Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Super Zaira, and the Magical Penguin - 2

ISANG linggo na ang nakalipas pero bigo pa rin si Zaira na matanggap sa mga ina-aplayan niya. Matapos siyang masesante sa dating trabaho ay tila naging mailap na sa kanya ang future niya. Kaya naman ang mother niya na tila lumalaki na ang bunganga sa kakatalak sa kanya ay walang sawang nanunumbat sa kanya.
Halos magtakbuhan ang mga tambay sa tindahan ni Aling Sonia. Kilala kasi siya sa pagiging matapang kaya ang mga tambay ay umiiwas sa kanya. Aba! pati pulis sa kanilang bayan ay umiilag sa kanya!
Kaya naman ang mga lalaking pasaway sa kanilang bayan ay tila natatakot na sa kanya. Ang problema, pati mga ka-look a-like  ni Gwapito ay ilag na rin sa kanya. High School pa yata siya nang huling maligawan.
Ganun katagal!
“Hello, Ms Zaira! Ang ganda naman ng story mo sa TRE,” bati sa kanya ng isang babae. Maliban kasi sa pagiging police woman ay kilala siya bilang writer. “Ang galing galing mo talaga!”
Halos lumabas na ang mga gilagid niya sa sobrang tuwa. Imagine, nakikilala na siya sa bayan nila bilang writer ng TRE. Ibig sabihin, sikat ang TRE sa bayan nila. Ganun kasikat!
“Ms. Zaira,” tawag sa kanya ng isang dalagita. Bigla siyang napalingon para kilalanin ang tumawag sa kanya. “Alam n’yo ba na nabasa ko ang story n’yo sa isang e-book at pinalitan ang name ninyo as writer?”
Umusok ang tenga niya sa narinig. Sa lahat ng ayaw niya ay ang ninanakaw ang stories niya. Nakawin na ang lahat ng itlog sa bahay nila huwag lang ang stories niya. Kaya naman agad niyang tinawagan si Sapphire upang ipaalam ang balitang nakalap niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang mangako ang kaibigan na aayusin ang nakawang naganap. Malaki din ang tiwala niya sa mga kaibigan na maso-solve ang nakawan issue sa TRE.
“Erase! Erase! Zaira, huwag mag-isip ng problema.” Pinakalma niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang masira ang araw niya sa ganitong eksena lalo pa’t may financial problem siya.
Binuksan niya ang gate ng bahay saka maingat na isinara iyon. Alam niyang nagbibilang ng itlog ang nanay niya – naglalako kasi ito ng mga itlog sa mga tindera sa palengke o sa mga sari-sari store.
“O, natanggap ka na?” Huminga siya nang malalim. Akala niya makakatakas na siya sa question and answer portion nilang mag-ina.
“Tatawagan daw po ako pag natanggap?”
“Kailan?”
“Baka po bukas?”
“Bukas? Lagi na lang bukas? Aba, pasalamat ka may kinikita ako sa itlog,” dagdag pa nito habang naglalagay ng itlog sa basket.
Tumuloy siya sa kanyang kuwarto samantalang naiwan sa salas ang nanay niya. Putak ito nang putak na tila mapupunit na ang lalamunan nito. Ang masama pa, inilalabas lamang niya sa kabilang tenga niya ang mga naririnig niya – wala siyang naunawaan.
“Si mother talaga!” aniya sa kanyang sarili. Napahiga siya sa kama saka pansamantalang ipinikit ang kanyang mga mata. Pinipilit na ma-relax ang pagod na utak. “Inhale! Exhale! Zaira, kailangan mo nang pampa-relax,” aniya sa kanyang sarili.
Bigla siyang napabangon nang makarinig ng ingay sa kabilang kuwarto. Tumayo siya saka inilapat ang kanyang kanang tenga sa dingding ng kuwarto. Tila ungol ang kanyang naririnig sa loob ng kuwarto ni Gwapito.
“O, Ginoo!” Binalot ng curiosity ang katawang lupa niya kaya tinanggal niya ang picture frame na nakasabit sa dingding ng kuwarto niya. At mula sa likod niyon ay ang maliit na butas na magagamit niya para makita ang milagrong nagaganap sa kuwarto ni Gwapito.
