HALOS dumugin ang mga tao ang tindahan ng kanyang ina. Hindi dahil sa itlog nitong tinda kundi para makakuha ng ilang detalye tungkol sa Thrilla sa MOA. Halos umusok ang tenga niya sa tindi ng galit – pinapalaki kasi ang issue kaya napag-uusapan na siya sa buong Pilipinas.
Isang kurot sa singit ang natanggap ni Zaira. Ang masaklap may kasamang buhok na siyang nagpa-iyak sa kanya. Labis pa siyang nasaktan nang matuklasang may nakakita sa ginawa sa kanya ng nanay niya.
“Aling Sonia wawa naman ang petchay baka malanta,” panunukso ng isang babaeng nangungutang ng itlog.
Sa labis na sama ng loob ay patakbo niyang nilisan ang tindahan ng kanyang ina. Malapit lamang ito sa bahay nila pero minabuti niyang sa gubat siya magpalipas ng sama ng loob. Halos maghabulan ang kanyang mga paa hanggang marating niya ang puno ng Acacia. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mapaluhod na siya.
Ang totoo mas nasasaktan siya sa pagpapahiya sa kanya ng kanyang nanay. Kayang-kaya na niya ang mga issue na kinasasangkutan niya ngayon pero ang kurutin ang singit niya sa harap ng ibang tao ay hindi niya matanggap.
Humagulhol siya nang humagulhol nang may biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Agad niya itong nilingon hanggang sa tumambad sa kanya ang isang nilalang na minsan na niyang nakita.
“Ikaw? E-engkanto ka no?” Binalot ng takot ang puso niya. Akma na siyang sisigaw nang mapansing sumasayaw ang nilalang. “Infairness, ang cute mo!”
Sa dahilang hindi niya alam ay tila gumaan ang pakiramdam niya sa naiibang nilalang. Hindi niya matukoy kung ito ba ay isda o isang uri ng ibon. At ang ikinatutuwa pa niya ay may kakayahan itong magsalita.
“Ako si Penguin!” saad nito na siyang nagpangiti sa kanya.
“Halika nga dito.” Agad naman lumapit sa kanya ang nilalang na siyang ikinatuwa niya. “Hugs!” dugtong niya habang hinihimas ang ulo ng penguin.
Bigla niyang naalala ang ilang pelikula ni Maricel Soriano kung saan may nakaka-usap itong duwende o kakaibang nilalang. Bigla niyang binitiwan ang penguin na tila nasasarapan sa paghimas niya sa ulo nito.
“Bakit?”
“Nakakahalata na ako! Sinusundan mo ba ako? Tatlong beses na kitang nakita sa bintana,” sabi niya habang tinitingnan niya ito sa mata.
“Matagal na kitang gustong maka-usap para sabihin sa’yo na ikaw ang napili ko para maging isang Pinay super hero.”
“Agad-agad? At paano ako magkaka-powers?”
“Kakainin mo ang itlog ko!”
“W-what?” Halos lumaki na ang bunganga niya sa pagka-shock. “A-yoko ko! Ayoko! A-ayokooooo!”
Tumalikod siya saka agad na naglakad. Akala niya sinusundan siya ng penguin pero nagkamali siya. “Tingnan mo ang penguin bigla na lang nag-exit. Basta! Zaira, huwag kakain ng itlog ng penguin! Period!”
LAKING pasalamat ni Noorell nang mapanood ang video – kitang kita sa nasabing video ang pagkakasabunot sa kanya ng babae. Bigla siyang napangiti habang kumakain ng ampalaya.
Tumayo siya saka kumuha ng baso. Nilagyan niya ito ng ampalaya juice na gawa pa sa America. Bata pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang kumain ng ampalaya kaya naman laking pasasalamat niya nang ma-discover niya ang ampalaya juice na siyang nagpapatanggal sa stress niya.
Tumunog ang kanyang cellphone at labis ang tuwa niya nang matuklasang tinatawagan siya ni Andrew. Ayon sa binata, kilala niya ang babaeng nanakit sa kanya. “Talaga?” Umiyak siya para makuha ang loob ng binata. “Sinaktan niya ako Andrew. Kung naroon ka lang sana pinagtanggol mo ako,” dugtong niya habang kina-career ang pag-eemote niya.
