Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Super Zaira, and the Magical Penguin - 7

KUMALAT na sa buong Pilipinas ang pagdating ng bagong Pinay Super Hero na tinawag nilang Super Zaira, ang Pinay super hero ng mga gwapito. Dahil sa kanyang pagdating ay nabulabog ang kampo ng mga bruhilda.


“H-hindi ako papayag na maging hadlang ang babaeng ‘yun sa ating mga plano,” galit na wika ng isang bruhilda habang pinapanood sa youtube ang paglipad ni Super Zaira.

“Ayon sa nakalap kong impormasyon dumating siya para pigilan tayo sa ating misyon,” singit ng isa habang kinakamot ang singit.

“Humanda kayo dahil sasalakay tayo,” wika nito habang nanlilisik ang mga mata nito sa tindi ng galit. Itinaas nito ang kanang kamay hanggang sa mapasigaw ito ng ubod lakas. Mayamaya, ang sigaw nito ay tila sumabay sa angil ng mga mababangis na hayop.

BIGLANG may kumislap sa likod ng bahay na siyang ikinagulat ni Andrew. Lumabas siya upang tukuyin iyon nang biglang sumulpot si Zaira na tila nagtataka kung anong ginagawa niya sa likod ng bahay.

“Kanina ka pa diyan?” tanong sa kanya ng babae.

“Ngayon lang! Teka! May nakita akong biglang lumiwanag pero baka namamalikmata lang ako,” tugon niya rito.

“Ah! Kumidlat kasi buti na lang naka-ilag ako,” wika nito na sinabayan ng isang matamis na ngiti.

“Ganun ba? Kanina pa kita hinahanap kasi ipapabasa ko sa’yo ang article ko kay Super Zaira,” saad nito na sinabayan ng isang matamis na ngiti.

Hinila niya ang dalaga hanggang sa mapaupo sila sa sala set. Inayos niya ang laptop na nakapatong lamang sa center table. Ilang saglit pa, nababasa na nito ang isinulat niya tungkol sa bagong super hero.

“Ang galing!” sambit nito sa kanya.

“Thanks! Sana nga magustuhan ng editor namin para mai-publish. Alam mo humahanga ako kay Super Zaira. Sana nga mahuli niya kung sino man ang bumibiktima sa mga kalalakihan.”

Akmang tatayo ang dalaga nang pigilan niya ito. Hinawakan niya ang kanang kamay nito saka masuyong hinagkan. Ang buong akala niya sasampalin siya nito dahil ninakawan niya ng halik pero napangiti na lamang ito saka kinurot ang matangos niyang ilong.

“Ikaw ha! Ba’t sa kamay mo ko hinalikan pwede naman sa cheek,” wika nito sabay hampas sa kanang balikat niya. “Joke lang! Saka, di pa kita sinasagot ha,” dugtong nito.

“Kailan mo ba ako sasagutin? Ikaw naman ang mahal ko diba? Kaya nga kinausap ko si Noorell nung pumunta ako noon para makiramay. Ang sabi ko sa kanya ikaw ang mahal ko,” sabi niya na tila ikinatuwa ng dalaga.

“Hmmmp! Totoo ba ‘yan? Baka naman binobola mo lang ako.”

“Hindi na kita bobolahin kasi baka tumalbog ka sa iba,”banat niya sa dalaga. Ilang saglit pa, nagpaalam ito sa kanya saka tumungo sa silid nito. “Ano kaya gagawin nun?” Tumayo siya saka tumungo sa kanyang silid. Pagkapasok, agad niyang kinuha ang picture frame na nagtatakip sa maliit na butas. Pagkasilip, may kung anong bagay ang tila tumuka sa kanya, mabuti na lamang at naka-ilag siya. “Patay! Baka nahuli niya akong naninilip,” aniya sabay takip sa butas saka ibinalik ang picture frame.

TUWANG tuwa naman ang penguin habang tinatakpan ang butas. Siya kasi ang tumuka sa butas. “Hihihi! Magkakuliti ka sana,” aniya habang nag jump-jump sa sahig ng kuwarto.

“Hoy! Ano ginawa mo at pa-jump jump ka diyan?” tanong sa kanya ni Zaira.

“Eh, kasi may butiking naninilip sa kabilang kuwarto. Aba! Kung wala ako eh di sana nakita ka niya habang naka-upo sa arenola. Ba’t kasi napapa-ihi ka kapag kinikilig?”

