Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Love Mo Ba si Nanay?

Katulad ng isang relationship ng magkatipan, ang relationship ng mag-ina ay  hindi perfect. May away, may tampuhan, o may mga kumplikadong bagay na siyang dahilan para lumayo ang loob ng anak sa kanyang ina. Subalit, matitiis ba ng isang ina ang kanyang anak?

Nagagalit ka sa nanay mo kasi OFW siya. Wala siya sa mga araw na nagdadalaga o nagbibinata ka. Wala siya para suportahan ka sa mga problema mo. Nagagalit ka kasi DH lang siya sa Singapore o
Hongkong? Lagi mong sinasabi na pera lang ang naibibigay niya sa’yo at hindi ang pagiging isang ina.

Gumising ka!



Hindi biro ang ginawa niyang sakripisyo para manilbihan sa ibang bansa. Naisip mo ba kung nahihirapan siya? Naisip mo ba kung paano niya nalalabanan ang homesick? Naisip mo ba na halos di na siya natutulog para makapagpadala lang ng pera sa’yo?
Umalis siya kasi kailangan. Ayaw niya na danasin mo ang hirap na naranasan niya. Umalis siya para sa’yo pero anong ginawa mo? Ikinulong mo ang sarili mo sa malaking pagtatampo. Nagtatampo ka sa dahilang ikaw lang ang nakakaunawa.
Bakit di mo siya pasalamatan para kahit paaano maramdaman niya na masaya ka dahil siya ang naging ina mo. Ayusin mo pag-aaral mo para balang araw umuwi na si nanay. Dumating ang araw na hindi na siya magsisilbi sa ibang tao kasi ibibigay mo na lahat ng pangangailangan niya.
Nanay, mama, ina, mommy, mamita o anu-ano pa ang ginagamit para tawagin ang isang ina. Naalala mo ba nung mga araw na inaalagaan ka niya? Pinapaliguan o hinahatid sa eskwela?
Hindi mo maalala?
Kasi ang naalala mo kung paano mo sigaw sigawan ang nanay mo. Kung paano mo siya pagalitan sa mga nagawa niyang kamalian.
Matanda na kasi si nanay kaya walang laban sa masasakit na salitang ibinabato mo sa kanya. Kulang na lang buhusan mo siya ng tubig sa tindi ng galit mo sa kanya.
Naiinis ka kasi mabaho na siya.
Wake up!
Bakit di mo isipin kung paano ka niya alagaan noong bata ka pa lamang. Ilang beses ka niyang bihisan para lagi kang mabango. Gusto niya bago lagi ang lampin mo. Gusto niya kumakain ka ng mga masasarap na pagkain.
Pero ngayon, tinitipid mo siya. May pamilya ka na kasi kaya yun ang priority mo. Gusto mo mga kapatid mo na ang mag alaga sa nanay mo. Nagagalit ka pa kung humihingi siya ng pera sa’yo.
Sana maisip mo na baka naglalambing lang si nanay. Kasi naman mula ng mag asawa ka nakalimutan mo na siya. Hindi ka na dumadalaw sa bahay n’yo.
Sana tuwing Mother’s Day umuwi ka naman. At kung malayo ka tawagan mo siya para maging happy si nanay. Hindi naman mahalaga kung may gift ka sa kanya o wala. Ngiti mo lang o marinig niyang tumatawa ka masaya na siya. Kasi love ka niya. Tandaan! Kahit minura mura mo pa siya noon hindi siya galit sa’yo – nagtatampo lang!
Nagagalit ka ba sa nanay mo kasi mahirap lang kayo?  Naiinis ka kasi iniwan kayo ng tatay nyo? Bakit ka naman magagalit? Kasalanan ba niya kung naging single mom siya? Kung nagsisisi siya sa nakabuntis sa kanya – kailanman di niya pagsisisihan na naging isang ina siya.
Tandaan mo ‘yan!
Naalala mo ba ang masasayang araw na inaalagaan ka ng nanay mo? Mga araw na ang saya saya mo kasi may nanay ka; may nagluluto ng breakfast mo, may naghahatid sa’yo sa school, at may isang ina na pinaramdam sa’yo ang lahat ng klase ng pagmamahal. Mula bata hanggang sa lumaki ka nadiyan siya para sa’yo. Hindi mo yun makakalimutan diba?
Pero si nanay nasa langit na. Paano mo pa ipapakita na maganda na ang buhay mo ngayon? Hindi mo na rin maibibigay ang hinihingi niyang regalo. At hindi na niya makikilala ang magiging apo niya sa’yo.
Parang kailan lang nang kausap mo siya pero ngayon di mo na siya nakikita. Pero ito ang tandaan mo, nasaan man siya mahal na mahal ka niya.
Ituloy mo ang buhay mo kasi gusto ni nanay maging maayos ang buhay mo. Kahit wala na siya. Gusto niya masaya ka at ituro mo sa mga anak mo kung paano maging isang mabuting tao.
Kung nabubuhay pa ang nanay mo huwag mong sayangin ang oras. Iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. Katulad ng mga pagmamahal na ipinakita niya sa’yo. Matanda na rin si nanay, huwag mo na siyang sigawan kasi masasaktan siya.
Kung magagalit siya kasi sumasagot ka sa kanya ibig sabihin nun hindi niya nagugustuhan ang pagsagut sagot mo sa kanya.
Oo, mahirap maging perfect. Mahirap maging isang ina. Pero, kahit ano pang pagkakamali o pagkukulang nanay mo pa rin siya. Ipakita mo na hindi pa huli ang lalat – magpasalamat at humingi ng tawad sa kanya.
Madrama ba?
Tandaan mo, mahirap maging isang ina. At kung babae ka, balang araw mararanasan mo din kung paano maging isang ina.
Kung OFW ang nanay mo, kung nagtitinda lang ng mani sa palengke, o simpleng may bahay dapat ipakita mo na ipinagmamalaki mo siya. Kahit mahirap ang buhay dapat puno ng pagmamahalan.
May tampuhan kayo? Ilang buwan na kayong di nagpapansinan? Bakit di ka lumapit? Magpakumbaba ka kasi matatanggap ka niya. Nagtatampo lang yon!

