Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Love You, Best

JOE – Memories of Love – Page 490

BIGLA akong napabangon sa aking kama. Grabe! Sa sarap ng tulog ko natuyo na ang laway sa pisngi ko. Tumayo ako saka agad na tumungo sa restroom na nasa loob lamang ng room ko. Inilabas ang toytoy, pumikit saka dyuminggel. Wow! Sarap ng gising ko! Sa sobrang sarap nakatayo pa ang bandera.

Pagkatapos, tumungo ako sa kama saka kinuha ang cellphone ko. Katulad dati hanggang tenga ang ngiti ko. Syempre, may text messages na naman ako galing sa best ko. Alam n’yo yung feeling na napapasaya ka ng isang tao? Isang text lang niya parang nasa langit ka na. Ganyan ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko ang bestfriend ko.
Fetus pa lang yata ako kaibigan ko na siya. Magkaibigan kasi ang mga nanay namin. Ang nakakatuwa pa, sabay silang nabuntis. Kaya ang resulta palakihan sila ng tiyan. Syempre, mas malaki ang tiyan ni nanay.
Naligo ako saka agad na nagbihis. Isang white sando ang isinuot ko na siyang bumagay sa maskulado kong katawan. Bumakat pa nga ang dibdib ko sa suot ko. Body fitted kasi! Humarap ako sa salamin saka tiningnan kung okay ba ang basketball shorts na suot ko. Nang masigurado kong okay na ang lahat agad na akong lumabas ng kuwarto ko. Sinigawan pa ako ni nanay na siyang nagpabingi sa tenga ko. Sino ba naman ang hindi magagalit kung mas maaga pa ako sa bumbay lumabas ng bahay?

Tumungo ako sa isang subdivision. Kinawayan ko lang si manong guard at nakapasok na ako. Kilala na kasi ako sa lugar na iyon. Bata pa lang ako madalas na ako pumunta sa bahay ng best friend 

Naabutan ko si Cattleya na naka-upo malapit sa harden. Nakatalikod siya kaya di niya namalayan ang pag-akyat ko sa pader ng bahay nila. Gawain ko na kasi iyon – ang umakyat sa pader kaysa kumatok sa gate nila.
“O, nagulat ka no? Akala mo si John Lloyd Cruz! Nagkakamali ka!” Biglang napalingon ang best ko. Nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya na tila isang bumbay na nalugi sa negosyo. Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang magkabilang kamay niya. “Di ba sabi ko sa’yo huwag kang malulungkot. Sayang ang ganda ng mga mata mo kung malulungkot ka lang. Mas bagay sa’yo ang nakangiti.”
Isang simpleng ngiti lamang ang isinagot niya sa akin na siyang ikinatuwa ko. Sapat na kasi yung napangiti ko siya. Kahit saglit lang gumagaan ang pakiramdam ko. “Halika! Samahan mo ako. Kunin ko lang ang susi ng motor ,” agad niyang sabi sa akin bago siya tumalikod para kunin ang brand new Honda HRM motor bike niya.
                Tumigil siya sa tapat ko saka iniabot sa akin ang isang helmet. Ngumiti ako bago ko iyon kinuha sa kanya. “O, sakay na!”
                “Hindi ba nakakahiya na ako pa ang aangkas sa’yo?”
          “Asus! Nahiya ka pa? As if naman na marunong kang mag-motor? Mag-bike nga di ka marunong,” panunukso niya sa akin na siyang nagpatulis ng nguso ko.
                “Yabang nito! Alam mo kung di ka lang maganda pinatulan na kita.”
                “Ano sasakay ka ba o tatayo ka na lang diyan?” Huminga ako nang malalim saka binuksan ang gate ng bahay nila. Napangiti ako habang papalapit siya sa akin. Bagay kasi sa kanya ang maging rider ng motor. Ang cute kasing tingnan! Para siyang bidang babae sa isang pelikula. Kakaiba kasi siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Maganda na, motorista pa! Kahit nakapalda siya okay lang basta makasakay lang ng motor. Ako naman willing sumakay sa trip niya!
           Grabe! Ang sarap sumakay na kasama mo ang taong mahal mo. Kahit walang halong malisya para sa kanya. Hindi na mahalaga sa akin kung pagtinginan kami ng mga tao. Ang mahalaga masaya ako.
            Humanga ako sa ganda ng tanawin na aking natatanaw; isang malawak na palayan na marami ang nagsasaka sa mga oras na iyon. Halos lumuwa ang mga mata ng mga tao habang pinagmamasdan kami. Siguro nagulat sila dahil babae ang nagmamaneho ng motor. Pakialam ko sa kanila!
            Itinaas ko ang aking mga kamay saka sumigaw nang ubod lakas. Tumawa naman si Cattleya na tila natuwa sa ginawa ko. Ilang saglit pa, kumanta siya sa isang awiting nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di mo malaman ang tungo kung saan
Pero sama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko......

Inilapit ko ang mukha ko sa ilalim ng batok niya, at dahil hindi namin suot ang mga helmet namin halos dumikit na ang labi ko sa kaliwang tenga niya. Hindi ko alam kung naramdaman niya iyon. Possible pero walang malisya para sa kanya. Baka ako lang ang nagbibigay ng malisya!

Akala ko mapipigil ko
ngunit lalong nahuhulog sa'yo
Magaang dalhin kay sarap lambingin
yun nga lang ay kaibigan kita

Natauhan ako sa ginawa ko. Agad akong dumistansya sa kanya para ikubli ang naninigas kong kalamnan. Mahirap na baka mapansin niya. Patay tayo diyan!
Tumigil siya sa isang lugar na di ko pa napupuntahan. Tahimik ang buong paligid. Tanging mga huni ng ibon ang aking naririnig. Pagkababa, agad kong inilibot ang aking paningin. Natuklasan ko na nasa plantasyon pala kami ng pinya. Naagaw din ng atensyon ko ang niyugan na matatagpuan sa di kalayuan.
                “Wow! Ang sarap!” sambit ko habang lumalanghap ng sariwang hangin. Hinawakan niya ako sa kanang kamay ko saka hinila. Halos madulas ako sa ginawa naming paglalakad. Paano ba naman nagmamadali siya na tila natatae.
                “Alam ko gutom na mga alaga mo kaya nagpaluto ako kay Manong ng Tapsilog,” saad niya sa akin. Natuklasan ko na sila na pala may-ari ng plantasyon. Kabibili lang daw ng erpat niya. Grabe! Lalong yumayaman ang best ko!
                “Ang bango naman!” wika ko nang maamoy ko ang masarap na Tapsilog. Sa isang bahay kubo kami tumuloy ni Cattleya. Maliit lang pero presko sa pakiramdam. Naalala ko tuloy ang dati naming bahay.
                “O, basa ang likod mo!” aniya habang kinakapa ang likod ko. Agad niyang kinuha ang white towel na nakasabit lamang sa leeg ko. Gawain ko na kasi ang magdala ng towel. Sinanay kasi ako ni nanay. Bata pa lamang ako pawisin na ako kaya dapat laging may dalang towel.  “Dapat ang towel hindi sa leeg nilalagay. Dapat sa likod,” dugtong niya habang pinupunasan niya ang likod ko. Inayos pa niya ang towel saka iniwan iyon sa likod ko.
                “Nakakahiya naman!”
                “Asus! Nahiya ka pa! Ako nga ang naglinis ng toytoy mo nung tinuli ka,” biro niya sa akin na siyang nagpamula sa mukha ko.
                Natahimik ako habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha. Nakangiti siya habang kinakausap si Manong. Sabi niya, sarapan daw niya ang luto sa Tapsilog kasi special daw ang kakain.