“Eeeeee! A-ano ka ba? Excuse me, di ako kinikilig,” tugon nito sabay hila sa kanyang buntot saka sumilip sa butas. “Ay, may takip!”

“Hmmmp! Kung love mo siya bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo? Huwag masyadong mag-inarte dahil di ka kagandahan. Tandaan, baka dumating ang araw na wala na siya kung kailan ready ka nang ipaalam sa kanya na mahal mo siya.” Isang pitik sa buntot ang kanyang natanggap sa Pinay super hero. “A-aray naman!”

“Excuse me, kagandahan ako! Saka may right time kung kelan ko siya sasagutin. Kung love niya ako maghihintay siya kung kailan ako ready. Get’s mo penguin na di naliligo,” wika nito na siyang ikinainis niya.

“Alam mo mas okay pang kausap si Simsimi kaysa kayo?”Kumindat siya saka lumiwanag ang buong paligid. Sa isang iglap naglaho siya sa loob ng kuwarto hanggang makarating ng Penguin Wonderland. Tumungo siya sa shower room saka agad na naligo. Ilang saglit pa, may natanaw siya sa tubig ng bathtub, nakita niya ang tatlong bruha na nakapasok na naman sa mundo ng mga mortal pero hindi niya ito pinansin dahil naliligo pa siya.

HALOS tumakbo na si Andrew habang palabas ng bahay. Nakalimutan niya na may ipapasa pala siyang article tungkol kay Super Zaira at kailangan niyang magpapirma ng ilang dokumento.

Pumara siya ng jeep hanggang sa makasakay na siya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay biglang tumigil ang jeep. “Badtrip naman!” aniya nang matuklasang nasiraan ang jeep. Bumaba siya saka tumungo sa isang iskinita.“Buti na lang malapit na lang. Lakarin ko na lang,” aniya sa sarili habang nagkakamot ng itlog.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang mapansin niyang tila may sumusunod sa kanya. Lumingon siya subalit walang tao sa kanyang likuran. Mayamaya, tumigil siya sa paglalakad saka tumalikod sa pader. Binuksan niya ang kanyang zipper saka nag-enjoy sa kanyang ginagawa. Nang makatapos may naramdaman siyang kakaiba. Tila may humahawak sa kanyang pagkalalaki. Isang mainit na palad na parang nagluluto ng itlog.

TUWANG TUWA ang bruhildang naka-invisible. Ginamit niya ang kanyang powers para makuha niya ang kanyang biktima. “Hihihi! Ang laki! Laki!”aniya habang hinahawakan ang toytoy ng biktima.

Nang lumaon, ikinumpas niya ang kanyang mga kamay hanggang sa balutin ng liwanag ang buong paligid. Sa isang iglap nasa loob na sila ng kuweba.

“S-sino ka? Nasaan ako?” tanong ng bihag na siyang nagpangiti sa kanya.

INIS na inis na si Zaira habang tinatawag ang penguin. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi ito nagpapakita sa kanya. Gusto niya kasing mag-transform para makalipad siya. Nakakaramdam na kasi siya ng sobrang init sa kanyang katawan. Gusto niyang lumipad dahil pupunta siya ng Tagaytay saka doon magpapalamig.

“Nasaan na kaya ang kutong lupa na ‘yon? Pag nakita ko yan hihilahin ko ang buntot nun,” aniya habang palakad lakad sa likod ng bahay nila.

“Hoy! Ano bang ginagawa mo diyan at mukha kang butiking di mapaihi?” singhal ng kanyang ina. Kadarating lamang nito na tila pagod na pagod sa ginawa nitong paglalakad.

“Hello, mudra! O, ba’t parang hingal na hingal ka? Rumampa na naman yata ang reyna ng ballroom dancing.”

“Naku! May nabalitaan ako sa tindahan. Alam mo ba ‘yung loka-loka sa bayan may nakita raw na tatlong bruha. Sa tingin ko may bagong biktima na naman. Naalala ko tuloy ang dance instructor ko. Sumailangit ang kanyang kaluluwa.”

“Nay, naman! Loka-loka mismo ang nakakita?”

“Oo! Naku, sana dumating na si Super Zaira. Natutuwa ako anak kasi kapangalan mo ang super hero. Yun nga lang mas maganda yun kaysa sa’yo.”

Napangiti na lamang siya sa sinabi ng nanay niya. Kung tutuusin costume lang naman ang pinagkaiba niya kung isa na siyang super hero. Ang pagkakaalam niya, may kapangyarihang bumabalot sa kanyang pagkatao kaya hindi siya nakikilala sa normal na pagkatao niya.

