ISANG linggo na ang nakalipas mula nang magsimulang manligaw sa kanya si Andrew. Gustuhin man ni Zaira na sagutin ito ay naghahanap pa siya ng tamang pagkakataon. Lalo pa’t nagpaparamdam na sa kanya si Noorell sa facebook. Kung anu-ano ang paninirang ginagawa nito sa kanya. Ang masakit, pinagkakalat nito na siya ang dahilan ng break-up nila ni Andrew.
“Alam mo Penguin, naiinis na ako sa babaeng ‘yun. Gusto ko siyang kalbuhin ng bonggang bongga. Get’s mo?” wika niya sa kaibigang penguin.
“Kapag kinalbo mo siya lalabas na ikaw ang bitter,” agad na tugon nito habang kumakain ng chicken nuggets.
“Sa tingin mo, mahal pa siya ni Andrew?”
“Kung mahal pa niya ang babaeng ‘yun sana matagal na silang nagkabalikan. Get’s mo?” tugon nito sa kanya na tila naiinis sa mga katanungan niya.
Kinuha niya ang unan saka niyakap ito dahilan para mahulog ang penguin mula sa pagkakapatong sa unan. Nagpagulong gulong pa ito ibabaw ng kama hanggang sa mahulog sa sahig.
“Waaaa! Anong ginagawa mo diyan sa sahig? Nagmukha kang basang sisiw. Halika nga dito.” Kinuha niya ito saka mahigpit na hinawakan. “Hugs!” Hinalikan niya ito na siyang ikinatuwa ng kaibigan.
Natigilan siya nang makarinig ng pagkalambag sa labas ng gate. Binitiwan niya ang penguin saka agad na lumabas ng kanyang kuwarto. Nakita pa niya si Andrew na nagluluto sa kusina. Nginitian siya nito na siyang nagpalaglag sa panga niya. Ilang saglit pa, bumaba na siya ng hagdan saka binuksan ang gate. Pagkabukas ng gate ay labis ang pagka-shock niya nang bumungad sa kanya ang makapal ng make-up ni Noorell.
“A-anong masamang hangin ang nagdala sa’yo dito?” agad na sabi niya sa babae.
“Hindi ikaw ang kailangan ko. N-nasaan si Andrew?”
“Nasa kusina nagbabate ng itlog. Bakit, gusto mo siyang samahan?”
“Gusto ko siyang maka-usap?”
“Para saan pa kung matagal na kayong break. Alam mo Noorell mag move –on ka na,” sagot niya na siyang nagpataas ng kilay sa babaeng kaharap niya.
“Padaanin mo ako.” Nagpumilit ang babae na makapasok hanggang sa magtagumpay ito. Agad itong tumuloy sa kusina kung saan nagluluto ng itlog ang binata.
“Hi! Andrew! Ang sarap naman ng niluluto mo,” malanding sabi nito sa binata. Lumingkis pa ang mga kamay nito sa baywang ng binata.
“Noorell? Anong ginagawa mo dito?”
“Kailangan nating mag-usap?” Nagkatinginan sila ni Andrew hanggang sa bumaba na siya ng tingin. Minabuti na lamang niya na lumabas ng bahay para magpalipas ng sama ng loob.
Naiinis siya sa lalaki dahil hindi nito pinagtabuyan ang babae. “Akala mo kagandahan hindi naman. Excuse me, makapal ang kilay niya.” Napa-upo siya sa nakatumbang puno ng mangga.
“Nasasaktan ka kasi nagseselos ka. Hindi mo inaakala na muli niyang makakasama ang EX niya. Ikaw na ang bitter!” biglang sambit ng penguin na ngayon ay nasa tabi na niya.
“Tse! Hindi ako bitter! Saka bakit naman ako magseselos?”
“Kasi may posibilidad na magkabalikan sila.” Napanganga siya sa sinabi nito sa kanya. Napatayo siya saka lumanghap ng sariwang hangin.
“Hindi ako papayag!”
“Bakit nagkakaganyan ka eh hindi naman kayo.” Hinarap niya ang penguin saka hinila ang buntot nito. “Aray naman!” agad na sabi nito habang pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak niya.
