Nagkatinginan ang talong bruhilda. Mayamaya, sa pamamagitan ng mahiwagang walis ay nagawa nitong hubaran ang binata hanggang sa bumuluga ang patotoy nito.
“Wow! Perfect!” Halos lumuwa ang mga mata ng isang bruhang naka-high heels. Mababakas sa mukha nito ang labis na pagkatakam sa six pack abs ng binata.
Lumapit ang isang bruhilda na mahilig magbasa ng mga pirated stories. Itinaas ang kanang kamay na tila handang sumakmal sa pagkalalaki ng biktima.
“H-huwag! Kunin mo na ang lahat ‘wag lang ang itlog ko,” agad na wika ng biktima. Mababakas ang labis na takot sa mukha nito.
Kasabay nang pagkulog sa kalangitan ang paguhit ng kidlat. Isang buhay ang nawala kung saan ipinagdiriwang ng tatlong bruhilda ang pagkain ng six pack abs.
TILA tinambol ang dibdib ni Zaira nang mabalitaan niya sa TV ang pagkawala ng isang commercial model. Hinahangaan pa naman niya ang actor dahil sa taglay nitong karisma. Abs pa lang ulam na!
Tinawagan niya si Mia subalit di niya ma-contact. Alam niyang hinahanap na rin siya ng mga kaibigan. Umupo siya sa harap ng computer table niya hanggang sa naisipan niyang tapusin ang mga pending stories niya sa Tagalog Romance Etc. Batid niyang marami na ang nag-aabang sa mga ongoing stories niya.
Bigla siyang natigilan nang maalala ang crush niya. Napangiti siya na halos lumabas na ang mga gilagid niya. Naalala niya ang red lips nito na kay sarap hagkan. “Hay! Sana ligawan niya ako”, aniya sa kanyang sarili.
At the age of 25, no boyfriend since birth siya. Ibig sabihin, isa pa siyang berheng Pilipina na naghahangad ng isang prince charming. Given na roon na minsan na siyang nagmahal pero dahil bading ang first love niya eh nalosyang ang beauty niya.
Buhay nga naman!
Nagulat siya nang makarinig nang pagkalampag sa kabilang silid. Lumabas siya ng kuwarto saka tinungo ang pinagmulan ng ingay. Naabutan niya ang kanyang ina na nagliligpit ng mga gamit.
“O, bakit n’yo po inilalabas ang mga gamit? Akala ko ba gagawin nating bodega ang kuwartong ‘yan?”
“Hay! Naku, Zaira! Naisip ko para magkaroon tayo ng extra income eh ipa-upa natin ang kuwartong ito.” Isang BIG NO ang isinagot niya pero ano pa ba ang magagawa niya? Isa lamang siyang anak na madalas paringgan ng kanyang ina. “Kung regular nga lamang ang trabaho mo eh di sana maganda ang buhay,” dugtong pa nito na siyang ikinasama ng loob niya.
Pumasok siya sa loob ng kanyang kuwarto. Naupo sa kama saka naghintay na sana may biglang magsasalita sa kanyang likuran – isang duwente o isang Fairy God Mother na magbibigay katuparan sa kanyang mga pangarap.
Kasalanan ba niya kung hindi niya kayang ibigay ang lahat? Naging mabuti naman siyang anak pero pakiramdam niya kulang ang lahat kung di niya maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang ina.
Niyakap niya ang unan saka lumapit sa harap ng computer niya. Sa tulong ng mga kaibigan sa TRE o maging sa facebook eh nakakalimutan niya ang mga family drama na nararanasan niya.
Ang galing galing mo naman Zai! Saka ang saya saya mong kausap! Aabangan ko pa ang mga stories mo ha – Mariang adik
Bigla na lamang siyang naiyak. Sa facebook, napupuri siya pero ang sariling pamilya ay ‘di natutuwa sa pagsusulat niya. Maliban pa sa mga bagay bagay na inirereklamo sa kanya. Kasalanan ba niya kung di siya makahanap ng matinong trabaho? Kasalanan ba niya kung hanggang ngayon ‘di niya mabigyan ng apo ang nanay niya?
Tumayo siya saka lumabas para kumuha ng tubig. Nagbabara kasi ang lalamunan niya sa pag-eemote na ginawa niya. Naabutan naman niya ang nanay niya na tila inaayos ang laman ng ref.
“Hay, naku! Ang taas ng kuryente! Kung may kinikita ka lang diyan sa pagsusulat mo ‘di sana nakakalibre tayo. Aba, Zaira! Huwag mong ubusin ang oras mo sa pagsusulat kung ‘di mo magawang bumili ng itlog sa sarili mong bulsa. Lecheng buhay ‘to!”
