Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

TIMAWO II - Part 1

NAALIMPUNGATAN si Sarah nang maramdaman niya na unti-unting nahuhulog ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Napadaing siya nang may dumagan sa kanya. “M-marco?” Pilit na inaaninag ng kanyang paningin ang makisig na lalaking bumibihag sa kanya subalit nabigo siya – binabalot nang dilim ang buong silid.



Napakapit siya sa likuran nito nang maramdaman niya ang pagsasanib ng kanilang mga katawan. Pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Halos maubusan siya ng lakas habang iniaalay ang kanyang sarili sa asawa.
Ang asawang walang sawang pumapaloob sa kanyang pagkababae. Bigla siyang napa-ungol na sumabay sa malakas na pagkulog ng kalangitan. Bumaon ang mahaba niyang kuko sa likod ng asawa. “Ahhhhh!”  sambit niya habang inihahanda ang sarili sa pagdating sa sukdulan.
Habol ang paghinga nang humiga ang asawa sa kama. Nakahinga siya nang maluwag. Inayos ang sarili saka tumagilid paharap sa lalaki. Niyakap niya ito saka pinalaruan ang balahibo nito sa dibdib. Mayamaya, may kumatok sa pinto na siyang nagpakunot ng kanyang noo.
Bumangon siya sa kama saka kinapa ang switch ng ilaw. Ngumiti siya saka humarap sa kama. Halos mangatog ang tuhod niya sa natuklasan; nag-iisa lamang siya sa loob ng silid.
Bigla siyang napa-atras nang lumakas ang pagkatok sa pinto. Kasabay ng pagguhit ng kidlat sa kalangitan ang pag-ihip ng hangin sa buong silid. “Sarah, pakibukas ng pinto,” malakas na sigaw ni Marco.
“M-marco?” Naguguluhan man sa mga pangyayari ay minabuti niyang buksan ang pinto. Pagkabukas, halos maubusan siya nang hininga nang may biglang sumakmal sa kanyang leeg.  Gustuhin man niyang sumigaw ay hindi niya magawa.
Nakagat niya ang kanyang labi nang mapagmasdan ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito na tila nanggaling sa hukay. Napaiyak siya nang tumulo ang laway nito sa kanyang pisngi. Malagkit na tila naaagnas na hayop ang amoy nito.
Napadaing siya nang maramdaman ang matulis nitong kuko na bumabaon sa kanyang leeg. Pumalag siya pero kulang ang lakas niya para maitulak ito.
Sumama ka sa akin sa impierno,” nakakakilabot na tinig ang pinakawalan nito na siyang nagpayanig ng kanyang pagkatao. Ilang saglit pa, ibinalibag siya nito sa sahig. Halos mamilipit siya sa sakit nang tumama ang hubad na katawan sa malamig na semento.
Lumapit sa kanya ang nilalang na tila ahas ang balat nito – nakakakilabot, nakakadiri, at nakakasuka ang amoy. Halos mangalisag ang kanyang mga balahibo nang unti-unti itong lumalapit sa kanya. Bigla siyang napasigaw nang tumalon ito sa kanya.
“Huwagggggggg!” sigaw niya na sumabay sa malakas na pagkulog ng kalangitan. Tila nakikiramay ang langit sa malagim na kabanata ng kanyang buhay.
BAKAS sa mukha ni Ruthie ang labis na pagkabahala. Mataas pa rin ang lagnat ng kanyang pinsan – ang nakakantanda sa kanya ng halos limang taon. Naabutan niya itong nagdidiliryo sa kama habang pawisan ang buong katawan.
Napapitlag siya nang bigla itong bumangon. “H-huwagggg!” malakas nitong sigaw na siyang ikinagulat niya. Habol ang paghinga nito na tila nanggaling sa isang masamang bangungot.
“Ate, huminahon ka!” Natigilan ito saka pinagmasdan siya. “Mataas ang lagnat mo kaya nananaginip ka. Huwag kang mag-alala! Okay ang lahat,” wika niya na may kasunod na ngiti. Pilit niyang pinapakalma ang nakakatandang pinsan.
Pumikit ito na tila inaalala ang nakaraang tagpo. Pagkamulat, mababakas sa mukha nito ang labis na pangamba. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat hanggang sa magkatitigan sila. “Hindi ako naniniwala na panaginip lamang ang lahat,” wika nito na may bakas ng takot sa mukha.
Niyakap niya ang pinsan saka hinimas ang basa nitong likuran. “Ate, huwag kang matakot! Hindi ka nila makukuha.” Pinahiga niya ito saka masuyong hinagkan sa noo. “Sasamahan kita, kaya wala kang dapat ipangamba,” dugtong niya.
Tumalikod siya para kumuha ng tubig sa kusina. Iniwan niya ang pinsan na nakahiga sa kama. Akma na niyang isasara ang pinto nang mahagip ng kanyang paningin ang isang lalaki na may malabong imahe. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang hinihimas ang maamong mukha ng kanyang pinsan.
Minumulto ba ang pinsan niya?
Bata pa lamang siya ay may kakayahan na siyang makakita ng multo. Ayon sa lola niya, bukas ang third eye niya. Kumurap siya hanggang sa mapapikit siya. At doon nag-flash back sa kanyang isipan ang bilin sa kanya ng matanda.
“Hindi lahat nang hindi nakikita ay multo. Hindi lahat nang nagpaparamdam ay kaluluwa. Ilan sa kanila ay mga Engkanto.”
Bigla siyang kinilabutan sa naalala. Bakas ang pag-alala sa kanyang mukha. Mabait ang kanyang pinsan, mahinhin, at di magawang ipagtanggol ang sarili sa mga nang-aapi rito. Ayon sa mga matatanda, ang tipo ng kanyang pinsan ang lapitin ng mga Engkanto.
Napasigaw siya nang matuklasang wala na sa kama ang kanyang pinsan. Pumasok siyang muli saka tumungo sa restroom na nasa loob lamang ng kuwarto nito. Subalit, wala roon ang pinsan niya. Kinalampag niya ang mga bintana ng kuwarto hanggang sa mabuksan niya iyon.
Halos sakluban ng takot ang buo niyang katawan nang makitang naglalakad sa harden ang babae. Naka-angat ang mga kamay nito na tila hinihigop ng hangin.
Lumabas siya para iligtas sa panganib ang pinsan. Halos maghabulan ang kanyang mga paa habang bumababa sa hagdan.
“Ahhhhhhhhhhh!” Bigla siyang napahinto nang matapakan niya ang buntot ng isang itim na pusa. Nanlilisik ang mga mata nito na tila handang sumakmal sa kanya. Nilakasan niya ang kanyang loob hanggang sa magtagumpay siyang malabanan ang takot.
Umiwas siya hanggang sa makalayo siya rito. Agad siyang tumungo sa hardin upang iligtas ang pinsan sa panganib. Kulang na lang lumipad siya para agad na makapunta sa kinaroroonan ng pinsan.
“Ateeeee!” Mahigpit niyang niyakap ito na tila nawawala sa sarili. Ilang sandali pa, pumalag ito hanggang sa magwala.
“B-bitiwan mo ako!” singhal nito sa kanya. Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya hanggang sa magising ito sa realidad. Habol ang paghinga nang humarap ito sa kanya. “A-anong nangyari?” sambit nito bago nawalan ng malay.
Umihip nang ubod lakas ang hangin. Agad niyang niyakap ang pinsan niya na nakahandusay sa lupa. “Hindi mo siya makukuha! Nakiki-usap ako lubayan mo na ang pinsan ko!” malakas niyang sigaw na tila sumabay sa malakas na ungol ng taong lobo.
Nakahinga siya nang maluwag nang huminto ang paghampas ng hangin. Sumigaw siya upang humingi ng tulong. At ilang sandali pa, patakbong lumalapit sa kanila si Edyzr – ang driver ng pamilya nila.
“Ruthie, pasensya na nakatulog ako. A-anong nangyari kay Mam?” Bakas sa mukha ang pag-alala nito sa amo. “Ako na ang bahala sa kanya,” saad nito habang binubuhat ang pinsan niya.
6:00 PM – ORASYON
Sa probinsya pansamantalang tumitigil ang mga tao para manalangin sa poong May kapal. Mababakas naman ang takot sa mukha ni Sarah. Bumaba na ang kanyang lagnat subalit puno pa rin ng pag-alala ang puso niya. Ilang araw na siyang nakakaramdam ng kakaiba sa kanyang sarili. “Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa panaginip,” sambit niya habang tinititigan ang antigong salamin.
Anim na buwan na ang nakakalipas magmula nang magbago ang buhay nila; ang dating barung-barong ngayon ay isa ng mansyon, ang dating mapagmahal na asawa ngayon ay tila nanlalamig sa kanya, at ang dating normal na buhay ay tila napalitan ng kababalaghan.
Biglang bumukas ang pinto na siyang nagpapitlag sa kanya. Iniluwa nito ang asawa na sa tingin niya ay nasa ilalim ng espiritu ng alak.
“Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko?”
“Ha? Sumama kasi ang pakiramdam ko kanina. Saan ka natulog kagabi?” Lumapit ito sa kanya saka agad na hinatak ang buhok niya. “N-nasasaktan ako M-marco,” daing niya habang pinipigilan ang mga kamay ng lalaki.
“Ang sabihin mo nakikipaglandian ka sa driver natin,” segunda nito na bakas ang matinding galit sa mukha. Napadaing siya nang hawakan nito ang ilalim ng baba niya saka pasakal na isinandig sa dingding ng kuwarto.
Tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa maghalo iyon sa kanyang mga pawis. Ilang sandali pa, halos manlambot siya nang ibinalibag siya nito sa kama. “M-marco! T-tama na!” Nakagat niya ang kanyang mga labi nang maramdaman ang matigas nitong pag-aari na pilit pumapaloob sa kanyang likuran.
Halos tumulo na ang kanyang sipon sa labis na hirap. Pumalag siya subalit sadyang mahina pa ang  kanyang katawan hanggang sa matuklasan niya na nabihag na siya ng asawa. “Ahhhhhh!” daing nito na tila isang demonyong uhaw sa laman ng tao.
Hinatak nito ang buhok niya hanggang sa mapaharap siya rito. “T-tama na!” pagmamaka-awa niya sa asawa. Natigilan ito hanggang sa maramdaman niya ang mahigpit nitong yakap.
“I’m sorry! Hindi ko sinasadya,” wika nito na siyang nagpamanhid ng kanyang mukha. Luha na lamang ang iginanti niya rito. Mayamaya, tumayo ito saka lumabas ng silid. At doon nakahinga siya nang maluwag.
HINDI mapalagay si Ruthie. Pakiramdam niya parang tinatambol ang puso niya. Narinig niya ang malakas na sigaw ng pinsan niya. Gustuhin man niyang tulungan ito ay hindi niya magawa. Labas na siya sa away ng mag-asawa.
Tatlong buwan na ang nakakalipas magmula nang patirahin siya ng pinsan sa mansyon nito. Laking gulat niya nang matuklasang naka-ahon na ito sa hirap. Isang bagay na nag-iiwan ng malaking katanungan sa kanya.
Bigla siyang tumalikod saka agad na nagkubli sa likod ng cabinet. Muntik na siyang makita ng kanyang bayaw – si Marco. May bahid ng galit sa mukha niya. Gusto niyang hampasin ng tubo ang pagmumukha nito dahil sa napakasamang ugali nito. Ang buong akala niya, totoo ang mga sinasabi ng pinsan tungkol sa pagiging mabait nito.
Nang makalabas nang bahay ang lalaki ay agad siyang umakyat ng hagdan. Subalit, napagod na ang kanyang mga paa ay nanatiling nasa ika-anim na baytang ang kanyang mga paa. Bumibigat ang kanyang mga hakbang. Paulit-ulit hanggang sa matuklasan niya na hindi siya nakaka-akyat ng hagdan.
Lumingon siya sa kanyang pinanggalingan. At halos malula siya nang matuklasang libu-libong baytang ng hagdan ang naakyat niya.
Imposible!
Tumingala siya nang may kumalampag mula sa di kalayuan. Isang pusang itim ang palapit sa kanyang kinaroroonan. “H-huwag!” sambit niya habang inihahanda ang sarili sa pagsalakay nito. Inihakbang niya ang kanyang paa hanggang sa matisod siya. At halos mapasigaw siya nang may yumapos sa kanyang katawan.
“Ahhhhhh!” sigaw niya na sumabay sa nakakakilabot na hiyaw ng pusa.
Babala sa mga mambabasa sa kwentong ito: Huwag pag-usapan ang mga Engkanto. Huwag babanggitin ang kanilang pangalan kung ayaw mong sila’y magambala. Nandiyan lamang sila sa iyong paligid. Naghihintay nang tamang pagkakataon upang ika’y bihagin.
Huwag masyadong mabait, huwag magpakita ng takot, at huwag masyadong magpaganda dahil ikaw ang matitipuhan nila. Nakahanda ka bang sumama sa kanila?
TIMAWO
Sa Panulat ni Jondmur

No comments:

Post a Comment