“Naiinis na ako sa’yo. Gusto mo ba talagang malaman? Sige, sasabihin ko sa’yo. Nasasaktan ako kasi – ”
“Mahal mo siya?” dugtong nito sa kanya na siyang ikinatahimik niya. Sasagot pa sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Tinatawagan siya ng nanay niya. Ayon rito, kailangan niyang tumao sa tindahan dahil nagkaroon ng biglaang lakad ito.
Malamang makikipagkita ito sa dance instructor nito na balitang nagtataglay ng six pack abs. “Hay! Si nanay mas malandi pa sa anak,” aniya sa sarili habang hawak-hawak ang penguin sa buntot nito.
SUMABAY ang kulog sa malakas na sigaw ng isang bruhilda. Nanlilisik ang mga mata nito sa labis na galit. Pumalpak kasi ang huling mission nila – isang bading ang nabiktima nila.
“Nalalapit na ang pagtawid ng planetang Pluto sa Earth kaya dapat na tayong mag-alay ng isang perfect gwapito na iaalay natin sa ating ritwal,” sabi ng bruhildang naka-high heels. Naka-gown ito na humahapit sa malaking tiyan nito. “Humanda sila sa ating pagsalakay!”
Nagsigawan ang dalawang bruhilda saka itinaas ang mga kamay na may hawak na red wine. “Let’s celebrate!” Pinaghahandaan na nila ang nalalapit na paglusob nila sa isang sikat na sayawan sa mundo ng mga mortal.
Mayamaya pa, may biglang lumiwanag mula sa di kalayuan ng kuweba. Natigilan naman ang tatlong bruhilda. Nagbukas na kasi ang pinto ng kuweba kung saan magiging daanan nila papunta sa daigdig ng mga tao.
“Panahon na para kumuha ng bagong biktima,” agad na sabi ng bruhildang kaka-hot oil lang ng buhok. Mayamaya pa, kinamot nito ang makating singit. “Ipa-hot oil ko kaya ang bukid para mawala ang kuto?” tanong nito sa sarili.
Lumapit sila sa pinto ng kuweba saka naghawak kamay. Sa isang iglap unti-unting nagbabago ang kanilang mga anyo – ang bruhildang naka-high heels ay naging kamukha ni Kimi Dora, ang bruhildang kaka-rebond lang ng buhok ay nagmistulang modelo ng napkin, at ang huli ay tila naging burlesk queen sa sobrang iksi ng suot nito.
HALOS lumaki ang mga mata ni Aling Sonia habang pinapanood ang mga Dance Instructor habang sumasayaw. Napapadako ang paningin niya sa mga naka-umbok na harapan nito. “Naku, mare ang laki ng umbok!” aniya sa kumareng nagdala sa kanya sa Disco Bar.
“Hay! Sinabi mo pa mareng Sonia. Kung gusto mo kausapin mo ang DI mo. Aba! Mag-date kayo,” malanding wika nito sa kanya.
“Huwag na! Sapat na sa akin ang makapag-sayaw para naman huwag tayong tumanda agad.”
“Pero mare iba talaga kapag may sex life,” malanding sabi ng kumare niya.
“Hihihi! Ano ka ba mare baka may makarinig sa’yo,” mahiya-hiyang tugon niya rito. Inayos pa niya ang kanyang buhok bago muling pinagmasdan ang mga sumasayaw na DI.
“Sinabi mo pa. Halika na! Tinatawag ka na ng DI mo,” sabi nito sa kanya. Tumayo siya saka masayang nilapitan ang dance instructor niya. Taas-noo pa siya habang sumasayaw – sino ba ang hindi bibilib kung sa edad niya ay may asim pa siya.
Hindi pa siya natitigang!
Halos matanggal ang takong ng kanyang sapatos habang sumasayaw. At her age, pakiramdam niya muling nabubuhay ang katawang lupa niya. Ilang taon na rin siyang iniwan ng kanyang asawa na ngayon ay nagkabilang-bahay na.
Bigla siyang natigilan nang may isang magandang babae ang sumingit sa kanila. Hinila nito ang dance instructor niya hanggang sa naiwan siyang nakatunganga sa dance floor. “Aba! Bastos ang babaeng ire!” inis na wika niya sa sarili. Bigla naman niyang naalala ang tindahan ng itlog. “Hay! Maka-uwi na nga lang para makabenta ng itlog.”