“Huwag po kayong mag-alala ako na bahala sa kuryente.”
“Mabuti naman! O, kumain ka na. Pinagluto kita ng itlog,” agad na tugon ng kanyang ina na tila natuwa sa sinabi niya.
Pagkatalikod nito ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone saka agad na tinawagan ang kaibigan. Inilahad niya rito ang drama ng buhay niya saka pasimpleng inutangan.
“Ano? Zai, walang problema sa akin ang pera kaya lang sobra na ‘yang mother mo,” wika ni Mia sa kanya sa kabilang linya.
“Ano ba? Pauutangin mo ba ako?”
“May choice ba ako? Pasalamat ka mapera ako.” Nakahinga siya nang maluwag nang ma-solve ang problema niya. “Teka! Kailan ba tayo magkikita? May pag-uusapan pa tayo tungkol kay Super SB?”
“Next week na tayo magkita. Maghahanap muna ako ng trabaho. Kulang kasi ang kinikita ko sa ginagawa natin. Kayo muna ang bahala diyan,” tugon niya sa kaibigan.
“Basta! Yung promise natin na walang dapat maka-alam sa tunay na pagkatao ni Super SB ha?”
“Oo naman!” Ibinaba niya ang cellphone niya dahil naubusan na siya ng load. Naghintay siya na tawagan ng kaibigan pero namuti na ang mata niya sa kahihintay. Nakalimutan niya na kuripot pala ito pagdating sa load.
“Makakain na nga,” wika niya sabay kuha sa nilagang itlog. “Pinagluto daw? Baka pinag-laga ng itlog?” Tumaas ang kilay niya habang kinakain ang itlog. “Masarap siya,” dugtong niya habang nilalasap ang sarap ng nilagang itlog.
SA Penguin Wonderlands, tila binabalutan ng labis na pag-alala si Penguin. Ayon sa imporamasyong nakalap niya ay patuloy na ang pambibiktima ng tatlong bruhilda sa mga kalahi ni Adan.
“Opo! Ayon kay Simsimi, mahilig ang tatlong bruhilda sa mga lalaking may six pack abs. Natatakot po ako Master Xehan baka isa ako sa mabitikma.” May kumislap sa di kalayuan hanggang sa lumitaw ang isang lalaking tila nababalutan ng mga makakapal na usok.
“Huwag kang mag-alala Penguin! Isang babae ang makakatalo sa tatlong bruhilda.”
“Sino po?”
“Yan ang mission mo! Maliban kay Super SB ay may isang Pinay super hero ang nakatakdang magsagip sa mga lahi ni Adan. Hanapin mo siya at ibigay ang special power na nararapat sa kanya.”
“Masusunod Master Xehan!” wika ni Penguin bago nag-jump jump palayo sa kaharian ng Penguin Wonderlands. Kailangan na niyang tumungo sa mundo ng mga mortal para hanapin ang nag-iisang pinay super hero na mapipili niya.
TUMAYO si Zaira mula sa pagkakaupo sa harap ng bintana. Itinaas niya ang kanyang mga kamay saka inamoy ang kili kili niya. Hindi kasi siya naligo kanina dahil maaga pa lamang nagtatalak na ang nanay niya sa taas ng singil ng tubig.
“Ang dungis dungis ko na,” mahina niyang wika sa kanyang sarili na sumabay lamang sa malalakas na katok sa pinto. “Nandiyan na po,” tugon niya sa kumakatok na tila butiking ‘di mapakali sa sobrang pag-aapurang mabuksan ang pinto.
“Maglinis ka muna dahil may titingin sa kabilang kuwarto,” agad na wika ng kanyang ina.
“Titingin?”
“Pinaupahan ko na ang kabilang kuwarto. Ngayon pa na wala kang trabaho, aba! Kailangan natin ng extra income.”
“Nay naman! Diba sabi ko sa inyo maghahanap ako. Isa pa ‘di tayo sure sa mga taong titira sa bahay natin.” Kinapa niya ang kanyang dibdib saka pumikit na tila nasasaniban. “Paano na lang kung pagsamantalahan niya ang birhen kong katawan?” Isang batok ang natanggap niya na siyang ikinatahimik niya.
“Basta! Maglinis ka. Parating na iyon.”
“A-ayoko! Kung kinakailangan na takutin ko ang titira dito eh gagawin ko,” banta niya sa ina pero di na siya pinansin nito dahil may kumatok na sa pintuan ng bahay. Lalo siyang nainis nang matuklasan dumating na ang uupa ng silid.