Pabilis nang pabilis ang pagkalabog ng dibdib niya samantalang palakas nang palakas ang ungol na nagmumula sa kuwarto ni Gwapito. Bigla niyang nasaklot ang kanyang dibdib. Gustuhin man niyang sumigaw ay tila nagbara na ang kanyang lalamunan.
Kitang kita niya ang malaking braso ng binata habang nag-babarbel ito. “Kung maka-ungol akala mo  may ginagawang milgaro eh nagpapalaki lang naman ng masel,” sambit niya habang hinihimas ang lalamunan niya.
Naka-boxer lamang ang binata na pinarisan ng isang kupas na sando. Pawis na pawis ito na siyang nagbigay buhay sa katawang lupa niya. Halos mapanganga siya habang nagbubuhat si Gwapito. “Hihihi! Nakakatuwa naman siyang mag-berbel umuungol,” puno ng excitement na wika niya sa kanyang sarili.
Ididikit pa sana niya ang kanyang mga mata sa butas nang biglang may humila sa kanyang buhok. “Ouch! Ano ba?”
“Bruha ka? Mahiya ka ngang babae! Ke babaeng taokung makasilip ka wagas,” makalas na wika ng kanyang ina na agad naman niyang nilapitan para takpan ang mga labi nito.
,
“Nay, naman! Marinig ka!”
“Ah, ganun?” Isang mariin na kurot sa singit ang nagpaluhod sa kanya. “Landi mong bata ka! Magsaing ka na para makakain na tayo,” dugtong nito bago nilisan ang kanyang silid.
“Ouch! Sakit naman! Tumayo siya saka sinilip ang singit niya. Halos mapangiwi siya nang matuklasang nagkasugat ang singit niya. Feeling niya nalanta ang petsay niya!
Bigla siyang natigilan saka nakiramdam sa paligid. Posible kasi na narinig ni Gwapito ang malakas na boses ng kanyang ina. “No! No! Wala siyang narinig!”
Sinampal-sampal niya ang kanyang pisngi hanggang sa mamula iyon. Ngayon lamang siya natauhan sa kanyang ginawa. Nakalimutan niya na isa pala siyang babaeng pilipina na ipinagmamalaki ng kanyang lola. “God! Zaira, ano ba ang nagawa mo? Behave! Behave!”
Lumabas siya ng kuwarto saka tumungo sa kusina. Naisipan niyang magsaing nalang para ma-focus sa ibang bagay ang utak niya. Akma na niyang kukunin ang kaldero nang biglang may magsalita sa likuran niya.

“Hi!” simpleng bati sa kanya ng binata. Nagtama ang kanilang mga paningin hanggang sa nalanghap niya ang aromang nagmumula sa pawisan nitong katawan. Mayamaya pa, hinubad nito ang sandong bumabalot sa matipuno nitong katawan.
-
“H-huwag! Baka di ko kayanin!” Napanganga siya nang hulihin nito ang kanang kamay niya saka inilapat sa matigas nitong dibdib. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Nang lumaon, tila nagka-isip ang kanyang mga kamay. Bumaba ito upang mahawakan ang six pack abs nito. Bumaba pa ang kanyang mga kamay na tila nasasabik na mahawakan ang nakatago nitong ___
“Excuse me? Pwede bang pakisama na lang ang itlog ko sa sinaing mo para malaga?” Bigla siyang natauhan. Pakiramdam niya kagagaling lamang niya sa isang panaginip. OMG! Isang malaking ilusyon lang pala ang lahat! Bumalik ang mata niya sa mukha ng lalaki. Nakangiti ito na siyang nagpalambot sa kanyang tuhod.
Diyos ko! Ibalik n’yo ang ilusyon ko kanina, sigaw ng kanyang isipan subalit di kayang bigkasin ng kanyang bibig.
Inabot niya ang dalawang itlog ng binata na ngayon ay naka-polo shirt na. “M-may adobong baboy dito baka gusto mo. Pansin ko kasi lagi na lang itlog ang ulam mo,” wika niya kay Gwapito.
Isang simpleng ngiti na lamang ang isinagot nito sa kanya. Agad na itong tumalikod nang di nagpapa-alam sa kanya. “Hay! Zaira! Taga-luto ka na lang ng itlog ni Gwapito. Kainis na naman wala man lang kwentuhan,” mahina niyang wika habang isinasalang ang kaldero sa gasul. Isinama na rin niya ang itlog para malaga – kung itlog ang pag-uusapan marami na siyang lutong nalalaman. Isa na diyang ang fried egg with hot dog.