“Hindi masama kung pasasalamatan mo ang iyong ina. Ipakita mo sa kanya na siya ang pinaka-special na babae sa buhay mo. Katulad ng pagmamahal na ipinakita niya sa’yo.” – jondmur

Originally written by jondmur

36 comments:

  1. I wish you are my son too:) timely reminder for the youth today.
    I called my mother today in the philippines. Birtthday nya. At alam ko , pinasaya ko sya. Thanks for her!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po ^_^ Sure ako matutuwa si mother nyo... Belated Happy Kaarawan sa kanya ^_^

      Delete
  2. Uwaaahhhhhh!!!!!

    Namimiss ko ang NANAY ko...

    nyhahahahaha....

    kahit ganoon lang ang nanay ko mahal na mahal ko yun..

    kaya nga sa lahat saming magkakapatid ako ang sumalo sa kanya.. kasi ayoko na siyang magtrabaho pa.. gusto ko maupo nalang siya na parang donya...

    yun nga lang kung makahawak ng pera,, one day millioner..

    hahahahahahaha

    pero okay lang,, kasi nag eenjoy daw siya eh.. at wala naman akong magawa kasi ubos na at nawala na ang pera..

    anmg importante, sumaya siya,,,

    hahahahahahahahaha

    ang haba na yata ng aking sona.. LOL..

    ang ganda kasi ng background music ko.. God give me you,, hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. naks.... bait naman.... sure ako love na love ka ni nanay mo ^_^

      Nakarelate ba sa song? hehehe

      Delete
  3. awww.you are so right....and I agree to what you had to say about all mothers out there.......,

    :)

    ReplyDelete
  4. Thumbs up ser. Ganyan din sa papa kong OFW. Noon hindi ko siya maintindihan kung ano ba ang ginagawa nya sa aboard. Pero ngayong OFW nako lubos ko talagang naintindihan.

    Namiss ko bigla ang mother ko.

    Btw true to life ba eto? Nasa langit na mother mo or para dun eto sa mga nasa langit na?

    I'm proud to be an OFW :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa una talaga mahirap maintindihan... pag naranasan mo na dun mo maunawaan lahat ng sakripisyong nagawa nila...

      Para lang dun sa makaka relate hehehe.... nasa province mother ko ngayon... ung father ko ung nasa heaven na....

      Delete
  5. mama's boy din ako parekoy the best talaga mga nanay sa laht ng aspect
    magkakaiba man sila nag kakapareho pa din sa pag mamahal sa anak

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup... tama ka... the best talaga ang mga nanay...

      Thanks tol!

      Delete
  6. Mahirap talaga maging isang ina. Di biro ang mga ginagawa ng isang ina para sa kanyang anak. Di kayang tumbasan ng ano mang bagay! Mabuhay ang mga nanay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Anney ^_^ tama ka diyan... dapat saludo tayo sa mga nanay....

      Delete
  7. dumating sa point na ngyari sa akin tong mga ganitong pagtatanong sa nanay ko ..

    at sa mga ginawa kong yun nagsisi ako ngayon :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. kalungkot nga pag ganyan.... ang mahalaga naging okay naman ang lahat....

