BUO ang loob ni Zaira na i-prito ang mga itlog na ibinigay sa kanya ni Andrew – ang mga itlog na may ibat-ibang mukha na dalawang linggo na niyang tinatago. Plano pa niya nung una na huwag lutuin ang mga ito dahil nanghihinayang siya sa pagkakagawa sa mga mukha nito. At dahil may tampo pa siya sa binata ay minabuti niyang lutuin lahat ng itlog para ipamukha sa binata na hindi niya binigyan ng halaga ang pinaghirapan nito.
“Ang sarap naman ng itlog!” wika ng penguin na kasusulpot lamang. Mababakas sa mukha nito ang pagkatakam sa niluluto niya.
“Tumahimik ka kung ayaw mong isama kita dito,” banta niya sa penguin na tila natakot sa sinabi niya.
“Ba’t ba ang bitter-bitter mo? Di’ba ang sabi ko sa’yo walang kasalanan si Andrew kasi pinatulog lamang siya ng EX niya.”
“At paano mo nalaman?”
“Sa bolang kristal,” agad na sagot nito sa kanya. “Huwag kang mag-alala kasi walang nangyari sa kanila,” dugtong nito habang tinutulungan siyang magbate ng itlog.
“Basta! Hindi ko pa siya patatawarin,” mahinang sabi niya habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na mapatalon sa tuwa. Na-confirm na niya kasi na walang nangyaring milagro sa dalawa.
Bigla siyang napanganga nang biglang maglaho ang penguin. At sa kanyang paglingon bumungad sa kanya si Andrew na tila nalugi sa negosyo ang pagmumukha nito. Ilang saglit pa, lumapit ito sa kanya saka iniabot ang isang tray ng itlog.
Napangiti siya subalit agad niyang binawi nang makita ang itlog – may nakasulat na ‘Bati na tayo, pwede ba?’ at sa gitna ng tray ay may isang itlog na may mukhang lalaki na tila nagpapa-cute sa kanya.
Tumalikod siya saka naglakad palayo sa lalaki. Hinabol naman siya nito saka hinawakan sa kanang balikat niya. Tinabig niya ito dahilan para mabitiwan nito ang mga itlog na hawak hanggang sa mabasag ang mga iyon.
“A-ano ba? Di ka ba nakaka-gets o mahina lang talaga ang kokote mo? Ayaw nga kitang makausap, o malanghap man lang,” malakas na bulyaw niya sa binata.
“Patawarin mo na kasi ako,” agad na sabi nito saka agad na lumuhod sa kanyang harapan. “Zaira, bati na tayo! Saka maniwala ka na walang nangyari sa amin ni Noorelle.”
“No need to explain! Hindi naging tayo kaya wala kang obligasyon na magpaliwanag sa akin,” sabi niya habang nakataas ang kilay.
“Mahal kita,” maiyak-iyak na sabi nito na siyang ikinatuwa niya. “Please give me chance na makabawi sa’yo. Liligawan ulit kita,” litanyang wika nito sa kanya.
“H-huwag na! Kung sa simula pa lang sinaktan mo na ako paano na kaya kung tayo na,” madramang tugon niya sa binata.
“Diba sabi mo mahal mo ko?” Namula ang kanyang mukha. Huminga siya nang malalim saka humarap sa lalaking nakaluhod sa kanyang harapan. Mayamaya pa, tumayo na rin ito saka hinawakan siya sa magkabilang balikat niya.
“Bitiwan mo ako! Nagkamali ako nang sabihin kong mahal kita. Hindi kita mahal Andrew, ang mga nasabi ko ay isang malaking akala lamang.” Biglang kumulog ang kalangitan na tila tumutol sa kanyang mga nasabi. Napayakap naman siya sa binata sa labis na takot sa kulog na sinabayan pa ng kidlat. “A-afraid,” nanginginig na sabi niya habang nakapikit.
Nang lumaon, natigilan siya nang maraang makagat niya ang nipple ng binata. Nakasubsob kasi ang bibig niya sa dede nito. Mabuti na lamang naka-t shirt ang lalaki kaya wholesome pa ang dating niya. Natauhan siya sa kanyang ginawa. Sa labis na takot sa kulog ay napasubsob ang mukha niya sa matipuno nitong dibdib hanggang sa makagat niya ang hindi dapat makagat.
“OMG! Anong ginawa mo Zaira?” sigaw ng kanyang isipan.
Napangiti na lamang ang binata sa nagawa niya. Itinulak niya ito saka agad na tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto.
“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Hindi raw mahal pero kung maka-dede wagas!” panunukso ng penguin habang nakahiga sa kanyang unan.
“Ikaw na naman!” Sa inis, bigla niyang hinila ang unan na kinahihigaan nito. “Tumahimik ka kung ayaw mong i-prito ko ang itlog mo,” banta niya sa penguin.
Lumapit siya sa bintana saka isinara iyon. Natatakot kasi siya na baka maulit na naman ang malakas na pagkulog ng kalangitan.
PANAY ang kamot ng isang bruhilda sa kanyang singit habang nagbabasa ng pocketbook. Mayamaya, itinigil nito ang pagbabasa saka nag-focus sa pagkakamot nito. Mababakas sa mga mata nito ang labis na galit sa mga kuto.
“Halika! Halika!” tawag niya sa isang bruhilda. “Kutuhan mo ako,” utos nito habang umuusok ang dalawang tenga sa tindi ng galit.
“Akala ko ba nawala na ang kuto mo mula nang magpa-hot oil ka,” tugon ng isang bruhilda habang lumalapit sa kanya.
“Hindi! Dito sa bukid kutuhan mo ako,” sabi niya sa kaibigang bruhilda. Lalo siyang natuwa nang sundin nito ang inuutos niya. “Bilis! Baka pumasok sa lungga,” dugtong nito na tila nasasabik na mapisa ang kutong makukuha ng kaibigang bruhilda.
Bigla silang napatayo nang dumating ang isang bruhilda. “Nasaan ang isang bihag?” Lumapit ito sa kanila saka agad silang binatukan. “Ano ba ang ginagawa n’yo? Di’ba sabi ko sa inyo paliguan n’yo ang bihag,” tukoy nito sa isang dance instructor na nabiktima nila sa isang disco bar.
“Kanina pa!” halos sabay na sagot ng dalawang bruhilda. Agad naman na pumasok sa isang secret room ang isang bruhilda. Tumambad sa kanya ang isang lalaking hubo’t hubad na nakagapos sa isang malaking bato.
“Pakawalan mo ako!” sigaw ng lalaki. Lumapit siya rito saka hinimas ang maamong mukha nito.
“Gwapo ka pero kulang kaya hindi ikaw ang i-aalay namin sa ritwal,” sabi nito sa lalaki.
“Ritwal? Kung hindi ako ang hinahanap n’yo pakawalan n’yo na ako,” agad na sabi ng binata.
“Hindi! Kailangan ka rin namin para lalo kaming lumakas,” lumaki ang mga mata nito saka humalakhak nang humalakhak. Mayamaya pa, gumapang ang mga kamay nito sa matipunong dibdib ng lalaki.
“A-anong gagawin mo?” takot na sabi ng lalaki. Ilang saglit pa, bumaba ang kamay nito saka sinaklot ang six pack abs ng bihag.
HINDI mapalagay si Noorell habang nagbabasa ng pocketbook. Ilang araw nang hindi umuuwi ang kapatid niya. “Saan kaya nagpunta ang lalaking ‘yun?” Kinuha niya ang kanyang cellphone saka i-dinial ang number nito subalit out of coverage ito.
“Inday! Inday!” malakas na tawag niya sa katulong. Lalo siyang nainis nang walang katulong na lumalapit sa kanya kaya minabuti niyang tumungo sa kusina. “A-ano ka ba?” singhal niya rito nang madatnang nagbabasa ito ng pocketbook. “Kanina pa kita tinatawag para ipagtimpla ako ng juice,” dugtong niya rito habang inagaw ang pocketbook na hawak nito.
“Naku! Ate, ubos na ang juice n’yo,” agad na tugon nito sa kanya. “Ay! Ano po pala ang balita kay kuya?”
“Wala! Di ko nga alam kung saan nagpunta ang lalaking ‘yun. Hindi ko alam kung bakit sa akin nangyayari ang mga bagay na ito. Nalugi na nga ang isang business ko ngayon naman nawawala ang kapatid ko,” litanyang wika niya rito.
“Ganyan po talaga lalo na kung masama ang ugali. Kinakarma!” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Babatukan niya sana ito nang biglang mag-ring ang cellphone niya. “A-ano?” Biglang kumabog ang dibdib niya nang mabalitaang natagpuan na ang kapatid niya. Lasug-lasog daw ang tiyan nito na tila kinuha ang six pack abs nito. “Paano nangyari? Hindi ako naniniwala!” malakas niyang sigaw na siyang nagpakaba sa katulong na kanina pa nakikinig sa usapan.
LAKING gulat ni Zaira nang mabalitaan ang nangyari sa isang dance instructor. Hindi siya nagulat na kapatid ito ni Noorell kundi mas ikina-shock niya na ito pala ang Dance Instructor ng kanyang ina. Halos mamaga na ang mga mata ng kanyang ina nang mabalitaan ang nangyari sa lalaki.
“Nay, kung mag-eemote lang kayo eh baka wala na tayong mabentang itlog,” aniya sa inang nakahiga sa kama habang umiiyak. Sa lakas ng iyak nito ay tinalo ang bidang babae sa isang teledrama.
“Nalulungkot lang ako kasi namatay siya nang di ko man lang natitikman,” ma-dramang sagot nito sa kanya.
“W-what? Hay! Naku! Makalabas na nga lang ng bahay,” inis na sabi niya. “Kung umasta akala mo dalagita!” dugtong niya habang tumutungo sa kusina. Kanina pa niya hinahanap si Andrew subalit di niya ito matagpuan. “Nasaan kaya ang lalaking ‘yun?”
“Naku! Baka nabihag na siya ng mga bruhilda!” biglang sambit ng penguin na tila isang kabuteng biglang sumulpot sa kanyang harapan.
“I-ikaw na naman! Ang ibig mong sabihin hindi tao ang pumatay sa dance instructor?” usisa niya sa makulit na penguin.
“Korek! Kailangan ng mga bruhilda ng isang lalaking magpapalakas sa kanila,” tugon nito habang tumatalun-talon sa silyang pinapatungan nito. “Ito pa! Hindi lang basta lalaki kundi isang lalaking may perfect abs,” dugtong nito na siyang ikinagulat niya.
“Katulad ni Gwapito?”
“Oo! Kaya kung hindi mo tatanggapin ang offer ko posible na si Gwapito ang next victim. Kapag pumayag ka na maging Pinay super hero i-uupload ko ang full video ng Thrilla sa MOA para mabawasan ka ng tinik sa dibdib,” wika nito habang inilalabas nito ang malaking itlog. Handa ka na bang kainin ang itlog ko?”
“Di ba pwedeng himas na lang?”
“Hmmm! Actually, kasama ‘yan sa procedure para mag-transform ka mula sa ordinaryong tao hanggang sa maging super hero. Una, ilalabas ko ang itlog ko. Hihimasin mo, isusubo saka kakainin ng bonggang-bongga,” sabi nito na tila nag-iisip pa nang idudugtong sa mga nasabi nito.
“W-what? Sa laki ng itlog mo paano ko malulunok ‘yan?”
“May powers ang itlog ko kaya kapag nasa bibig mo na kusa itong lalambot para malunok mo. Tandaan! Walang malaki sa bunganga ng isang Pinay super hero!” Isang mahinang batok ang ibinigay niya rito. “A-aray naman!”
“Kung magsalita ka parang sinasabi mo na malaki ang bunganga ko. Excuse me, virgin pa ‘to!”
“O, ngayon pumapayag ka na ba?”
“Ayaw ko!”
“Sige, ikaw din baka si Gwapito na ang next victim. Saka di ka ba naaawa sa nanay mo na parang namatayan ng dyowa?” Bigla siyang napa-isip sa sinabi nito. Nagpa-meywang siya saka nag-isip nang malalim.
“Hmmm! Pag-iisipan ko pa pero di ako nangangako ha,” wika niya rito na ilang saglit ay biglang naglaho sa kanyang paningin. “Hay, ang penguin bigla na namang naglaho!” sambit niya habang inaayos ang mga itlog sa mesa.
Bigla siyang natigilan nang maalala ang favorite movie niya, ang Super Inday and the Golden Bibe. Maihahalintulad ba ang buhay niya sa isang pelikula?
Kinuha niya ang itlog saka pinagmasdan iyon. Mayamaya pa, hinimas himas niya iyon hanggang sa magsawa ang kanyang mga kamay. Bigla siyang kinabahan nang maalala ang sinapit ng dance instructor na kapatid pala ng kontrabida ng love story niya, si Noorell na sa tingin niya ay hindi pantay ang dibdib nito.
Tumungo siya sa kuwarto ng kanyang ina upang tingnan kung ano ang ginagawa nito. Nang makitang natutulog na ang ina ay nakahinga siya nang maluwag. Ang buong akala niya ay di na titila ang mga luha nito sa pisngi. “Sa wakas nakatulog ka na rin para matapos na ang pag-eemote mo mother,” wika niya sa ina na tumutulo na ang laway sa unan.
Tumungo niya sa likod ng bahay saka inilibot ang kanyang paningin. Nang makitang walang tao sa paligid ay tinawag niya ang penguin. Buo na ang loob niya na tanggapin ang offer nito; ang full video ng Thrilla sa MOA kapalit ng kapangyarihan na magagamit din niya para ma-proteksyunan si Gwapito sa mga kamay ng mga bruhilda.
LAKING tuwa ng tatlong bruhilda nang madagdagan ang lakas at kapangyarihan nila mula nang kainin nila ang six pack abs ng bihag. Lalo pa silang sumigla nang kainin nila ang itlog ng biktima.
“Mas mapalad ako kasi hotdog ang nakain ko! Hihihi!” pagmamayabang ng isang bruhilda.
“Bruha! Mas masarap ang itlog!” sighal ng isa na ikinabingi ng isang bruhilda. “Pero, kailangan pa rin nating maghanap ng isang lalaking gagamitin natin sa ritwal.”
“Tama! Nauubos na ang panahon natin. Halika, samahan n’yo ako!” utos ng bruhildang naka-high heels. Mayamaya pa, nakarating sila sa isang malaking kawa. “Nakikita n’yo ba ang nakikita ko?”
“Ang gwapo!” sagot ng isa habang pinagmamasdan ang isang lalaking nagbubuhat ng barbel.
“Ang abs perfect!” sambit ng isa na tila naglalaway na habang tinitingnan nito ang abs ng lalaki. “Kailangang makuha natin siya sa lalong madaling panahon,” dugtong nito habang kinakamot ang singit.
PAWISAN si Andrew habang nagbubuhat ng barbell sa gym. Minabuti muna niyang magpapawis bago umuwi. Kagagaling lamang niya sa opisina para kunin ang pay check niya. Natuwa pa siya nang matuklasang nagkaroon siya ng malaking bonus dahil sa article na ginawa niya tungkol sa buhay ni Super SB.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Zaira na may alam ito tungkol sa pagkatao ng super hero. Napangiti siya sa kanyang naisip – may posibilidad na makatulong sa kanya ang babae para matapos na niya ang special edition niya para sa article ni Super SB.
Pinunasan niya ang kanyang dibdib na ngayon ay basang-basa ng pawis. Nakahubad lamang siya kung saan isang jogging pants ang suot niya. Ilang saglit pa, tumungo siya sa locker para magbihis.
Bigla siyang natigilan nang makita ang missed call ni Noorell. Agad naman niyang naalala na kamamatay lamang ng kapatid nito. Idinial niya ang number nito para damayan ang pagluluksa nito.
“I need you right now, Andrew! Hindi ko na alam ang gagawin ko,” wika ng dalaga sa kabilang linya. “Please, puntahan mo ako dito,” sabi nito sa kanya.
May kung anong enerhiyang tumulak sa kanya para puntahan ang dating katipan. Hindi kaya ng konsensya niya na hayaan lamang ito na nagluluksa. Kahit papaano naging kaibigan din naman niya ang kapatid nito. Pupunta siya para makiramay hindi para balikan ito. Alam ng puso niya kung sino na ang babaeng napupusuan niya – si Zaira, ang babaeng mahilig kumain ng itlog na takot sa malakas na kulog ng kalangitan.
Bigla niyang nasaklot ang dibdib niya. Namaga kasi ang dede niya sanhi ng pagkakagat ng dalaga. Hindi niya inaakala na takot pala ito sa kidlat kaya agad itong napasubsob sa dibdib niya. Ang masakit, kinagat nito ang nipple niya na hindi niya matukoy kung sinadya nga ba o nagkataon lamang.
BIGLANG may kuminang sa kaliwang bahagi ni Zaira na siyang ikinagulat niya. Nang matuklasang isang makulit na penguin ang sumulpot sa kanyang harapan ay labis niya iyong ikinatuwa.
“Kanina pa kita hinahanap! Hik hik!” masayang bungad niya sa kaibigang penguin.
“Alam ko! Kasi natatakam ka na sa itlog ko!” pagmamalaki na sabi nito.
“Hmm! Sige na nga payag na ako pero sa isang kondisyon,” sabi niya rito na tila napa-isip kung ano ang ibig niyang sabihin.
“A-anong kondisyon?”
“Kailangan sexy ang costume ha!” malanding sabi niya rito. “Kailangan labas ang panty ha katulad ni Super SB na nasa labas ang brief.”
“Ang arte arte mo naman!”
“Syempre! Di naman ako papayag na pangit ang costume ko no?”
“Sige, nakahanda ka na ba? Ito lang masasabi ko, bilang isang super hero magiging tagapagtanggol ka ng mga mabibiktima ng tatlong bruhilda. Kung gusto mo pang tumulong sa ibang nangangailangan ng iyong tulong ay hindi kita pipigilan. Kaya ka nga super hero kasi tagapagligtas ka ng lahat.”
“Oo na! Get’s ko na! Sige na ilabas mo na ang itlog mo,” utos niya sa penguin.
“Hmmm! Ayaw pa lumabas eh!”
“A-ano?”
“Lalabas lang ang itlog ko kung hihimasin mo ako.”
“Meganun?” Lumaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. “Sige na nga!” Kinuha niya ito saka hinimas ang ulo nito pababa sa madulas na katawan nito. Pabilis nang pabilis ang ginawa niyang paghimas sa malagkit na katawan ng penguin. Ilang saglit pa, may likidong lumabas sa bibig nito hanggang sa mabasa ang kanyang mga kamay. “Ang lagkit naman!” Nang lumaon may isang kumikinang na itlog na lumabas sa katawan nito na siyang nagpalambot sa tuhod ng penguin.
Tumayo siya saka tumingin sa malayo. Hawak-hawak na niya ang itlog ng penguin. Hinimas-himas niya ito dahilan para maramdaman niya ang isang enerhiyang gumagapang sa kanyang katawan. May isang enerhiyang nag-uutos sa kanya kung ano ang gagawin sa itlog.
Nakakaramdam siya ng init na hindi niya kayang ipaliwanag. May nagtutulak sa kanya para isubo ang malaking itlog na hawak niya. Nang lumaon, unti-unti niyang isinusubo ang itlog hanggang sa malunok niya iyon.
Ilang minuto pa, may malakas na enerhiyang nag-uutos sa kanya para itaas niya ang kanyang kanang kamay saka ubod lakas na sumigaw –
“Super Zaira!” malakas na sigaw niya na tila may kung anong liwanag na nagmula sa kanyang bibig. Umikot pa siya ng tatlong beses. Pagka-ikot, may kung anong pwersa ang nag-utos sa kanya para mag-split.
“Aray! Nahiwa yata ang petchay ko,” daing niya habang tumatayo. “Akala ko ba magiging super hero ako?” takang tanong niya nang mapansing walang nagbabago sa kanyang pagkatao.
“Syempre, practice muna!” Umusok ang kanyang ilong saka hinabol ang penguin na masayang nag-jump jump habang hinahabol niya.
Nang lumaon, bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya nasasakal siya. “A-anong nagyayari bakit parang nasasakal ako?”
“Relax! Dahil first time mong lumunok ng itlog ko makakaranas ka ng ganyan. Anong feeling mo, agad-agad transform na?” agad na sabi ng penguin.
Nasaklot niya ang kanyang dibdib nang makaramdam ng isang bagay na tila kumakalampag sa dibdib niya. Mayamaya pa, natigilan siya nang unti-unting nagbabago ang kanyang anyo.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay dahilan para magliwanag ang buong paligid. Pakiramdam niya sa katawan niya nagmumula ang nasabing liwanag.
“S-Super Zaira!” malakas niyang sigaw na siyang nagpabago ng kanyang anyo. Isang babae na may kakaibang kasuotan kung saan nakalabas ang golden panty nito.
“Ako si Super Zaira! Ang tagapagtanggol ng mga gwapito!” buo ang boses na lumabas sa kanyang mga bibig.
“Lipad na! Lipad na!” malakas na sigaw ng penguin habang nakatingin sa kanya. Mababakas sa mga mata nito ang labis na kasiyahan.
“Lipad agad? Di ba pwede, picture muna pang-facebook?”
What? Kakalorkey naman ng ating super hero! Abangan ang kanyang pakikipagtuos sa tatlong bruhilda!
Lilipad na ang nag-iisang pinay super hero ng TRE!
Jondmur’s
Super Zaira, and the Magical Penguin
No comments:
Post a Comment