Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Super Zaira, and the Magical Penguin - 8

HINDI mapalagay si Zaira habang nakahiga sa kanyang kama. Kanina pa niya hinihintay si Andrew. “Nasaan na kaya siya?” Bumangon siya saka humarap sa salamin. “Mirror, mirror, sabihin mo sa akin kung nasaan si Andrew,” aniya habang kinakausap ang antigong salamin.

 
Huminga siya nang malalim nang di tumalab ang orasyon niya. Ilang saglit pa, sumilip siya sa butas subalit natatakpan iyon ng isang poster kaya nabigo siyang masilip ang loob ng kuwarto ni Gwapito. Lumabas siya para puntahan ang binata sa kuwarto nito subalit bigla siyang pinigilan ng kanyang nanay.
“Walang tao diyan! Ewan ko ba sa mga umuupa sa atin dito. Nagbabayad pero minsan lang matulog,” sambit ng kanyang nanay na siyang nagpakaba sa kanya.
“Posible kaya na magkasama sila?”
“Malamang!” agad na tugon ng kanyang nanay na siyang nagpa-utot sa kanya. “O, ba’t ka ganyan maka-react feeling mo niloko ka?”
“Excuse me! Eh di magsama sila!” Tumalikod siya saka tumungo sa likod ng bahay. Naiinis siya sa pagmumukha ni Noorell.  “Ako pa lokohin niya eh ang yaman-yaman niya. Gusto niya lang mapalapit kay Gwapito kaya siya umupa dito,” aniya sa sarili habang hinahanap ang kaibigang penguin.
Biglang lumitaw mula sa di kalayuan ang penguin na tila kinakabahan ang mukha. Agad niya itong nilapitan saka binuhat hanggang sa halikan niya ito sa malaking tiyan nito.
“Ang bango-bango naman!”
“Hmmm! May dapat kang malaman tungkol kay Gwapito.”
“B-bakit?” puno nang pag-aalalang tanong niya rito. “Magkasama ba sila ni Noorell?”
“Di mo kasi pinag-aaralan ang powers mo kaya wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid mo.”
“A-anong ibig mong sabihin? May nangyari sa kanila?”
“Gaga! Puro love life ang iniisip mo kaya di mo alam na napapahamak na si Gwapito.” Nasaklot niya ang kanyang dibdib.
“Paano ko ba malalaman kung may nangyayaring hindi maganda sa paligid ko?” puno ng pag-alalang tanong niya sa penguin. “Paano ko makikita si Andrew?” Umikot ang penguin saka muling humarap sa kanya.
“Pumikit ka lang saka wag kang hihinga. Pagkatapos, takpan mo ang dalawang butas ng ilong mo.”
“Ganun?” Labag man sa kalooban niya ay ginawa niya ang mga sinabi nito. Ilang saglit pa, nakita niya sa kanyang isipan ang isang bangko na hinoholdap ng isang grupo ng sindikato.
“Dumilat ka saka muling ipikit ang iyong mga mata,” utos nito sa kanya. Sa muli niyang pagpikit natanaw niya sa kanyang isipan ang tatlong bruhilda na masayang umiinom ng ice cold cola. At lalo siyang na shock nang matuklasang bihag nito ang lalaking iniibig niya.
“Si Andrew? K-kailangan niya ng tulong ko.”
“Huwag kang mag-alala hindi pa ito ang araw ng pag-aalay ng mga bruhilda. Ligtas pa si Gwapito sa mga panahong ito.  Unahin mo muna ang iba pang nangangailangan ng iyong tulong.”
“I-aalay? A-anong ibig mong sabihin?”
“Tuwing daraan ang planetang Pluto sa Earth ay kinakailangan ng mga bruhilda na mag-alay sa buwan ng isang guwapong lalaki para madagdagan ang kanilang lakas at kapangyarihan.”
“Hindi ako papayag na i-alay nila si Gwapito.” Huminga siya nang malalim saka hinimas ang itlog ng penguin.
