MARAMI ang natuwa nang mabalitaan
ng lahat na nagtagumpay si Super Zaira na sugpuin ang kasamaan ng tatlong
bruhilda. Nabawasan
din ang ilang krimen dahil natatakot na ang mga sindikato na gumawa ng masama
dahil sa takot na baka basagin ni Super Zaira ang mga itlog nila.
Mula
sa TV, diaryo, radio o maging sa showbiz balita ay bukambibig ang pangalan ng Pinay
super hero. Lahat gustong makita ang muling paglipad ni Super Zaira.
Napadaing
si Andrew nang bumuhos ang malamig na tubig sa shower. Halos mangatog ang tuhod
niya sa sobrang lamig ng tubig. “Shit! Sobrang lamig naman!” daing niya habang
nagsasabon ng katawan.
Natigilan
siya nang may biglang kumatok sa pinto ng banyo. “Z-zaira , ikaw ba yan?”
tanong niya sa kumakatok.
“Kapag
may kumatok ba si Zaira agad? Di ba pwedeng ako muna?” Napabuntung-hininga siya
nang matuklasang si Noorell ang kumakatok sa pinto.
“A-ano
ba kailangan mo? Naliligo ako,” kaswal na tugon niya rito. Sinigurado pa niya
na naka-lock ang pinto bago ipinagpatuloy ang pagsho-shower.
“Pinaghanda
kita ng breakfast. Fried egg with sausage,” wika nito. Bigla siyang nagutom sa
sinabi nito pero buo na ang loob niya na di niya kakainin ang itlog nito. “Mahirap
na baka ma-rape pa ako,” dugtong niya na may kasabay na tawa. Naalala niya kasi
ang araw na pinatulog siya ng dalaga saka pinaglaruan ang natutulog niyang
lonely bird.
Lumabas
siya ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Agad naman siyang niyakap ni
Noorell pero agad niya itong itinabig palayo sa kanya. “Can you please get away
from me? Hindi ka ba nakakaunawa na hindi ikaw ang gusto ko?”
“At
sino ang gusto mo, si Zaira?”
“Hindi!”
Nagulat ito sa sagot niya. “Si Super Zaira,” dugtong niya na siyang nagpataas
sa kilay nito.
“What?
Yung super hero na nasa labas ang panty?”
“Yes!”
agad na tugon niya rito.
“Alam
mo kung mahilig ka sa babaeng nakalabas ang panty. Bakit di mo subukan ang
umibig sa babaeng walang panty?” Napanganga siya nang bigla nitong iniangat ang
palda nito.
Na-shock
siya sa kanyang nakita. Kulang na lang lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang
nakita. “Alam mo ingatan mo ‘yan baka magka-kuto,” sabi niya sabay talikod sa
babae.
HALOS
tumirik ang mga mata ni Noorell sa ginawa sa kanya ni Andrew. Lahat na yata
nang pag-aakit ay ginawa na niya pero dedma pa rin ang karisma niya.
“Nakaka-inis
naman!” Kinuha niya ang tinidor saka
kumuha ng itlog na inihanda niya para kay Gwapito. “A-ang alat!” wika niya
sabay luwa ng itlog.
NASAKLOT
naman ni Aling Sonia ang dibdib nang makasalubong si Andrew na nakatapis lamang
ng tuwalya. Pumunta kasi ito sa likod ng bahay para kunin ang naka-sampay na
brief.
“Naku,
baka basa pa ang brief mo?”
“Oo
nga medyo basa pa. Wala na kasi akong brief eh,” sagot ng binata habang
tinitingnan ang brief kung pwede nang isuot.
“Kung
gusto mo plantsahin ko na lang.”
“Hindi
na po!”
“Sure
ka? Mabasa basa pa yan,” tukoy niya sa brief na hawak nito.
“Hindi
na po ako mag-bribrief.” Nasaklot niya ang kanyang bibig sa isinagot nito.
Ilang saglit pa, umalis na ito sa kanyang harapan saka tumungo sa kuwarto nito.
“Kaya
love na love ka ng anak ko kasi ang laki-laki. Aba, teka! Nasaan na kaya ang
babaeng ‘yun?” tanong niya sa sarili habang inaayos ang ilang sinampay.