HALOS matuwa ang babaeng humila sa isang dance instructor. Nasa loob sila ng restroom kung saan niyayakap siya ng lalaki. Hinubaran niya ito saka agad na dinilaan ang matipunong katawan nito na tila may nakaukit na batu-bato. Sa taglay nitong abs ay lalong nasarapan ang babae. Nang lumaon, bumaba ang mga kamay nito hanggang sa masaklot ang angry bird ng dance instructor.
“Perfect!” Sa isang iglap biglang nagbago ang anyo ng babae. “Hihihi! Ang laki-laki!” Umusal ito ng dasal hanggang sa maglaho sila sa loob ng restroom.
SA labis na inis ay padabog na isinara ni Zaira ang bintana ng tindahan ng kanyang nanay. Naiinis siya hindi dahil sa ginabi ang nanay niya kundi naiinis siya dahil hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa pag-uusap nina Noorell at Andrew.
“Naka-alis na kaya ang babaeng ‘yun? Ano kaya ang pinag-uspaan nila?” Kinuha niya ang basket saka isinara ang pinto ng tindahan. Sinigurado pa niya na nakasara ang kandado bago niya ito iniwan.
Habang naglalakad ay tila kinakabahan siya – may nararamdaman siyang kakaiba. Sa mga naiisip niya ay minabuti niyang tumakbo na lamang para agad na makauwi ng bahay.
Sa ginawa niyang paghakbang ay hindi sinasadyang matapakan niya ang naka-usling kahoy dahilan para mapasigaw siya sa sobrang sakit. Napa-upo tuloy siya sa isang malaking bato hanggang sa matuklasan niya na dumudugo ang paa niya.
Hinubad niya ang tsinelas niya saka pinadugo ang sugat niya. “Ang sakit naman! kakalorkey na ‘to,” reklamo niya habang pinupunasan ng panyo ang sugat niya.
Tumayo siya saka paika-ikang naglakad hanggang sa marating niya ang gate ng bahay nila. Maingat niya iyong binuksan hanggang sa makapasok na siya. Bigla siyang kinabahan nang matuklasang binabalot ng katahimikan ang buong paligid.
Dumeretso siya kusina, at doon niya nakita ang isang mini bag na sa tingin niya ay pagmamay-ari ni Noorell. Natigilan siya. Huminga nang malalim saka tumungo sa kuwarto ni Andrew.
May tumutulak sa kanya para buksan ang pinto ng kuwarto. “Zaira, kaya mo ‘to!” Nakagat niya ang kanyang mga labi nang mabuksan niya ang pinto. Dahan-dahan niya itong itinulak hanggang sa bumungad sa kanya ang isang eksenang sumampal sa kanyang pagkatao.
Ubod lakas na sumigaw ang ating bida nang matuklasang magkatabi sa kama sina Andrew at Noorell. Nagising naman ang binata na tila walang alam sa buong pangyayari.
“Z-zaira?” ani ng binata habang naguguluhan sa mga pangyayari.
Tumalikod siya saka agad na lumabas ng bahay. Halos madurog ang puso niya sa kanyang nasaksihan. May pasuka-suka pa siyang nalalaman dahil hindi kinaya ng powers niya ang eksenang naabutan kung saan nakayakap si Noorelle sa matipunong katawan ni Andrew. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa maramdaman niya na naninikip ang dibdib niya sa tindi ng galit na nararamdaman niya.
Hindi niya matanggap na ginawang motel ni Gwapito ang kanilang bahay.
“Masakit ba?” Bigla siyang napalingon hanggang sa makita niya si Noorell na tila nanalo sa lotto. “Alam mo kawawa ka. Umaasa na sana maging kayo ni Andrew,” dugtong nito na sinamahan pa ng isang mala-demonyitang tawa.
“Hindi ko alam kung anong gustong mong ipahiwatig.”
“O, common! Masyado kang denial. Alam ko naman na mahal mo si Andrew. Kaya nga kinikilig ka sa tuwing nililigawan ka niya.”
“U-umalis ka na!” malakas niyang sigaw.
Nagulat siya nang bigla nitong hinila ang kanyang buhok. Hinawakan pa siya sa ilalim ng kanyang baba hanggang sa masakal na siya.