MABILIS ang ginawang paglipad ni Super Zaira hanggang sa marating niya ang bangko. Tinalo niya si Darna sa dami ng mga taong humahanga sa kanya. Halos lahat sa kanya nakatingin – agaw pansin kasi ang golden panty na suot niya.
“Ang ganda-ganda mo Super Zaira!” malakas na sigaw ng isang fan. Pumalakpak ang kanyang tenga sa mga papuring natanggap. Hindi na yata kaya ng powers niya ang mga good comments na ibinabato sa kanya ng mga tao.
Pumasok siya sa loob ng bangko saka hinayaang tumama sa kanyang katawan ang mga bala ng baril. Ilang saglit pa, sinalo niya ang isang bala na tatama sana sa boobs niya.
“Oooops! Sumusobra na kayo!” Lumipad siya hanggang sa mahuli niya ang isang holdaper. Pumalag iyon subalit kulang ang lakas nito para mapantayan ang pambihirang lakas ng kanyang kamao. Mayamaya pa, sa tindi ng galit sa holdaper ay sinaklot niya ang itlog nito saka hinila ng ubod lakas. Pagkatapos, ibinalibag niya ang holdaper sa matigas na semento. “A-ano lalaban kayo?”
Sa takot ng mga holdaper na mapisa ang mga itlog nila ay nagtakbuhan ito. Sumigaw pa ang isang holdaper na ibinalibag niya sa sahig. Halos maubusan na ito nang hininga habang hawak-hawak ang hita nito.
“Ang itlog ko ibalik mooooo!” sigaw nito bago nalagutan ng hininga.
Isang malakas na sindikato  ang napabagsak ng ating super hero. Ito pala ang mga holdaper na umiikot sa buong bansa. Ilan sa mga biktima ng mag holdaper ay walang awang pinapatay matapos makuha ang mga mamahaling gamit.  Dahil diyan lalong dumami ang mga fans ng Pinay super hero.
“Super Zaira, pa picture naman!” sigaw ng isang babae.
“Sure!” tugon niya sabay pose sa harap ng camera. Lilipad na sana siya nang biglang may humawak sa kanyang kanang balikat. “Bakit?”
“Super Zaira, pwede po ba namin kayo ma-interview?”
“Sorry! Sa The Buzz o Showbiz Central lang ako pwede,” aniya sabay lipad na tila isang ibong nakawala sa isang hawla.
Pinabilis niya ang kanyang paglipad. Nagpatambling-tabling pa siya sa ere hanggang sa makarinig siya ng isang malakas na sigaw. Bumaba siya nang tingin hanggang sa matanaw niya ang isang babae na hinahabol ng limang kalalakihan.
“Mga rapist!” Binalot ng galit ang puso niya. Pagkatapak niya sa lupa ay agad niyang sinuntok sa mukha ang isang matabang lalaki.
“S-sino ka?”
“Di mo ko kilala? Nakakalorkey ka kuya,” tugon niya sabay tadyak sa lalaki. Tumayo ito saka gumanti ng suntok sa kanya subalit di siya matamaan nito. “Power Hugs!” malakas niyang sigaw hanggang sa may kung anong hiwaga ang sumakal sa pangit na rapist.
“H-hindi ako natatakot sa’yo!”
“Super Zaira, tulungan mo ako!” Tumaas ang kilay niya nang matuklasang bihag ng isang lalaki ang biktima. May hawak itong patalim na nakatutok sa sentido ng babae.
“A-ano lalaban ka pa?” sighal sa kanya ng lalaki. Tumaas ang blood pressure niya kaya lumipad siya nang pataas saka bumaba hanggang sa magpaikut-ikot siya. Nahilo ang lalaki sa ginawa niya kaya agad niyang naagaw ang hawak nitong patalim.
Ubod lakas na binuhat niya ang lalaki saka ibinalibag iyon sa isang imburnal. “Ang galing-galing mo Super Zaira!” sabi ng babaeng iniligtas niya habang nagsusuot ng panty.