ABALA
naman si Zaira sa paglalako ng itlog. Hindi na siya nagpaalam sa kanyang ina
dahil pipigilan lamang siya nitong maglako sa palengke bagkus uutusan lang siya
nitong maglaba ng mga damit. Isa pa, gusto niyang tumungo ng palengke para
mabalitaan ang mga latest news ng mga tindera.
“Naku,
Zaira! Salamat sa mga itlog mo. Heto ang bayad,” ani ng isang tindera habang
iniaabot sa kanya ang bayad. “Alam mo natutuwa ako at lumabas na ang full video
ng Thrilla sa MOA pero nabalitaan ko na nakatira na sa inyo ang babaeng
nakalaban mo?”
“Opo!
Prends na po kami!”
“Sure
ka? Baka naman may motibo kaya umupa sa inyo. Hindi mo ba naiisip na ang yaman-yaman
niya?” Binalot ng pagdududa ang isip niya. Kung tutuusin tama lahat ng mga
nabanggit ng kausap niya. Alam niya kung ano ang motibo ni Noorell – si
Gwapito.
Akma
na siyang tatalikod nang makarinig siya ng isang sigaw. Isang matabang babae
ang inagawan ng bag. Iyak ito nang iyak habang humihingi ng tulong. Hindi naman
siya nag-aksaya ng oras dahil hinabol niya ang lalaking umagaw sa bag nito.
Nadulas
ang lalaki kaya nagkaroon siya nang pagkakataon na mahuli ito. Isang tadyak sa
itlog ang nagpaluhod dito. “O, lalaban ka? Naku, kuya wala pa akong powers sa
lagay na ‘yan!” aniya sa lalaki na tila nagmamaka-awa sa kanya.
“Ito
na!” sabi nito sabay abot sa kanya ng bag. Itinulak niya ito hanggang sa
tumakbo itong paika-ika. Pagkakuha sa bag agad siyang tumalikod para ibinalik
sa may-ari ang nasabing bag.
Labis
ang pasasalamat sa kanya ng matabang babae. Naroon kasi sa loob ng bag ang mga
diet pills na gagamitin nito para maging slim and sexy. Mayamaya pa, nagpaalam
na siya rito at taas noong naglakad na tila rumarampa sa isang beauty contest.
Laking
gulat niya nang makasalubong si Jane. Agad siyang niyakap nito. “Bruha, wala pa
akong pera,” agad niyang sabi rito.
“Loka!
Di naman ako naniningil sa’yo. Na miss ka lang namin. Tagal nating di nagkita.
Alam mo may good news ako sa’yo.” Lumaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.
“Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo. It means, police woman ka na ulit,” dugtong
nito na siyang ikinatuwa niya.
“Talaga!”
Niyakap niya ang kaibigan. Mayamaya, kumalas ito sa pagkakayakap niya. “O,
bakit?”
“Nabalitaan
mo ba si Super Zaira? Kapangalan mo pa! Sana mag-tandem sila ni Super SB,”
masayang wika nito sa kanya.
Bigla
siyang natahimik. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa kaibigan ang isang
lihim – na siya si Super Zaira.
Akma
na siyang magsasalita nang biglang umulan kaya sumilong sila sa isang waiting
shed. Minabuti na lamang niya na makipag-kwentuhan sa kaibigan hanggang mapagod
ang ngalangala niya.
SINAMANTALA
naman ni Noorell ang pagkakataon. Alam niyang nagkukulong sa kuwarto si Andrew
kaya minabuti niyang mamalagi sa bahay nila Zaira. Tumungo siya sa kanyang
kuwarto saka sumilip sa isang maliit na butas.
“Shit!
Bakit may takip na?” Humiga siya sa kama saka nag-isip ng paraan kung paano paghihiwalayin
ang dalawa. Bumangon siya saka tumungo sa kuwarto ni Andrew. Kumatok siya
subalit walang nagbubukas ng pinto.