NAGTAWANAN ang tatlong bruhilda hanggang sa balutin ng halakhakan ang buong kuweba. Hindi pa nakuntento ang bruhildang naka-high heels dahil sumayaw sayaw pa ito habang nakapatong sa isang antigong mesa.
“Kung alam mo lang kung gaano kagaling ang mga macho dancer,” singit ng bruhildang kaka-rebond lang ng buhok.
“Tama ka? At alam mo ba na ayon sa impormasyon na nakalap ko malalaki ang mga toytoy ng mga macho dancer,” sambit ng isang bruhilda na sinabayan pa ng isang halakhak.
“At saan mo naman nakuha ang impormasyon? Sa bolang kristal?”
“Hindi! Sa Twitter!” sagot ng isang bruhilda.
Biglang natahimik ang makapangyarihang bruhilda. Mababakas sa mga mata nito ang labis na pagkapoot. “ Panahon na para maghakot ng mga lalaking magpapalakas sa ating mga katawan.”
“Tama! Kailangan makakuha tayo ng isang gwapitong nagtataglay ng six pack abs na biniyayaan ng dakilang patotoy.”
“Hihihihi! Nakakuha na ako,” singit ng bruhildang mahilig magkamot ng singit. Inayos pa nito ang buhok na kaka-rebond pa lamang.
Halos magsilakihan ang mga mata ng dalawang bruhilda. Hindi nila akalain na mauunahan sila. “Whe?” sabay na sambit ng dalawang bruhilda.
Mula sa di kalayuan ay may isang kulungang lumulutang na papalapit sa kanila. Nakakulong rito ang isang matipunong lalaki. Nagpapalag ito subalit walang magawa sa tibay nang pagkakatali sa mga kamay nito.
Agad na lumapit ang bruhildang naka-high heels. Umusal ng dasal saka binuksan ang kulungan. Lumabas ang lalaki na tila nasa ilalim na ng kapangyarihan ng bruhilda.
“Maghubad ka naaaaaa! Maghubad ka naaaaaa!”
Halos tumulo ang laway ng dalawang bruhilda habang nanonood sa ginagawa ng biktima. Inuna nitong tanggalin ang puting t-shirt na siyang nagpalabas sa six pack abs nito. Nagyakapan ang dalawang bruhilda sa labis na pagkasabik samantalang lumapit ang isang bruhilda upang himasin ang matipunong dibdib ng lalaki.
Mayamaya pa, lumapit na rin ang dalawang bruhilda at sabay
sabay nilang hinubad ang pantalon ng biktima saka isinunod ang brief ng lalaki.
-
Biglang napanganga ang tatlong bruhilda. “Nasaan? Bakit di ko makita?”
“Ano ka ba? Nagtatago lang ang toytoy kasi natatakot sa pagmumukha mo.”
“Ano ba kayo? Ito o nahahawakan ko na,” malakas na sigaw ng isang bruhilda.
“Yan ba? Akala ko kuto eh!”
Sa unang pagkakataon ay may isang lalaking nakaligtas sa tatlong malupit na bruhilda. Ayon sa binata, pinakawalan siya ng kampon ng kadiliman sa dahilang hindi niya alam. Samantalang sa loob ng kuweba ay labis ang kalungkutang nararamdaman ng tatlong bruhilda.
“Hay! Kailan kaya tayo makakakuha ng dakilang patotoy?”
“Saka may perfect abs,” dugtong ng isang bruhilda.
NAPATILI si Zaira nang mapanood sa TV ang Korean actor na hinahangaan niya. Feeling niya, kamukha iyon ni Gwapito. Medyo singkit ang mata na may kaputian. May six pack abs pero normal lang ang laki ng katawan.
Natuwa siya nang mabalitaang nagsusulat din si Andrew (aka Gwapito). Isa pala itong article writer ng isang pahayagan. At mas lalo siyang natuwa dahil mahilig itong magsulat tungkol kay Super SB, ang super hero na kalaban ni Bitterman.