Muli siyang lumipad hanggang marating niya ang kalawakan. Nakasalubong pa niya ang isang eroplano na papunta ng Middle East. Buo na ang kanyang loob – hahanapin niya ang pugad ng mga bruhilda.
NAPASIGAW ang isang bruhilda nang mapanood sa youtube ang ginawang pagsaklolo ni Super Zaira sa isang bangko. Halos mapunit ang kanyang panga sa ginawa niyang pagsigaw.
“Hindeeee!” sigaw nito na siyang bumulabog sa mga paniking natutulog sa loob ng kuweba. Agad itong lumapit sa bihag habang pinapakain ng isang bruhilda.
“Umuusok na naman ang ilong mo amiga,” bati sa kanya ng kaibigang bruhilda habang sinusubuan ang matipunong bihag.
“Hindi ako papayag na mailigtas siya ni Super Zaira.”
“Nagkakamali ka! Sure ako ililigtas ako ni Super Zaira,” sambit ng bihag na siyang ikinainis niya. Nilapitan niya ito saka ubod lakas na sinampal. Sa tindi ng galit ay halos lumuwa na ang kanyang mga mata.
“H-hindi ako papayag!” aniya na tila sumabay sa malakas na pagkulog ng kalangitan. “Kung ayaw mong kunin ko ang itlog mo tumahimik ka,” singhal niya sa bihag.
“Hihihi! Relax lang amiga! Bukas na natin siya i-aalay kaya wala nang magagawa ang Pinay super hero na nakalabas ang panty,” singit ng isang bruhilda habang kumakain ng hotdog.
“Dalhin siya sa kulungan,” utos niya sa isang bruhilda. Mayamaya pa, tumungo siya sa malaking kawa upang tingnan ang nagaganap sa mundo ng mga mortal. Halos manlisik ang kanyang mga mata nang matuklasang hinahanap sila ni Super Zaira.
“Hinahamon mo ba ako?” aniya habang kinukuha ang isang walis tingting na may mahabang hawakan. Umusal siya ng isang dasal hanggang sa makasakay siya rito saka lumipad ng bonggang-bongga. “Hihihi! Ang sarap lumipad,” aniya habang pinagmamasdan ang kalangitan.
NAPATIGIL sa paglipad si Super Zaira nang mahagip ng kanyang paningin ang tila isang mangkukulam na nakasakay sa isang magic walis.
“Super Zaira, ikaw nga!” malakas nitong sigaw na siyang nagpataas ng kilay niya.
“Bruhilda?”
“A-ako nga!” tugon nito sa kanya saka bigla siyang binugahan ng apoy. Nakailag naman siya na siyang ikinainis nito.
“Yan lang ba ang kaya mo?” Hinarap niya rito ang kanyang kanang palad hanggang sa magsilabasan ang mga itlog sa kanyang mga palad. Tinamaan naman ang bruhilda dahilan para mahulog ito subalit agad niya itong sinalo saka buong lakas na sinakal.
“T-tama na!”
“Nasaan si Gwapito?” Hinawakan niya ang magkabilang hita nito saka sapilitang pina-split sa ere. “Kung ayaw mong mapunit ang pechay mo dalhin mo ko sa kanya.
“B-bitiwan mo ko!” Nagulat siya nang magsilabasan ang mga kuto sa petchay nito saka dumapo sa kanyang mga mata. Dahil doon nakawala ang bruhilda saka muling nakasakay sa magic walis.
“Hoy! Huwag mo akong takasan!” sigaw niya habang pilit nilalabanan ang mga kuto na tila may mga super powers.
“Kuto pa lang ‘yan Super Zaira wala pa ang mga garapata,” malakas na sigaw nito. Ilang saglit pa, nakaramdam siya ng isang bagay na tila sumasakal sa kanya. “Tikman mo ang bagsik ng aking paghihiganti.”