“Nandito
ako. A-ano ba kailangan mo?” Nagulat siya nang magsalita si Andrew na may hawak
na kutsilyo. Nasa kanang kaliwang kamay naman nito ang isang hilaw na mangga.
“Gusto
kitang makausap,” sagot niya rito.
“Ilang
beses ko bang sasabihin na hindi ikaw ang mahal ko. Tapos na tayo. Di ba ikaw
ang nagloko? Sinira mo lang ang tiwala ko sa’yo.”
Natahimik
siya sa sinabi nito. Ilang saglit pa, pumasok na ito sa loob ng kuwarto saka
malakas na ibinalibag ang pinto. “Aalis ako pero babalik ako para bawiin ka,”
aniya habang kinukuyom ang kanyang mga palad.
LAKING
gulat ni Zaira nang makauwi ng bahay. Kagagaling lamang nila ni Jane sa isang
lugawan kung saan nilibre siya ng huli. Ang buong akala niya maaabutan na naman
niya si Noorell na nagbabasa ng pocketbook sa kusina.
“Himala!
Nasaan na ang babaeng ‘yun?” Napatingin siya sa kuwarto ni Andrew saka
nakiramdam. “May pusa kaya sa loob ng kuwarto?”
“Umalis
na si Noorell kaya maghanap ka na ng trabaho para magkapera na tayo,” biglang
sabi ng nanay niya na kanina pa pala nakatingin sa kanya.
“What?
Umalis?”
“Oo,
umalis kanina na parang namatayan. Kaya ikaw, maghanap ka na ng trabaho para
may dagdag income tayo. Ano ka ba? Magtitinda na lang ng itlog? Aba, sayang ang
ginastos ko sa pag-aaral mo,” lintanyang sabi nito sa kanya.
“Naku,
may good news ako kasi babalik na ako sa work ko,” masayang balita niya sa
nanay niya. Napanganga ito saka agad siyang niyakap na tila natutuwa sa kanya.
“ Ganun
ba? O, sige na kumain ka na. Pinagluto kita ng itlog,” tugon nito sabay beso-beso
sa kanya. “Alam mo ang swerte-swerte ko dahil nagkaroon ako ng anak na katulad
mo,” dugtong nito bago lumabas ng bahay.
“Plastic,”
aniya sa sarili nang makalayo na ang nanay niya. Tumalikod siya saka tumungo sa
kusina. Kinuha ang tinidor saka binate ang itlog. “Pinagluto daw?” aniya habang
nagbabate ng itlog.
Isasalang
na sana niya ang kawali sa kalan nang mahagip ng paningin niya ang isang itlog
na may nakaguhit na isang smiley face. Napangiti siya saka kinuha iyon. “Ang
cute naman!”
“Syempre,
kasing cute ng mahal ko.” Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig hanggang
matanaw niya si Gwapito na palapit sa kinatatayuan niya.
“Ikaw
pala! Umalis na pala si Noorell.”
“Talaga?
Siguro nasaktan sa sinabi ko kanina,” tugon nito sa kanya.
“Nasaktan?
Bakit, ano ba sinabi mo sa kanya?”
“Na
ikaw ang mahal ko,” agad na tugon nito saka hinawakan ang kanang kamay niya.
“Zaira, mahal kita.” Hinila nito ang kanang kamay niya saka itinapat sa puso
nito. “Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko.”
“Asus!
Saan mo naman nakuha ang dialogue na ‘yan?”
“Di
ako nagbibiro! Mahal talaga kita.”
“Bakit
mo ko mahal?”
“Bakit
ayaw mo ba?”
“Gusto!
Kaya lang di pa ako ready pumasok sa isang relationship. Pag-iisipan ko pa ha.”
Tumalikod siya saka agad na pumasok sa kanyang kuwarto. Pakiramdam niya tila
may kumikiliti sa berhen niyang katawan.
“Ang
arte-arte mo!” biglang sambit ng penguin na kasusulpot lamang sa loob ng kanyang kuwarto. “Kung
mahal mo siya sabihin mo na para maging happy na ang lovelife mo.”
“Tse!
Alam mo ikaw pumapasok ka na naman sa eksena. Kung love niya ako handa siyang
maghintay kung kailan ako ready. Get’s mo?”