Pinatay niya ang TV nang marinig ang pagbukas ng gate. Baka nanay niya ang dumating; magagalit iyon dahil aksaya raw sa kuryente ang panonood ng mga Korean telenobelas.
Lihim siyang natuwa nang si Andrew na ang dumating na mukhang gutom na gutom. Inayos niya ang kanyang buhok saka ibinigay ang killer smile niya. Kaya lang, si Gwapito diretso sa kuwarto na tila walang nakitang magandang binibini. Given na roon na tumango ito bilang pagbati sa kanya pero ni kahit simpleng ‘Hi’ ay di nito nagawa.
“Suplado naman! Pasalamat ka guwapo ka,” inis na wika niya habang inaayos ang mga picture frame sa salas.
Dumungaw siya sa bintana hanggang sa matanaw niya ang isang uri ng hayop. “Hmmm! It’s a bird? Pero mukhang isda?” Tumaas pa ang kanyang kilay nang mapansing kumakaway sa kanya ang nakikita niya. “Naku! Zaira, napapaglaruan ka ng mga masasamang engkanto.”
Isinara niya ang bintana saka tumungo sa kusina. Kumuha ng ilog saka binalatan iyon. Kumuha pa siya ng asin para ipares sa nilagang itlog.
“Ang sarap talaga kapag maalat-alat,” wika niya habang kumakain ng itlog na ipinatong sa ibabaw ng kanin.
KINAMOT ni Andrew ang itlog niya habang nakahiga sa kama. Ilang saglit pa, pasimpleng inamoy niya ang kanyang mga daliri. Huminga siya nang malalim habang nag-isip kung paano mapapaganda ang article niya tungkol kay Super SB.
Ilang taon na rin siyang nagsusulat sa pahayagan kung saan nakilala siya bilang isang magaling na manunulat. Kaya lang, nakatago siya sa isang code name kaya di siya agad nakikilala.
Akma na siyang babangon sa kama nang tumunog ang cellphone niya. Nang malaman kung sino ang nasa kabilang linya ay pinatayan niya ito ng phone saka muling nahiga sa malambot na kama.
Bigla siyang natawa nang mahagip ng kanyang paningin ang maliit na butas sa dingding. At the age of 27, ngayon lang niya nalaman na may isang babaeng nagpapantasya sa kanya habang naninilip sa butas.
Biglang kumislap ang kanyang mga mata. Hindi man niya gawain pero tila may nag-uutos sa kanya na lumapit sa butas.
ITINAAS ni Zaira ang kanyang mga kamay. Oras na kasi ng kanyang beauty ritual kung saan iginigiling niya ang kanyang mga balakang para mapanatili ang body shape niyakung meron man.
,
Pakiramdam niya isa siyang dancing queen habang sumasayaw. Kembot to the left, kembot to right hanggang sa gumiling giling na ang kanyang baywang. Umikot
ikot pa siya hanggang sa bigla na lamang siyang nag-split.
-
“Aray, naman! Napunit yata ang petsay ko,” aniya sa kanyang sarili habang pilit na tumatayo.
Muli niyang iniunat ang kanyang katawan. Binuksan ang bintana ng kuwarto saka lumanghap ng hangin.
“Hay! Kay sarap mabuhay kapag may gwapito sa loob ng bahay.” Niyakap pa niya ang kanyang sarili saka nangarap na sana kapiling niya ang lalaking hinahangaan. Bumalik siya sa kanyang higaan saka mahigpit na niyakap ang unan.
Nagsimulang mag-curve ng smile ang mga labi niya. “Sana ligawan niya ako. Sana magustuhan niya ako. Hay! Ang gwapo
gwapo talaga niya,” sabi niya na tila may kinakausap na duwende.
-
Praning na yata ang isang tulad niya. O isang certified adik na in love kay Gwapito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka nanalangin na sana mayakap niya ang matipunong katawan ng binata kahit man lang sa panaginip.
“Kapag inlove ka, pakiramdam mo ang gaan-gaan ng feeling mo. Nakakalimutan mo ang ilang personal na problema. Ang mahalaga lamang sa’yo ay maalala mo ang isang taong nagpapasaya sa’yo. Isang ngiti lang niya ay nagiging kumpleto na ang araw mo.” - jondmur

KINABUKASAN halos mapasigaw si Zaira nang matuklasang tinubuan siya ng kuliti sa mata. Karma na yata ito sa ginawa niyang paninilip kay Gwapito. “Shit! Kakalurkey naman!” inis na sabi niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Paano siya lalabas ng bahay? Paano niya ipapaliwanag kung bakit siya tinubuan ng kuliti sa mata? Paniniwala pa naman sa kanilang bayan na kapag may kuliti eh ibig sabihin ay may binosohan.
OMG! Lagot siya sa nanay niya na tiyak niyang pagsasabihan na naman siya nito. Baka tatlong kurot sa singit ang matanggap niya na siyang magpapalanta sa petsay niya.
O, hindi! Kinuha niya ang tuwalya saka tumungo sa banyo. Laking gulat niya nang makasalubong niya si Andrew.
“May kuliti ka din?” Biglang tumaas ang kanang kilay niya. Bumaba ang tingin niya hanggang sa ma-focus iyon sa dibdib ng binata.
“Kahit may kuliti ka maganda ka pa rin.” Napa-angat siya ng tingin. First time sa buhay niya na may isang gwapong lalaki na nagsabi sa kanya na maganda siya. Gustong maluha sa eksenang naganap.
Ngumiti siya saka inayos ang humahaba niyang buhok. Nang makabawi sa sobrang pagkakilig ay muli niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki.
“Ang cute ng kuliti mo,” biro niya sa binata saka hinampas ang balikat nito. Umilag pa ang binata kaya dumako sa dibdib nito ang kamay niya.
Tumigil ang pag-ikot ng oras nang magtama ang kanilang paningin. Pakiramdam niya inililiapd siya sa ulap. “Ang galing mo palang mag-split,” sabi nito na tila may halong panunukso.
Tumaas ang kaliwang kilay niya na sinabayan nang pagtulis ng nguso niya. “Hoy, lalaki! Di ka na nahiya. Bakit mo ko sinisilipan?” pagalit na wika niya.
Natahimik lamang si Andrew. Gustuhin man niyang dagdagan pa ang galit-galitan school of acting niya ay hindi na niya ginawa. Baka ibalik sa kanya ang ginawa niyang paninilip.
Tumalikod siya saka agad na nagkulong sa loob ng kuwarto. Humingi nang malalim saka nagtatatalon sa sobrang tuwa.
“Weeeee! This is it! OMG! Ang ganda-ganda ko!” mahina pero pasigaw na sabi niya sa kanyang sarili.
MULA sa di kalayuan ay may isang nilalang na lihim na natutuwa sa eksenang pinapanood. Umupo pa ito sa isang malaking bato habang kumakain ng fish fillet. Nang lumaon, kinuha nito ang mahiwagang kristal saka kinausap ang Reyna ng impormasyon.
Simsimi: Hello Penguin!
Penguin: Naiisip mo ba ang naiisip ko?
Simsimi: May isip ka pala? Kala ko wala. Hihihi!”
Penguin: Sa tingin mo, siya na kaya ang susunod na Pinay super hero?
Simsimi: Di ba may isip ka? Eh di sagutin mo ang tanong mo.
Penguin: Paano kung di siya pumayag?
Simsimi: Eh di isumbong mo kay Tulfo.
Kumislap ang mga mata ni Penguin. Ngayon, alam na niya kung sino ang mabibigyan ng natatanging super power – isang babaeng magaling mag-split at mahilig kumain ng itlog.
Malapit nang lumipad ang nag-iisang Pinay Super Hero. Tandaan, kung si Darna ay may Ding, si Super Zaira ay may Gwapito.
MULA sa labas ng bahay ay may isang babaeng lihim na nagmamasid. A woman with a perfect body na kahit sinong gwapito ay tiyak na maghuhumaling. Inayos pa nito ang fitted blouse na humapit sa malaki nitong dibdib.
“Di ako papayag na mapunta ka sa iba. Akin ka lang Andrew! Akin lang!” wika nito habang pinagmamasdan ang bahay ng ating bida.
Siya si Noorell De Vera, ang babaeng magpapahirap sa ating bida. Nakahanda kaya ang ating super hero na harapin ang kontrabida ng love story niya?

JONDMUR'S
Super Zaira, and the Magical Penguin



No comments:

Post a Comment