Humaba ang buhok nito na tila kaka-rebond lang hanggang sa nasakal na siya nito. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas para makawala sa mahabang buhok na sumasakal sa kanya.
“H-hindi ka magtatagunpay, Bruhilda!” Hinawakan niya ang buhok nito saka lumipad siya ng ubod taas. Halos magulat ang kalaban nang inilabas niya ang kanyang secret weapon – isang patalim na kayang pumutol ng anumang bagay.
Naputol ang buhok ng kalaban subalit agad itong tinubuan ng bagong buhok. Humalakhak ito nang humalakhak. “Hindi mo ako kaya!” malakas na sigaw nito.
“Yan ang akala mo!” Tumingin siya sa malayo saka itinaas ang kanyang kanang kamay. Lumabas mula rito ang isang liwanag na nagpasilaw sa kalaban. Ilang saglit pa, sunud-sunod na kidlat ang tumama sa katawan ng kalaban. “Ma-lechon ka sana,” malakas niyang sigaw.
Laking gulat niya nang hindi namatay si Bruhilda. Subalit, biglang napasigaw ang bruhilda nang matuklasang nakalbo ang lahat ng buhok nito sa katawan. Nagmukha itong manok na tinanggalan ng balahibo kaya sure siya na pati itlog ng kuto ay na-fried na.
“Hindeeee!” malakas na sigaw nito.
“B-buhay ka pa?” Tumaas ang kilay ni Super Zaira sa natuklasan. Sa dami ng kidlat na lumabas sa kanyang mga palad ay buhay pa rin ang kalaban. Malas lang nito dahil nakalbo ang petchay nito.
Hinayaan niyang tumakas ang bruhildang hubut-hubad na nakasakay sa magic walis. “Sige, bumalik ka sa pinanggalingan mo.” Lumipad siya saka sinundan ang bruhildang tumatakas. Hindi nga siya nagkamali dahil tumungo ito sa isang nakatagong kuweba na wala pang normal na tao ang nakakarating doon.
NAGULAT ang dalawang bruhilda nang dumating ang isa pa nilang kasama. Nakasakay ito sa magic walis na tila manok na tinanggalan ng balahibo. Agad namang nagsumbong ang bruhildang nakalaban ni Super Zaira.
“I hate her! Kinalbo niya ang long hair ko!” maiyak-iyak na sigaw ng bruhildang nakalbo. “Pati petchay di pinatawad!” dugtong nito habang tumatakbo papasok sa kulungan ng bihag.
Binalot ng galit ang puso ng dalawang bruhilda. Ilang saglit pa, ang galit ay napalitan ng takot. “Huwag tayong matakot! Lalaban tayo!”
“Talaga lang ha?” Bigla silang napalingon nang marinig ang boses ng ating bida. “Humanda kayo dahil kayo naman ang kakalbuhin ko,” dugtong nito sabay lipad palapit sa kanila.
“Wait!” sigaw ng isang bruhilda. “Baka pwede nating pag-usapan?” Lumapit siya saka lumuhod sa Pinay super hero.
“Anong drama ‘yan?”
“Ibabalik na namin sa’yo si Gwapito, huwag mo lang kaming kalbuhin.”
“Maawa ka sa petchay namin,” pagmamakaawa ng isang bruhilda.
NAPANGITI si Super Zaira sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ganito lang kadali matatalo ang grupo ng mga bruhilda. Paglingon niya, lumabas si Andrew na inaalalayan ng bruhildang nakalbo.
“Super Zaira!” wika ng binata saka niyakap siya nang mahigpit. Ilang saglit pa, kumawala ito sa kanya saka humarap sa mga bruhilda. “O, lalaban ba kayo?” malakas na sigaw nito habang tinatakot ang tatlong kalaban.
“Kulang pa ang aming lakas para labanan siya pero babalik kami para maghiganti sa babaeng nakalabas ang panty.” Sabay-sabay na wika ng tatlong bruhilda saka agad na naglaho sa kanyang paningin.