Agad siyang tumakbo papasok sa vacant room. Ikinalat niya ang mga gamit roon saka ikinalat ang basurahan. Natatawa siya sa kanyang ginawa dahil tiyak niyang magdadalawang isip ang sinumang uupa rito.
“Tingnan ko lang kung di magbago ang isip mo kung makita mong ang dumi dumi ng kuwarto,” malademonyitang wika niya sa sarili. Ang totoo kasi ayaw niyang mahaluan ng ibang tao ang bahay nila. Hindi dahil sa ayaw niya ng extra income kundi ayaw lang niya na may ibang taong nakatira sa bahay nila.
Kahit magbayad pa!
“Iho, pasok ka!” Pareho silang nagulat ng kanyang ina. Nagulat ito dahil sa mga basurang nakakalat sa sahig. Kulang na lang umusok ang mga tenga nito sa ginawa niya. “Naku, pasensya ka na, ang kalat kalat kasi,” sabi ng ina niya sa lalaking kasama nito.
Lumingon sa kanya ang binata. At doon lamang niya natuklasan na tila lumuluwag ang garter ng panty niya.
Homaygulay!
Ang gwapo ng lalaki na siyang bumuhay sa katawang lupa niya. Kulang na lang hubarin niya ang shirt nito para makita kung nagtataglay ito ng six pack abs.
“Siguro nga tama ang anak ko. Pasensya na iho pero nagbago ang isip ko di ko na ipapaupa ang kuwartong ito,” dugtong ng kanyang ina.
“Wait!” agad niyang wika. Lumapit siya sa ina saka inakbayan ito. “Nay, baka matagalan pa ako sa pag-aaply. Kayo na rin ang nagsabi na kailangan n’yo ng extra income.”
Tumalikod siya para ikubli ang kanyang mga ngiti. At lalo siyang natuwa nang magbigay ng down payment ang gwapong binata.
OMG! Ito na ba ang simula ng kanyang love story?
Kinabukasan, maaga siyang nagising dahil inaabangan niya ang pagligo ni Gwapito. Nabalitaan niya kasi na maaga ang pasok nito sa pinapasukang kumpanya. Pagkalabas ng silid ay tila kiniliti ang kanyang puso.
Si Gwapito naka-tapis lamang ng tuwalya habang nagluluto. Tatalikod pa sana siya nang bigla siyang tinawag nito.
“Ate, kumuha ako ng itlog sa ref ninyo. Bayaran ko na lang ha,” kaswal na wika nito sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung tatawaging ate ang isang magandang dilag na katulad niya?
“Sige po kuya kuha lang diyan,” ganting wika niya sa binata na tila nainis sa pagtawag niyang kuya. Lumapit siya sa kusina para bilangin ang itlog na nakuha nito. “Mahilig ka pala sa itlog?” kaswal na tanong niya sa binata.
Napataas ang kilay niya nang ‘di na ito umimik. Seryoso ang mukha na siyang nagpakilig sa kanya. Nagwa-gwapuhan kasi siya sa mga lalaking medyo suplado ang dating. Nakakalaglag panty sa pakiramdam niya.
Bumaba ang paningin niya hanggang sa tumutok iyon sa behind ng lalaki. Ang tambok! bulong niya sa kanyang sarili. At halos mabulunan siya nang bigla itong humarap sa kanya.
Sapul ng paningin niya ang six pack abs nito. Kulang na lang kapain niya ito sa sobrang excitement.
Nakakagigil kasi ang taglay nitong kagwapuhan! Parang mga lalaki sa mga pocketbook na nababasa niya – isang Adonis na wala ka nang hahanapin pa.
“Yes? May problema ba?” Biglang bumalik sa katinuan ang isip niya. Nahagip niya ang itlog sa kamay ng binata na tila babasagin na para batihin sa malaking bowl.
“Ah-ahmm! Gusto mo ako na magbate sa itlog mo?”
What!
Nataranta na ang ating bida kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Ang good news, pumayag si Gwapito na siya na ang magbate sa itlog.
Pabilis nang pabilis!
“Perfect! Ang sarap mo palang magluto ng itlog. Thanks ha!” wika sa kanya ni Gwapito matapos matikman ang itlog na siya na rin ang nag-fried.
Hay! Nalalapit na ang simula ng kanyang love story na tiyak na kaiingitan ng TRES Marias. At yun ang aabangan ng lahat!
“Go! Zaira! Go!” malanding wika niya habang iginigiling ang balakang niya na tila sumasayaw ng ‘Teach Me How To Dougie’. Like na like niya ang eksenang naganap. Kung kaya lamang niyang i-fast forward ang love story niya ay kanina pa niya ginawa.
Sana next chapter na!
JONDMUR'S
Super Zaira, and the Magical Penguin
No comments:
Post a Comment