                “Wow! Manong amoy pa lang masarap na!” sabi ko habang inihahain sa amin ang Tapsilog na may kamatis pa. Grabe! Mabubusog mga bulate ko sa tiyan!
                “Best, dahan dahan lang ang kain ha baka mabulunan,” biro sa akin ni Cattleya habang kinakamay niya ang itlog.
                “Baka ikaw! Takaw takaw mo kaya,” ganting biro ko sa kanya. Tumawa siya kaya tumalsik ang kanin mula sa bibig niya. Napangiti ako hanggang sa nauwi sa isang halakhak. Binalot tuloy ng malalakas na tawanan ang buong bahay kubo.
                Natapos ang masarap na agahan hanggang sa magpahinga kami sa ilalim ng puno ng niyog. Nakasandig ako sa puno samantalang nakasandig siya sa dibdib ko. Parang eksena lang sa isang romantic movie, ang pinagkaiba lang magkaibigan lang kami.
                “Paano kaya kung mahulog ang bunga ng niyog saka tumama sa ulo ko. Malaki kaya ang bukol?” Napangiti siya sa tanong ko.  “Alam mo mas bagay sa’yo ang nakangiti kaya ‘wag ka na mag-eemote ha. Bakit ka pala malungkot kanina? Na miss mo ba ako kaya nag-text ka sa akin?”
                Hinampas niya ang kanang balikat ko. Humarap siya sa akin saka ginulo ang buhok ko. “Alam mo adik ka! Bakit naman kita mamimiss eh kahapon lang nang magkita tayo?” Tumayo siya saka nagpa-meywang sa harapan ko. “Alam mo best, kung wala ka sa buhay ko malamang lagi akong malungkot.”
                Natahimik ako sa sinabi niya. Bata pa lang si Cattleya nang maging abala sa negosyo ang mga magulang niya. Nag-iisang anak kaya katulong lang ang madalas na makasama sa bahay. Maswerte siya kasi binigyan siya ng isang gwapong kaibigan. Kaya nababawasan ang kalungkutan niya.
                “Sarap ng buko! Alam mo imbes na mag-emote ka kumain na lang tayo ng buko. Teka, aakyat ako,” wika ko sabay tayo. Akma na akong aakyat nang pigilan niya ako. “O, bakit naman? Alam mo masarap uminom ng buko,” dugtong ko habang pinagmamasdan ang niyog na balak kong kunin.
                “Baka mapagod ka! Mamaya atakihin ka ng hika mo. Sige ka, di ka palalabasin ng nanay mo para maki-ride sa motor ko.”
                “Eh, sino naman ang aakyat?”
                “Ako!” Lumaki ang mga mata ko. Kung tutuusin alam ko naman na marunong siyang umakyat ng niyog. Ewan ko ba sa babaeng ito! Lalaki yata ito sa unang buhay niya. Pambihira! Mas magaling pa sa lalaki maka-akyat ng puno. Wagas!
                Kabado ako habang umaakyat siya sa  niyog. Natatakot kasi ako na mahulog siya. Ilang saglit pa, tinangay ng hangin ang paldang suot niya. Nakita ko tuloy ang shorts niya na may design ni Simsimi.
                “Hoy! Lumayo ka! Baka ano pa makita mo diyan!” sigaw niya sa akin. Siguro nauntog siya kaya naalala niya na naka-palda lamang siya. Mabuti na lamang may shorts siya. Malas niya kung naka-panty lang siya.
                Tatlong niyog ang nakuha niya. Nasalo ko pa ang isa kaya naman bilib ang lola n’yo sa akin. Mayamaya, pababa na siya ng niyog. Syempre, inabangan ko ang pagbaba niya hanggang sa salubungin ko ang katawan niya.
                Inch by inch lalong naglapit ang mga katawan namin. Kulang na lang maglapit ang mga ilong namin. Gahibla na lang mahahalikan ko na siya. Na-focus naman ang magkabilang kamay niya sa leeg ko. Grabe! Kung ito ay isang eksena sa isang pelikula malamang sigawan ang mga fans. Nakakakilig kasi ang bawat eksena na siyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
CatchMe – Book of my Life – Page 110
                OH, my Gosh! Natigilan talaga ang lola n’yo sa nangyari. Isipin n’yo muntik na akong mahalikan ng best friend ko.  Kung di ko lang kilala ang mokong na iyon iisipin ko may gusto ‘yun sa akin.
                Ako po pala si CatchMe este Cattleya Mae Arnaiz, isang certified adik. Hahaha! Ewan ko ba, pero aaminin ko mag-bestfriend lang talaga kami ni Joe. And I’m so happy kasi di niya nabibigyan ng malisya ang mga scene na nagagawa namin; katulad noong grade five kami naligo kami na naka-underware lamang. Maluwag pa nga ang panty ko! Kakaloka! Minsan naman naabutan niya akong umiihi sa likod ng pader, at madalas nagkakalapit ang mga katawan namin. Pero one time, ang mokong tinigasan habang naka-angkas sa motor ko. Akala niya di ko na-feel! Ang tigas kaya! Hahahaha!
                Honestly, walang malisya sa akin ang lahat. Parang brother ang tingin ko sa kanya. Siguro dahil only child lang ako. Malayo ang loob sa daddy kaya sa kanya ko naibuhos ang lahat ng atensyon ko. I’m so proud na naging kaibigan ko siya. Ninang ko pa ang nanay niya. O, di ba? Close kami? Kaya nga nung matuli ang lalaking yun ako pa ang kumuha ng dahon ng bayabas para itapal sa nangangamatis niyang alaga. Diyos Pabor! Lumaki na kaya?
CatchMe – Book of my Life – Page 121
                IT was a rainy day kaya naisipan kong magkulong sa kuwarto ko. Naiiyak ako sa dahilang nag-away na naman ang parents ko. I opened the room window hanggang matanaw ko ang buwan na tila nagkukubli sa maitim na ulap.
                “Di ba sabi ko sa’yo huwag kang malulungkot. Sayang ang ganda ng mga mata mo kung malulungkot ka lang. Mas bagay sa’yo ang nakangiti.”           
                Naiyak ako nang mag-flash back sa isipan ko ang sinabi sa akin ng best ko. Napangiti tuloy ako habang umiiyak. Kakaloka! Mukha akong baliw na adik habang nakadungaw sa bintana. Di ko matukoy kung naiiyak ako o natatawa. Hays! Na miss ko tuloy ang mokong na ‘yun kahit kanina lamang kami nagkita.
                Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang best ko kaso di niya sinasagot ang tawag ko. Malamang tinutulungan na naman niya si ninang na mag-luto ng kakanin. Alam n’yo ba na nagmula sa hirap ang pamilya ni Joe pero dahil sa sipag at tiyaga ng ninang ko ay lumakas ang kakanin nila. Malaki din kasi ang kita nila sa mga kakanin na madalas i-supply sa mga bakeshop, groceries store o maging sa mga sari-sari store.
                Napa-upo ako hanggang sa mapahiga sa aking kama. Napagod ang brain cells ko sa kaka-emote!  Hahaha! Walang magawa ang lola n’yo kaya ito todo ang emote! Bigla akong napapitlag nang mag-ring ang cellphone. As what I expected, si best ang tumatawag. Di rin nakatiis ang mokong!
                “Hello! Kumusta na ang best ko,” malambing na sabi ko sa kabilang linya.
                “Naku, Cattling! Nakatulog na si Joe. Inatake kasi ng hika niya. Napagod yata kanina.” Nakagat ko ang labi ko sa nabalitaan ko. Bakas sa mukha ko ang labis na pag-alala. Inatake ba siya nang dahil sa akin? Pinagod ko kasi ang mokong nang magpasama ako sa tabing dagat. Naghabulan kami na parang mga bata saka naglaro ng volleyball.
JOE – Memories of Love – Page 502
                        DIBDIB  ko nanikip na dahil sa hika ko. Pesteng asthma! Bata pa lang ako sakitin na ako. Kaya sa PE class namin exempted ako, at sa ROTC namin ako lang ang bukod tanging di dumaan sa training. Ang hindi nila alam mas natuwa ako dahil naka-upo lamang ako habang nanonood ng drill.
                Napamulat ako nang maramdaman ko na ang mainit na palad na humihimas sa mukha ko. At sa aking pagmulat, napangiti ako nang makita ko ang matamis na ngiti ng best ko – si Cattleya habang  pinupunasan ang pawis ko sa noo.
                “O, nahihirapan ka pa bang huminga? Ito dagdagan mo ang unan mo,” sabi niya habang nilalagay ang unan. Magpagaling ka na ha!” Hinawakan ko ang kanang kamay niya na akma sanang hihimas sa matangos kong ilong.
                “Best, salamat ha!” saad ko kasunod ng isang matamis na ngiti. Subalit, kasunod niyon ang mahina kong pag-ubo. Napabangon ako hanggang sa masaklot ko ang dibdib ko. Nagulat ako nang hinimas niya ang likod ko.
                “Best, okay ka lang? Dalhin ka namin sa ospital,” wika niya habang kinukuha niya ang ventolin inhaler ko. Inabot niya sa akin iyon saka tinulungan akong gamitin iyon.
                Pansamantalang guminhawa ang pakiramdam ko. At doon ko namalayan na mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanang kamay niya.
                Can this be love? Bakit gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakasama ko siya? Pareho lang kaya ang nararamdaman namin? Sa kabila nang malakas na pag-ulan, pinuntahan niya ako para alagaan. Senyales ba  iyon ng pagmamahal?
                LINGGO nang umaga nang bumisita sa akin si Edyzr. Magpapasama kasi siya sa akin na bumili ng sapatos para sa nalalapit na graduation. Kung hindi n’yo naitatanong, fourth year high school na ako.
                “If I were you, niligawan ko na ang best friend ko. Saka pare, sure ako in love din sa’yo ang best friend mo,” sabi niya sa akin habang kumakain ng suman. “Sarap ng suman! Galing talaga ng nanay mo,” dugtong nito.
                “Natatakot ako pre, paano kung umiwas siya sa akin? Magalit dahil binigyan ko nang malisya ang friendship namin,” sagot ko habang pinaglalaruan ang balat o dahon ng suman.
                “Ang love parang sugal kaya kailangan mong tumaya. Ang mahalaga nasabi mo sa kanya ang nararamdaman mo. Malay mo, same feeling lang pala kayo.”
                “Paano kung hinde?”
                “Atleast, nasabi mo sa kanya. Nasa kanya na iyon kung tatanggapin niya o hindi,” sagot nito habang ngumunguya ng palitaw.
                “Sabagay! O, baka maubos ang paninda ni nanay,” biro ko sa kaibigan ko nang mapansin kong nangangalahati na ang laman ng bilao.
                “Huwag mong ibahin ang usapan! Alam mo, ligawan mo na siya para magka GF ka na. Masyado kang naka-focus sa best friend mo kaya di mo na nakita ang ibang kalahi ni eba. Kilala mo ba si Jane? Crush ka nun!”
                “Loko ka talaga! Ang alam ko ikaw ang crush nun! Madalas ko ngang mahuli na nakatingin sa’yo,” sabi ko sa kanya. Ang loko, naniwala naman!
                Ang totoo napa-isip ako sa sinabi sa akin ng kaibigan ko. Di na ako nagka-GF kasi naka-focus kay Cattleya ang atensyon ko. Ang totoo, akala ng iba may relasyon kami. Paano ba naman, kulang na lang ang salitang relasyon para masabing kami na nga. Tinalo kasi namin ang lahat ng lovers sa school namin. Sa sobrang closeness at sweetness na pinapakita namin talo pati ang love team nina Sandara Park at Hero Angeles.
CatchMe – Book of my Life – Page 130
                I think I’m in love! Pasensya na kayo kasi mukhang in love na ang lola n’yo. At sa graduation day, ipagsisigawan ko sa lahat na nagmamahal ako. Hay! Ito na naman si manang Cattleya kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. Pasensya na kayo ha! Ganito lang talaga ako! Mahangin ang utak!
                Tumayo ako saka agad na nagbihis. Humarap sa salamin, naglagay ng face powder para pumuti ang lola n’yo, at kinuha ang cologne sabay wisik sa buong katawan. Umikot sa salamin hanggang sa mapangiti ako. Ang ganda ko! Let’s face it! Sa school, marami ang nanliligaw sa akin. Kaya lang yung iba umiiwas na kasi natatakot kay bestfriend.
                Pumunta ako sa school namin para sa graduation practice namin. At katulad ng dati makikipagdaldalan pa ako sa mga kaklase ko. Isa na sa mga close friends ko ay si Hanna, isang babaeng mahilig sa mga lalaking tsinito. Ewan ko ba sa babaeng ‘yon, adik!
                “Uy! In love ka na? Sabi ko na nga ba at mauuwi din sa love ‘yan! Kakakilig naman sister!” malakas na wika nito na siyang umagaw sa atensyon ng iba. “Diba, sabi ko bagay kayo,” dugtong nito na siyang nagpakilig sa akin.
                “A-ano ka ba? Ang ingay mo! Shy na ako,” saad ko sabay hampas sa kanang balikat niya. “Honestly, in love na ako! Mabait siya saka alam ko mahal din niya ako.”
                “Okay! Ikaw na day! Haba ng hair mo!” sambit ni Hanna. Ngumiti na lamang ako.  Basta! Buo na ang loob ko! After graduation, magkaka love life na ako! Promise!
JOE – Memories of Love – Page 510
                HALOS mapatalon ako sa tuwa sa mga narinig ko. Hindi alam ni Cattleya na nakikinig ako sa usapan nila. Nakatayo lang kasi ako sa likuran nila kung saan natatakpan ako ng mga halaman. Pupuntahan ko sana siya para yayaing kumain kaso narinig ko ang usapan nila. Ang sabi niya, na in love na raw siya sa akin. Kumalat pa ang tsismis! Ayon sa ilang kaklase ko, confirm daw na in love si Cattleya.
                Sabi ko na nga ba, pareho lang ang feelings namin para sa isa’t isa. Ang pasandig-sandig niya sa balikat ko ay tanda pala ng pagmamahal. Akala ko, ako lang ang nakakaramdam niyon. Siya rin pala!
                Graduation Day! Bakas sa mukha ko ang labis na saya. Makikita mo rin sa mga mata ni nanay ang labis na kasiyahan habang nakikita akong umaakyat ng stage. Sabi niya, di raw mapapantayan ang ligayang nararamdaman niya.
                Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. “O, pre ikaw lang pala!”
                “I think ito na ang right time para sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Kahit pa alam mong mahal ka rin niya.”
                “Oo naman! Mamaya, ipagtatapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko hihintayin na siya pa ang maunang magtapat sa akin.”
CatchMe – Book of my Life – Page 135
                Graduation day! I don’t think kung tama ba ang gagawin ko. Ang lola n’yo naguguluhan na naman! Basta! Kapag niligawan niya ako sasagutin ko na siya. Period!
                Bigla akong napangiti nang matanaw ko si Joe mula sa di kalayuan. Kausap nito si Edyzr, kaibigan niya na puro yabang sa katawan. Ewan ko ba kung bakit sila naging close. Di ko rin ma get’s kung bakit na in love sa kanya si Jane. Sabagay, gwapo naman ang loko! Kaya lang sabi ni Jane puro ligaw tingin lang ang binata. Torpe ang lolo n’yo! Hahahaha!
                Kinuha ko ang cellphone ko, at isang text message ang ipinadala ko sa best ko.
JOE – Memories of Love – Page 518
                KATATAPOS lang nang graduation ceremony. Hindi ako mapalagay dahil nakatatak sa isipan ko ang text message ni Cattleya. Ayon sa best ko, pumunta daw ako sa bahay nila. Bukod sa may handa sila ay may sasabihin siya sa akin.
                Kinakabahan ako na may halong excitement. Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Cattleya? Teka! Di ba, ako dapat ang gumawa ng first move?
                “Pre, mauunahan ka na ng best mo! Mamaya, sabihin mo na agad sa kanya ang nararamdaman mo. Nakakahiya kung siya pa ang mauuna. Isipin mo, wala nang torpe sa panahon ngayon.” Lumakas ang loob ko dahil sa encouragement na nakukuha ko sa kaibigan ko, kaya buo na ang loob ko. Bago matapos ang gabing ito – may love life na ako!           
                MARAMING tao sa bahay nila Cattleya. Nahiya tuloy ako dahil puro mayayaman ang mga naroroon. Sa tingin ko, bisita iyon ng parents ng best ko – mga politician at ilang negosyante.
                “Joe, halika! Kanina pa kita hinihintay,” agad na sabi sa akin ng best friend ko. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa terrace nila. “Alam mo best, special ka na sa akin. Bata pa lang tayo nakakasama na kita kaya nga magaan na ang loob ko sa’yo. At gusto kong malaman mo na.”
                Hindi naituloy ni Cattleya ang sasabihin niya dahil agad kong hinawakan ang kanang kamay niya. “Best, special ka rin sa buhay ko. Kulang ako kung wala ka,” sabi ko na may kasunod na ngiti.
                “Asus! Nag-emote ang best ko! Tara! Doon tayo sa likod ng bahay.” Napangiti ako. alam ko kasi na may mga lights sa likod bahay nila best. Mas romantic ang eksena kung doon magaganap ang pagtatapat ko sa kanya.
                Alam n’yo yung feeling na ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Heaven! Naglalakad kami habang magkahawak-kamay hanggang sa marating namin ang likod bahay nila. Grabe!  Napaka-romantic ng mga lights at may fountain pa na lalong bumuhay sa ganda ng paligid. Iilan lang ang taong naroroon kaya lalong lumundag ang puso ko.
                Hinila niya ako. Halos patakbo na ang ginawa naming paglalakad. Magkahawak-kamay habang papalapit kami sa isang lalaking nakatayo mula sa di kalayuan.
                “Best, si Enrique boyfriend ko!” Tila bombang sumabog sa pandinig ko. Dumulas ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakakapit  sa kanang kamay niya. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa dahil ramdam ko ang sakit sa puso ko.
                Maling akala lang pala ang lahat!
                “Hi! Ikaw pala ang bestfriend ni Cattleya! Nice to meet you pare,” wika nito habang iniaabot sa akin ang kanang kamay nito bilang tanda ng pangungumusta.
                Tatanggapin ko ba ang kamay niya o hahayaang sumakay sa alon na unti-unting lumulunod sa akin?
                Masakit pa lang magmahal sa isang kaibigan na akala mo may pagtingin din sa’yo. Mas mahirap pala kung magpanggap ka na tila okay lang ang lahat.
                “Best, o-okay ka lang?”
                “Ha? Mauna na ako ha! Sumama lang pakiramdam ko.”
                “Bakit? Inaatake ka ba ng hika mo?”
                “S-sige, iwan ko muna kayo.” Tumalikod ako saka agad na tumakbo palayo sa kanila. Pagkalabas ko ng gate, habol ang paghinga na napasandig ako sa isang pader. Halos manikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
                Ganito pala ang magmahal masakit kapag nasaktan. Lalo na kung nag-expect ka ng happy ending.
                “Best, mahal kita! M-mahal kita,” sambit ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ang tanga tanga ko! Naniwala sa maling akala dahil hindi pala ako ang tinutukoy niya.
CatchMe – Book of my Life – Page 137
                NAGULUHAN ang lola n’yo sa eksena. Di ko ma-get’s ng brain cells ko kung bakit ganun ang reaksyon ng best ko. Bigla na lang siyang namutla na parang naubusan ng dugo. Nasira tuloy ang big plan ko – ang ipakilala sa kanya ang first BF ko. Plano ko kasi na tatlo kami ang mag-bobonding para makilala at makilatis niya ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
                Lingid kasi sa knowledge ng best ko ay nakilala ko si Enrique sa birthday party ni Hanna. Syempre, kinilig ang lola n’yo. Ang gwapo kasi niya kaya laglag ang panty ko nang malaman ko mula kay Hanna na may gusto sa akin si Enrique.
                We texted each other hanggang sa lumalim ang communication namin. Hindi ko nga nasabi kay Joe kasi alam kong kokontra ‘yon. Kung umasta akala mo kuya ko!  At si Hanna, pabor din kay Enrique. Siya nga ang nag-convince sa akin na huwag ko nang ipaalam sa bestfriend ko.
                “Are you okay?” Bumalik sa realidad ang katauhan ko nang hawakan ni Enrique ang kanang kamay ko. Oh, my gosh! Nilalamig ang katawang lupa ko. Grabe, smile pa lang niya natutunaw na ako.
                “Yes! Ang kamay ko,” wika ko habang binabawi ang kamay ko. Nahiya kasi ako baka may makakita pero makakatutol ba ako kung magdikit ang aming mga katawan?
                Hinila niya ako palapit sa kanyang dibdib until I discovered na isang pulgada na lang ang layo ng mga labi namin. Pumikit ako hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang mga labi. Yes! It was my first kiss! Umaapoy!
JOE – Memories of Love – Page 520
                NABULABOG ang mahimbing kong pagtulog nang maramdaman ko ang paghampas ng unan sa aking katawan. Hinablot pa nito ang makapal na kumot na bumabalot sa matipuno kong katawan. Mabuti na lamang at naka-brief ako – minsan kasi totally nude ako kung matulog. Idinilat ko ang aking mga mata. Ang totoo pagod na pagod ako kasi madaling araw na ako nakatulog. Di pa kasi ako nakaka-move on sa eksenang naganap kagabi – ang pagdating ni Enrique sa buhay ng best ko.
                “B-best?” Laking gulat ko nang makilala ko ang gumambala sa pananahimik ko. “A-anong ginagawa mo? Pwede ba umalis ka diyan baka ma-rape pa kita,” reklamo ko sa kanya habang ibinabalik ang kumot sa katawan ko.
                “Bakit ka ba nag-walk out kagabi? Hinika ka ba? Anyway, anong masasabi mo kay Enrique?” Sumandig siya sa dingding ng kuwarto ko saka pumikit. “Alam mo best, hinalikan niya ako.” Niyakap pa niya ang kanyang sarili saka ngumiti ng ubod tamis.
                “H-hinalikan ka niya?” Halos magbara ang lalamunan ko. “Pumayag ka?”
                “A-ano ka ba? BF ko na si Enrique! Alam mo love na love ko siya. Kaya ikaw dapat behave ka kasi gusto ko maging friends mo siya.” Inubo ako sa sinabi niya. “O, uminom ka na ba ng gamot mo?”
                “Lumabas ka na,” sabi ko sa kanya. Napanganga siya sa sinabi ko. Siguro di niya expect na masasabi ko iyon.
                “Ganun?”
                “May BF ka na diba? Hindi na bagay na pumasok ka pa sa room ng bestfriend mo.”
                “A-ayaw ko!” pagtutol niya sa sinabi ko.
                “Kung hindi ka lalabas maghuhubad ako.” Nasaklot niya ang kanyang bibig na tila nagulat sa sinabi ko.
                “Eh di maghubad ka!”
CatchMe – Book of my Love – Page 139
                SHOCK to the highest level ang lola n’yo. Hindi ako maka-move on nang bigla na lang malaglag ang brief niya sa floor. Syempre, pumikit ako para wala akong makita. Wala nga ba? Hahaha! Nakakaloka! Lumabas tuloy ako nang wala sa oras. Iba na kasi ngayon, unlike dati mga bata pa kami saka huli kong nakita iyon nang matuli siya. Infairness, mas lumaki compare nung una kong nakita. Ano raw! Nakakaloka talaga!
                Tumungo ako sa kusina kung nasaan naroon ang nanay ni Joe. Agad naman akong sinalubong ni ninang saka pinakain ng ginataan. Honestly, pumunta ako doon para makikain na rin. Perfect! Ang sarap ng ginataan!
                “Nag-away ba kayo ng anak ko?” Lumaki ang mga mata ko. Na-curious ang beauty ko sa tanong ni ninang.
                “Hindi po! Bakit po?”
                “Nagtataka lang ako kung bakit iyak nang iyak ang lalaking yun kagabi. Ang akala ko nag-away ako,” tugon sa akin ni ninang.
                “Ninang naman! Kapag umiyak ba siya ako agad ang dahilan?” Tumawa ako pero agad na napalitan iyon ng kalungkutan. Naisip ko, bakit umiyak si Joe? Ako ba ang dahilan?
CatchMe – Book of my Love – Page 145
                Makulay ang buhay sa ginisang gulay! Hahaha! Ano ba ‘yan! Ibig kong sabihin, magmula nang maging BF ko si Enrique naging makulay ang buhay ko. Chocolates, flowers, dinner with candle light at kung anu-ano pang surprises ang ibinibigay niya sa akin. Feeling ko lalo akong gumaganda!
                Mabait si Enrique. Lagi ko nga siyang pinagmamasdan. At alam n’yo ba, what a good looking face? Pati aso mapapalingon sa kanya!
                Napangiti ang lola n’yo nang matanaw ko mula sa di kalayuan si Enrique. Naka-motor ito na siyang nagpakilig sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang maging rider ng motor. Lalaking lalaki ang dating niya.
                “Let’s go!” Humalik pa siya sa cheek ko na siyang nagpakilig sa akin. Mayamaya, umangkas na ako. Syempre, pumulupot ang mga kamay ko sa baywang niya. Feel na feel ng lola n’yo ang eksena. Di ko nga alam kung ididikit ko ang dibdib ko sa likod niya. Hahaha! Natatawa lang ako!
                Hindi pa kami nakakalayo nang makasalubong namin si Joe. Naglalakad ito na tila papunta sa bahay namin.
                “Best, nandito akoooo!” malakas kong sigaw. Inihinto naman ni Enrique ang motor sa harapan ni Joe. Nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko nangungusap ang mga mata ng bestfriend ko. Meganun?   
                “Ha? H-hinde! Pupunta lang ako kina Edyzr,” sabi nito. “Mauna na ako,” dugtong nito na tila umiiwas.
                “Wait! Pupunta kami ni Enrique sa plantasyon. Kaya kung ako sa’yo sumama ka na. Sure ako mag-eenjoy ka!” Lumingon ako kay Enrique. “Pwede ba?”
                “Sure! Pare sa likod ka na lang. Kasya tayo dito. Akong bahala!”
                “Huwag na!” pagtutol ni Joe.
                “A-ano ka ba?” Hinila ko ang kamay niya hanggang sa nagtagumpay ako. Alam ko kasi kung paano siya pipilitin. At alam ko na hindi niya ako kayang tiisin. Lakas kasi ng powers ko sa kanya! Kaya ang ending, sumakay si Joe sa motor. 
JOE – Memories of Love – Page 531
                HINDI ko alam kung bakit ako napapayag na sumama sa kanila. Isipin mo kasama ko ang mahal ko pati na rin ang karibal ko sa kanya. Nasa gitna ng motor si Cattleya, nakapulupot ang kamay niya sa baywang ni Enrique. Ako? Di ko alam kung saan ako hahawak. Hehehe! Basta! Ang alam ko lang naiinis ako sa nakikita ko. Gusto kong katayin ang nagmamaneho ng motor. Kung umasta akala mo kung sinong gwapo. Mukha namang unggoy sa dami ng balahibo sa katawan.
                Holding hands – masakit palang makitang may humahawak sa kamay ng taong mahal mo. Pagkarating kasi namin sa plantasyon agad nilang ipinakita sa akin ang sweetness nila. May pahampas hampas sa balikat, may punasan ng pawis, may bating malambing, may kulitan, at may mga malalambing na salitang sumasakal sa buo kong pagkatao.
                “Best. Di mo yata naubos ang kaldereta?” tanong sa akin ni Cattleya. Sino ba naman ang gaganahan sa pagkain kung makikita mong nagsusubuan sila.
                Manhid ba siya para hindi makaramdam?
                “Masama lang pakiramdam ko,” sagot ko saka agad na tumayo. Hinawakan naman ni Cattleya ang kanang kamay ko.
                “May problema ba?”
                “Ha? Wala! Magpapahangin muna ako,” kaswal na sagot ko sa kanya. Tumalikod ako saka agad na umalis. Hindi kaya ng puso ko ang mga eksenang nakikita ko. Yung feeling na sana ako na lang.
                Nakarating ako ng niyugan nang mapansin kong sinusundan ako ni Cattleya. Lumingon ako hanggang sa makita kong hinahabol niya ako. Nangungusap ang kanyang mga mata na tila sinasalamin ang takbo ng isipan ko.
                “Ano bang nangyayari sa’yo? Napapansin ko na parang iniiwasan mo ako. Hindi mo na ako tinetext sa umaga o bago matulog. Parang nagbago ka na! Joe, may problema ba tayo?” Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumalikod ako saka ipinagpatuloy ang paglalakad subalit hinabol niya ako saka mahigpit na hinawakan sa kanang balikat ko. “Kung may galit ka sabihin mo! Bakit ba umiiwas ka?”
                “Ano bang gusto mong gawin ko? Manood habang masaya ka sa piling ng iba? Hindi ako nagbago! Ikaw ang nagbago magmula nang makilala mo si Enrique,” maiyak iyak na sagot ko sa kanya.
                “Hindi kita maintindihan!”
                “Hindi mo ko naiintindihan dahil ayaw mo akong intindihin. Akala mo ba madali lang para sa akin ang makitang nagmamahal ka ng iba. Cattleya, hindi mo ko masisisi kung mahulog ang loob ko sa’yo. Kung maibabalik ko lang ang lahat sa dati sana pinigilan ko na lang para di ako nasasaktan. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang magmahal ng kaibigan na akala mo mahal ka rin niya.” Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Hinuli ko ang mga mata niya na pilit umiiwas sa akin.  “Mahal kita! Noon hanggang ngayon! Akala ko mahal mo rin ako,” dugtong ko habang tuluyan nang umagos ang mga luha ko.
                “Hindi ko kasalanan kung nag-assume ka. Ikaw lang ang nagmahal hindi ako. I’m sorry! Hindi ikaw ang mahal ko,” sagot niya na siyang sumugat sa puso ko.
                Mahirap pala kapag nag-assume ka. Hindi porke’t close kayo eh love ka na niya. Hindi ibig sabihin na sweet siya sa’yo eh pareho lang ang nararamdaman n’yo sa bawat isa.
                 
CatchMe – Book of my Life – Page 146
                What? In love sa akin ang bestfriend ko? Isang malaking shock as in lumaki ang mga mata ko. Naiinis ako sa kanya kasi binigyan niya ng malisya ang closeness naming dalawa. Akala ko pure friendship lang ang lahat.
                Anyway! Let’s talk about my lovelife. Mas nakilala ko si Enrique nang mag-bonding kami sa plantasyon. Masaya siyang kausap saka ang sweet sweet niya sa akin. Binuhat pa niya ako habang naglalakad sa taniman ng pinya. Mabuti na lang napigilan ko ang magbuga ng masamang hangin. Malas niya kung naibuga ko!
CatchMe – Book of my Life – Page 167
                Ilang araw na rin ang nakalipas. Mas tumitibay ang relasyon namin ni Enrique. Si Joe? Di ko na gaanong nakaka-usap. Siguro umiiwas pero di ko na iniisip ang mga bagay na iyon. Bahala siya sa buhay niya!
                Humarap ako sa salamin. Isang fitted blouse ang isinuot ko na pinarisan ko ng isang blue jeans. May dinner date kasi kami ng boyfriend ko kaya dapat maganda ang lola n’yo. Isang malakas na tinig ang nagpakabog ng dibdib ko. Sumigaw na ang maid namin – dumating na kasi si Enrique.
                Pagkababa ko ng hagdan bumungad na sa akin si Enrique. Grabe! Halos manlambot ang tuhod ko sa kagwapuhan niya.
                “You looked great,” bati niya sa akin na may kasunod na halik sa pisngi.   Kumapit pa ako sa kaliwang balikat niya bago lumabas ng bahay.
                Sa gate, natigilan ako nang makaharap ko si Joe. Ibang iba na ang itsura niya – mahaba ang buhok saka first time kong nakita na may balbas siya.
                “Hindi ko akalain na matitiis mo ako. Hindi mo man lang sinasagot ang mga text ko,” wika niya sa akin. Kinausap ko si Enrique na lumayo muna para magka-usap kami ni Joe. Nang makalayo na ang BF ko hinila ko si Joe palayo sa gate namin.
                “Iba na ang sitwasyon ngayon. May BF na ako,” sagot ko sa kanya.
                “Kaya ba bigla mo na lang akong itinatapon?”
                “Best, iba na ang sitwasyon ngayon! Kapag nagka GF ka mauunawaan mo na rin ako.”
                “Kailangan bang umiwas ka para makalimutan mo na kaibigan mo ako?”
                “Hindi ako umiiwas!” malakas kong sagot sa kanya.
                “Kaya ba nakalimutan mo na birthday ko? Halos makagat ko ang labi ko. Hindi ako nakatinag sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nasaktan ako sa tanong ni Joe. Hindi ko inaakala na makakalimutan ko ang special na araw ng best friend ko.
                “I’m sorry! Best, I’m sorry!”
                “Sorry? Yan ang problema sa’yo! Nagka BF ka lang akala mo kung sino kang maganda!” sigaw niya sa akin. “Masakit sa akin na basta mo na lang itatapon ang pinagsamahan natin. Nagbago ka na! Siguro ang tanga tanga ko kasi sinabi ko sa’yo ang nararamdaman ko. Sana tinago ko na lang ang nararamdaman,” lintanyang wika niya sa akin.
                Nagulat ako sa mga pangyayari. First time kong marinig na tumaas ang boses ni Joe. At ngayon ko lang nakitang umiyak siya ng todo.
                “Joe, tama na!” pagpigil ko sa kanya.
                “Best, kailangan kita!” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat niya. “Bakit siya pa? Best, nakiki-usap ako! Ako na lang…. ako na lang,” maiyak iyak na sabi niya sa akin.
                “Joe, tama na! Tama naaa!” singhal ko sa kanya. Agad ko siyang itinulak saka isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. “Pinahihirapan mo lang sarili mo. Kaibigan kita pero hanggang doon lang ‘yun! Hindi ko kasalanan kung minahal mo ako.”
                Lumapit sa amin si Enrique saka hinawakan niya ako.  Kitang kitang ko sa mukha ni Joe ang labis na hirap. Pero anong magagawa ko kung nagpapakatoto lang ako?
                Hindi siya ang mahal ko!
JOE – Memories of Love – Page 545
                Tila sinakal ang puso ko sa sinabi sa akin ni Cattleya. Mas masakit sa sampal na ibinigay niya sa akin.
                “U-umalis ka na!” utos sa akin ni Cattleya. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko hanggang sa makita kong hinila siya ni Enrique. Dahan dahan naglapat ang kanilang mga labi. Tila sinusubukan ako kung hanggang saan ang itatagal ko.
                Natalo ako! Hindi pala kaya ng puso ko ang eksenang nakikita ko. Tumalikod ako saka naglakad palayo sa kanila.
                Mabigat ang mga paa nang maka-uwi ako ng bahay. Si nanay, kanina pa pala naghihintay sa akin.
                “Happy Birthday!” Napatingin ako cake na hawak ni nanay. “Halika, kumain na tayo.” Nakangiti siya pero bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Alam kasi ni nanay ang nangyari sa amin ni Cattleya.
                Hindi ko napigilan ang maiyak muli nang maka-upo ako. Ilang beses kong sinuntok ang mesa habang pilit akong pinapakalma ni nanay.
                “Anak, kung hindi ka niya mahal palayain mo na siya. Mas lalo ka lang masasaktan kung hahayaan mong nakatali ang puso mo sa kanya.”
                “Nay, mahal ko siya! Kahit anong gawin ko hindi ko magawa.” Napasubsob ako sa mesa. “Nay, birthday ko! Sana kahit bilang kaibigan lang naalala niya ako. Sana kahit bilang kaibigan lang nandiyan siya.” Kinuha ko ang cake na nakapatong sa mesa. Nagulat si nanay nang bigla ko itong itinapon.
                “Anak, tama na! Mahirap pero kailangan mong tanggapin na hindi ka mahal ng bestfriend mo.”
                Paano ba tatanggapin ang isang katotohanan na umasa ka na mahal ka rin ng bestfriend mo? Nagkamali ba ako dahil ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko? Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao sabihin mo pero sa nangyari sana tinago ko na lang para hindi siya umiwas.
Sana, itinago ko na lang ang nararamdaman ko…….

CatchMe – Book of my Life – Page 195
It has been such a long time nang huli kaming magkita ni Joe. Honestly, sinasadya kong huwag magpakita sa kanya. At hindi ko na rin sinasagot ang mga text messages niya sa akin. Bakit? Abala na kasi ang lola n’yo sa love life niya.
Dumungaw ako sa bintana. “Ang tagal naman niya,” wika ko habang gumagala ang aking paningin. Hinihintay ko kasi si Enrique. “Saan nya kaya ako dadalhin?” Napangiti ako nang pumasok ang kapilyahan sa utak ko. “Kaka-afraid naman kung sa motel niya ako dadalhin. Di ko pa carry!”
Biglang akong napatalon sa tuwa nang makita kong parating na si Enrique. Nakasakay ito ng motor. Agad akong bumaba saka sinalubong ang mahal ko. Isang power hug ang ibinigay ko sa kanya.
“Ang bango! Ang bango bango talaga ng mahal ko,” wika ko habang inaayos ang kwelyo ng polo shirt niya.
“Syempre! Ikaw naman, ang ganda ganda mo!” malambing niyang sabi sabay yakap sa akin. Muling nagtama ang aming paningin hanggang sa magdikit ang mga ilong namin. “I love you!” dugtong niya na may kasunod na isang matamis na ngiti.
Pumulupot ang magkabilang kamay ko sa leeg niya. Inilapit ko pa ang mukha ko hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Saglit lang pero naiwan ang init sa aking mga labi.
“Let’s Go!” sabi ko sabay hila sa kanya. Ilang sandali pa, nakasakay na kami sa motor saka agad na tumungo sa paraisong aming pupuntahan.
JOE – Memories of Love – Page 656
Mula sa di kalayuan nakita ko ang isang eksenang sumugat sa puso ko. Masakit palang makita ang isang katotohanan na nakalimutan ka na ng taong mahal mo.
Tumalikod ako saka ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Naisip kong puntahan si Edyzr para sa kanya ako maglabas ng sama ng loob. Naabutan ka naman siya sa tindahan na malapit sa bahay nila.
“O, bakit ganyan ang mukha mo? Mukha kang namatayan,” agad na sabi sa akin ng kaibigan ko. Inabot pa niya sa akin ang isang bote ng beer.
“Nakita ko silang magkasama,” kaswal na sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang beer saka agad na tinungga.
“Pare, kalimutan mo na lamang siya. Kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, kayo din ang magkakatuluyan.”
“Mahal ko siya! Pare, ipaglalaban ko siya.”
“Lumaban ka kung alam mong may laban ka. Ikaw na rin ang nagsabi na iniiwasan ka na ng best mo,” sabi niya sa akin.
Natahimik ako. Huminga nang malalim saka isang buntung-hininga ang pinakawalan ko. Muli kong kinuha ang bote ng beer saka tinungga iyon. Hindi ko namamalayan na parami na nang parami ang naiinom ko.
Hindi pa naman ako sanay uminom.
Bumalik sa alaala ko ang mga masasayang araw namin ni Cattleya. Mga tuksuhan, lambingan, at mga kulitang nakatatak pa rin sa isipan ko.
“Pare, tama na!” Natigilan ako nang pigilan ako ni Edzyr. Nakakarami na pala ang inom ko. Lumubog na ang araw nang hindi ko namamalayan.
“Hayaan mo na ako!” sabi ko sa kanya. Pilit kong inaagaw sa kanya ang boteng nakuha niya sa akin. “Gustong ko pang malasing para makalimutan ko na hindi ako mahal ng bestfriend ko.”
Umiyak ako kahit alam kong maraming tao sa paligid. “Pare, uwi na tayo!” sabi niya sabay hila sa akin.
“B-bitiwan mo ako!” singhal ko sa kanya. Tumalikod ako saka naglakad. Hindi ko na iniisip kung may tao akong mababangga. Ang mahalaga makarating ako sa aking pupuntahan.
“Pare, saan ka pupunta?”
“Pupuntahan ko siya. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko.” Walang nagawa ang kaibigan ko hanggang sa iniwan ko ito. Buo na ang loob ko, pupuntahan ko ang Best ko.
CatchMe – Book of my Life – Page 197
Happy ang lola n’yo nang ihatid ako ni Enrique sa bahay. Imagine, ginabi ang lola n’yo! Saan ba kami pumunta? Nanood lang kami ng movies. Grabe, kilig na kilig ako sa subuan namin ng pop corn.
“Thank you!” simpleng sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi. “Ikaw ha! Di ka ba nagsasawa sa paghalik sa akin. Puno na ng laway ang mukha ko,” biro ko sa kanya.
“Kahit mapuno pa ng laway ang buo mong katawan di ako magsasawa.”
“Asus! Ikaw talaga!” Hinila ko siya saka niyakap nang mahigpit. “Sige, pasok na ako sa loob,” paalam ko sa kanya.
Akma na akong papasok sa gate nang may tumawag sa aking pangalan. Nagulat ako nang makita kong si Joe ang lumalapit sa amin.
“Best, kailangan kita!” Nagulat ako nang mapansin kong naka-inom siya. “Mag-usap tayo!” dugtong niya sabay hawak sa kanang braso ko.
Pumalag ako habang inaawat naman siya ni Enrique. “Joe, nakainom ka!” wika ko habang umiiwas sa mga titig niya.
“Kahit sandali lang! Gusto lang kitang maka-usap,” pagmamaka-awa nito sa akin. “Please, parang awa mo na!”
Napaiyak ako nang makita kong lumuhod siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Joe, please umuwi ka na!” matigas kong utos sa kanya.
Lumapit sa kanya si Enrique saka agad siyang hinila. “Hindi mo ba kami titigilan ng GF ko?” malakas na sigaw ni Enrique.
“Gusto ko lang siyang maka-usap!” Lumapit ako saka pumagitna sa kanilang dalawa. Humarap ako kay Joe saka itinulak ko siya.
“Joe, hindi kita mahal! Naiintindihan mo ba?” Tumalikod ako sa kanya pero sadyang makulit ang taong kaharap ko. Hinawakan niya ulit ako sa kanang balikat ko. Pagkaharap ko, sunud-sunod na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
Habol ang paghinga ko nang tumigil ako sa pagsampal sa kanya. Namula ang mukha niya sa ginawa ko. Lumapit si Erinque sa kanya saka agad siyang itinulak palayo sa akin. Nakita kong pumalag si Joe kaya isang suntok sa tiyan ang natanggap niya kay Enrique.
Bumagsak ang katawan ni Joe sa lupa. Gustuhin ko mang tulungan siya ay hindi ko ginawa. Mas mabuti nang masaktan siya para magising siya sa katotohanang hindi siya ang mahal ko.
JOE – Memories of Love – Page 658
BUMAGSAK ang katawan ko sa lupa. Pinilit kong makatayo pero tila nanghina ako – hindi ako makatayo. Pakiramdam ko ilang beses akong tinapakan. Ganito pala kapag napatunayan mo na hindi ka na mahalaga sa taong mahal mo.
Pinigilan ko ang muling maiyak. Kinuyom ko ang aking mga palad habang pinagmamasdan silang magkayakap habang nakatingin sa akin.
CatchMe – Book of my Life – Page 198
HINDI ako natinag sa kinatatayuan ko. Habang yakap ako ni Enrique nakamasid ako kay Joe. Hay! Nasaktan din naman ako sa nangyari pero wala na akong magagawa. Tumalikod ako saka pumasok sa gate. Sumama na din si Enrique sa akin. Hawak niya ang kamay ko na tila ayaw niya akong makawala sa kanya.
JOE – Memories of Love – Page 659
KASABAY nang pagkalabog ng gate ang pagtulo ng aking mga luha. Ramdam ko ang sugat sa puso ko. Yung feeling na nag-iisa ka na lang. Walang magawa dahil isinampal na sa’yo ang kabiguan.
Pinilit kong makatayo hanggang sa mapahawak ako sa kamay na umaalalay sa akin. Lalo akong napaiyak nang makita ko si Nanay. “A-anak, umuwi na tayo,” sabi nito sa akin. Nasa likod nito si Edyzr na tila nakikiramay sa nararamdaman ko.
Bigla kong nasaklot ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng sakit na ngayon ko lamang naramdaman. Mas masakit sa mga salitang binitiwan ni Cattleya. “Nay,” tanging nasambit ko.
CatchMe – Book of my Life – Page 210
LUMIPAS ang mga araw nang mapatunayan ko na mahal ako ni Enrique. Ang sabi niya, ako ang buhay niya. Kaya naman happy ang lola n’yo nang matanggap ko ang engagement ring namin.
Perfect Relationship – ito ang pagkaka-alam ko. Binuo niya kasi ang buhay ko. Yung feeling na may isang lalaki na magmamahal sa’yo. Hindi ka iiwan kahit ano pang mangyari.
Nabalitaan ko na inatake ng hika si Joe pero ano pa ba ang magagawa ko? Bahala na sya sa buhay niya. Malaki na siya. Wish ko lang, maka move on na siya!
JOE – Memories of Love – Page 810
MASAKIT man pinipilit ko ang makabangon. Kahit madalas bumibisita ako sa Facebook – doon nakikita ko ang mga picture nila.
Natigilan ako nang makasalubong ko si Cattleya. Nakiramdam kami sa bawat isa hanggang sa matuklasan ko na nakalampas na siya sa akin. Lumingon ako at umasa na sana lumingon din siya.
Nabigo ako.
CatchMe – Book of my Life – Page 212
NAPAIYAK ako nang makalampas ako kay Joe. Gusto kong lumingon pero nagdalawang isip ako. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong lampasan siya nang di man lang ngumiti sa kanya. Ang totoo, hinintay ko lang na siya ang unang bumati sa akin.
Pero hindi niya ginawa. Eh, di ‘wag! Siya naman ang bitter hindi ako!
JOE – Memories of Love – Page 811
TUMUNGO ako sa tabing dagat. Doon nakahinga ako nang maluwag. Pinulot ko ang isang bato saka itinapon iyon sa malayo. Panahon na ba para tanggapin ko ang kabiguan? Mahirap mag move on pero kailangang gawin.
Kung hindi ko siya pakakawalan lalo lang akong masasaktan. Pumikit ako hanggang sa matuklasan ko na may galit akong nararamdaman. “Alam ko darating din ang araw na masasaktan ka.” Nakagat ko ang aking mga labi saka tumalikod. At sa pag angat ko ng tingin nakita ko ang isang babae na nakaupo sa nakatumbang puno ng niyog.
May bahid ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Naluluha habang nagsusulat sa isang mini booklet na hawak nito.
Ms. Sapphire’s Page – Chapter 10
Lately, maraming changes sa buhay ko. Natuklasan ko na may ibang pamilya si daddy. Masakit kasi akala ko perfect family na kami. Dahil doon naisipan kong pumunta dito sa province. Iniwan ang career bilang isang modelo.
Hays! Mabuti na lang maganda ang paraisong napuntahan ko. Sariwa ang hangin saka malinis ang dagat. Malayo sa Manila Bay! Umangat ang tingin ko hanggang sa matanaw ko mula sa di kalayuan ang isang lalaki. Nakatingin siya sa akin. Hihihi! Siguro nagagandahan o nalalakihan sa boobs ko.
Nakita niya kaya ang puting panty ko? Hahaha! Inayos ko ang pagkaka-upo sa puno ng niyog. Ang hirap talagang mag mini skirt habang naka high heels sa dalampasigan.
Bigla akong napasigaw nang liparin ng hangin ang isang piraso ng papel. Hinabol ko iyon subalit napatid ako sa ginawa kong paghakbang. Sumubsob ang boobs ko sa buhangin.
“Aray!” daing ko habang pilit na itinatayo ang sarili. Natigilan ako nang maramdaman kong may humahawak sa aking mga kamay. Inalalayan ako nito hanggang sa makatayo ako. Nagtagpo ang aming mga paningin kaya napangiti ako.
Sure ako! Magiging close kami!
CatchMe – Book of my Life – Page 220
HAPPY together ang drama namin ni Enrique. Magkasama kami sa lahat ng oras. Grabe! Ang saya saya ng lola n’yo.
“Kailan mo ba ako ipapakilala sa parents mo?” tanong ko kay Enrique habang naglalakad kami sa park.
“Hmmm! Gusto mo ngayon na!” Yumakap ako sa kanya hanggang sa napatigil kami sa paglalakad. Kiniliti niya ako sa baywang hanggang sa tumakbo ako. Hinabol niya ako kaya binilisan ko ang aking pagtakbo.
Naabutan niya ako hanggang sa napahiga kami sa damuhan. Nagpagulong gulong kami sa damuhan. Grabe! Ang saya saya ko! Pumaibabaw ako sa kanya hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Hindi ko na inisip kung may ibang taong nakakakita sa amin.
Habol ang paghinga nang maghiwalay ang aming mga labi. Tumayo kami saka naglakad pabalik sa motor bike niya.
“O, saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Hintayin mo ako. May kukunin lang ako,” tugon niya sa akin.
“Ano?”
“Hmmm! Surprise gift ko sa’yo.” Kinilig ako sa sinabi niya. Na curious tuloy ang lola ‘nyo kung ano ang pautot niya.
Kumaway pa ako sa kanya habang palayo na siya sa kinatatayuan ko. Isinigaw ko pa ang pangalan niya. Grabe! Ito na yata ang pinakamasayang tagpo sa buhay ko!
Bigla akong napapitlag nang matanaw ko ang isang truck na tila nawawalan ng preno. Halos mapasigaw ako nang masakihan ko ang isang kaganapan – lumusot ang motor bike ni Enrique sa ilalim ng truck.
Nasaklot ko ang bibig ko. Sumigaw ako subalit walang tinig na lumabas sa bibig ko. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan niya.
“Hindeeeee! E-enrique nasaan ka?” Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang kamay niya na natapakan ng gulong ng truck. Binalot ng takot ang puso ko sa nakikita ko. Ang mga tao naman ay nagsisigawan na tila humihingi ng tulong.
Lumapit ako sa truck hanggang sa matagpuan ko si Enrique – naipit ang katawan nito. Bakas sa mukha ang labis na hirap. Hinawakan ko ang mukha niya hanggang sa matuklasan ko na hindi na siya gumagalaw.
CatchMe – Book of my Life – Page 214
HALOS bumagsak ang mundo ko habang pinagmamasdan ko siya sa loob ng kabaong. Hinimas ko ang salamin hanggang sa pumatak ang luha ko. “Enrique, mahal na mahal kita!” sambit ko habang niyayakap ang kabaong ng taong mahal ko.
Nagulat ako nang magkaroon ng ingay sa aking likuran. Ang mga taong nakikiramay ay tila nagkaroon ng pagkakataon para makipag tsismisan.
Isang babaeng naka-itim ang patungo sa kinatatayuan ko. Huminto ito sa harap ko saka masuyo akong tinitigan.
“Ikaw pala ang babae ng asawa ko.” Nakagat ko ang aking mga labi. Hindi ako makapaniwala sa aking natuklasan. “Nagulat ka?” Bigla nitong hinatak ang buhok ko saka hinila pabagsak sa salamin ng kabaong. “Nakikita mo ba siya? I-ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay?”
Halos madurog ang puso ko sa mga kaganapan. Di ko akalain na niloko lang pala ako ni Enrique.
“H-hindi ko alam!” sabi ko habang pilit na tumatakas sa babaeng sumasabunot sa mahaba kong buhok.
“Dahil tanga ka!” Nakagat ko ang mga labi ko. Naubusan ako ng lakas kaya hindi ko magawang lumaban.
“Noorell tama na!” sambit ng isang babaeng nakatayo mula sa di kalayuan. Pero, bingi na ang tunay na asawa ni Enrique. Kinaladkad ako nito hanggang sa ubod lakas akong itinulak nito.
“Umalis ka na! Ito ang tandaan mo, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko,” malakas nitong sigaw bago isinara ang pinto ng chapel.
Halos manlambot ang buo kong katawan. Gustuhin ko mang makatayo ay hindi ko magawa. Mayamaya, naramdaman ko may isang lalaking nakatayo sa aking harapan. Umangat ako ng tingin hanggang sa matanaw ko si Joe.
“Ngayon, alam mo na kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal,” sabi nito na siyang sumaksak sa puso niya.


Love You, Best

Sa Panulat ni Jondmur

No comments:

Post a Comment