Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Timawo II - Part 4

ISANG dasal ang lumabas sa bibig ng dalagang babaylan. Mababakas sa mga mata nito ang labis na pagkabahala. Hindi naman mapigilian ni Ruthie ang mag-alala para sa kaligtasan nila. “Ano po ang nakikita ninyo?” Isang maliit na palanggana ang pinatakan ng kandila – at dalawang imahe ang nabuo mula sa yupos ng kandila.
“Dalawang nilalang ang gumagambala sa inyo,” tugon nito habang nakapikit. “Isang Engkanto at isang tao na sinapian ng isang demonyo.” Bigla itong dumilat saka humarap sa kanya. “Kung may mamamatay, may mamamatay! Wala ka nang magagawa kundi ang iligtas ang sarili mo.”
Nasaklot niya ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit nagaganap ang ganitong kababalaghan sa kanilang buhay. Napipi ang kanyang bibig – hindi niya mabigkas ang mga katanungang bumabalot sa kanyang isipan.
Isang maliit na bote ang dinukot nito mula sa bulsa. Naglalaman iyon ng ibat-ibang halamang gamot. Inilapat nito ang bote sa bibig saka umusal ng isang dasal. Pagkatapos, binuksan iyon saka pinatakan ang palanggang may tubig.
“Malabo! Hindi ko lubos maunawaan. Isang ritual ang nakikita ko sa aking pangitain. Dalhin mo ako sa mansion para masagot ang aking mga katanungan,” wika nito habang tinatakpan ang maliit na bote. Akma na siyang magsasalita nang bigla itong napapitlag. “Mabagsik ang kampon ng demonyong bumibihag sa kanyang katawan.” Bakas sa tinig nito ang labis na pag-alala. “Humanda ka! Mapanganib ang kalaban,” dugtong nito na siyang nagpabara sa kanyang lalamunan.
BIGLANG napabangon si Sarah. Masakit ang kanyang ulo na tila binibiyak iyon. Pumikit siya saka muling dumilat. Panaginip lamang ba ang lahat?
“Buti gising ka na!” Napalingon siya nang matuklasang nasa likod ng kama si Edzyr. Labis naman ang pagkagulat niya nang malamang nasa loob siya ng kuwarto nito.
“A-anong ginagawa ko dito?” Akma na siyang tatayo nang pinigilan siya ng binata. Bakas sa mga mata nito ang labis na pagkabahala.
“Nawalan ka ng malay kanina. Sarah, umalis na kayo dito!” Kumabog ang dibdib niya. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kagubatan. “Huwag kang mag-alala, wala akong ginawang masama sa’yo,” dugtong nito.
Tumayo siya saka humarap sa binata. “Salamat! Naguguluhan ako Edyzr. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Hindi ko alam kung nananaginip lamang ako.”
“Totoo ang lahat! Sarah, mag-iingat kayo ng pinsan mo!” Bumakas ang takot sa mukha niya. Agad siyang lumabas saka patakbong bumalik ng mansion.
Pagkabukas niya ng pinto biglang tumambad sa kanya si Marco. Nanlilisik ang mga mata nito habang sinasalubong niya ang isang malakas na sampal. Bumagsak siya sa sahig habang saklot niya ang mga labing pumutok na. Duguan ang kanyang mukha – pakiramdam niya nabali ang isang ngipin niya.
Hinatak nito ang buhok niya. “Saan ka natulog kagabi?” Kinaladkad siya nito paakyat ng hagdan hanggang sa makarating sila ng kuwarto. Halos manlumo siya nang tumama ang katawan niya sa matigas na sahig ng kuwarto.
“Wala akong ginagawang masama!” malakas niyang sigaw. Napasiksik siya sa isang sulok nang makitang hinuhugot nito ang sinturon. Halos mawalan siya ng malay nang sunud-sunod na tinanggap ang hagupit ng sinturon.
Napadaing siya sa labis na sakit. Lumapit ito sa kanya saka muli siyang hinatak patayo. “Subukan mong lokohin ako at mata mo lang ang walang latay,” banta nito sa kanya.
Napahiga siya sa kama nang itinulak siya nito. Lumabas ito ng kuwarto saka ibinalibag ang pinto. Umiyak siya nang umiyak. “Tama ka, Ruthie! Kailangan na nating umalis dito,” aniya sa sarili habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin.
ISANG suntok naman sa tiyan ang natanggap ni Edyzr mula kay Marco. Pinaghihinalaan siya nito na may ginagawang masama. “Oras na malaman ko na may relasyon kayo ng asawa ko. Ako mismo ang papatay sa’yo.” Bakas sa mukha nito ang labis na pagkapoot. Itinulak pa siya hanggang sa mapaupo siya sa lupa. “Binabalaan kita!” dugtong nito bago siya iniwan.
Tumayo siya saka matalim na titig ang ipinukol niya rito. Pabalik na ito ng mansion na tila nagmamadali. Nagkaroon naman siya ng takot para sa asawa nito. Batid niya ang pananakit nito sa babae – isang bagay na labis niyang ikinalungkot. Nagkamali ka Sarah sa pagpili sa lalaking inibig, bulong niya sa kanyang sarili.
Ilang buwan na ang nakakaraan nang mahuli niya itong pumapatay ng pusa. Isang bagay na nagbigay sa kanya ng isang palaisipan. Sinundan niya ito hanggang sa makarating siya sa kagubatan – nasa likod ng mansion ang isang masukal na kagubatan. Labis ang kanyang pagkamangha nang makitang may iniaalay ito sa isang puno ng balete.
“Iniaalay ko ang katawan ng aking asawa kapalit ng magandang buhay na ibibigay n’yo sa akin. Ibinibigay ko na rin ang aking kaluluwa sa demonyo para magkaroon ng lakas at kapangyarihan!”
 Humampas ang hangin sa matipuno niyang dibdib nang bigla niyang maalala ang isang tagpo na hindi mabura sa kanyang isipan. Bakas ang pag-alala sa kanyang mukha. “Sarah, tutulungan kita!” sambit niya na tila itinangay ng hangin sa kawalan.
BIGLANG natigilan si Marco. Tila may ibinulong sa kanya ang hangin. Dumungaw siya sa bintana hanggang sa matanaw niya si Edyzr na naglalakad palabas ng gate. “Mag-iingat ka!” sambit niya habang pinagmamasdan ang binata.
6:00 PM – Oras ng Orasyon
MAINGAT na bumaba si Marco upang tumungo sa kagubatan. Bigla siyang natigilan nang maabutan niya si Ruthie sa sala. May kasama itong babae na umagaw ng kanyang pansin. Lumapit siya rito saka pinagmasdan subalit agad siyang bumaba ng tingin. Tila may enerhiyang bumabalot sa babae na siyang nagpakabog ng kanyang dibdib subalit binalewala niya ito.
Lumabas siya saka tumungo sa likod ng bahay. Pagkatingala niya sa langit natanaw niya ang ulap na tila nagkakahugis – isang imahe na may sungay. Napangiti siya sa kanyang nakita. Panahon na para sa aking dasal, aniya sa sarili habang naglalakad patungo sa gitna ng kagubatan.
NAKAHINGA nang maluwag si Ruthie nang lumabas ng mansion si Marco. Napatingin naman siya kay Madam Jane na tila binabalot ng takot ang puso nito. “May problema ba?”
“Hindi tao ang nakikita ko!” Napalunok siya sa sinabi nito. “Isang demonyo ang bumihag sa katawan ng lalaki. Isang makapangyarihang demonyo.”
“A-anong gagawin natin?” Nagulat siya nang bigla itong tumalikod saka inayos ang mga gamit. Akma na itong lalabas ng pinto nang pinigilan niya ito.
“Saan kayo pupunta?”
“Sumama ka sa akin,” utos nito sa kanya. Pagkalabas nila ng bahay ay natanaw niya ang buwan – bilog na bilog habang napapaligiran ito ng pulang liwanag. Napatingin siya sa malayo hanggang sa matanaw niya ang ulap na hugis demonyo.
Napakapit siya sa kamay ng babaylan nang yumakap sa kanya ang hangin. Malamig na malamig na parang nasa loob sila ng refrigerator. Napasigaw siya nang magliparan ang mga paniking tila nabulabog sa kanilang kinalulunggaan.
Sumakit ang kanyang ulo hanggang sa makaramdam siya nang pagkahilo. Lumingon siya, at halos mangatog ang tuhod niya nang makita ang libu-libung kaluluwang nakapaligid sa kanila.
“Mga multo! Nandito sila!” Bigla niyang naalala na isang dating sementeryo ang lupang kinatatayuan ng mansion. Bukas lang ang third eye niya kaya nakikita niya ang mga kaluluwang gumagala rito. “Ngayon lang ako nakakita ng maraming kaluluwa.”
“Ruthie, hindi sila multo.” Tumingin siya sa mga mata nito. “Mga Timawo sila!” Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo.
“Si ate? Si Ate Sarah?” Tumakbo siya saka iniwan ang babaylan. Nagkaroon nang pag-alala ang puso niya. Umakyat siya ng hagdan saka sumilip sa pinto ng kuwarto – Nakaupo sa kama ang pinsan habang may isang matipunong lalaki ang yumayakap dito. Nakagat niya ang kanyang mga labi nang matuklasang hindi tao ang kasama nito.
Bigla niyang itinulak ang pinto saka agad na lumapit sa pinsan. “L-layuan mo ang pinsan koooo!” singhal niya sa isang nilalang na may malabong imahe.
“Ruthie, hindi kita maintindihan!”
BAKAS sa mukha ni Sarah ang labis na pagkabahala. Naguguluhan siya sa inasal ng pinsan. Takot na takot ito habang pinagmamasdan siya.
“Ate, may kasama ka pero hindi mo nakikita.” Tila namanhid ang mukha niya sa sinabi ng pinsan. Bigla itong lumapit sa kanya saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. “H-hindi sila multo pero nandito lang sila nagpaparamdam sa’yo.”
“R-ruthie?”
“K-kukunin ka nila!”
“Ruthie, sabihin mo sa akin kung sino sila?” Bakas sa takot ang mukha nito. Akma itong tatalikod pero agad niya itong napigilan. “S-sino sila?” Tumingin sa kanya ang pinsan niya. Mata sa mata na tila sinasalamin ang kanyang kaluluwa.  “Sabihin mo sa akin! S-sino sila?”
“Mga Engkanto!” sumabay sa tila hiyaw ng pusa ang tinig nito. At halos manindig ang kanyang mga balahibo sa natuklasan. “Hindi sila titigil hanggang hindi nila nakukuha ang isang bagay na ibinigay sa kanila?”
“I-ibinigay?”
NATIGILAN si Ruthie sa tanong ng pinsan. Naalala niya ang sinabi ni Madam Jane na posibleng nai-alay ang pinsan sa mga Engkanto. Kung sino o paano ay hindi pa niya makuha ang tamang sagot. Hinawakan niya ang kamay ng pinsan.
“Ate, sabi ni Lola Lope kapag nagustuhan ng Engkanto ang isang babae kukunin niya ito.” Huminga siya nang malalim. “Minsan naman iniaalay siya sa Engkanto kaya wala siyang magagawa kundi ang sumama rito.”
“Ruthie, natatakot ako!” Niyakap niya ang pinsan hanggang sa mapansin niya ang mga pasa sa katawan nito. Kumalas siya saka pinagmasdan ang mukha nito.
“Sinaktan ka niya? Ate, tumakas na tayo!” Sumilip siya sa bintana. “Umalis si Marco kaya may pagkakataon tayo para tumakas.
“Paano tayo makakatakas? Baka makasalubong natin si Marco?”
BAKAS sa mukha ng babaylan ang labis na pag-alala. Nabatid niya na may kakaibang enerhiyang bumabalot sa mansion. Kinuha niya ang langis saka ipinahid sa kanyang mga mata. Bigla niyang nasaklot ang kanyang dibdib nang makitang unti-unting nalulusaw ang mansion hanggang maging isang masukal na kagubatan.
May taglay na kapangyarihan ang lana – nakikita niya ang tunay na anyo ng paligid. Hindi ito isang mansion kundi isang masukal na kagubatan. Dinadaya lamang nito ang paningin ng isang normal na nilalang.
Bigla siyang napapitlag nang may sumakmal sa kanyang leeg. Nabitiwan niya ang lanang hawak hanggang sa kumalat ito lupa. Pumalag siya subalit kulang ang kanyang lakas. “Bitiwan mo ako!” Napasigaw siya nang makitang humahaba ang dila nito hanggang sa pumasok ito sa kanyang bibig. Ramdam niya ang pagkislot nito sa kanyang lalamunan.
Napadaing ang nilalang nang itinarak niya ang isang matalim na punyal sa dibdib nito. “Demonyo ka?” Tumakbo ito hanggang sa mawala sa kanyang paningin.

KUMAKABOG ang dibdib ni Ruthie habang bumababa sila ng hagdan. Pagkalabas ng pinto naabutan niya si Madam Jane na may hawak na isang duguang punyal.
“Madam Jane, anong nangyari?” Ibinigay sa kanya ang hawak na punyal. Nakaguhit sa mukha nito ang bakas ng pagkasindak. “Gamitin mo ang punyal na ito para patayin ang demonyo.”
“Naguguluhan ako! Sino ang demonyo? Bakit may mga Engkanto?” singit ng pinsan na kanina pa naguguluhan.
“Hindi lamang Engkanto ang dapat mong iwasan. Sarah, sinaniban ng demonyo ang katawan ng asawa mo,” tugon ng babaylan na siyang nagpabilis ng tibok ng puso niya. “Umalis na tayo rito,” utos nito sa kanila.
Tila labag ang langit sa ginawa nilang pagtakas. Unti-unting umambon ang kalangitan na parang naiiyak sa kanilang paglisan. Kasabay ng pagkulog ang pagguhit ng kidlat sa langit. Pagkalabas ng gate ng bahay ay nagulat sila nang makitang nasa gitna sila ng kagubatan.
“Bakit ganito? Bakit tayo nasa gubat?” tanong niya habang nakakapit sa mga kamay ng pinsan.
“Humanda kayo! Nasa paligid lamang ang demonyo!”
Hindi pa sila nakakalayo nang biglang may nagsalita sa kanilang likuran. “Saan kayo pupunta?” Napahawak siya sa kamay ng pinsan nang matuklasang nasundan sila ni Marco.
“Demonyo ka! Paano mo nalaman na narito kami?” singhal niya sa lalaki.
“Oo, demonyo ako! Hindi kayo makakatakas sa akin!” Tumakbo sila ni Sarah. Subalit, bigla siyang natigilan nang mapansing naiwan ang dalagang babaylan. Napahinto sila sa pagtakbo at sabay na napasigaw nang makitang dinudukot ni Marco ang puso ng babaylan.
Halos nasuka sila sa nakita. Hawak hawak nito ang puso ng babaylan. Tumawa ito nang tumawa na siyang sumabay sa malakas na pagkulog ng langit.
Halos maghabulan ang kanilang mga paa sa ginawa nilang pagtakbo. Gusto nilang makatakas sa panganib na naghihintay sa kanila.
“Ahhhhh! Ruthie, hindi ko na kaya!” Napahinto siya saka inalalayan ang pinsan. “Tumakas ka na! Iligtas mo ang buhay mo!” Hindi siya pumayag sa kagustuhan ng pinsan.
“Huwag kang sumuko!” Nakahinga siya nang maluwag nang sumang-ayon ito sa kanya. Takbo, lakad, takbo ang ginawa nila na tila tumatakas sa isang trahedya.
Mayamaya, natigilan siya nang matuklasang walang sumusunod sa kanya. “Ate, nasaan ka?” Biglang kumabog ang dibdib niya. Nasaan na si Sarah?
HINDI mapigilan ni Sarah ang mag-alala sa pinsan. Nawala sa paningin niya ito. Sumabay pa ang malakas na buhos ng ulan na siyang nagpadilim sa buong paligid. Tumakbo siya nang tumakbo subalit hindi siya nakakalayo sa kanyang kinaroroonan.
Mayamaya, may isang pusang itim na sumusunod sa kanya. Nagliliyab ang mga mata nito na tila nagbabaga. Humakbang siya paatras hanggang sa mapatid siya. “H-huwag kang lalapit!” Nilundagan siya nito dahilan para mapahiga siya. Lumaban siya hanggang sa makawala siya rito – isang kalmot sa mukha ang natanggap niya.
Tumakbo siya hanggang sa madampot niya ang isang kahoy saka agad na inihampas sa papalapit na pusa. Tumama ang kahoy sa ulo nito. Halos balutin ng pagkasindak ang buo niyang pagkatao nang makitang tumilapon ang ulo ng pusa.
Basag ang bungo nito! Binitiwan niya ang hawak na kahoy saka mabilis na tumakbo. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa makarating siya sa talahiban.
“S-saan ka pupunta?” Nasakal siya nang may biglang sumakmal sa kanyang leeg. Nakagat niya ang kanyang mga labi nang makitang bihag na siya ng asawa. May hawak itong isang punyal na nakatutok sa kanyang leeg.
“Pakawalan mo na ako!”
“Papatayin muna kita.” Akma na nitong itatarak ang punyal sa leeg niya nang bigla itong napadaing sa sobrang sakit. Nang makawala siya sa mga kamay nito ay nakita niya si Edyzr na inaagaw ang punyal sa lalaki.
Nasaklot niya ang kanyang bibig nang magpagulong gulong ang dalawang lalaki sa damuhan. At halos mangalisag ang kanyang mga balahibo nang mahulog sa tila maliit na bangin ang dalawang lalaki.
“Edzyrrrrrr!” Lumapit siya sa bangin hanggang sa matanaw niya sa ilalim ang katawan ni Marco. Duguan ang mukha nito. “D-diyos ko!” daing niya habang pinagmamasdan ito.
Inilibot niya ang kanyang paningin. Hinahanap niya ang katawan ni Edzyr subalit hindi niya iyon mahagilap. Mayamaya, maya humawak sa kanyang kanang balikat. “Sarah!”
“Edyzr? B-buhay ka?” Yumakap siya sa duguang katawan ng lalaki. Bakas sa mukha nito ang labis na hirap. Kinuha niya ang panyo niya saka pinunasan ang noo nito. “Wala na si Marco! P-patay na siya,” aniya habang pinupunasan ang duguan nitong mukha.
HALOS mapasigaw si Ruthie nang matuklasang nasa ibabang bahagi siya ng gubat. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Gusto niyang bumalik sa pinanggalingan niya – sa itaas na bahagi ng kabukiran.
“Nasaan ako? D-diyos ko, tulungan n’yo po ako!” dasal niya habang pilit na inaakyat ang madulas na batuhan.
Bigla siyang kinilabutan nang mahagip ng kanyang paningin ang isang bangkay ng lalaki. Nakasabit ito sa isang nakausling ugat ng puno. Halos mamatay ang tibok ng kanyang puso nang makilala ang bangkay.
“Edyzr?”
NIYAKAP ni Sarah ang lalaki. Malaki ang pasasalamat niya kay Edzyr. “Salamat,” aniya habang niyayakap ang binata. Mayamaya, natigilan siya nang maramdamang hindi ito gumagalaw. Binalutan ng sindak ang puso niya nang matuklasang naglalaho ang katawan nito sa kanyang paningin.
Napalingon siya nang biglang may sumigaw sa ibabang bahagi nang kinatatayuan niya. Sumilip siya hanggang sa matanaw niya ang pinsan.
“Ruthieeeeee,” malakas niyang sigaw. Napa-atras siya nang makitang hawak nito ang kamay ni Edyzr na nakasabit sa isang ugat ng puno. Muli niyang hinanap ang katawan ni Marco subalit wala na ito – bigla siyang napalingon nang may nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa gawing likuran niya. Pagkamulat niya – natuklasan niya na nasa loob sila ng mansion. Nasa ikalawang palapag siya ng bahay samantalang nasa ibaba si Ruthie habang niyayakap ang bangkay ni Edyzr na sumabit sa hagdan.
Anong kababalaghan ito? Kanina lamang ay nasa gitna sila ng kagubatan!
Bumaba siya ng hagdan saka tinulungan ang pinsan na alalayan ang bangkay ni Edyzr. Binuhat nila ito hanggang sa mapahiga sa sahig.
“Wala na kayong magagawa!” Bigla siyang napalingon. Buhay si Marco. Lumapit ito sa kanila saka humalakhak nang humalakhak. “Inialay ko ang katawan mo Sarah sa mga Engkanto para makuha ang yaman na matagal ko nang hinangad. Wala ka nang magagawa kundi ang sumama sa mga Engkanto.”
“Hayop ka!” malakas niyang sigaw. Lumapit siya saka pinagsasampal ang mukha nito subalit hindi ito natinag sa kinatatayuan nito. Mayamaya, nasangga nito ang kanang kamay niya saka hinila siya nito palapit sa dibdib nito. B-bitiwin mo ako!”
Lumapit ang pinsan subalit agad itong nasipa ni Marco dahilan para tumilapon ang katawan nito. Napasigaw siya nang makitang nawalan ng malay ang pinsan.
“Sumama ka sa akin,” hinila siya nito subalit pumalag siya. Isang sipa sa harapan nito ang kanyang pinakawalan.
Akma na siyang tatakbo nang mahila nito ang kanyang kanang paa. Bumagsak siya hanggang sa sumubsob ang kanyang dibdib sa sahig ng mansion. Lumapit ang lalaki saka sinakal siya. Halos maubusan siya ng lakas sa ginawa nitong pagsakal sa kanya.
Napasigaw siya nang hinatak nito ang damit niya hanggang sa tumambad dito ang malago niyang dibdib. Hinalikan siya hanggang sa maramdaman niya ang mainit nitong dila na pumapaso sa kanyang katawan. Nakagat niya ang kanyang mga labi nang maramdamang pumapasok ang pagkalalaki nito sa kanyang lagusan.
“Hinde! Demonyo kaaaa!” Ikinilos niya ang kanyang mga kamay hanggang sa madampot niya ang isang punyal. Huminga siya nang malalim saka pinagmasdan ang lalaking nakapikit na tila naliligayahan sa ginagawa nito.
Hinawakan niya ang pagkalalaki nito saka ubod lakas na itinarak ang hawak na patalim. Halos mamilipit ito sa sakit nang maputol niya ang pagkalalaki nito. Habol ang paghinga nang makatayo siya. Tumakbo siya hanggang sa makarating siya ng kusina.
Napatingin siya sa kanyang mga kamay – hawak niya ang naputol na ari nito. Kinilabutan siya sa kanyang ginawa. Pansamantalang napako ang kanyang mga paa. Bigla siyang napapitlag nang masundan siya ng lalaki. Paika-ika itong naglalakad habang lumalapit sa kanya. Saklot nito ang pagitan ng mga hita.
“H-huwag kang lalapit!” Sa labis na galit ay inilapag niya sa mesa ang hawak na laman saka ubod lakas na pinaghihiwa. Napasigaw ang lalaki sa nakita at nagkaroon ito ng lakas para habulin siya. Hinablot nito ang buhok niya saka ubod lakas na sinuntok sa mukha
Gumapang siya sa sahig subalit nahawakan nito ang kaliwang paa niya. Sinipa niya ito sa tuhod dahilan para matumba ito. Mayamaya pa, lumapit ito sa kanya saka ubod lakas na sinakal siya. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Saka mariing tinusok ang kanang mata nito. Halos manginig ang buo niyang katawan ng tumalsik ang dugo sa kanyang mukha.
Tila may kakaibang lakas ang lalaki. Muli itong lumapit sa kanya saka hinatak ng patayo ang buhok niya. Sunud-sunod na suntok sa tiyan ang natanggap niya. Bumagsak siya sa sahig hanggang sa maramdaman ang muling pagsakal nito sa kanya. Napapikit siya. Gustuhin man niyang lumaban ay tila naubusan na siya ng lakas.
ISANG malakas na sigaw ang pinakawalan ni Ruthie habang itinatarak niya ang punyal sa likod ni Marco. Napadaing ito hanggang sa mapahiga sa sahig. Nasaklot niya ang kanyang bibig nang makitang putol ang pagkalalaki nito.
“Ate Sarah!” Lumuhod siya saka niyakap ang pinsan. Iyak ito nang iyak na tila hindi nauubusan ng luha. “ Akma na siyang tatayo para alalayan ang pinsan nang may biglang sumakmal sa kanyang leeg. Napatingin siya mukha ni Marco.
Bumagsak ang katawan niya sa sahig na siyang nagdulot nang matinding hirap sa kanya. Pakiramdam niya nabalian siya ng buto. Sinakal siya ng lalaki hanggang sa maramdaman niya ang pagdidilim ng kanyang paningin.
“Ahhhhhhh!” malakas na sigaw ni Sarah. Tumalsik ang dugo sa kanyang mukha hanggang sa masaksihan ang sunud sunod na pagsaksak ng pinsan sa likod ng lalaki. “Mamatay ka na! Mamatay ka na!” sigaw nito na siyang sumabay sa malakas na sigaw ng lalaki.
Bumagsak ang mukha ni Marco sa kanyang mukha na siyang nagpasindak sa kanya. Agad niya itong itinulak hanggang sa makawala siya. Niyakap niya ang pinsan na tila sinakluban ng takot ang mukha nito.
“Pinatay ko siya,” sambit nito habang binibitiwan ang hawak na punyal. Bigla siyang natigilan nang matanaw mula sa di kalayuan ang kaluluwa ni Marco. Nanlilisik ang mga mata nito habang mabagsik na nakatingin sa kanila.
Babala sa mga mambabasa: Mahirap paniwalaan pero sadyang may bumabalot na kababalaghan sa ating paligid. Maniwala ka man o hindi ay wala ka nang magagawa. Magtago ka na lang kung may naramdamang kakaiba sa iyong paligid. Huwag kang matutulog nang walang kasama. Nandiyan lang siya nasa paligid mo. Ikaw, saan ka natatakot? Sa multo, sa demonyo, o sa Engkanto?
Isa sa kanila ay posibleng kasama mo! Magtago ka na!
 
Timawo
Sa panulat ni Jondmur

  

No comments:

Post a Comment