“Ito ang tandaan mo. Akin lang si Andrew! Akin lang,” wika nito habang nanlilisik ang mga mata nito.Tinabig niya ang mga kamay ng babae subalit kulang ang kanyang lakas. Umiyak na lamang siya nang umiyak na siyang ikinatuwa ni Noorell. “Nasaan ang tapang mo?” dugtong nito saka ubod lakas na itinulak siya dahilan para mapahiga siya sa lupa.
Halos manlambot ang kanyang mga tuhod. Gustuhin man niyang lumaban ay hindi niya magawa – mas nasasaktan ang puso niya.
HALOS pumalakpak ang tenga ni Noorell habang pinagmamasdan si Zaira na tila isang basang sisiw. Labis pa ang kanyang tuwa nang hindi na ito nakapalag sa ginawa niyang pananakit rito.
Humakbang siya saka naglakad palayo sa babaeng kinasusuklaman niya. Tagumpay ang kanyang plano – ang akitin ang binatang walang laban sa bagsik ng kanyang karisma.
“Akin ka lang Andrew! Akin lang,” aniya habang minamaneho ang kanyang kotse.
TILA lantang gulay si Zaira habang umaakyat ng hagdan. Nahihirapan siyang kumilos dahil sa pagkakabagsak niya sa lupa.
“Z-aira!”
“H-huwag kang lalapit!” malakas niyang sigaw kay Andrew.
“Magpapaliwanag ako!” agad na sagot nito sa kanya.
“Ginawa mong hotel ang bahay namin. Ano pa ang gusto mong ipaliwanag?” maiyak-iyak na sagot niya. Tumalikod siya subalit agad siyang nahawakan nito sa kanang balikat niya.
“Zaira, totoo ang nararamdaman ko sa’yo.”
“Ano ang totoo? Hindi pa tayo diba? Alam mo nagpapasalamat ako kasi napigilan ko ang sarili ko na sagutin ka. Ang tanga-tanga ko kasi naniwala ako sa’yo. Oo, wala akong karapatang magreklamo kasi hindi pa tayo.” Hinampas niya ang dingding ng bahay hanggang sa mahulog ang isang picture frame na nakasabit. “Wala akong karapatang magalit kasi hindi kita pag-aari pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi minahal na kita. At tanga-tanga ko kasi nagpabola ako sa’yo.”
“Zaira, walang nangyari sa amin.”
“Wala? Nakahiga kayo sa kama. Walang panty. Walang brief.” Huminga siya nang malalim. “Tapos sasabihin mo sa akin walang nangyari? Anong ginawa niya sa’yo? Nagbate lang ng itlog?” malakas na sigaw niya saka patakbong pumasok sa kanyang kuwarto.
“Minsan akala mo perfect na ang love story mo. Ang hindi mo alam isang malaking akala lamang ang lahat,” agad na sabi ng penguin na kanina pa naka-upo sa kanyang kama. Lalo siyang napa-iyak sa sinabi nito kaya pinaghahampas niya ng unan ang dingding ng kuwarto. “Wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang niloko ka na niya kahit hindi pa nagiging kayo. Sakit diba? Hindi pa nga kayo niloko ka na niya,” dugtong ng penguin habang nag-jump-jump sa kanyang kama.
“Ang sakit! Hindi ko na kaya!” Napahiga siya sa kama saka umiyak nang umiyak. Masama ang kanyang loob dahil ginawang motel ni Andrew ang kanilang bahay. Respeto na lang sana ang hinihingi niya sa binata.
“Mag-move on ka na! Lalo ka lang masasaktan kung hindi mo siya pakakawalan.” Bigla siyang natigilan saka lumingon sa penguin.
“Alam mo ikaw, kanina ka pa!” Hinila niya ang buntot nito saka binuhat. “Tumahimik ka kung ayaw mong i-prito kita kasama ng mga itlog sa kusina.”
“Napipikon ka kasi tama ako. Ayaw mong mag-move on kasi umaasa ka pa na magiging okay ang lahat. Aminin!”
“Tse!” Binitiwan niya ito hanggang sa mapahiga ito sa kanyang kama. “Sabagay! Baka nga walang nangyari sa kanilang dalawa.”
“Gaga! Ikaw na nagsabi na walang panty at walang brief tapos walang nangyari?” Muli na naman siyang napa-iyak subalit natigilan siya nang may kumakatok sa pinto niya. “U-umalis ka na! Wala akong panahon para makinig sa mga bola mo. I hate you!”
“Hoy! Bruha! Pagbuksan mo nga ako at may ibibilin ako sa’yo. Leche kang bata ka kung anu-ano pinagsasabi mo diyan,” malakas na sigaw ng nanay niya. “Bilis at napagod ako sa ballroom dancing,” dugtong nito na tila naiinis na sa kanya.
SA labas ng bahay ay hindi mapakali si Andrew. Naguguluhan siya sa mga pangyayari. Hindi niya maunawaan kung bakit magkatabi sila ni Noorell sa kama. Pumikit siya saka pilit na binalikan ang eksenang naganap sa kanila ni Noorell.
Subalit, wala siyang maalala na may ginawa siya sa babae. Ang huling naalala niya nang mag-meryenda sila ng dalaga.
SA kabilang banda naman, hindi mapigilan ni Noorelle ang mapasigaw sa labis na tuwa. Naalala pa niya kung paano niya painumin ng tubig si Andrew na may pampatulog. Nagtagumpay siya sa kanyang plano; ang patulugin ang binata, dalhin sa kuwarto nito, hubaran ng saplot, at pagsawaan ang walang buhay nitong pag-aari.
Bigla siyang kinilig nang maalala ang eksenang niyayakap niya ang binata. “Sayang natutulog ang ibon,” aniya habang umiinom ang ampalaya juice.
Lalo siyang natuwa nang maalala ang ginawa niyang paghalik sa mapula nitong labi. Inamoy pa niya ang kanyang mga kamay. Kinikilig siya sa tuwing naalala ang mga minutong hawak-hawak niya ang lonely bird ng binata. Nang lumaon, nabulabog siya nang biglang dumating ang katulong nila na tila tumatakas sa isang delubyo.
“Ate! Ate!” malakas nitong sigaw. Naka-mini skirt ito na bumagay sa simpleng kagandahan nito.
“O, bakit anong problema?”
“Si kuya,” tukoy nito sa bunso niyang kapatid. “Si kuya, nawawala!” Kumunot ang kanyang noo. Sumama na ba ang kanyang kapatid sa isang matrona?
Isang dance instructor ang kapatid niya na nagtratrabaho sa isang disco bar. Ugali na nito ang gabihin sa pag-uwi o kadalasan nakikitulog sa bahay ng mga kaibigan. Alam din niya na maraming bakla o matrona ang naghahangad na makuha ang pagkalalaki nito.
“Naku! Inday Catleya, baka naman nakipag-date lang sa mga matrona,” tugon niya sa katulong na tila binabalutan ng pangamba ang pagmumukha.
“Hindi ate! Tumawag ang tropa niya nawawala daw,” agad na tugon nito. “Naku! Baka nakuha sang mga alagad ni Bitterman,” mababakas ang takot sa mukha ng katulong.
“Inday, hayaan mo na si kuya mo saka pwede ba ipagtimpla mo ko ng kape, utos niya rito.
“Okay!” simpleng sagot sa kanya ng probinsyanang katulong na mahilig magbasa at magsulat ng mga nobela.
Inayos niya ang kanyang buhok saka tumingin sa malayo. Buo na ang kanyang pasya – gagawin niya ang lahat bumalik lang sa kanya si Andrew.
“Gagawin ko ang lahat mapasa-akin ka lang,” aniya sa sarili habang tinatanggal ang eyelashes niya. “Humanda ka Zaira dahil sisiguraduhin ko na mawawalan ka ng love life,” dugtong niya na may kasunod na isang malutong na halakhak.
Kasabay ng pagkulog ng kalangitan ang malulutong na halakhak ni Noorelle. Itinaas pa niya ang kanyang mga kamay na tila naliligayahan sa kanyang mga iniisip.
Ano na kaya ang naghihintay na kapalaran sa ating bida? Abangan pa ang susunod na kabanata.
JONDMUR'S
Super Zaira, and the Magical Penguin
No comments:
Post a Comment