Katulad ni Darna! Kung saan saklay lang ang pinagkaiba!

Tumalikod ang kanyang ina saka pumasok na sa loob ng bahay. Agad naman niyang tinawag ang nawawalang penguin. “Nasaan na kaya ang penguin na ‘yun?”

“I’m back!” biglang saad nito na kasusulpot lamang mula sa kanyang likuran.

“Hay! Mabuhay ka! Kanina pa kita hinahanap kasi gusto kong mag-transform para lumipad ng bongang-bongga,” aniya sa penguin na nakatayo sa isang naka-tumbang puno ng akasya.

Gumalaw ang buntot nito kung saan may lumabas na liwanag hanggang sa lumabas ang itlog nito. “Labas agad? Diba, hihimasin ka pa?” agad niya tanong sa penguin.

“Hmmm! Depende sa mood ko,” tugon nito sa kanya. Sinalo niya ang itlog, hinimas saka tumingin siya sa malayo. “Super Zaira!” Umikot siya ng tatlong beses saka agad na nag-split. Pagkatayo niya isa na siyang super hero.“Ako si Super Zaira, ang tagapag-tanggol ng mga naaapi,” buo ang boses nang kanya itong bigkasin.

Lilipad na sana siya nang may pumigil sa kanyang mga paa. Paglingon niya natanaw niya ang isang nilalang na tila nababalutan ng liwanag.

“Ako si Master Xehan, ang pinuno sa Penguin Wonderland. Ako ang dahilan kung bakit nagkakaroon ka ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Nais ko lang iparating sa’yo na ang pagiging super hero ay hindi biro. Kailangan mong seryosohin ang mission na ibinigay sa’yo. Tandaan mo na hindi lang iisang tao ang dapat mong iligtas. Kailangan mo ring makiramdam sa iyong paligid kung may nangangailangan ng iyong tulong,”litanyang wika nito sa kanya saka biglang naglaho sa kanyang paningin.

Tumingin siya sa malayo saka kinuyom niya ang kanyang mga palad. Tama si Master Xehan, kailangan niyang seryosohin ang pagiging super hero niya.

SA kabilang dako naman tuwang-tuwa ang mga bruhilda sa bagong bihag nila. Nakagapos ito sa isang malaking bato habang natutulog sa labis na pagod.

“Makalipas ang tatlong araw iaalay na natin siya sa gagawin nating ritwal,” sabi ng bruhildang naka-high heels.

“Kailangan natin siyang hugasan para maging malinis ang kanyang katawan.” Lumapit ang isang bruhilda saka iniabot rito ang isang palangganang tubig.

Lumapit siya sa bihag na hubu’t hubad. Lumuhod sa harapan nito saka masuyong pinagmasdan ang kahubuan nito.

“Dakilang patotoy sinasamba kita!” aniya habang hinuhugasan ang pagkalalaki nito.

Kumulog ang kalangitan na tila natuwa sa kanyang ginawa. Ilang saglit pa, isang dasal ang kanyang binigkas kung saan nagkaroon ng liwanag sa buong paligid ng kuweba.

“Hihihi! Takam na takam na ako!” sambit ng isang bruhilda habang nagsusuklay ng buhok.

Lumaki ang mata ng bruhildang may kuto sa singit nang mapansing unti-unting nagkakabuhay ang pagkatao ng bihag. “Mabuhay ka dakilang patotoy! Maligayang pagkabuhay,” agad nitong wika habang hinuhugasan ito.

MATAAS ang ginawang paglipad ni Super Zaira. Katatapos lamang niyang magligtas ng isang babaeng ginahasa sa plaza. Mabuti na lamang at napa-aga siya nang dating dahil nabigo ang mga salarin na gahasain ang biktima.

Nagkaroon ng pangamba ang puso niya. Nararamdaman niya na may nangangailangan ng kanyang tulong subalit di niya matukoy kung sino iyon. Hindi pa niya lubusang napag-aaralan ang lahat ng kanyang kapangyarihan.

Bumaba siya sa likod ng bahay nila saka muling isinigaw ang kanyang pangalan. Sa isang iglap kasabay ng pagliwanag ng buong paligid ang pagbabago ng kanyang pagkatao.

“Hay! Kakalorkey ang mga rapist! Buti na lang at napitik ko ang mga itlog ng mga salarin. Nabasag sana,” aniya habang natatawa sa kanyang ginawa. Hinila niya kasi ang toytoy ng isang rapist saka pinitik ang itlog nito.