      ^_^ thanks sa pagbasa...

      Delete
  8. Ang aking ina ang unang babae na pinakamahalaga para sa akin, kumbaga patayan kapag may umapi. May mga kaibigan ako na ganun din, pero sabi nila sa simula nga lang daw pero nalaman nila na napakadakila ng kanilang ina para magsakripisyo. Hindi lang sa mga ina, kundi sa lahat ng mga magulang na nagsasakripisyo sa ibang bansa, isang saludo sa inyo. (/.^)

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay yan.. alam ko mahalaga ka din sa mother mo... di talaga mapapantayan ang pagmamahal na pwedeng ibigay ng isang ina...

      Thanks sa pagbasa ^__^

      Delete
  9. sobrang nakaka-touch ang topic mo.
    pero bago ako magcomment jan, gusto ko lang sabihin, ang ganda ng music.hehe

    sa totoo lang, ang mga inang ofw na siguro ang pinakamahirap intindihin. lalo pat ang pagbabatayan ng isang anak ay ang pagkalinga ng isang ina. pero ganun pa man, sila narin siguro ang isa sa pinakadakilang ina dahil pinili nilang mapalayo sa minamahal na anak para lang kumita at mabigyan ang anak ng masaganang buhay.
    nakakalungkot, sana dumating ang araw na wala nang nanay ang kailangang mangibang bayan para lang makapaghanap buhay. upang sa ganun, magabayan nila at mapalaki ng maayos ang mga anak at higit sa lahat, nandun sila sa tuwing mangangailangan ng pagmamahal ng ina ang isang anak.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sa pagbisita sa blog ko... buti nagustuhan mo ang music hehehe

      tama ka... hirap kapag isang OFW ang isang ina... mahirap kasing malayo sa anak...

      Delete
  10. masasabi ko na swerte ako kasi mula bata hanggang ngayon kasama ko ang nanay ko...at para lang kaming magbarkada na nagkukulitan at nagaasaran..minsan pinapagalitan ko rin sya pero madalas syempre ako ang pinapagalitan nya pag may mali ako.. one of my greatest dream is to be a mother..kudos sa mga dakilang ina!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... galing naman... maganda talaga kapag para lang kayong magbabarkada.... saka okay ang mga bonding moments....

      Thanks Pink LIne ^_^

      Delete
  11. Great post very inspirational. I love my Nanay she is one of my fan he he! I always look up to her and I hope someday when I become a mother kasing Best Nanay din ako or at least half of what she's done to me... (sigh) thanks bro sa pag follow I'm following back . Kudos sa iyong napaka gandang blog :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks din ^__^ oo naman pwede kang maging best nanay ^_^ lalo na kung un ang ipinapakita ng mother mo sayo...

      Godbless!

      Delete
  12. haaay... I'm too sensitive pag tungkol sa nanay ang topic :( aga kasi syang nawala :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. kakalungkot naman.... alam ko happy siya nasaan man siya ngayon...

      Thanks sa pagbasa...

      Delete
  13. nice one, jondmur :) lucky ang mama mo to have someone loving, nice and talented as you as her son :)

    yung nanay kko medyo kawawa e, nagka anak na baliw gaya ko. pero buti tangap nya at nasasakyan ang kabaliwan ko :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thnaks Zai.... hehehe lam ko rin na proud din sayo mother mo ^___^

      Delete
  14. i love my mom. di man ako ganon kashowy pero kahit bigyan ako ng chance na magpalit ng nanay pipiliin ko pa rin maging anak ng mama ko. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ka touch naman yan... sabagay di mapapalitan ang isang nanay ^_^

      Delete
  15. Ai nakakatouch naman ito sir :( namiss ko bigla si ma buti na lang magkikita kami tomorrow :)

    ReplyDelete
  16. aws.. sarap pakinggan. At nabigla ako sa music mo. lol

    ReplyDelete
  17. huhuhu...OFW ako..naiiyak ako sa post mo...buti nalang i am blessed with a good son, sya pa nagpapalakas ng loob ko pag alam nyang nanghihina ako. sya yung lakas ko para magpatuloy na magsumikap at tiisin ang pag iisa dito sa ibang ibayo.haaaayyy...

    kaloka...tisssueeeeee!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige bigyan kita tissue hehehe thanks sa pagbasa ^_^

      Delete
  18. That is so true sir! Magagaling talaga ang nanay...your mom is sure so proud of you. You are a hard working son...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks.... tama ka diyan... astig talaga ang mga nanay ^_^

      Delete