Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Pulang Grasa: Ang Trumpeta

ISANG mainit na tanghali noon nang maisipan kong umakyat sa overpass ng Espanya. Bago ako umakyat pinagmasdan ko ang buong paligid. Maraming nagtitinda ng sigarilyo at dyaryong may mga headline tungkol sa ating bayan, pinatay na taong grasa, at panawagan para sa pangulo.  Mga ilang hakbang paakyat ay may napansin akong isang pulubing bulag na nakaupo sa hagdanan habang namamalimos. Pagdating sa kalagitnaan ay pulubing pilay na gumagapang sa maruming sahig. Nahabag ako sa kalagayang nakikita ko. Naisip ko, danasin ko rin kaya ang kanilang paghihirap?


May isang taong grasa na nakaupo sa overpass. Nakasuot ng gula-gulanit na pulang damit at madungis na pangangatawan. Isang taong grasa na pakalat-kalat sa syudad. Walang siguradong pinanggalingan at walang siguradong patutunguhan. Ang kanyang mahabang buhok ay tumigas na sa alikabok sanhi ng makakapal na usok ng mga sasakyan. Ang kanyang mga ngiti na hindi mo mababakas ang hirap at sakit na kanyang tinatamasa.
Sa overpass tanaw na tanaw ko ang buong hi-way. Maraming sasakyan ang nagliliparan. At nagdulot ito nang makakapal na usok na sumabay sa malakas na ihip ng hangin. Pinaglaruan nito ang mahaba kong buhok. Lumitaw ang dalawang tengang  nagkukubli sa makapal na hibla ng aking buhok.
Lumanghap ako. Bakit hindi na sariwa ang hangin? Napahawak ako sa sementong bahagi ng overpass. Gusto kong tumalon para tapusin na ang aking paghihirap.  Napatingin ako sa aking babagsakan. At sa taas nito tiyak ang aking kamatayan. Isama mo pa ang mga rumaragasang sasakyan na siyang sasagasa sa matipuno kong katawan.
Biktima ang mga magulang ko ng isang trahedya. Isang trahedyang kumitil sa buhay nila. Isang bombang sumabog. Sampung sugatan. Isang daang patay. Lahat nagdanas ng hirap bago sapitin ang kamatayan. Isang trahedyang segundo lamang ang pagitan ng buhay at kamatayan.
Ako ay naging ulila. At pinilit mabuhay sa syudad nang nag-iisa.  At doon ko napatunayan na mahirap mabuhay sa syudad nang walang pamilya.
Bakit ganito? Nawawalan na ako ng pag-asa.  Gusto ko nang tapusin ang paghihirap ko. Gusto ko nang magpatiwakal. Akma na akong tatalon sa overpass nang may pumigil sa aking mga braso. Mahigpit.  Natigilan ako. Isang lalaking matipuno na pinipigilan ako sa masama kong balak. Isang lalaking nagkukubli sa maitim na grasa.
Bigla kaming napatingin sa hi-way. Napasigaw ang lahat ng tambay at nagtitinda sa bangketa habang pinagmamasdan ang pag-iskida ng umaarangkadang jeep. Nagitla ako sa aking nakita. Isang batang babae ang nasagasaan kasama ang isang askal. Patay na ang aso. Lasug-lasog na ang katawan nito. Patay na rin ang batang babae. Binuhat ito ng mga tao at isinakay sa ambulance car. Naiwan ang duguang aso. Ilang saglit, nilalangaw na ito. At ilang minuto pa ang nakalipas muling nasagasaan ng isang humaharurot na kotse. Ilang segundo pa ay muling nasagasaan ng isang trak, bus, at pampasaherong jeepney hanggang sa kumalat ang katawan nito sa buong aspalto.
"May buhay din sila," tanging wika ng taong grasa. Natauhan ako sa aking sarili. Kahit asong nasagasaan may buhay na pinahahalagahan.


LUMIPAS ang ilang araw na nakipagsisikan ako sa masikip na syudad nang maalala ko ang taong grasa. Umaasa ako na makikita ko siya sa lugar na saksi sa una naming pagkikita – ang overpass.
"Ako'y may alaga, asong mataba. Buntot ay mahaba, makinis ang mukha." Kumembot pa ito saka nagpaikot-ikot na tila isang ballerina.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na humanga sa ipinakita niya. Patuloy ko siyang tinititigan habang sumasayaw. Maihahalintulad siya sa isang batang masayang naglalaro na hindi alintana ang mga taong nagmamasid.
Natauhan ako nang mapansin kong maraming taong nakapaligid sa amin. Ang kanilang mga mata ay sa amin nakatutok. Napangiti ako nang unti-unti silang nagtapon ng barya sa kinatatayuan namin. Lahat natutuwa sa pinapakitang talento ng taong grasa – ang pagsayaw at pagtugtog ng lumang trumpeta.
Lumipad ang aking paningin sa hawak niyang trumpeta. Ito ay muli niyang pinatugtog hanggang sa lamunin ng musika ang magulong ingay ng syudad. Ang musika nito ay tila kumurot sa aking puso.


LUMIPAS ang ilang araw. Ang overpass ang naging tambayan ko. Halos doon na ako tumira kapiling ang mga batang pulubi na sumibol na sa ganitong kalagayan.
Nababagot ako sa sarili kong tahanan. Habang nakikita ko ang bawat pader na naging saksi sa isang masayang pamilya ay nababalutan ng lungkot ang aking puso. Hindi sapat ang paglagok ng alak upang makalimot sa isang pagsubok na aking pinagdaraanan.
Sa overpass, nagkaroon ako ng bagong tahanan. Nagkakaroon ako ng lakas ng loob habang nakikita ko ang taong grasa na lumalaban sa hamon ng buhay kahit  na nag-iisa. Natutuwa akong pagmasdan ang mga pulubing nakakangiti pa sa kabila ng kahirapan sa buhay. Bakit sila masaya? Bakit hindi sila sumusuko sa hamon ng buhay?
Mahirap ang mamalagi sa overpass dahil alam kong gahibla lang ang layo ko sa panganib. Subalit, buo na ang loob kong manatili sa isang lugar na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Ang overpass, ang nakakatulong sa akin upang takasan ang bakas ng nakaraan.
Isang malakas na busina ng mga sasakyan kasabay ng nagpupugay na tunog ng trumpeta sa kalawakan. Nakita ko ang taong grasa na nakatalikod habang pinapatugtog ang lumang trumpeta.  Ang aking mga bibig ay sumabay sa tugtugin. Isang kantang nagbigay ng lakas ng loob sa akin. 
Habang may buhay, habang may buhay hangga't ang dugo ko ay dumadaloy sa'yo lamang iaalay ang aking buhay.
Naalala ko ang aking pamilya. Ang sabi ni ama bibili siya ng bagong trumpeta. Ang tanong ko nasaan na ang luma? Ang tugon niya ibinigay niya sa isang kaibigan.
Umasa ako sa bagong trumpeta. At muling marinig ang musika ni ama. Ngunit isang trahedya ang naganap. Isang bomba ang sumabog sa pabrikang pinapasukan nila ni ina.
Natigilan ako. Basa na ang mukha ko sa mga luhang ibinuhos ko. Nakita ko ang taong grasa na nakatingin sa akin. At ang wika niya huwag akong mawalan ng pag-asa.
Napapikit ako nang muling pumailanlang ang himig ng trumpeta. Ang himig nito ang nagbigay ng pag-asa sa akin para mabuhay. Inilipat ko ang aking paningin sa paligid ng overpass. Ako ay nagulat. Bakit nakangiti ang mga pulubing pilay?


MAINGAY ang syudad. At nadagdagan ito mga sigawan ng mga taong nakapaligid sa buong hi-way. Mataas na pala ang araw.  At ang mga tao ay nag-uumpukan sa hagdanan ng overpass.
Bumaba ako ng overpass. Nakibalita. At nagimbal ako sa aking nasaksihan. Isang batang babae ang nasagasaan kasama ang isang poodle. Buhay ang batang babae. Patay ang aso. Lasug-lasog na ang katawan nito. At kalong-kalong ng batang babae. Isinakay sa isang sasakyan. Umaasa na maililigtas pa sa panganib ang asong duguan.
Lumipad ang aking paningin sa isang sulok ng kalsada. Natutop ng dalawa kong kamay ang bibig ko. Nakita ko ang taong grasa.  Nakabulagta, at habol ang paghinga.
 "Iniligtas niya ang batang babae. At sinubukang iligtas ang aso." Bulung-bulungan ng mga tao.
Habang papalapit ako sa kinaroroonan niya ay palayo naman ang ibang taong animo'y walang pakialam. Lumuhod ako sa kinaroroonan niya.
"H-huwag! Lumaban ka," ang mahina kong daing sa aking sarili. At wala na akong nagawa kundi ang yakapin ang taong nagbigay sa akin ng lakas ng loob. "Tulungan n'yo kami. H-hindi siya asoooo. Isa siyang tao," malakas kong sigaw sa mga taong nakapaligid sa amin. Mga taong nandidiri sa kanilang nakikita.
 Gumalaw siya. At doon ko napansin ang grasang bumabalot sa kanyang katawan ay nagmistulang kulay pula.
Ibinuka niya ang kanyang bibig. Bakas sa mukha ang labis na paghihirap. "H-huwag kang mawalan ng pag-asa." Kasabay ng huling salita ang paghugot niya nang malalim na paghinga. At doon ko napansin ang hawak niyang trumpeta na ngayon ay nabahiran na ng dugo.
Wala ng salitang lumabas pa sa aking bibig. Bumara na ang aking lalamunan sa tindi ng sakit na nararamdaman. Naghalo na ang sipon, luha at dugo sa aking mukha. Napakasakit. Ang taong grasa ay isang tao at hindi isang asong hinahayaang mamatay sa gitna ng kalsada. Lahat natatakot - natatakot mabahiran ng dugo ang magandang kasuotan.