“Ilang
beses mo na ‘yan sinabi. Ito lang ang masasabi ko. Kung di mo sasabihin kay
Gwapito ang tunay mong nararamdaman ay hindi na niya iyon malalaman pa.”
“Ganun?”
“Oo!
Dahil tapos na ang mission mo sa kabanatang ito!”
“Ganun?
A-anong ibig mong sabihin?”
“Magpapahinga
ka muna sa pagiging super hero mo. Babalik ang ikot ng oras kung saan babalik
ka sa normal mong buhay. Pansamantala mong makakalimutan na ikaw si Super
Zaira. Ibig sabihin, babalik ang oras sa panahong hindi pa dumadating ang mga
kampon ng mga bruhilda.”
“Sa
panahong di ko pa nakikilala si Gwapito?”
“Tumpak!
At panahon lang din ang makakapagsabi kung muli kayong pagtatagpuin ng
kapalaran. Malay mo, maiba ang ikot ng kapalaran mo. Hindi siya tumira dito sa
bahay n’yo.”
Bigla
siyang nalungkot sa sinabi nito sa kanya. Nag-enjoy siya sa pagiging super hero
niya, nag-enjoy siya dahil nakilala niya ang magical penguin, nag-enjoy siya
dahil nagkaroon siya ng lovelife.
“Ibig
bang sabihin, di na kita makikita? Malulungkot ako,” maiyak-iyak na wika niya
habang hinihimas ang buntot ng penguin.Lumuha ang pasaway na penguin. Hinalikan
nito ang hinlalaki niya saka niyakap nang mahigpit.
“Nalulungkot
ako,” saad nito habang nagpupunas ng luha. “Pero, kapalaran lang ang magsasabi
kung ano ang susunod na mangyayari. Ang alam ko lang babalik sa dati ang lahat
kung saan isa kang normal na tao,” sabi ng penguin habang lumuluha.
“Kung
babalik sa normal ang lahat sana pagbigyan mo ako sa kahilingan ko. Pero bago
ang lahat, gusto kong magpasalamat sa’yo kasi dumating ka sa buhay ko.” Lumapit
siya sa penguin saka ibinulong niya ang kanyang kahilingan.
BIGLANG
natigilan si Andrew nang makirinig siya nang mahinang pagsabog sa likod ng
bahay. Itinigil muna niya ang pagsusulat ng article tungkol sa pagkakaligtas sa
kanya ni Super Zaira. Lumabas siya ng kuwarto para tukuyin ang pinagmulan ng
ingay. Nang makalabas, halos mapatalon siya sa tuwa nang makita si Super Zaira.
Nakangiti ito sa kanya habang inaayos ang golden panty nito.
“O,
ano pang hinihintay mo? Sakay na!” Lumapit siya rito saka humawak sa
magkabilang balikat nito. Nakatalikod na
sa kanya ang super hero kaya sumakay siya sa likuran nito. Nasa pagitan ng
kanyang mga hita ang maliit nitong baywang.
Itinaas
niya ang dalawang kamay saka sumigaw ng ubod lakas. O, kay sarap sa pakiramdam
habang lumilipad. Pakiramdam niya isa siyang ibon na malayang lumilipad sa
kalangitan. Ilang saglit pa, muling bumalik ang kanyang mga kamay sa
magkabilang balikat nito.
I can live, I can love
I can reach the heavens above
I can right what is wrong
I can sing just any song
I can reach the heavens above
I can right what is wrong
I can sing just any song
TUMAYO si Super Zaira hanggang
lumipad siya nang nakatayo. Humarap siya sa lalaki na mahigpit na nakakapit sa
kanya. Mayamaya pa, hinimas niya ang maamo nitong mukha.
“Kung panaginip lang ito, gusto
ko lang sabihin sa’yo na pinasaya mo ako. Andrew, mahal na mahal kita.” Nakita
niya sa mga mata ng lalaki ang labis na pagkagulat. Bumawi ito nang tingin sa
kanya.
“I’m sorry! Humahanga lang ako
sa’yo pero hindi ikaw ang mahal ko.” Nakagat niya ang kanyang mga labi. Matatanggap ba niya ang sinabi nito sa kanya? “Dahil
ang mahal ko ay si Zaira,” dugtong nito na siyang nagpa-iyak sa kanya.
I can dance, I can fly
And touch the rainbow in the sky
I can be your good friend
I can love you until the end
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka hinipan niya ang mga mata nito. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para makilala siya ng binata.
“Z-zaira? Ikaw?” laking gulat
nito nang makilala siya ng binata. “Ikaw nga,” dugtong nito sabay yakap sa
kanya.
Naglapat ang kanilang mga
katawan. Pakiramdam niya napapaso ang kanyang katawan sa init ng katawan nito.
“Mahal na mahal kita,” aniya
habang tinatanggap ang mainit nitong yakap. Ilang saglit pa, humarap ito sa
kanya hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin.
Hinila siya nito hanggang sa
mapahiga sila sa ulap. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para huwag
mahulog sa kalangitan. Tila nakisama naman ang mga ulap sa eksena na kanilang
ginagawa.
Gumapang ang kanyang kanang
kamay sa matipuno nitong dibdib. Bumaba iyon hanggang makapa niya ang six pack
abs ng binata.
What took you so long to make me see
How lucky I am cause I am free
Free to do the things I wanna do
What took you so long to make me feel
How could it be look so real
What took you so long to let me know
How lucky I am cause I am free
Free to do the things I wanna do
What took you so long to make me feel
How could it be look so real
What took you so long to let me know
Mainit ang labi ni Andrew nang
dumampi iyon sa kanyang mga labi. Halos magbara ang kanyang lalamunan. Hindi
niya alam kung paano gagantihan ang lalaki. Pumikit na lamang siya saka
naghintay sa susunod na hakbang nito.
Nahihiya ang kanyang dila.
Natatakot na baka mahuli ng mapaglarong dila ng lalaki. Kinakabahan siya sa
dahilang hindi niya alam. Kumapit siya sa likuran nito hanggang unti-unting
bumabaon ang kanyang mga kuko sa malapad nitong likuran.
Ganito pala kasarap ang
magmahal?
Halos maubusan siya nang
hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Bigla namang
kumulog ang kalangitan na tila nagalit sa kanilang ginawa.
“Afraid!” Bigla siyang
napasubsob sa matipunong dibdib ng binata. Nakagat niya ang dede nito hanggang sa
ma-focus ang kanyang mga labi sa dibdib nito.
“Hay, kung maka-dede wagas!”
wika ni Master Xehan habang nanonood sa youtube. “Ito na ang last day mo Super
Zaira kaya mag-enjoy ka na. Bukas paggising mo magiging isang panaginip na
lamang ang lahat. Huwag kang mag alala dahil darating ang tamang panahon para
bumalik ka sa pagiging super hero mo. Gusto ko lang na maging normal ang buhay
mo habang di pa bumabalik ang kampon ng mga bruhilda.”
Muling bumalik ang mga labi ni
Andrew sa kanyang mga labi. At sa pagkakataong ito ay gumanti siya ng halik. Lips
to Lips na siyang bumuhay sa katawang lupa niya. Ibinuhos niya ang kanyang
lakas para ipalasap sa binata ang sarap ng kanyang pagmamahal.
Gumapang ang kanyang mga kamay
sa dibdib ng binata. Tumigil sa matipuno nitong tiyan hanggang sa bumaba nang bumaba hanggang masaklot niya
ang ___
“Zairaaa! Magbate ka na ng
itlog para makakain ka na.” Malakas na boses ang nagpabangon sa ating bida.
Iniunat niya ang kanyang mga kamay saka tumingin sa alarm clock niya.
Maaga na pala!
Paano haharapin ng ating bida
ang bagong kabanata ng kanyang buhay? Paano kung siya lamang ang nakalimot?
Paano kung nakikilala pa rin siya ni Gwapito na siya si Super Zaira? Magmukha
kayang baliw ang binata sa paningin niya?
Abangan ang nalalapit na wakas!
Jondmur's
Super Zaira, and theMagical Penguin
No comments:
Post a Comment