“Z-zaira!” malakas na sigaw ng nanay niya. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay. “A-ano ka ba? Kanina pa kita hinahanap. Lumandi ka na naman?” sabi nito saka biglang kinurot ang singit niya.

“Ouch naman!” Halos mapaluhod siya sa sobrang sakit pero lubos ang kanyang pasasalamat dahil walang buhok na nakasama.

“Magluto ka na! Nabate ko na ang itlog kaya ikaw na ang magprito para makakain ka na. Aalis lang ako at baka mahuli ako sa lakad ko.”Tumaas ang kilay niya nang mapansing nakabihis ang nanay niya na tila sasabak sa matinding sayawan.

Tumaas na lamang ang kilay niya nang makaalis na ang nanay niya. Pumasok naman siya sa loob ng kanyang kuwarto saka agad na nag-online. Napangiti siya nang matuklsang lumabas na ang full video ng Thrilla sa MOA kung saan napatunayan niya na si Noorell ang unang naghamon ng away.

Nasa kalagitnaan siya nang pagfa-facebook nang makarinig siya nang pagkalampag sa labas ng gate nila. Bumaba siya saka binuksan iyon hanggang sa iniluwa niyon ang babaeng nagpapagulo ng love story niya.

“I-ikaw na naman? Alam mo kung si Andrew ang pinunta mo dito mas mabuti pang umalis ka na kasi kanina pa siya naka-alis.”

“Ikaw talaga ang pinunta ko dito,” kaswal na sagot nito sa kanya.

“Ako?”

“Gusto ko lang mag-apologize sa lahat ng nagawa ko sa’yo.”Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa labis na pagka-shock. Hindi nakayanan ng powers niya ang lahat nang narinig niya.

“Whe? Ano ba nakain mo at bigla kang nagbago?”

“Since namatay ang kapatid ko, I realized na ang bad, bad ko pala. Sana mapatawad mo ako,” tugon nito saka agad na nag beso-beso sa kanya.“Hugs!”

“Hugs!” wika niya habang mahigpit na gumanti sa mga yakap nito.

HALOS pumalakpak ang tenga ni Noorell sa best performance na ginawa niya. Hindi akalain ng mortal na kaaway na isang malaking palabas lamang ang lahat. Mahal niya si Andrew kaya gagawin niya ang lahat mabawi lamang niya ito.

“Since friend na tayo sana welcome na ako sa bahay n’yo. Huwag kang mag-alala di ko kayo guguluhin ni Andrew. Ibibigay ko ang blessings ko sa inyo.”

“Ha? Ahmm! Sige! Welcome ka dito sa bahay namin.”

“Saka gusto kong makausap ang nanay mo para magpasalamat sa kanya kasi tinanggap niya ako dito.”

“Tinanggap?”

“Ano ka ba? Since friends na tayo at gaya nga ng sabi mo kanina na welcome na ako sa bahay n’yo kaya naisipan kong umupa dito. Diba, bakante pa ang isang room n’yo?”

Umusok ang ilong niya sa narinig. Di man lang siya nasabihan ng nanay niya na ipapa-renta pala nito ang isa pa nilang bodega. “Nay, ikaw ang makukurot ko sa singit,” aniya sa kanyang sarili.

SA LOOB ng kuweba hindi mapigilan ni Andrew ang mag-alala. Narinig niya na iaalay siya sa gagawing ritwal ng mga bruhilda. Nakakaramdam na siya ng gutom at halos manigas na ang kanyang tuhod sanhi ng pagkaginaw. Pakiramdam niya nasa loob siya ng isang refrigerator.

“Giniginaw ka ba? Gusto mo yakapin kita,” biglang sambit ng isang bruhilda na kanina pa pala nakamasid sa kanya. Hinawakan pa siya sa dibdib niya pababa hanggang masaklot nito ang six pack abs niya.

“B-bitiwan mo ako!” singhal niya rito saka dinuraan niya sa mukha. Biglang nanlisik ang mga mata nito hanggang sa maglabasan ang mga ahas sa buhok nito.

Mailigtas kaya ni Super Zaira si Gwapito? Sumikip kaya ang mundo niya ngayong makakasama na niya ang kontrabida ng love story niya?

Abangan ang umiinit na pakikipagsapalaran ng nag-iisang pinay super hero ng TRE.

Jondmur's
Super Zaira, and the Magical penguin

No comments:

Post a Comment