Huminga siya ng malalim. “Kakalorkey! Walang ka-effort-effort na kalaban. Di man lang ako pinawisan.”
“S-super Zaira, salamat!” Napangiti siya sa sinabi ng binata. Mababakas sa mukha nito ang labis na tuwa habang pinagmamasdan ang golden panty niya.
“O, ano pang hinihintay mo diyan?”
“Ha?”
“Sabi ko, ano pang hinihintay mo?” Ngumiti siya saka tumalikod sa binata. “Gwapito, sakay na!”
Lumipad siya habang nakasakay sa kanyang likuran ang binata. Doon lamang niya napansin na hubu’t hubad ang lalaki. “Wait! Dahan-dahan lang,” nanginginig na wika nito sa kanya. Halos dumikit na ang kuko nito sa balikat niya sa higpit ng pagkakahawak nito.
Pumasok ang kapilyahan sa isip niya kaya lalo pa niyang binilisan ang paglipad. Ilang saglit pa, naramdaman niya ang paglapat ng matipuno nitong dibdib sa kanyang likod. Sumayad pa ang labi nito sa kanyang batok. Ilang saglit pa, pinipigilan niya ang mga kamay ng binata.
NAPAMULAT si Andrew nang maramdaman ang tila pumipigil sa kanyang mga kamay. Ngunit mahigpit ang kanyang pagkakakapit dahil natatakot siyang mahulog. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang patuloy pa rin ang pagpigil sa kanyang mga kamay.
“Hoy! Di mo ba bibitiwan ang boobs ko? Kung makakapit ka wagas!” sigaw ng Super Hero. Natigilan siya nang matuklasang sa boobs pala siya nakahawak.
Dahil sa takot na mahulog ay inilipat lamang niya ang kanyang mga kamay. Sa tiyan siya pumulupot hanggang unti unting…
“Subukan mong kumapit sa petchay at ihuhulog talaga kita,” singhal sa kanya ng super hero. Napangiti na lamang siya sa sinabi nito. Mayamaya, nagulat siya nang tumayo ito sa paglipad. Napakapit tuloy siya sa leeg nito. Bigla itong humarap sa kanya saka nagtama ang kanilang mga paningin.
NATIGILAN si Super Zaira habang pinagmamasdan ang binatang nakakapit sa kanyang magkabilang balikat. Kumakabog ang kanyang puso. Isang bagay na nararamdaman niya bilang isang ordinaryong tao.
Akma na siyang magsasalita nang biglang inilapat nito ang mapupulang labi hanggang malasap niya ang unang halik nito. Halos sumigaw ang kanyang puso sa labis na pagka-shock. Hindi niya akalain na ngayon niya malalasap ang halik na kay tagal niyang hinintay.
Pagmulat niya ng kanyang mga mata nasa lupa na sila. Nagulat din ang binata dahil nasa bakuran na sila ng bahay.
“Nandito ka na,” aniya sabay tingin sa ibabang bahagi ng binata. “Magbihis ka na baka makatusok pa ‘yan.”
NAPAHIYA si Andrew sa sinabi sa kanya ng super hero. Ngayon lang niya naalala na wala siyang saplot sa katawan. Agad niyang tinakpan ng kanyang mga palad ang angry bird niya.
Lumipad na ulit ang super hero kaya minabuti niyang pumasok na ng bahay. Nagulat siya nang may biglang sumigaw.
“Diyos ko po ano ‘yan?” sigaw ng nanay ni Zaira sabay dasal ng Ama Namin. “Diyos ko po ang laki ng itlog!” malakas na sigaw nito habang tinatakpan ang dalawang mga mata.
Matutuloy na kaya ang love story ng ating bida? Babalik pa ba ang kampon ng mga brihilda para maghiganti?
Abangan, ang muling paglipad ni Super Zaira!
 
Jondmur's
Super Zaira, and the Magical Penguin

1 comment: