Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep4

Episode 4 – Pulang Bikini


NAGSUSUKLAY ng buhok si Noorell nang bulabugin siya ng malalakas na katok sa pinto. Lalapit sana siya para buksan iyon nang bumukas na ito. Iniluwa nito ang kagandahan ni Sandra at isang babaeng bago sa paningin niya.
“Girl, hulaan mo kung sino ang kasama ko?”
“Do I know her?” kaswal na tanong niya.
“Okay! Siya si Binibining Pom Pom, ang may ari ng ukay-ukay sa bayan. Take note! May pahulugan siya,” tugon nito habang kinukuha sa plastic bag ang mga laman niyon. Halos masaklot niya ang kanyang bibig sa nakita.
“Bikini?”





“Yes! Best seller ‘yan sa ukay ukay ko. May promo ako day! Buy one take one!” agad na tugon ni Binibining Pom Pom. “Ito pa! 3 gives day!” masayang sabi nito habang iginigiling ang balakang.
“Sabagay, tatlo na lang ang panty ko. Sira pa ang garder ng isa kaya bibili ako,” agad na wika niya na ikinatuwa ng tindera. “Ano ba ang bagay sa akin diyan?”
“Ito pulang bikini! Naku! Lilitaw ang kaseksihan mo,” sabi nito na siyang nagpangiti sa kanya.
“Magkano naman!”
“Limang piso lang Day! Ukay ukay the best!”
“O, teka ito ang kukunin ko,” singit ni Sandra habang kinukuha sa kanyang kamay ang hawak na black bikini.
Nagulat sila nang biglang bumukas ang pinto. “Ako ba nakalimutan n’yo na? Aba, kung di ko pa nabalitaan sa mga boys eh di ko malalaman na may nagtitinda ng panty dito,” wika ni Lola Cattling.
“Naku! Lola, may bagay sa inyo dito,” agad na sabi ni Binibining Pom Pom habang binubuksan ang bag na dala nito. Mayamaya, inilabas nito ang isang T-Back.
“Naku, Pom Pom! Yan ang gusto ko sa’yo hindi ka nakakalimot. Tara! Punta tayo sa kabilang room at bentahan mo ang mga babaeng di nagsusuot ng panty,” tugon ni Lola Cattling habang binubusisi ang T-Back na hawak. “Piso lang to! Konti kasi ang tela parang sinulid lang,” dugtong nito na sinabayan ng pag-ubo.
NAGKAKATUWAAN ang mga boys habang pinagpapasahan ang panty na napulot nila sa labahan. Nahulog kasi ito mula sa second floor.
“Hahaha! Tingnan mo pare may design ni simsimi!” malakas na sabi ng isang lalaking kamukha ni Richard Gomez.
“Pare, baka naman panty yan ni Lola Cattling?” Lalo pa silang nagkatawanan sa sinabi ng isang binata na kasing kisig ni Derek Ramsey.
“Hinde! Mahilig si Lola Cattling sa T-Back. Malamang sa mga Marias ‘yan,” sambit ng isa habang pinipigilan ang matawa. Mayamaya, kinuha nito ang panty saka ibinulsa.
Tumungo ang lalaking kamukha ni John Lloyd Cruz sa restroom. Naghubad saka umupo sa trono. Mayamaya, pumikit ito saka malakas na kumanta.
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang dulas, ang sarap sarappppppppp!
PUMASOK ang kapilyahan sa utak ni Noorell kaya pumasok siya sa restroom. Katulad ng ginagawa ni Sonia ay maingat niyang tinanggal ang isang tiles hanggang sa makita niya sa butas ang isang lalaki na kumakanta ng Batibot.
Halos malaglag ang panga niya sa pagka-shock hindi dahil sa nakikita niyang ritual kundi sa pulang bikini na hawak nito. Umusok ang ilong niya sa labis na galit. “Humanda ka lalaking tabingi ang ulo. Sasakalin  ko ‘yan hanggang sa maiba ang direksyon ng ulo mo,” aniya habang kinukuyom ang kanang palad niya.
Bumukas ang pinto na siyang ikinagulat niya. Tumambad sa kanya si Sonia na tila natatawa sa posisyon niya. Nakatuwad kasi siya habang naninilip. “O, girls! Naunahan mo ako!” pilyang wika nito habang subo subo ang isang lollipop.
Tumayo siya saka inagaw ang lollipop ng kaibigan. “Humanda sa akin ang lalaking ‘yun! Kaya pala dalawa na lang ang panty ko  nasa kanya ang isa.”
“Eh di gamitin mo ang bagong panty mo na galing pa ng UK,” agad na sabi ni Sonia sabay agaw sa lollipop na hawak niya.
UMUUSOK ang ilong ni Mister Xehan habang kinakausap si Binibining Pom Pom. Paano ba naman siya ang magbabayad sa 100 T-Back na kinuha ni Lola Cattling. “May discount na ‘yan! 105 pcs na T-Back for 100 pesos only. Saan ka pa? Galing pa ng UK!” wika ng tindera sa kanya.
“Teka! My Pom Pom! May boxer shorts ka ba?” singit ni Lolo Ico habang hawak hawak nito ang pustiso.
“Para sa inyo, meron po!”
“Okay! Ang gusto ko yung walang butones ha para di ako mahirapang ilabas.” Ngumiti ang matanda habang pinamamasdan ang dibdib ng tindera.
“Lo, ang mata n’yo! Nakakahiya naman kay Binibining Pom Pom,” wika ni Mister Xehan.
“Pasensya ka na! Alam mo naman na matagal na akong di nakakahawak ng sariwang papaya. Pasas na kasi ang madalas kong hawakan.”
“Naku, lolo Ico mahal po ang pagawa ko diyan!”
Kakaloka! Usapang papaya! Tara’t pag-usapan!
ITINAAS ni Noorell ang suot na palda nang dumaan sa harapan niya ang lalaking kamukha ni John Lloyd Cruz. Tumayo pa siya saka kinapa ang malagong dibdib niya. Lumapit ito sa kanya saka agad siyang niyakap.
Gumapang naman ang kamay niya sa dibdib ng lalaki. Bumaba haggang sa pumaloob ang kamay niya sa angry birds nito.
“Wait! A-anong ginagawa mo?” wika nito na tila kinukurot sa singit.
“Babaliin ko ito kung di mo ibabalik ang pulang panty ko,” agad niyang sabi. Idiniin pa niya ang kanyang mga kamay hanggang sa masakal ang hindi dapat masakal.
“Wait! Baka lalong bumaluktot!” bakas sa takot ang mukha nito. Ilang saglit pa, kinuha nito ang panty sa bulsa.
Kinuha niya iyon saka agad na inamoy. “Waaaa! Bakit amoy Zonrox?” Pinaikot niya ang kanyang kamay na siyang ikinasigaw ng kawawang biktima.
Kinabukasan, sinamahan ni Mister Xehan ang lalaking may benta sa toytoy. Injuries ang dahilan ng pagkapilay nito.
Kakaloka! Abangan pa ang susunod na episode!

8 comments:

  1. Not for the eyes and grandma like me:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello po ^^ musta ang day? hehehe.... takip mata muna... para di mabasa hehehe ^____^

      Delete
  2. Replies
    1. hehehe thanks sa pagbasa.... hangkulet ng nagsulat hehehe

      Delete
  3. Ang landi ni Pompom. hahahha. Zonrox talaga ah :P LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe uo zonrox lang hehehe teka ano ba un hehehe

      Delete
  4. Kaderder yun thought na bumili ng underwear sa UK! Eeeew! Hahaha.. At siyempre tumbling na naman aketch kina Lolo at Lola..

    ReplyDelete
    Replies
    1. imported daw pag galing UK hehehe....

      keep smilling ^^

      Delete