HINDI naman makapaniwala si Andrew na magagawa ni Zaira ang makipag-away sa loob ng isang mall. Kilala niya si Noorell kaya alam niya na may dahilan si Zaira na sabunutan ito. Tinawagan niya ito para makakuha ng detalye, at sa tingin niya ito ang nagsimula ng gulo.
Bigla siyang napangiti nang maalala ang napanood sa youtube – kitang-kita roon kung paano hilain ni Zaira ang mahabang buhok ni Noorell. Natutuwa siya sa ginawa ng dalaga. Isa kasi sa mga tipo niyang babae ang tulad ni Zaira, isang babaeng palaban at di basta nagpapatalo.
Lumabas siya saka tumungo sa kusina. Kumuha ng tubig sa ref saka agad na uminom. Paglingon niya nahagip niya mula sa bintana si Zaira. Naka-upo ito malapit sa poso na tila nag-eemote.
Nilapitan niya ito para kumustahin. “Kumusta ka na?” bati niya rito.
“Bakit? Magpapalaga ka ba ng itlog?” Natawa na lamang siya sa isinagot nito sa kanya. Umupo siya sa tabi nito saka hinawakan ang kanang kamay.
“Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Alam ko naman na hindi ikaw ang nagsimula ng gulo. Kilala ko ang babaeng ‘yun kaya alam ko na siya ang nagsimula ng bakbakan,” dugtong niya na sinabayan niya ng isang matamis na ngiti.
HALOS mapaihi si Zaira sa sobrang pagkakilig na nararamdaman niya. Ang totoo, mas natutuwa pa siya sa holding hands nila ni Gwapito na parang nakalimutan na nitong bitiwan ang kanang kamay niya. Sumisigaw ang puso niya na tila nagugustuhan ang eksenang nagaganap sa kanyang buhay. Gusto nyang bawiin ang kamay niya kaya lang ayaw ng puso niya. “Zaira, mag-behave ka!” bulong niya sa kanyang sarili.
Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan(o) huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan(o) huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Hinila siya nang lalaki hanggang sa mapatayo na sila. Napakapit naman siya sa magkabilang balikat nito.
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!
Natigilan siya nang matuklasang gahibla na lang ang layo ng kanilang mga labi. Hindi niya alam kung pipikit ba siya o hahayaan niyang nakadilat ang kanyang mga mata. Kinakabahan siya sa dahilang hindi niya maipaliwanag.
Bumibilis ang tibok ng puso niya na tila ngayon lamang niya naramdaman. Agad naman niyang ibinuka ang kanyang mga labi nang makitang palapit na nang palapit ang mga labi ng binata.
Napayakap siya rito hanggang sa maramdaman ang isang matigas na bagay na bumubunggo sa hita niya.
OMG! Ano ‘yun?
Mahina niyang naitulak ang binata hanggang sa matauhan ito. Namula pa ang mukha nito na siyang ikinatuwa niya. Ilang saglit pa, lumapit siya rito hanggang sa magtama muli ang kanilang mga mata. “Hindi ba natin itutuloy?”
Hinimas niya ang mukha nito. Masuyong pinagmasdan hanggang sa magdikit ang kanilang mga ilong. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng kanyang puso hanggang sa mapaiyak siya sa dahilang hindi niya alam.
“I’m sorry!” puno ng pag-alalang wika sa kanya ng lalaki. Pinahiran pa nito ang luha niya hanggang sa mabasa ang panyong hawak nito. “Bakit ka ba umiiyak? Hindi pa naman kita nahahalikan.”
“Bakit natin ito ginagawa? Hindi mo pa nga ako nililigawan.” Tumalikod siya para itago ang mga ngiti niya sa labi. Ang totoo, naiiyak siya sa sobrang kaligayahan. Umaapaw sa tuwa ang puso niya kaya di niya napigilan ang maluha sa harap ng lalaki.
“Ganito ako manligaw,” kaswal na sagot sa kanya ng binata. Umabot na sa tenga niya ang kanyang mga ngiti.
“Paano na ang EX mo? Hindi ka ba nagagalit sa akin kasi kamuntikan ko nang kinalbo ang babaeng ‘yun?”
“Gaya ng sabi mo, EX ko na lang siya kaya binura ko na siya sa buhay ko. Zaira, gusto kita!”
Nakagat niya ang kanyang labi. “Pag-iisipan ko pa. Please give me more time,” tugon niya saka agad na pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok agad niyang isinara ang pinto ng kanyang kuwarto saka agad na nagtatalon sa sobrang tuwa. Pumatong pa siya sa kama saka agad na tumalon. “Eeeeeeee! May love life na ako!”
Kumembot ulit siya saka agad na nag-split. Pagkatayo niya nagulat siya nang biglang lumitaw si Penguin.
“Kapag sinabi ni Gwapito na mahal ka niya, huwag kang maniwala kasi binobola ka lang niya,” agad na wika ng pasaway na Penguin.
“Tse! Pwede ba huwag kang kontrabida!”
“Bakit, totoo naman! Gusto lang niyang maka-score sa’yo kaya sabi niya like ka niya. May papikit-pikit ka pang nalalaman kanina,” agad na wika nito sa kanya.
“Alam mo ikaw tsismoso ka rin! At sino ang nagsabi sa’yo na makinig ka sa usapan namin?”
“Sorry na! Eh, hindi lang naman ako ang nakakita pati na rin ang mga kapit-bahay n’yo. Sure ako nasa youtube na naman ‘yan.”
Tumulis ang kanyang nguso nang maalala ang issue na kinasasangkutan niya. Bigla siyang napa-upo sa kama saka agad na umiyak. Na-trauma na yata siya sa malaking bakbakang naganap sa MOA.
“Kaka-lorkey na! Ang sama-sama ng tingin nila sa akin. Paano ko ipapaliwanag na hindi iyon ang unang nangyari. Sinipa ako kaya nagdilim ang paningin ko.”
“Huwag kang mag-alala nasa akin ang full video.”
“Whe?”
“Ako pa!” pagmamalaki na tugon ng Penguin habang nag jump-jump ito sa ibabaw ng kama niya.
“Nasaan?”
“Ibibigay ko lamang siya sa’yo kung kakainin mo ang itlog ko?”
“I-itlog na naman? A-ayoko!”
“At kailan ka pa nagsawa sa itlog? Siguro nga kahit itlog ni Gwapito eh kakainin mo.” Napatili naman siya sa sinabi nito. Kinikilig siya sa mga naiisip niya. “Kaya kung gusto mong maayos ang issue papayag ka na sa kagustuhan ko.
“Di ko na kailangang maging super hero kasi nandiyan na si Super SB,” agad na sagot niya sa makulit na Penguin.
“Alam ko! Kaya lang ang isang tulad mo lang ang makakatalo sa tatlong bruhilda?”
“As in mga bruha? Naku! Kakalbuhin ko lang mga ‘yun,” wika niya na sinabayan ng isang halakhak.
“Kakalbuhin mo ang kilay?”
“Hindi! Sa petchay ko sila kakalbuhin,” malakas niyang tugon na sinabayan niya ng isang malutong na halakhak.
Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto. Iniluwa naman ng pinto ang nanay niya na tila nagtataka kung sino ang kausap niya.
“Aba, Zaira! Kung makatawa ka akala mo may kausap ka. Nababaliw ka na yata,” agad na sabi nito sa kanya. Agad naman niyang napansin ang bagong damit ng kanyang nanay. Naka-fitted blouse ito saka naka mini-skirt. Bumata tuloy ang mukha nito ng sampung taon. Feeling niya mas nagmukhang dalaga pa ito kaysa sa kanya.
“Aba, mukhang rarampa ang nanay ko ah,” tugon niya rito na sinamahan niya ng isang matamis na ngiti. Tumayo siya saka hinagkan ang ina. “Ang bango bango naman ng nanay ko,” dugtong niya habang niyayakap ito.
“Tama na! Baka magusot ang damit ko. Ikaw muna ang bahala sa mga itlog ha. I-deliver mo ung isang basket sa palengke. “Aalis na ako,” paalam nito sa kanya.
“Saan ba kayo pupunta?”
“May ballroom dancing kami.” Napataas ang kilay niya. “Sige, baka hinihintay na ako ng DI ko.”
“As in dance instructor? Aba, baka talunin n’yo si Mommy Dionisia n’yan,” biro niya sa nanay Sonia niya. “Nay, naman! Baka mapunit ang mini skirt n’yo sa pagsayaw n’yo.”
“Magpapalit ako! Syempre, iba ang damit pag sasayaw na.” Napangiti na lamang siya nang maka-alis na ang nanay niya. Natutuwa siya dahil nag-eenjoy ang nanay niya. At higit sa lahat napupunta ang atensyon nito sa pagsasayaw kaya nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.
Lumingon siya saka natawa nang makita ang penguin. Hindi ito gumagalaw kaya iisipin mong isang stuff toy. “Hoy! Tama na ang acting! Wala na si nanay,” wika niya sa penguin na ngayon ay tumatalon talon na.
NAPAPANGITI naman si Andrew habang umiihi sa puno ng Mangga. Malinaw pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanila ni Zaira – ang kamuntikan nilang kissing scene. Kakaiba ang babae sa lahat ng babaeng nakilala niya kaya madaling nahulog ang loob niya sa dalaga.
Huminga siya nang malalim saka nag-shake-shake siya matapos maka-ihi sa puno ng mangga. Inayos niya ang pagkaka-zipper ng shorts niya. Ilang saglit pa, tumungo siya sa kusina. Nakita niya si Zaira na bitbit ang isang basket na puno ng itlog. Tatawagin niya sana ito kaya lang agad itong nakalabas ng bahay na tila nagmamadali.
Hindi na yata siya napansin nito dahil nakatalikod ito habang naglalakad palabas ng bahay. Bigla siyang napangiti nang makita ang mga itlog sa mesa. Kumislap ang kanyang mga mata sa sopresang naisip niya.
PAKANTA-KANTA pa si Zaira habang naglalakad sa palengke. Ang mga tao ay sa kanya nakatingin; hindi dahil sa kilala na siya sa palengke kundi sikat na sikat siya dahil sa naganap na Thrilla sa MOA.
“Ang tapang-tapang mo talaga, Zaira!” sigaw ng isang tindera ng gulay. Ngumiti na lamang siya saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
“Itlog kayo diyan! Kakalabas sa puwet ng manok. Mainit-init pa!” malakas niyang sigaw. Natatawa pa siya dahil tila nagulat ang suki nila sa palengke.
“Naku, ikaw pala! Nasaan ang nanay mo?” bati sa kanya ng tindera saka kinuha ang dala niyang basket. “Ang ganda mo ngayon, mukhang in love ka ah,” dugtong nito.
“Naku! Hindi naman masyado!” Sige po, babalik na ako sa bahay.”
“Teka! Alam mo ba napanood ko sa TV Patrol ang Thrilla sa MOA. Naku! Buti na lang di ka nademanda.”
“Subukan lang ng babaeng ‘yun na magdemanda dahil ako mismo ang kakalbo sa kanya. Saka hindi po ‘yun ang unang scene. Siya po talaga ang unang naghamon ng away,” inis na tugon niya.
Tumalikod na lamang siya saka masayang naglakad. Ayaw niyang masira ang araw niya dahil sa naganap na bakbakan. “Zaira, smile!” aniya sa kanyang sarili habang naglalakad sa gitna ng gulayan.
SA Penguin Wonderland, minabuti ni Master Xehan na kausapin ang reyna ng impomasyon na si Simsimi. Nababatid niya na masasagot nito ang lahat ng mga katanungan na gumugulo sa isipan niya.
Master Xehan: Kilala mo ba si Zaira?
Simsimi: Oo! Yung pangalawang aswang na mahilig magsulat ng nobela sa TRE. Hate na hate niya si Claudine Barretto.
Master Xehan: Ang ibig kong sabihin, sa tingin mo ba karapat-dapat siyang maging Pinay super hero ng TRE?
Simsimi: Aba! Kayo ang Master dapat kayo ang makakasagot sa tanong n’yo.
Nainis si Master Xehan kaya pinatay niya ang bolang Kristal. Naisip niya na wala sa mood ang reyna ng impormasyon. Tumayo siya saka tinawag si Penguin na ngayon ay nagpapalakas ng powers. At dahil nasa kalagitnaan ito ng ritwal ay minabuti niyang tumungo na lamang sa kanyang trono.
HINDI naman mapalagay si Zaira habang naka-upo sa trono. Pawisan siya habang nagpaparaos. “Grabe! Amoy itlog na ang utot ko!” Umire pa siya para magtagumpay siya sa kanyang mission. At nang makaraos, agad niyang inayos ang kanyang sarili. “Yes! Success! Naku, Zaira buti di ka inabutan sa palengke,” aniya sa kanyang sarili.
Pagkalabas niya sa banyo agad niyang nakita si Gwapito na tila hinihintay siyang makalabas ng banyo. Namula tuloy ang mukha niya. Iniisip kasi niya na narinig siya ng binata habang nag-iire sa ginagawa niya.
Napakunot ang noo niya nang may iniabot sa kanya ang binata. Isa itong tray ng itlog na natatakluban ng puting tela.
“Para sa’yo!” simpleng wika nito sa kanya.
“Ano to?” Napanganga siya nang tanggalin niya ang puting tela. Nakita niya ang mga itlog na may ibat-ibang mukha; may nakangiti, nakasimangot, may in-love, at lalo siyang kinilig nang mapansin ang dalawang itlog na may mukhang babae at lalaki na tila naglalambingan. “Ang cute naman! Ikaw ba ang gumuhit ng mga faces nila? Kamukha mo ung isang itlog,” lintanyang wika niya sa binata.
Inilapag niya ang tray ng itlog sa mesa saka humarap sa binata. Hinawakan naman ang kanang kamay niya. “Zaira, di na ako magpapaligoy pa. Gusto ko lang malaman mo na special ka na sa puso ko.”
Tumalikod siya saka kinagat ang kanyang mga labi. Pumikit pa siya saka ngumiti na tila umabot na sa kanyang tenga.
OMG! Nililigawan na siya ni Gwapito!
Tumakbo siya sa loob ng kuwarto na siyang ikinagulat ng binata. Tinawag siya nito subalit minabuti niyang huwag itong pansinin. Ilang saglit pa, kumakatok na ang binata sa pinto ng kanyang kuwarto.
“Zaira, galit ka ba?”
“Hindi! Wait lang ha!” Kinuha niya ang arenola saka agad na umihi. Ang totoo, naiihi siya kaya siya napatakbo. Nahiya naman siyang tumungo sa loob ng banyo kaya sa arenola na lang siyang umihe.
“Kapag in love ka minsan di mo maiiwasan ang mapa-ihi sa sobrang pagka-kilig,” sambit ng Penguin na siyang ikinagulat niya.
“Tse! Umalis ka nga diyan! Bastos! Umalis ka diyan! H-huwag kang sisilip,” malakas na sigaw niya sa penguin.
NAPAKUNOT naman ang noo ni Andrew. Narinig niya ang sigaw ni Zaira habang pinapaalis na siya. Bigla siyang nalungkot kaya minabuti na lamang niya na pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.
“Bakit kaya siya nagalit? Siguro di niya nagustuhan ang ginawa kong surprise,” aniya habang naghuhubad ng kanyang sando. Ilang saglit pa, lumabas siya saka tumungo sa banyo. Laking gulat niya nang makita ang golden treasure ni Zaira na nakalimutang i-flash. “Laki naman ng tae! Mas malaki pa sa lata ng sardinas,” wika niya habang pina-flash ang inidoro.
Mamula kaya ang mukha ni Zaira kung malalaman niyang nakita ni Gwapito ang golden treasure niya?
Abangan pa ang mas umiinit na eksena. Malapit nang lumipad ang Pinay super hero ng TRE! Malapit na malapait na!
JONDMUR'S
Super Zaira, and the Magical Penguin
No comments:
Post a Comment