NAMATAY ang taong grasa. At isang alaala ang iniwan niya sa akin. At ito ang lumang trumpeta. Pinagmasdan ko ito. Nawala na ang bahid ng grasa. Napangiti ako. Bakit kahawig ng kay ama?


Ako si Joe. Binata, at patuloy na haharapin ang buhay kahit na nag-iisa.


WAKAS
Sa Panulat ni JonDmur






25 comments:

  1. I can't even make a blink of an eye while reading your short story. Very powerful and it catches the reality of life. Indeed, we cannot judge and we shouldn't judge by how a person looks. Each of us has something to share to one another. Each of us possess a quality distinct from each other. A quality that in the long run will be a lifeline for another person's need. And in this story, it's the taong grasa and his trumpet that brings the character to life again. That we should live even when we struggle. Sometimes, we cannot choose our circumstances but it is in the grace of God that will bring beauty into it. You're really a brilliant story teller and script writer or should I say a novelist pareng Jon, Keep it up! Great work indeed!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! na touch naman ako diyan... thanks thanks talaga!

      Delete
  2. omg ang sad ng ending...

    ..another great story from idol writer Jon! Bilib talaga ako sa writing skills at creative mind mo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. idol talaga hehehe... thanks Zai.... smile always

      Delete
  3. magaling ang kwento. nakakaantig ng damdamin ng magbabasa.

    sa ating lipunan, lalo na ng mga nakaangat sa buhay, ang tingin sa mga pulubi at pagala gala sa lansangan ay salot, balewala sa kanila ang buhay ng isang taong grasa o pulubi.

    pero kung susuyuring mabuti ang buhay nito, matatagpuan ang katotohanan ng mga pangyayari, hindi huwad, wala pagbabalatkayo, nandon ang kabuluhan, nandon ang karanasan.

    magandang araw sir. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sa pagbasa at comment....

      un nga ang masakit minsan kasi sa lipunan natin madalas nababalewala ang mga mababang uri ng tao...

      sana lahat na lang pantay pantay...

      Delete
  4. Kinilabutan ako. Hindi ako bumitaw.

    Nasagi rin ng isipan ko nang isang tanong na, ano kaya ang naiisip ng isang taong grasa? Bakit sila masaya? Ano ang kanilang nakaraan.

    Sa pagitan ng batang babae at asong nasagasaan, parehong binigyan ng buhay ng Panginoon ngunit bakit naiwan ang aso at hindi na iniligtas? Dahil ba hindi natin sila kalahi? Mas mababa ang uri?

    Nakakalungkot ang wakas sa mabuting taong iyon. Hindi ko siya tatawaging taong grasa dahil mas tao pa siya kesa sa iba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Tonio.... uo nga eh... minsan ganyan talaga ang buhay....

      Thanks ulit ^^

      Delete
  5. ang ganda ng story.. nakakaantig.. may buhay nga din naman ang lahat na dapat bigyang halaga.. galing mo talaga sir jon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sa pagbasa... wag na sir.... hehehe

      enjoy lagi ^^

      Delete
  6. Replies
    1. wag na iyak hehehe.... thanks sa pagbasa ^___^

      Delete
  7. Galing at ang dami aral although malungkot. Bless you dear for this gjft :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po ^^ thanks kasi nagustuhan nyo ^_^ hugs ^^

      Delete
  8. ay grabe naman ito sir Jon *sniff* napakaganda ng moral of the story although ang sad ng ending. so friend pala ng tatay ni Jpe yung taong grasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks fiel... sad din ako nung time na sinulat ko yan hehehe...

      thanks sa pagbasa...

      Delete
  9. kinikilabutan ako habang binabasa ko to!
    malungkot! brutal! sumasalamin sa realidad!
    kawawa namn ung taong grasa

    kakalungkot talaga!
    pero kung iisipin mo baka kabilang tayo dun sa mga nag kikibit balikat sa sitwasyong nakasaad sa storya

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks pareng MEcoy....

      yup minsan ganyan talaga ang lipunan... hindi pantay pantay... mas kawawa ung mga nasa ibaba..

      thanks sa comment...

      Delete
  10. one of the best na naman idol... galing... tagos sa laman ang emosyon...

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks senyor..... thanks sa pagbasa...

      may idol talaga hehehe

      ingat lagi.... enjoy enjoy ^^

      Delete
  11. nabasa ko po lahat ng sinulat nyo lahat wala akong masabi ang galing...;)

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete