MARAMI na ang naganap sa buhay ni Zaira; nagkaroon siya ng love life na talagang nagpakilig sa kanya, nagkaroon siya ng kakaibang lakas at kapangyarihan, nagkaroon siya ng isang makulit na kaibigan sa katauhan ni Penguin. Subalit, ang lahat ng iyon ay pansamantalang mawawala sa kanya dahil babalik sa normal ang buhay niya.
Sa kapangyarihan ni Master Xehan, nagawa nitong burahin sa isipan ni Zaira ang mga naganap sa buhay niya. Mabubura sa isipan niya na siya ang nag-iisang pinay super hero ng TRE. Para sa kanya, si Super Zaira ay katulad lamang ni Darna na sa Komiks lang nagsimula.
Samantala, si Andrew naman ay may kakaibang napapansin sa kanyang pagkatao. Pakiramdam niya nanggaling na siya sa panahon kung saan uso pa ang mga super hero. Sa panaginip, doon niya nakikita ang paglipad ni Super Zaira.
NAALIMPUNGATAN si Zaira sa lakas ng boses ng kanyang nanay. Kinalampag pa ang pinto ng kanyang kuwarto na tila may delubyong paparating.
“A-ano ba yan? Nasira ang dream ko. Hay! Ang ingay ingay!” reklamo niya habang bumabangon sa kama. Pagkatayo niya agad siyang humarap sa salamin saka inamoy ang kili kili niya. “Ang baho baho ko na!”
Lumabas siya ng kuwarto saka iginala ang kanyang mga paningin. Naabutan naman niya ang nanay niya na tila aatend ng JS Prom.
“Makikipagkita lang ako sa dance instructor ko ha. Mamaya, tawagan mo ako kapag may nag-inquire ng room for rent natin. Harapin mo nang maayos para mag-down agad. Huwag tatarayan para di makurot ang singit, ” lintanyang bilin nito sa kanya na siyang ikinainis niya.
“Nay naman! Di ba sabi ko huwag na natin ipa-upa ang kabilang kuwarto?”
“Aba! Kung naghanap ka agad ng trabaho eh di sana mapera tayo. Puro ka reklamo wala ka namang perang iniaabot sa akin. Magluto ka na para makakain ka na,” lintanyang wika ng kanyang ina.
“Hay! Itlog na naman!” Nang makalabas na ang nanay niya agad siyang humiga sa sofa saka ipinikit ang kanyang mga mata. “Grabe! Nakakakilig ang dream ko,” aniya habang hinihimas ang kanyang mukha.
Bigla siyang napangiti nang sa pagmulat niya natanaw niya ang favorite Korean actor niya. Nakadikit ang malaking poster nito sa dingding ng bahay nila. Tumayo siya saka lumapit rito. “Sana kamukha mo si Gwapito?” aniya sa sarili habang hinihimas ang abs ng korean actor.
Tutungo na sana siya sa kusina nang makarinig siya nang pagkatok sa gate nila. Kinuha niya ang sombrero niya saka nag-eye glasses pa siya para ikubli ang natuyong muta niya.
“Yes? S-sino ‘yan?”
“Miss, available pa ba ang room for rent n’yo?” Halos mapanganga siya sa kanyang nakita. Isang gwapong lalaki ang nagpalaglag sa panty niya. Sa tingin niya walang binatbat ang mga Korean actors sa taglay nitong kagwapuhan.
“Ha? Ahhmmm!” Tumalikod siya upang ikubli ang kanyang mga ngiti. “Ang gwapo naman ni kuya,” mahina niyang sabi sa kanyang sarili.
“Miss, available pa ba?” Natauhan siya sa tanong nito. Inayos niya ang kanyang sarili saka binuksan ang gate.
“Tuloy ka kuya! Oo, available pa ako este ang room namin,” taranta niyang sagot rito.
“Talaga! Sige, pwedeng makita?” Pinapasok niya ang lalaki. At doon lamang niya napansin ang matipuno nitong katawan. Pakiramdam niya sinusunog ang kaluluwa niya sa sobrang init na nararamdaman.
Nang makapasok ang binata sa loob ng kuwarto ay agad niyang ibinigay ang killer smile niya. “Kukunin mo ba? 1500 monthly at one month advance. Okay lang ba?” tanong niya habang bumababa ang tingin niya. Napalunok pa siya nang ma-focus ang paningin niya sa abs nito.
“Okay naman! Sige kukunin ko. Actually, nakapunta na ako dito last week. Nanay mo yata ang naka-usap ko,” wika nito sabay kuha ng wallet nito. Ilang saglit pa, iniabot na sa kanya ang perang ibinayad nito para sa renta. “By the way, I’m Andrew!”
Napangiti siya nang malaman niya ang pangalan nito. Pakiramdam niya nagkita na sila nito pero di niya matukoy kung saan. Ang alam lang niya magaan ang loob niya sa binata.
“May GF ka na?”
Ngumiti ito saka agad na nagkamot ng ulo. “Yes! GF ko si Noorell pero hindi ko siya kasama. Ako lang ang uupa.”
“Ganun! Naku,Kuya! minsan walang tubig dito. Okay lang ba sa’yo? Kung ayaw mo ibabalik ko ang down payment mo.”
“Hindi. Sure na! Okay lang yun! Magdadala na lang ako ng drum.”
Tumaas ang kilay niya. Bakit ba lahat ng guwapo ay may GF? Paano na ang love life niya kung laging may kontrabida?
BIGLANG natigilan si Andrew habang pinagmamasdan ang babaeng kaharap. Ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa matanaw niya sa kanyang isipan si Super Zaira. Ilang saglig pa, tinanggal niya ang eye glasses nito na siyang ikinagalit nito. Umilag pa siya dahil umangat ang tuhod nito na tila handang sumalakay sa toytoy niya. Mabuti na lamang at napangiti niya ito nang bigyan niya ng isang pamatay na killer smile.
“Tama! I-ikaw? Ikaw si Super Zaira!” malakas na wika niya sa babaeng kaharap.
“What?” Lumaki ang mga mata nito. “Okay ka lang? Sa komiks lang kaya ‘yun? Siguro kapangalan ko lang. Hay, naku kuya baka kulang lang kayo sa ligo,” tugon nito sa kanya na tila naguguluhan sa ikinikilos niya.
“Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko may nangyayaring kakaiba sa buhay ko. Basta! Mahirap ipaliwanag. Ang alam ko ikaw si Super Zaira!”
“Baliw!”
“Hindi ako baliw! Maniwala ka! Zaira, nagkita na tayo sa kabilang mundo.”
“O-okay ka lang? Pwede ba umalis ka na!” Itinulak siya nito subalit kulang ang lakas nito para magtagumpay ito. Hinila naman niya ang dalaga hanggang sa magdikit ang kanilang mga dibdib.
TILA tinambol ang dibdib ni Zaira sa eksenang nagaganap sa kanyang buhay. Hindi niya alam kung matatawa siya o matatakot sa binatang yumayakap sa kanya. Gustuhin man niyang itulak ito palayo sa kanya ay hindi niya magawa.
“Mag-behave ka!” bulong ng kanyang puso. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na gumanti sa mga yakap nito. Ilang saglit pa, ito na ang gumawa ng paraan para muling maghiwalay ang kanilang mga katawan.
“I’m sorry! Pasensya na talaga! Kalimutan mo na lang kung ano man ang nasabi ko.” Napangiti na lamang siya sa kanyang narinig. “Writer ka din diba?”
“P-paano mo nalaman?”
“Ah! Naisip ko lang! May ESP yata ako,” tugon nito sa kanya na siyang nagpanganga sa kanya. Natatawa siya sa ikinikilos nito. Gwapo pero medyo adik!
“Ganun? Bilib na ako sa’yo kuya,” sabi niya rito.
“Bakit ba kuya tawag mo sa akin? Pwede, Gwapito na lang?” Tumaas ang dalawang kilay niya. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa mga pinagsasabi nito. “O, hayan! sa pagtaas ng kilay mo nakita ko tuloy ang natuyong muta mo.”
Labis ang pagka-shock niya sa narinig. Doon lamang niya naalala na kanina pa siya minumuta. Agad agad naman niyang isinuot ang eye glasses niya para ikubli ang natuyong muta.
Bigla siyang tumalikod. Pakiramdam niya namula ang mukha niya sa sinabi nito. “Kung di ka lang gwapo nasipa ko na ‘yang itlog mo,” mahina niyang bulong sa sarili.
HINDI alam ni Andrew kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ang alam lang niya magaan ang loob niya sa babaeng kaharap. Bumibilis ang tibok ng puso niya na malayo sa karaniwang tibok niyon.
Na love at first sight ba siya sa dalaga?
SA isang nakatagong isla ay mataimtim na nag-aalay ng isang ritual ang tatlong bruhilda. Mababakas sa kanilang mga mukha ang labis na pagkapoot.
“Babalik tayo upang maghiganti sa babaeng nakalabas ang panty! Sisiguraduhin ko na tayo na ang magwawagi,” malakas na sigaw ng kalbong bruhilda.
“Sa book 2?” singit ng isang bruhilda.
“Hihihi! Syempre di ako papayag na hanggang doon lang ang eksena natin. Babalik tayo para maghasik ng lagim!” Sumabay sa malakas na pagkulog ang malalakas nilang tawanan. Ang tinig nito ay tila itinangay ng hangin hanggang sa lamunin ng kalawakan.
October 1, 2012 – isang higanteng kuto ang sumalakay sa daigdig ng mga mortal. Libu-libong tao ang namatay dahil sa bagsik ng kamandag nito. Tila isang delubyo ang naganap sa mundo ng mga tao kung saan gahibla lang ang pagitan ng buhay at kamatayan.
“H-halika! Kainin mo na!” utos ni Andrew sa kanya.
“Ayaw ko! Ang laki!”
“Maniwala ka sa akin! Kapag kinain mo ang itlog ng penguin magiging super hero ka!” Itinulak niya ang binata dahilan para mapa-upo ito sa lupa.
“A-ano ka ba? H-hindi nga ako si Super Zaira!” singhal niya sa binata. Tumayo ito saka hinawakan ang magkabilang balikat niya.
“Maniwala ka sa akin! Tingnan mo ang paligid mo. Marami ng buhay ang nanganganib. Zaira, kailangan ka nila?” sabi nito na siyang nagpatahimik sa kanya. “At kailangan kita,” dugtong nito na siyang nagpa-iyak sa kanya.
“T-tama na!” Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Nababaliw ka na Andrew! Imposible ang sinasabi mo.” Tumalikod siya saka tumakbo nang tumakbo hanggang makarating ng high-way.
Halos mangatog ang tuhod niya nang makitang sinasalakay ng higanteng kuto ang nanay niya. Tumakbo siya palapit rito subalit huli na ang lahat.
“Nayyyyyy!” Halos manikip ang kanyang dibdib nang makitang kinakain ng buhay ang nanay niya. “Hindeeeeee!” Sumigaw siya nang sumigaw hanggang sa magbara ang lalamunan niya. Tila bumagal ang ikot ng oras habang pinagmamasdan niya ang lasug-lasog na katawan nito na tumilapon sa buong high way.
Napa-atras siya nang tumalsik ang dugo sa kanyang mukha. Naninikip ang kanyang dibdib na tila sinasakal ang buo niyang pagkatao. Tumakbo siya para sagipin ang nanay niya kahit alam niyang huli na ang lahat. Subalit, may kung anong bagay ang sumakal sa kanya.
Napadaing siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Bihag na siya ng higanteng kuto na handang kumitil sa berhen niyang katawan.
Isang malakas na sigaw ang narinig niya. Ibinaba niya ang kanyang paningin hanggang sa matanaw niya si Andrew na may dalang itlog. “Zaira, saluhin mo ang itlog!” malakas nitong sigaw.
Papayag na kaya siya sa kagustuhan nito?
Tumingin siya sa malayo. Hirap man mula sa pagkakasakmal ng higanting kuto ay nagawa niyang maikilos ang kanyang mga kamay. “Andrew, ang itlog!” Tila may enerhiyang gumapang sa kanyang katawan nang masalo niya ang itlog.
Agad niya itong hinimas saka biniyak iyon hanggang sa mabasag ang itlog sa loob ng kanyang bibig. May kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan hanggang sa mabitiwan siya ng dambulahalang kuto.
Tumayo siya saka ubod lakas na isinigaw ang kanyang pangalan – Super Zaira! Kasabay nang pagkulog ng kalangitan ang unti-unting pagbabago ng kanyang anyo. Umikot pa siya nang tatlong beses saka agad na nag-split.
“Ako si Super Zaira! Muling magbabalik!”
SA kabilang dako naman, hindi mapalagay si Noorell habang pinagmamasdan ang mga kuto sa kanyang buhok. First time sa buhay niya ang mag-alaga ng mga kuto. “Hihihi! Ang taba taba nyo na!” Biglang nanlisik ang kanyang mga mata kasabay nang paghaba ng kanyang mga kuko. Humarap siya sa salamin hanggang sa matanaw niya ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ilang saglit pa, unti-unti nang nagbabago ang kanyang anyo kung saan isang sexy long sleeve black fitted na damit ang bumabalot sa kanyang katawan.
Mula sa di kalayuan ay masayang nagmamasid ang tatlong bruhilda dahil nakakuha na sila nang ipangtatapat nila sa pinay super hero.
“Matitikman mo ang bagsik ng aming paghihiganti!”
Kumulog ang kalangitan na sinabayan ng pagguhit ng kidlat. Sunod-sunod na kidlat ang tumama sa lupa hanggang sa mabiyak iyon. Ilang saglit pa, isang higanteng garapata ang handang sumalakay sa mundo ng mga mortal.
Nakahanda na kaya ang ating super hero?
“Ako si Super Zaira! Samahan n’yo pa ako sa aking paglalakbay! Sa susunod na kabanata ng aking buhay ay lilipad ako nang mas mataas. Ipapakita ko sa mga kalaban na ako lang ang nakakalipad ng bonggang bongga!
WAKAS
Jondmur's
Super Zaira, and the Magical Penguin
No comments:
Post a Comment